Close
 


Top 6 Decisions na Magpapayaman Sa'yo [MUST WATCH]
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ngayon ay ibabahagi ko sayo ang 6 decisions na magpapayaman sayo. Araw-araw ay gumagawa tayo ng desisyon. At ang bawat desisyon na yun ay merong resulta. Kung oobserbahan mo ng mabuti. Halos lahat ng bagay na pumapalibot sa iyong buhay ngayon ay bunga lang ng iyong mga desisyon. Ang paggawa ng mabuting desisyon ay hindi madali, pero dito nagsisimula ang lahat ng pagbabago. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO 02:26 SAVE MONEY. 04:00 START YOUR OWN BUSINESS. 05:59 KNOWLEDGE IS POWER. 07:47 HEALTH IS WEALTH. 09:03 THE POWER OF OUR ENVIRONMENT. 10:50 THINK BIG. CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #DesisyonNaMagpapayamanSayo #PayamanTips #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 12:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Araw-araw ay gumagawa tayo ng desisyon at ang bawat desisyon na yun ay merong resulta, cause and effect nga kung tawagin.
00:19.0
Meron mga desisyon na hindi mo agad makikita ang kanyang resulta, katulad ng pag-iipon.
00:25.0
Kung goal mong makaipon ng 200,000 pesos at ang naiipon mo pala ngayon ay 30,000 pesos, malayo ka pa sa resulta na gusto mong makuha.
00:34.0
Pero kung consistent ka lang sa iyong desisyon na mag-ipon, balang araw ay maaabot mo rin ang iyong goal.
00:41.0
Kung obserbahan mo ng mabuti at kung magpakatotoo ka sa iyong sarili, halos lahat ng bagay na pumapalibot sa iyong buhay ngayon ay bunga lang ng iyong mga desisyon.
00:51.0
Kung malusog ka ngayon, yan ay dahil sa desisyon mo na kumain ang tama, mag-exercise at magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.
00:59.0
Kung marami kang ipon at meron kang investments, yan ay dahil sa desisyon mo na gamitin ng maayos ang iyong pera.
01:06.0
Pero hindi sa lahat ng panahon ay madali ang paggawa ng mabuting desisyon, madalas ay ginagawa natin ang isang bagay dahil sa convenient ito.
01:15.0
Alam natin na ang tamang desisyon ay merong kasamang sakripisyo at minsan ay hindi ito komportabli na gawin.
01:22.0
At siguro ay isa ito sa dahilan kung bakit karamihan sa atin ay ginagawa ang mga bagay na hindi nagdudulot ng magandang resulta.
01:30.0
Alam natin kung ano yung tama, pero ang ating mga desisyon ay kasalungat sa gusto nating mangyari.
01:36.0
Gusto nating makaipon, pero nakafokus tayo sa paggastos.
01:41.0
Gusto nating lumaki ang ating income, pero wala tayong ginagawa.
01:45.0
Ang paggawa ng mabuting desisyon ay hindi madali, pero dito nagsisimula ang lahat ng pagbabago.
01:52.0
Kung sawa ka na sa uri ng buhay na meron ka ngayon at alam mo na deserve mo ang magkaroon ng magandang lifestyle,
01:58.0
kailangan mo lang gumawa ng goal at dyan mo ibase ang iyong mga desisyon.
02:03.0
Meron ngang sikat na kasabihan na kung ano ang iyong itinanim, siyang aanihin.
02:08.0
Kung goal mo na yumaman, dapat ay gagawin mo rin ang mga bagay na nagdudulot ng yaman.
02:13.0
Kaya naman sa video natin ngayon, ibabahagi ko sayo ang anim na desisyon na kapag ginawa mo
02:19.0
ay makakatulong sayo sa pag-abot ng yaman na iyong hinahangad.
02:26.0
Number 1. Mag-ipon ka na ngayon.
02:28.0
Lahat ng mga malalaking bagay ay nagsimula sa maliit.
02:31.0
Kung gusto mong yumaman, kailangan mo munang matutunan ang mga basic
02:36.0
bago mo simulang unawain ang komplikadong parte.
02:39.0
At isa sa mga basic at fundamentals ng wealth creation ay ang pag-iipon.
02:44.0
Bago mo matutunan ang pag-iinvest at pag-nenegosyo, kailangan mo munang dumaan sa pag-iipon.
02:50.0
Dahil kung marunong kang mag-ipon, ibig sabihin na meron kang disiplina sa paghahawak ng iyong pera.
02:56.0
Alam mo na ang iyong mga wants at needs at meron ka ng control sa iyong emosyon.
03:01.0
Mahalaga na mag-desisyon ka na ngayon na mag-ipon ng pera.
03:04.0
Tigilan mo na ang pamumuhay ng paycheck to paycheck at simulang ipunin ang 10-30% ng iyong income.
03:11.0
Kahit wala ka pang dahilan ngayon kung para saan ka mag-iipon, mag-ipon ka pa rin.
03:16.0
Mas mabuti nang meron kang pera kahit wala ka pang paggagamitan
03:20.0
kaysa yung kailangan mo na ng pera pero wala kang madudukot.
03:23.0
Kung gusto mong yumaman, kailangan mong sanayin ang iyong sarili na mag-ipon.
03:27.0
Dahil sa hinaharap, kapag nakaipon ka na ng malaking halaga, marami kang choices.
03:33.0
Pwede kang magsimula ng negosyo o di kaya ay mag-invest,
03:36.0
nang sa ganun ay meron kang asset sa iyong pagdanda at makapagretiro ka
03:41.0
nang hindi umaasa sa tulong pinansyal ng ibang tao.
03:44.0
Ang desisyon mo na mag-ipon ngayon ay isang mabuting desisyon na gagawin mo para sa iyong sarili.
03:50.0
Yan ay nangangahulugan na umaako ka ng responsibilidad at seryoso ka na baguhin ang quality ng iyong buhay.
03:59.0
2. Magsimula ka ng sarili mong negosyo
04:03.0
Isa sa mapait na katotohanan ng pagiging employee ay kikita ka lang ng pera as long as kaya mo pang magtrabaho.
04:10.0
At isa pa, ang iyong trabaho ay hindi mo ito mapapamana sa iyong mga anak.
04:15.0
Kaya magdesisyon ka na ngayon na magsimula ng sarili mong negosyo.
04:19.0
Kahit maliit pa lang ang iyong ipon at wala ka pang masyadong alam sa pagsisimula ng negosyo,
04:25.0
gawin mo pa rin itong goal.
04:27.0
Pero gusto ko lang linawin na walang masama sa pagtatrabaho.
04:30.0
Kung nag-i-enjoy ka sa iyong ginagawa ngayon,
04:33.0
nakukuha mo lahat ng iyong pangangailangan gamit ang income na galing sa iyong trabaho at nakakaipon ka pa rin ng pera,
04:40.0
maganda yan at magpatuloy ka lang.
04:42.0
Pero kung pakiramdam mo ay merong kulang,
04:45.0
alam mo na meron ka pang kayang gawin beyond sa pagtatrabaho,
04:48.0
gusto mong ikaw ang may hawak ng iyong oras at gusto mong gawin ang mga bagay na passionate ka,
04:53.0
na babagay sa iyo ang magnegosyo.
04:56.0
Marami sa atin ay ayaw pag-usapan ang negosyo at ayaw magsimula dahil natatakot tayo.
05:02.0
Iniisip agad natin na baka malugi,
05:04.0
masasayang lang ang ating pagod at perang ininvest at baka pagtatawanan lang tayo ng ating mga kaibigan at kamag-anak.
05:12.0
Pero kahit posibleng na malugi at mag-fail ang isang negosyo,
05:15.0
posibleng rin naman na magsaksid ito,
05:18.0
posibleng matutulungan mo ang ibang tao na magkaroon ng trabaho
05:21.0
at posibleng rin dito kaya yaman.
05:24.0
Nahihirapan tayong magsimula dahil ang iniisip lang natin ay ang risk at nakakalimutan na natin yung malaking reward.
05:31.0
Para sa akin ay mas risky yung wala kang gagawin ngayon at patuloy lang na iaasa sa trabaho ang iyong income.
05:38.0
Dibali ng maliit ang iyong negosyo,
05:40.0
as long as meron kang freedom na gagawa mo yung mga gusto mong gawin
05:45.0
at naibibigay mo ang pangangilangan ng iyong pamilya at ng iyong sarili habang hawak mo ang iyong oras.
05:51.0
Kisa yung meron kang stable na trabaho pero pakiramdam mo ay hindi mo na i-express ang iyong potensyal.
06:04.0
Kung committed ka na yumaman, dapat ay pahalagahan mo ang karunungan kisa sa pera.
06:09.0
Dahil kung nakafokus ka lang palagi sa pera, nakafokus ka sa maling target.
06:14.0
Mahalaga ang pera pero kailangan mo rin intindihin na ito ay risulta lamang.
06:18.0
Sahalip na magfokus ka sa pera, dapat ay magfokus ka sa mga bagay na kayang maggenerate ng pera.
06:25.0
Ayon sa nagawang pag-aaral ng author ni si Thomas Curley,
06:28.0
ang mga taong naging mayaman ay constant na nag-i-improve.
06:32.0
Sinasanay nila ang kanilang sarili na matuto sa maraming bagay
06:36.0
dahil alam nila na ang kaalaman ay ang pinakamahalagang puhunan sa pagyaman.
06:41.0
Ginagamit nila ang kanilang free time para matuto.
06:44.0
It's either sa pagbabasa ng libro at business magazine,
06:47.0
panonood sa interview ng mga successful entrepreneurs,
06:51.0
pakikinig ng mga podcast at audiobooks,
06:54.0
o di kaya ay pagsusulat ng mga magagandang ideya sa kanilang journal.
06:58.0
Ang desisyon na matuto ay ang pinakamahalagang investment na gagawin mo,
07:03.0
dahil dito nagsisimula ang lahat.
07:05.0
Tandaan mo na ang pera ay naa-attract sa value,
07:08.0
at ang value ay nagmumula yan sa iyong skills,
07:11.0
at ang skills ay nagmumula sa iyong kaalaman.
07:14.0
Lahat ng tao ay gustong umaman,
07:16.0
pero hindi lahat ng tao ay willing na magsakripisyo at matuto.
07:21.0
Kaya kung gusto mong mapabilang sa mga successful na tao,
07:24.0
magdesisyon ka na ngayon na matuto na ng skills na kailangan mo para magtagumpay.
07:30.0
Kahit 30 minutes araw-araw,
07:32.0
malaking pagbabago na ang kayang ibahagin yan sa iyong hinaharap.
07:36.0
At siyempre, huwag mo rin kalimutang mag-take ng aksyon,
07:39.0
dahil kahit mahalaga ang pagkuhan ng impormasyon,
07:42.0
wala pa rin mangyayari kung wala kang gagawin.
07:51.0
Kahit isa ito sa mga payo na madalas nating naririnig,
07:54.0
ito rin ang madalas nating ina-underestimate.
07:57.0
Dahil sa kagustuhan ng karamihan na kumita ng pera,
08:00.0
nakakalimutan na nila ang kanilang kalusugan.
08:03.0
Akala nila ay walang bilang ang kalusugan kung goal mo na umaman.
08:07.0
Pero ang katotohanan ay hindi ka magiging productive,
08:11.0
hindi ka makakapag-isip ng maayos
08:13.0
at hindi mo maa-appreciate ang iyong pera kung hindi ka malusog.
08:17.0
Kaya isa sa mahalagang desisyon na gagawin mo ngayon ay alagaan ang iyong kalusugan.
08:22.0
Kumain ka ng mga pagkain na mababa lang ang calories.
08:26.0
Huwag mo rin kalimutan ang physical exercise.
08:29.0
Uminom ka ng maraming tubig at magpahinga ng sapat na oras.
08:33.0
Pwede mo rin idagdag sa iyong daily routine ang mental exercise at spiritual exercise.
08:39.0
Tandaan mo na kapag malusog ka, marami kang magagawa.
08:43.0
Pwede mong i-explore ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon.
08:46.0
Makakapagtrabaho ka ng maayos
08:49.0
at makakasama mo rin ng mahabang oras ang iyong mga mahal sa buhay.
08:53.0
Kaya huwag mong hayaan na mag-develop mo ang maling habit.
08:56.0
Alagaan mo ang iyong sarili at gawin mong investment ang iyong kalusugan.
09:07.0
Isa sa mga dahilan kung bakit ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman,
09:11.0
yun ay dahil pinapalibutan nila ang kanilang sarili ng mga mayayaman na tao.
09:16.0
Sahalip na problema ng ibang tao ang topic nila,
09:19.0
ang madalas nilang pinag-uusapan ay strategy at opportunity.
09:24.0
Ang pakikipag-network sa mga successful na tao at mga tao ang gusto rin yumaman
09:29.0
ay mahalagang desisyon na kailangan mong gawin ngayon.
09:32.0
Pero kailangan mo rin intindihin na hindi lahat ng tao sa iyong paligid ay merong goal na katulad sayo.
09:38.0
Pero kahit ganun pa man, malalaman mo pa rin kung sino ang tunay mong kaibigan
09:43.0
at tao ang dapat pakisamahan kapag ramdam mo ang kanilang suporta at respeto sa iyong mga desisyon.
09:50.0
Aksaya lang ng oras ang pakikipagsama sa mga tao ang hinihila ka pa baba at hindi naniniwala sayo.
09:56.0
Hindi ka makakaangat kapag mga utak talang ka ang nasa iyong paligid.
10:00.0
Totoo yung kasabihan ni Jim Rohn na
10:07.0
Kung ang madalas mong kasama ay puro negative at merong masamang pananaw sa pagyaman,
10:11.0
hindi mo lang mamamalayan na isa ka na sa kanila paglipas ng panahon.
10:15.0
Negative ka na rin at ayaw mo sa mga mayayaman.
10:19.0
Hindi ka makakapag-isip ng mga positibong bagay kung pinapalibutan mo ang iyong sarili ng mga negatibo mag-isip.
10:26.0
Napakakritikal na mga tao sa iyong paligid dahil malaking impluensya ang naipibigay nila sayo.
10:32.0
Totoo yung kasabihan na
10:35.0
Kaya piliin mong mabuti kung sino ang gusto mong makasama.
10:39.0
Kung gusto mong maging successful, piliin mo yung mga tao ang pinapahalagahan ang iyong personal development
10:46.0
at proud sayo kapag meron kang achievement.
10:50.0
Number 6. Mangarap ka ng malaki
10:54.0
Ayon sa sinabi ni Tim Ferriss,
10:56.0
Think big and don't listen to people who tell it can't be done.
11:00.0
Life is too short to think small.
11:03.0
Ang mangarap ng malaki ay isa rin sa mahalagang desisyon na kailangan mong gawin
11:07.0
dahil kapag meron kang malaking pangarap,
11:09.0
nabibigyan mo rin ng challenge ang iyong sarili na mag-sumikap at hindi mag-settle sa average na buhay.
11:16.0
Ang tagumpay at pagyaman ay nangangailangan ng tinatawag na mental toughness
11:21.0
dahil talagang hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok.
11:25.0
Gustohin man natin o hindi, darating at mararanasan natin ito.
11:29.0
Pero kapag meron kang pangarap na malaki,
11:32.0
gagawin mong advantage ang problema at gagamitin mo ito bilang isang opportunity na matuto.
11:38.0
Kaya simula ngayon, mangarap ka ng malaki.
11:41.0
Kailangan mong kumbinsihin ang iyong sarili na maging successful.
11:45.0
Huwag mong sabihin sa iyong sarili ang mga bagay na hindi mo gustong mangyari sayo
11:50.0
at maniwala ka lang na magiging successful ka sa hinaharap.
11:56.0
At yan ang 6 na desisyon na kailangan mong gawin simula ngayon.
11:59.0
Ang mag-ipon ng pera, pagsimula ng sarili mong negosyo,
12:03.0
sanayin ang iyong sarili na matuto, alagaan ng kalusugan,
12:07.0
piliin ang maayos ang mga tao sa iyong paligid at ang pagkakaroon ng malaking pangarap.
12:14.0
Alin sa 6 na desisyon ang marami kang natutunan at gusto mo ng gawin simula ngayon?
12:19.0
Magbigay ka ng comment sa iba ba.
12:22.0
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
12:25.0
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
12:31.0
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account at mag-follow.
12:35.0
I-like kung nagustuhan mo ang video, mag-comment ng iyong mga natutunan
12:40.0
at i-share mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
12:43.0
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.