Close
 


AUTOPSIYA NI GOO HARA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends Download here: BEN SOUND SAD DAY https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description.
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 09:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa huling post nito sa kanyang Instagram account, habang ito ay nakahiga sa kanyang unan,
00:05.5
Good night, kinabukasan ay matutuklasan ang walan nitong buhay na katawan.
00:10.5
Ipinanganak ng 13 noong January ng taong 1991 bilang si Goo Hara sa Gwanju sa South Korea.
00:18.5
Bata pa lamang ay pangarap na nito na mapabilang sa mga grupo na malamang ay kanya rin naman na iniidolo.
00:25.3
Sa murang edade, hindi rin naging maganda ang buhay nito sa loob ng tahanan.
00:30.3
Sa edad niya na 8 taong gulang, ay naghiwalay na ng tuluyan ang kanyang mga magulang.
00:35.8
Sila ay dinalanan sa kanilang lola, matapos na silang magkapatid ay abandunahin ng kanilang sariling ina.
00:42.8
Ang kanyang ama naman ay palagi ang abala sa pagdatrabaho bilang isang construction worker upang sila naman ay matustusan.
00:51.3
At dahil palipat-lipat ng lokasyon ang ama, sa lola na sila ay namalagi at lumaki.
00:57.3
Sa Wuchu naman ito nagtapos ng elementarya at sa Jonam naman ito pumasok ng high school niya.
01:03.8
Doon sa loob ng dalawang taon ay nagsanay ito bilang manlalaro ng track and field.
01:09.3
Pumunta ito sa Seoul at naghasa ng fine arts.
01:12.3
Sumali ito sa patimpalak ng SM Entertainment para sa mga kabataan na kasing edad niya ng taong 2005.
01:19.8
Kalauna naman ay lumipat ito ng eskwelahan sa high school sa Donggyum Girls bago ito ay nagkolehyo.
01:26.8
Sa parehong mga panahon ito ay nagtrabaho na ito bilang si Guhara na isang model para sa mga damit na ibinibenta sa internet.
01:35.3
Nang taong 2007, naging matagumpay ang pagsalin ito sa JYP Entertainment.
01:41.3
Sa kabila ng lahat, hindi pa rin naman ito tumigil sa pagsisikap.
01:44.8
Alam na alam ni Guhara na hindi madali ang nais niya na pasuking mundo.
01:49.3
Kaya naman hindi pa rin tumigil ito.
01:52.3
Nang taong 2008, sumali ito sa grupo ng Kara matapos na umalis ang dating miembro nito na si Kim Sunghee.
02:00.3
Oktubre ng taong 2009, opisyal na itong kasama sa mga cast ng reality show ng KBS na ang Invisible You.
02:08.8
Ikaliman ng Enero ng taong 2010, lumabas naman ito sa reality show na ang Strong Heart.
02:14.8
Nang taong 2011, mas nagningning pa ang bituin nang ito ay lumabas sa SBS na ang City Hunter.
02:22.3
Ito ay bilang si Choi Dahye bilang anak ng presidente ng Korea.
02:26.8
Nang Ikalabingsyam ng Enero ng taong 2011, ikinagulat ng madla nang i-anunsyo nito na aalis na ito sa kontrata ng DSP Media.
02:36.8
Kasama nito ang tatlo pa sa mga kagrupo niya at ito pa nga ay nagsampapa ng nangreklamo laban sa kanyang dati na kumpanya.
02:44.8
Nobyembre ng parehong taon, kasama ang dating kagrupo na si Nicole Jung, opisyal na naging MC sila ng Inkingayo.
02:53.3
Iniwan din naman nila ang show ng Ikalabingsyam ng Agosto upang makapagfocus naman sa pagbabalik ng grupo na Kara.
03:00.8
Nang taong 2013, nakipagsanib puwersa itong si Gujara sa hapong musikero at manunula na si Masaharu Fukuyama upang ilabas ang awiting Magic of Love.
03:12.8
Parehong taon hinirang ang dilag bilang ang ambasador ng blood donation para sa Hanmauma Blood Band.
03:19.8
Kung naging sobrang abala ang nakaraang taon para kay Gujara, naging mas matindi at hektik pa siya ng mga taong 2015 hanggang ng taong 2019.
03:30.3
At nagsunod-sunod pa nga ang mga naging paglabas nito sa telebisyon, musika at maging sa pelikula.
03:36.8
Sa kabila ng labis na kasikatan ng mga awit at aktres, nagulantang ang buong mundo.
03:42.8
Nang alauna ng madaling araw ng Ikalabing Tatlo ng September ng taong 2018, pumotok ang balita na ang hairdresser na nobyo nito,
03:51.8
na si Choi Jong-bum ay pinasok ang bahay ng dalaga at ang pagtatalo nilang dalawa ay nauwi sa matinding pisikalan pa.
04:00.3
Ayon sa balita na nais daw ng binata na makipaghiwalay na sa dalaga.
04:05.3
Dumating ang mga otoridad matapos na magreport itong si Choi Jong na sinaktan daw siya nitong sigwara.
04:12.3
Ito naman ay maring pinabulaanan ng sikat na aktres at ng singer.
04:17.3
Ayon sa kanyang paliwanag pareho sila na naging pisikal sa bawat isa.
04:21.8
Nagtugma naman ang kwento ng dalaga sa kinalabasan ng medico legal niya.
04:27.3
Dagdag nito na tinatakot siya ni Choi Jong na ilalabas nito ang napakaselan na video nilang dalawa.
04:34.3
Unang naitala ang pagdinig sa kaso ng dalaga laban sa dating kasintahan niya ng 18 ng Abril ng taong 2019.
04:43.3
Ikadalawampu at anim ng Mayong unang tinangka ng dalaga na siguhara na kunin ang buhay niya.
04:49.8
Nakaligtas naman po ito at naglabas ng dispensa at paumanhin sa mga mahal nito sa buhay at sa mga fans nito
04:57.3
ng siyang labis na nag-alala para sa kanya.
05:00.8
Dahil dito, hindi siya nakadalo sa ikalawang hiring na kanyang ihinain na kaso.
05:05.8
Sa ikatlong hiring ng 18 ng Julay taong 2019, pinanood ng judge ng privado ang sinasabi niya na napakaselan na video.
05:14.8
At sakatumistigo ang dalaga sa privado din upang hindi na marinig ng madla ang sasabihin niya.
05:21.3
Agosto ng taong 2019, napawalang sala si Choi sa kasong inihain sa dalaga.
05:27.3
Ito ay kahit pa napatunayan na kumuha nga siya ng video nilang dalawa ng walang paalam sa dalaga.
05:34.3
Ngunit napawalang sala ito dahil hindi naman naghiwalay silang dalawa.
05:39.3
Ang sintensya na nakuha nito na isa at kalahating taon ay para sa pananakot ni Choi na ilalabas ang maselang video,
05:47.3
hindi para sa pagkuha nito ng video.
05:50.3
Dito na naging masaklap ang kaganapan sa buhay ng dalaga, nagkaroon ng victim blaming na.
05:56.8
Mga katinagalog ko, kahit pa biktima itong siguhara, matinding pangharasang inabot niya mula sa mga walang kwentang troll sa internet.
06:05.3
Matinding pambubuli ang naranasan ng dalaga.
06:07.8
Ito ay kahit pa ipinaglalaban lamang niya ang nilabag na karapatan niya.
06:13.3
Ito ay bilang isang babae at bilang isang individual.
06:16.8
Ilabas na natin na siya ay isang sikat na tao sa buong mundo.
06:20.8
Umapila ang kampo ni Choi.
06:22.3
Sa katapusan ay mas naging mas mabigat pa ang naging parusa para sa kanya.
06:26.8
Ikalabing lima ng Oktobre ng taong 2010,
06:29.3
pinal na na isang taon na bubunuin nito sa piitan ang kanyang ginawa na kasalanan.
06:35.3
Ikadalawampu at apat ng Nobyembre ng taong 2019,
06:38.8
sa bahay nito sa Cheongdam sa Gangnam,
06:42.3
natagpuan ng manager ni Gujara ang walang buhay na katawan ng dalaga.
06:46.8
Kasama sa nakuha ay ang liham nito na indikasyon na siya mismo ang kumuha sa sariling buhay niya.
06:52.8
Ayon sa nakuhang CCTV footage na nakauwi ito sa kanyang tahanan ng ikat 1240 ng madaling araw.
06:59.3
Walang ibang nakapasok o pumasok sa kanyang tinitirahan maliban sa tagalinis ng kanyang bahay
07:04.8
na siyang unang nakakita sa kanyang katawa ng alas 6 ng hapon.
07:09.3
Mga katinagalog sang ayon sa hiling ng pamilya ng uyumaong dalaga,
07:13.3
hindi na po pinautop siya ang labi niya.
07:16.3
At ng ikadalawampu at anim ng Nobyembre,
07:18.3
ibinalik na ang labi ng dalaga sa kanyang nagluluksang mga pamilya.
07:23.3
Ng ikadalawampu at pito naman ay nakremate na ang labi niya.
07:27.3
Isang buwan matapos nakunin din ng kanyang kaibigan na nasisili ang kanyang sariling buhay.
07:33.8
Inihimlay ang abo ng dalaga sa Sky Castle Memorial Park sa bundang sa Gyeonggi-do sa bansa ng Korea.
07:40.8
Matapos nito ay idinimanda ng kanyang kapatidang kanilang ina.
07:44.8
Dahil sa kanya, dapat na mapupunta ang naiwang ari-arian ng mga dalaga.
07:49.8
Ito ay kahit painabandunan nito, silang dalawa at sumama sa iba.
07:54.8
Sa huli, nakuha ng ina ni Gohara ang 40% ng lahat ng naiwan ng dalaga.
08:01.8
Malinaw po ayon sa embestigasyon na si Gohara mismo ang nagpasya na iwan na ang buhay niya.
08:07.3
Dahil sa masaklap na naganap sa dalaga,
08:10.3
mas namulat pa ang bansang South Korea sa tahimik na pang-aaping dinaranas ng mga kababaihan nila.
08:17.3
Malungkot lamang na kinakailangan pa na buhay ang ibayada sa pagmulat ng kanilang mata.
08:23.3
Mga katinagalog ko, nakikiusap po ako.
08:25.8
Think before you click.
08:27.3
Mag-isipang mabuti bago tayo ay magbitaw ng hindi magandang salita kahit kaninuman sa internet.
08:33.8
Hindi ba't sabi ng mga maaalam na matatanda,
08:36.8
kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang.
08:40.3
Dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdaraanan ng bawat isa,
08:44.8
laging isipin na ano ang mararamdaman mo kung sayo sabihin at gawin ang ginagawa mo.
08:50.8
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.