Close
 


Philippine Revolution (1896 - 1898) | Wars in the Philippines
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Philippine Revolution sa loob ng 21 na minuto. Matapos ang mahabang panahon ng pamumuno ng mga Espanyol, Nagising at naghangad ang mga Pilipino ng Kalayaan. Sa videong ito ay ipapakita ang mga pangyayari sa Philippine Revolution, kasama ang mga sakripisyo, labanan at mga di malilimutang pagkakataon sa paghangad ng pagkamit ng kalayaan ng mga Pilipino. Ito ang simula ng Wars in the Philippines Wars in the Philippines Episode 1: Philippine Revolution - https://youtu.be/FR1cLENDDVg Episode 2: Philippine-American War - https://youtu.be/pN-BjltXJ2E Episode 3: Moro Rebellion - https://youtu.be/b3neQ6PcqdM Episode 4: Japanese Occupation - https://youtu.be/ovG6eAXIQBY This part of our series, 'Wars In The Philippines' explores the significant wars that have defined the Philippines. Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.
Moobly TV
  Mute  
Run time: 21:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Bolo, laban sa mga baril. Ganito ang sitwasyong kinaharap ni Andres Bonifacio at iba pang katiponero noong pinaplano ang revolusyon.
00:09.3
Ngunit, paano nila ito nalampasan? Maniniwala ba kayo kung sabihin kong lumapit sila sa mga Japon? Paano ba nagsimula ang revolusyon?
00:19.1
Bumalik muna tayo sa kung kailan at paano nagsimula ang pakikibaka.
00:31.3
Sabay sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagbubukas nito sa kalakalan, nagkaroon na din ng mga middle class na Pilipino.
00:39.2
Ang mga anak nila ay nakapag-aral sa mga unibersidad at sa Espanya. Sila ang mga ilustradong unang bumuo ng reform movement sa Espanya.
00:49.3
Hindi man ito naging matagumpay, nagbunga naman ito sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakabuo ng katipunan.
01:00.1
Ang mga paring Pilipino din ay may malaking kontribusyon sa pagsisimula ng revolusyon sapagkat sila ang unang sumulat tungkol sa pagmamahal sa bansang Pilipinas.
01:10.9
Sila ang unang nakibaka laban sa mga priling Espanyol at ang pagkamatay ng Gomburza o ang tatlong paring martir na sinabot.
01:19.1
Ang mga paring Pilipino din ay may malaking kontribusyon sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatatag ni Rizal ng Gomburza o ang tatlong paring martir na sinabot.
01:49.1
Ang mga paring Pilipino din ay may malaking kontribusyon sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina.
02:19.1
Ang mga paring Pilipino din ay may malaking kontribusyon sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina.
02:49.1
Ang mga paring Pilipino din ay may malaking kontribusyon sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina na kalaunan ay nagresulta sa pagkakatatag ni Rizal ng La Liga Filipina.
03:19.1
Ngunit hindi sumuko ang mga praile.
03:22.0
Sunod sa nilapitan ng mga praile ay ang military governor ng Manila, si General Ecaluche.
03:28.2
Inaksyonan ni General Ecaluche ang reklamong ito.
03:31.4
Noon din ay nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan ni na Apolonio de la Cruz at Pedro PatiƱo sa Diario de Manila kung saan iniimprenta ang mga dokumento na may kinalaman sa katipunan.
03:44.5
Napikon si PatiƱo at bilang ganti ay sinabi niya sa kanyang kapatid na,
03:49.1
na si Honoria ang tungkol sa katipunan.
03:52.2
Sinabi ito ni Honoria kay Sor Teresa, isang madre, at noong nalaman ito ng madre ay pinayuhan niya si PatiƱo na sabihin itong lahat kay Father Mariano Gil, ang kura ng tondo.
04:05.5
Dito na nabunyag ang sikreto ng katipunan, lalo pa itong napatunayan nang halughugin nila ang Diario de Manila at doon ay nakita ang lithographic stone na ginagamit sa pag-imprenta ng resibo ng katipunan.
04:19.1
Isang pangalan na natagpuan sa mga resibo ay ang kay Policarpio Turla.
04:24.4
Noong hinalughug ang lakar ni Turla ay nakita ang mga bolo at mga papel na magpapatunay na bahagi siya ng katipunan.
04:32.4
Binigay ito sa mga otoridad at doon na nakumbinsi ang Spanish government na mayroon nga talagang namumuong revolusyon.
04:40.1
Agad-agad itong sinundan ng pagdakip sa mga pinaghihinalaang miyembro na umabot sa humigit kumulang limang daang katao.
04:47.1
Kabilang na sa mga inaresto,
04:49.1
ay ang mga mayayamang Pilipino na hindi tumulong sa katipunan.
04:53.6
Paano ito nangyari?
04:55.1
Noong lumapit sila Bonifacio sa mga taong ito, tumanggi silang sumuporta sa pakikibaka.
05:00.5
Kaya naman, gumawa sila ng listahan ng kanilang pangalan at pinag-aralan ng kanilang mga pirma.
05:06.1
Gumawa sila ng mga pekeng liham na may pekeng pirma.
05:09.6
Sa pamamagitan nito, pinalabas nila na parang malaki ang parte ng mga mayayamang pangalan na ito sa revolusyon.
05:15.8
Kabilang sa mga ito ay si Luis Arijanco.
05:19.1
At Francisco L. Rojas.
05:21.3
Inaresto sila, ngunit si Iangco kasama ang iba pa ay nakaligtas sa death penalty.
05:27.3
Ngunit si Rojas ay hinatulan ng kamatayan.
05:31.1
Noong malaman ni Bonifacio na nabunyag na ang katipunan, ay agad din siyang umaksyon.
05:36.1
Tinipo niya ang mga leader ng katipunan.
05:38.7
Nagtungo sila sa Balintawak at mula doon ay nagtungo sa Kangkong at sa wakas ay sa Pugadlawid.
05:46.1
Dito sa bahay ni Juan Ramos,
05:49.1
At sa bahay ni Melchorra Aquino,
05:51.1
Tinanong ni Andres Bonifacio ang mga katipunero kung handa silang lumaban hanggang kamatayan.
05:57.1
Lahat ay madamdaming sumang-ayon, maliban lamang kay Teodoro Plata na naniniwala na hindi pahanda ang katipunan.
06:05.1
Ngunit hindi nito napigilan ang umaalab na damdamin ng mga Pilipino.
06:10.1
Sa utos ni Bonifacio ay sabay-sabay nilang pinunit ang mga sedula o ang katumbas ng kanilang residence certificate,
06:18.1
Ito ang pagdeklara ng kanilang paglaban sa Espanya.
06:21.1
Ito na rin ang naging hudyat ng simula ng revolusyon.
06:24.1
Ito ang sigaw sa Pugadlawid.
06:28.1
Ngunit ang madamdaming kaganapang ito ay bigla na lamang natigil nang may isang sundalo ang sumigaw.
06:35.1
Nasundan na sila ng mga gwardya sibil at kailangan na nilang umatras sa kabundukan.
06:40.1
Naglakad sila papuntang Pasong Tamo at nang sumunod na araw narating nila ang bahay ni Tandang Sora.
06:46.1
At doon ay nagpahinga muna.
06:49.1
Napag-usapan na sa August 26 ay sasalakayan nila ang Manila.
06:54.1
Ngunit umaga ng August 25 sinabihan ng mga kababaihan sina Bonifacio na paparating na ang mga gwardya sibil.
07:02.1
Nagkaroon ng putukan sa pagitan ng dalawang kampo.
07:05.1
Dalawa ang namatay sa hanay nila Bonifacio.
07:08.1
Dito ay napag-isipan nilang umatras habang ang mga Spanish Army naman ay nakitang mas marami ang mga rebeldeng Pilipino.
07:15.1
Kaya umatras din sila.
07:17.1
Noong sumunod na araw, Agosto 26, pinasok ng mga Spanish Army ang Pasong Tamo.
07:23.1
Ngunit wala na doon ang mga rebelde dahil papunta na silang Balara.
07:28.1
Upang ipalabas na nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga rebelde at mga Spanish Army,
07:33.1
ay pinagbabaril ng mga Espanyol ang mga inosenteng magsasakaroon na wala namang kamalay-malay sa mga nangyayari.
07:40.1
Samantalang sina Bonifacio naman ay narating na ang Marikina.
07:44.1
At tumungo sila sa Hagdang Bato.
07:46.1
Kinabukasan din, nag-issue si Bonifacio ng manifesto.
07:50.1
Nakalagay dito ang pangienganyo niya sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Kastila at salakayin ang Manila.
07:57.1
Ngunit hindi ito nangyari dahil sa kakulangan sa armas.
08:01.1
Kaya't upang makaipon muna ng sapat na bala, sinalakay nila ang San Juan del Monte kung saan nakalagay ang mga powder magazine.
08:09.1
Sa kasamaang palad, natalo sina Bonifacio sa laban na ito.
08:13.1
Hindi naman nito napigilan ang mga Pilipino.
08:15.1
Mabilis na kumalat ang revolusyon.
08:17.1
Sa Pasig ay nagmarcha ang libu-liwong revolusyonaryo at inatake ang mga maliliit na grupo ng Gwardiya Sibil.
08:24.1
Kasabay nito ay ang pag-atake ng apat na raan na katao sa Simbahan ng Pandakan, kung saan sa sobrang takot ng kura ay nagtago siya sa kampanaryo.
08:34.1
Lumagana pa ito sa Pateros, Taguig, Caloocan, Cahuit, San Francisco de Malabon, Noveleta at San Pedro Valle.
08:42.1
Habang si Bonifacio naman at ang kanyang grupo ay inatake ang San Mateo, Marikina at Montalban at nakuha nila ang mga ito.
08:51.1
Ngunit kalaunan ay nakuha din pabalik ng mga Espanyol.
08:55.1
Nang matalo ang mga Pilipino sa Battle of Lanca River, pinag-utos ni Bonifacio na bumalik sila sa Balara.
09:02.1
Nasundan sila ng mga Espanyol at sa labanan na nangyari ay muntik nang matamaan ng bala si Bonifacio habang pinoprotektahan si Jacinto.
09:11.1
Sa San Isidro naman, inatake ng mga rebelde ang Spanish Garrison, bidbit lamang ang mga bolo.
09:17.1
Habang umiinit ang revolusyon ay mas lalo namang dumoble ang pagkilos ng Spanish Government upang mahuli ang mga pilaghihinalaang rebelde.
09:26.1
Pinasok nila ang mga tahanan ng mga kasapi sa Katipunan at doon ay kinuha ang lahat ng pwedeng maging ebidensya.
09:32.1
Ang mapapatunayan bilang kasapi ay kaagad na kinukulong.
09:37.1
Noong August 30 ay nagdeklara ng martial law si Governor Bonifacio.
09:40.1
Sa law si Governor Blanco sa mga probinsya ng Manila, Cavite, Laguna, Tarlac, Batangas, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.
09:50.1
Kasama sa deklarasyon na ito ay ang agarang pagaresto sa mga nagtatangkang sumalis sa mga rebelde.
09:56.1
Ngunit sa ilalim nito, may pulisiya na ang mga magsusurrender sa gobyerno ay hindi ikukulong.
10:02.1
Bilang tugon, madaming katipunero ang sumurrender. Ngunit mali ang kanilang akala.
10:08.1
Dahil tinorture sila at puwersahang ipinaamin kung sino pa ang kasama sa Katipunan.
10:14.1
Daan-daang pinaghihinala ang membro ng Katipunan ang ikinulong.
10:18.1
Ang ibang mula sa probinsya ay ipinadala pa sa Manila.
10:22.1
Ang iba ay namatay na sa suffocation dahil sa sobrang daming bilanggo sa Fort Santiago.
10:28.1
Tinorture ng mga sundalong Espanyol ang mga tao.
10:31.1
Sa ibang mga lugar ay nagkaroon ng mga malawakang pagpaslang o massacre.
10:36.1
Sa kalagitnaan ng revolusyon, nahati sa dalawang paksyon ang Katipunan.
10:41.1
Ang dalawang paksyon na ito ay ang Magdalo at Magdiwang.
10:45.1
Ang Magdalo ay pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo.
10:48.1
Samantalang ang Magdiwang naman ay pinamunuan ni Mariano Alvarez.
10:52.1
Si Baldomero Aguinaldo ay pinsa ni Emilio Aguinaldo.
10:56.1
Samantalang si Mariano Alvarez ay tiyuhin ni Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio.
11:02.1
Ang Magdalo ay tinawag na Katipunan ng Cavite.
11:05.1
Dahil ang kanilang headquarters ay nasa Cavite el Viejo na ngayon ay Kawit.
11:11.1
Maraming naging tagumpay ang Katipunan ng Cavite.
11:14.1
Gayun din naman ang Magdiwang.
11:16.1
Pero sa kabila ng mga tagumpay na ito ay may namuong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang kampo.
11:23.1
Paano ito nangyari?
11:24.1
Madaming rason.
11:25.1
Kabilang na dito ang kayamanan.
11:27.1
Ang Magdalo ay binubuo ng mga mayayamang prinsipalya o pamilya.
11:31.1
Habang ang Magdiwang ay binubuo ng mga ordinaryo,
11:35.1
at middle class na Pilipino.
11:37.1
Ngunit ang pinakamalaking dahilan ng pagkakabuo ng paksyon na ito ay ang extreme Cavitismo ng mga taga-Cavite.
11:44.1
Si Aguinaldo, na mayor noon ng Kawit, ay itinuring na Hero of CaviteƱos.
11:49.1
General Miong ang tawag sa kanya matapos niyang maipanalo ang isang laban.
11:54.1
Laban kay General Aguirre.
11:56.1
Sa sobrang pagmamahal sa kanya ng mga tao ay naging masama sa paningin nila si Bonifacio dahil ayaw nilang pamunuan sila ng isang hindi taga-Cavite.
12:05.1
Kumbaga, naging ma-pride sila kaya naman ninais nilang magkaroon ng bagong revolusyonaryong gobyerno na iba sa katipunan.
12:14.1
Ang Magdiwang naman ay tumutol dito sapagkat para sa kanila ay sapat na ang katipunan sapagkat may sarili naman itong konstitusyon.
12:23.1
Kaya naman, upang tuluyang maresolba ang gusot sa pagitan nilang dalawa ay ipinatawag ang Tejeros Convention.
12:30.1
Ang layunin nito ay gumawa ng bagong gobyerno na magiging ang kongresol.
12:35.1
Nagiging uup sa pangangailangan ng revolusyon at maresolba ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang kapo.
12:42.1
Si Bonifacio ang nagsimula ng meeting. Iminungkahin ni Bonifacio na magtatag ng Democratic Republican Government.
12:49.1
Nanominate siya sa posisyon ng President ngunit natalo kay Aguinaldo.
12:53.1
Muli siyang nanominate sa pagka-Vice Presidente ngunit patuloy na natalo hanggang sa nanominate siya sa posisyon ng Interior Secretary.
13:02.1
Nanalo siya ngunit bigla na lamang kumot.
13:04.1
Bigla na lamang kumonta si Daniel Tirona at sinabing hindi nararapat si Bonifacio sa posisyon dahil hindi siya abogado.
13:12.6
Isa itong malaking insulto kay Bonifacio na siyang nagtatag ng katipunan.
13:18.2
Sa sobrang pagkadismaya ay idineklara niya ang pagpupulong na invalid o walang visa.
13:24.3
Sumangayo naman dito si Mariano Alvarez.
13:26.8
Sa katunayan sa kanyang liham para sa kanyang ama, sinabi ni Alvarez na bago pa magsimula ang meeting ay naguusap na ang mga taga-Kavite na hindi sila papayag na pamunuan ng isang hindi-Kavitenyo.
13:40.0
Isang araw matapos ang Tejeros Convention ay inilabas naman ni Bonifacio ang Acta de Tejeros na nagdedeklara sa Tejeros Convention bilang invalid o hindi legal.
13:51.1
Isang buwan matapos mapirmahan ang Acta de Tejeros ay naglabas muli ng kautusan sila.
13:56.8
Ang Acta de Naic kung saan sinasabing ang ibang leader ng katipunan ay tinraidor ang revolusyon.
14:05.4
Ito ay kaugnay sa pagpapakita ni Aguinaldo na parang gusto niyang makipagnegosasyon sa mga Espanyol matapos makatanggap ng isang liham mula sa Spanish Government.
14:16.0
Ang mas nakakaintriga pa ay ang mga pumirma sa Acta de Naic ay mga Heneral na kasapi din ni Aguinaldo.
14:22.9
Ibig sabihin lamang nito na makapangyarihan pa rin si Bonifacio.
14:26.8
At ito noon dahil na kaya niyang makuha ang loob ng mga ito.
14:30.9
Nang malaman nito ni Aguinaldo, pumunta siya sa Hacienda Naic kung saan inabutan niya si Bonifacio na inire-report ang diumanoy pagtraidor ni Aguinaldo sa revolusyon.
14:42.0
Tinignan ni Aguinaldo ang mga taong nandoon, mga sundalo at Heneral na akala niya ay tapat sa kanya.
14:48.9
Sinabihan siya ni Bonifacio na umupo at makinig.
14:51.8
Ngunit ang sabi ni Aguinaldo ay,
14:53.7
Kung kailangan ako dito, dapat ay inimbitan niyo ako.
14:57.5
Dahil dito, ang ibang Heneral ni Aguinaldo ay bumalik ang loyalty sa kanya.
15:03.1
Mula sa Naic, lumipat ng kampo sila Bonifacio sa Baryo Limbang sa Indang.
15:09.0
Noon din nalaman ni Aguinaldo ang mga dokumentong pinalabas ni Bonifacio.
15:13.7
Naging dahilan ito upang ipaaresto niya si Bonifacio.
15:16.8
Sa inkwentong nangyari sa pagitan ng mga loyal kay Bonifacio at sundalo ni Aguinaldo,
15:22.0
ay nasugatan sa lalamunan si Bonifacio.
15:25.1
Namatay ang kanyang kapatid na si Sir Iaco at sugatan naman si Procopio.
15:30.2
Sinakay sa duyan si Bonifacio noong dinala sa Naic, sa headquarters ng Revolusyon.
15:36.3
Isinailalim siya kasama ang kapatid na si Procopio sa paglilitis na ang mga judges ay kapanig lahat ni Aguinaldo.
15:44.1
Tumagal ang paglilitis mula April 29 hanggang May.
15:47.7
Matapos nito ay hinatulan sila ng treason kahit nakulang.
15:52.0
At makakita ang mgawag kang mag-evidence laban sa kanila.
15:56.4
Noong May 8 ay hiniling naman ni Baldomero Aguinaldo mula
15:59.1
kay General Aguinaldo ang approval ng Hato na kamatayan kay Bonifacio at sa kapatid niya.
16:04.4
Ngunit noong araw na iyon ay binaba ni Aguinaldo
16:08.5
ang Hato sa kamatayan sa banishment .
16:12.8
Ngunit tinutulan nito ng mga general ni Aguinaldo.
16:16.7
Para sa kanila kung mananatiling buchay si Bonifacio
16:20.3
Kaya naman, pinanindigan ni Aguinaldo ang desisyon ng Council of War na ang magiging parusa ay kamatayan.
16:30.8
Umaga ng May 10, inilabas ni Major Lazaro Macapagal si Bonifacio at Procopio mula sa kanilang kulungan sa utos ni General Noriel.
16:40.1
May binigay na sulat kay Major Lazaro Macapagal na maaari niya lamang buksan sa Mount Tala kung saan isasagawa ang hatol.
16:48.3
Noong marating na ang bundok, binuksan ito ni Macapagal. Nakalagay sa sulat na kapag hindi niya nagawa ang pagpatay sa magkapatid na Bonifacio ay magkakaroon siya ng kaukulang parusa.
17:01.3
Sa Mount Tala na nga natapos ang pakikibaka ni Bonifacio. Kasama niyang namatay ang kapatid na si Procopio sa kamay mismo ng kapwa Pilipino.
17:12.0
Pero hanggang ngayon ay palaisipan kung nasaan ba talaga ang kanyang mga labi.
17:16.8
Matapos ang pagpatay kay Bonifacio, nagpatuloy ang revolusyon. Dahil sa walang katapusang labanan, hiniling ni General Camilo Pula Vieja na siya ay palitan bilang Governor General.
17:29.2
Si General Primo de Rivera ang pumalit sa kanya. Nakita ni General Rivera na determinado ang mga Pilipinong lumaya mula sa mga Espanyol, kaya't nagpalabas siya ng mga kautusan na nagbibigay ng pardon sa mga Pilipino na magsusurrender.
17:44.9
Pumunta din siya ng Cavite upang personal ng pamahalaan ang labanan laban sa mga rebelde.
17:51.2
Sa mga panahon ito, halos kabuuuan ng Cavite ay nasa kamay muli ng mga Espanyol. Si Aguinaldo naman ay nasa Batangas para sa pagtatag doon ng kanyang headquarters.
18:04.0
Sinundan siya doon ng mga Spanish Army at pinalibutan ang kanyang hideout, ngunit hindi nila nahuli si Aguinaldo na noon ay nakatakas papuntang Morong.
18:13.6
Na ngayon ay Rizal. Kasama ang limandaan pa ng mga sundalo, nilampasan niya ang Pasig hanggang Malapad na Bato, San Juan del Monte at Montalban hanggang sa Mount Puray at mula dito ay tumungong Biak na Bato kung saan itinatag niya ang headquarters ng revolusyon.
18:32.8
Ang pagdating ni Aguinaldo sa Central Luzon ang naging hudyat upang magkaisa ang mga Pilipinong kasapi sa revolusyon sa parteng ito ng Pilipinas.
18:41.8
Si Aguinaldo kasama ang puwersa ni General Mariano Llanera ay inatake ang mga garrison ng mga Spanish soldiers sa Central Luzon.
18:51.3
Sa Puray naman sa Rizal, nagtayo ang mga revolusyonaryo ng Government of Central Luzon.
18:57.2
Nabigo si Primo de Rivera na kumbinsihin ang mga Pilipino na isuko ang kanilang mga armas, kaya't nag-issue siya ng kautusan na nagbabawal sa mga Pilipino na lumabas sa kanilang mga tahanan o mga barangay.
19:11.8
Ngunit mas lalo lamang nitong pinainit ang nais ng mga Pilipinong lumaban laban sa mga Espanyol.
19:18.5
Ngunit sa kabila nito ay nag-issue si Aguinaldo ng isang proclamation to the brave sons of the Philippines na nakadetalya ang mga revolusyonary demand ng mga Pilipino.
19:29.3
Dahil dito, parang lumabas na handa si Aguinaldo na isuko ang laban kung matupad ang mga kondisyon.
19:36.1
Ito ay sa kabila ng pagkakatatag ng Republic of Biak na Bato.
19:41.8
Sa sagsagan nito, isang Pedro Paterno ang nag-volunteer na maging middleman sa pagitan ng Spain at Pilipinas.
19:49.3
Siya ang nanguna sa negosasyong naganap sa pagitan ng dalawang kampo.
19:53.9
Ang negosasyong ito ay nagbunga sa isang kasunduan kung saan isinuko ni Aguinaldo at kasama mga Heneral ang kanilang mga armas at tumakas papuntang Hong Kong.
20:05.3
Kapalit ng pagbibigay ng Espanya ng reforma sa Pilipinas.
20:10.5
Ito ang PAN.
20:11.8
Ito ang Republic of Biak na Bato.
20:13.8
Ngunit hindi lahat ay sumang-ayon sa kasunduan ito.
20:16.8
Sa kabila ng pagsuko ng ibang revolusyonaryo, ang ibang Pilipino ay patuloy na humawak ng armas.
20:23.3
Wala silang tiwala sa Espanya.
20:25.6
Ganon din naman ang Espanyol sa mga Pilipino kung kaya't matapos umalis si Aguinaldo sa Pilipinas ay nagpatuloy ang mga bakbakan sa pagitan ng dalawang kampo.
20:35.3
At ito pa, ang mga revolusyon sa ibang dako ng Pilipinas ay hindi tumigil sa pagalis ni Aguinaldo.
20:41.8
Patuloy silang lumaban para sa kanilang kalayaan.
20:45.2
Ngunit hindi din magtatagal ang mga Espanyol sa Pilipinas sapagkat paparating na ang bagong mananakop.
20:52.7
Ano kaya ang mangyayari sa pagdating ng mga bagong dayuhan?
20:57.1
Ano ang susunod na hakbang nila Aguinaldo?
21:11.8
Thank you for watching!