Close
 


EDCA SITES Nadagdagan Sa Ilalim Ng Administrasyong Marcos, China Nagbabalang Madadamay Ang Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#edca #pbbm #westphilippinesea #china
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 05:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Marami man ang tumutol sa pagdaragdag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa bansa ay natuloy pa rin ito.
00:13.0
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, malaking ang pakinabang hindi lamang ang mga sundalong Pilipino kundi maging ang bansa sa pagtatayo ng Amerika ng mga pasilidad sa bansa.
00:36.0
Ang unang limang EDCA sites ay ipinesto sa Antonio Bautista Airbase sa Palawan, Basa Airbase sa Pampanga, Benito Ibuen Airbase sa Cebu, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at Lumbia Airport sa Cagayan de Oro.
00:51.0
Habang ang bagong apat naman ay ipinesto sa Naval Base Camilo Osea sa Santa Ana, Cagayan, Lalo Airport sa Lalo, Cagayan, Camp Melchor de la Cruz sa Gamo Isabela at Balabac Island sa Palawan.
01:04.0
Ayon sa Amerika, Pilipinas pa rin ang gumamay-ari ng mga pasilidad na ilalagay nila. Gagamitin lang anya ito ng mga sundalong Amerikano sa pagsasanay sa bansa.
01:34.0
Pero nagbabala ang China na dahil sa mga bagong EDCA sites ay baka madamay umano ang Pilipinas sa patuloy na tensyon sa Taiwan Strait.
02:00.0
Tatlo sa mga bagong EDCA sites ay malapit sa Taiwan. Ayon naman kay Pangulong Marcos Jr. hindi gagamitin ang EDCA sites sa pag-atake nino man kundi para lamang palakasin ang depensa ng bansa.
02:14.0
Hindi tayo papayag na gamitin ang mga bases natin para sa kahit anong offensive na aksyon. Ito ay para lamang tulungan ang Pilipinas kapag nangangailangan ng tulong ang Pilipinas.
02:28.0
Kaya at kung wala namang sumusugod sa atin, hindi na sila kailangan mag-alala dahil hindi naman sila natin lalabanan. At hindi naman ang ginagawa lamang natin ay patuloy natin at pinapatibay natin ang depensa ng ating teritoryo, ang pagdepensa ng Republika.
02:48.0
Ayon sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines, malaki ang maitutulong ng mga EDCA sites sa bansa gaya na lamang ng mabilis na pagresponde ng mga sundalong Amerikano sa panahon ng kalamidad at pananakop.
03:18.0
Because this is under the ambit of the mutual defense treaty. So these are the considerations and these facilities will remain to be our property.
03:29.0
I think the identification of the projects are aligned to the modernization program of the armed forces.
03:39.0
Sa ngayon patuloy ang pagsasanay sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino
03:44.0
at isa na dito ang tinawag na Cope Thunder Exercise na isang Air Force to Air Force Exercise.
03:50.0
Ayon sa Philippine Air Force na sa 10 klaseng air assets ng US,
03:54.0
ang kasali sa pagsasanay kabilang na dito ang F-22 Raptor ng US Air Force.
04:01.0
To hone our expeditionary skill set and to become more interoperable, of course our bigger strategic goal is to keep our Indo-Pacific region open and free.
04:16.0
These ready, capable combat forces serve as a deterrent to our aggressors and show our commitment to work to provide a peaceful and sustainable environment.
04:30.0
Samantala bukod sa Cope Thunder ay mayroon ding bilateral exercise ang US at Philippine Marine Corps na tinatawag na MASA 2023
04:39.0
kung saan nakasentro ang pagsasanay sa aviation support operation.
04:44.0
Tampok dito ang ilang assets ng US na CB-22 Osprey at Super Stallion Helicopter.
05:00.0
Sa kabila ng pagdami ng presyensya ng US military aircraft sa bansa, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na hindi daw dito dapat ikabahala
05:09.0
dahil bukod sa cover daw ito ng diplomatic clearance ay mahikpitin daw nilang binabantayan ang mga pagsasanay sa bansa.
05:29.0
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.