Close
 


Anung meron sa DAGTA NG PAPAYA? Bakit sinasabing MATINDI ang EPEKTO nito sa katawan?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Anung meron sa DAGTA NG Papaya? Bakit sinasabing matindi ang epekto nito sa katawan? #dagtangpapaya #papaya =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din kame ng mga recipes na may sahog na halamang gulay for healthy living! Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educa
Tey Telly
  Mute  
Run time: 10:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang bunga ng puno ng papaya ay napakasustansya. Mayaman ito sa antioksidan tulad ng vitamin A, C, at E.
00:08.7
Pero ano nga ba ang meron sa dagta ng bunga nito? At bakit sinasabing matindi ang epekto nito sa katawan?
00:15.9
Ang dagta ng papaya ay sinasabing anti-infectious, kaya ito ay nakakatulong laban sa intestinal parasites at candida albicans,
00:26.2
isang uri ng fungus na madalas magdulot ng infection sa bibig o gastrointestinal tract.
00:32.9
Nagdataglay din ito ng papain na madalas ginagamit ng mga taga-Asia upang malunasan ang jellyfish stings.
00:41.0
At madami pa itong benefits, gaya ng number 1 nagbibigay lunas sa sore throat.
00:47.5
Ang papain enzyme sa dagta ng papaya ay isang proteolytic enzyme o proteases na nakakatulong sa pag-breakdown ng proteins sa katawan o balat.
00:58.8
Maari rin itong makatulong sa pag-breakdown ng proteins na nagdudulot ng sakit at pamamaga.
01:05.4
Kaya naman, ang papain ay maaaring makatulong upang malunasan ang symptoms ng sore throat tulad ng kirot, pamumula, at pamamaga.
01:15.3
Ayon sa pag-aaral, nakakatulong sa mga taong may tonsillitis o pharyngitis ang pag-inom ng lozenges na may 2 mg ng papain,
01:25.1
ngunit huwag lang lalagpas sa recommended dosage ng manufacturer.
01:30.0
Number 2, Nakakatulong sa Pain at Inflammation
01:33.9
Ayon sa isang pag-aaral, ang proteolytic enzyme ay mas nakakatulong upang mabawasan ang inflammation kaysa sa ibang anti-inflammatory drugs.
01:45.1
Dahil dito, ang papain at ibang proteolytic enzymes ay madalas na ginagamit upang mapabilis ang wound healing.
01:53.7
Ito rin ay ginagamit upang mabawasan ang pamamaga na dulot ng injury o trauma.
01:59.8
Ang papaya ay mayroon ding choline, bromelain, flavonoids, at vitamin E na nagbibigay ng anti-inflammatory benefits.
02:09.3
Pero bago masubukan ang dagtan ng papaya, kumonsulta muna sa iyong doktor kung maaari kang gumamit ng papain.
02:17.1
Paalala, ang papain ay maaaring mag-interact sa ibang medications, kaya huwag kalimutang kumonsulta sa doktor bago gumamit nito.
02:26.5
Number 3, Nakakatulong sa Digestion
02:30.0
Base sa isang pag-aaral noong 2013, ang paggamit ng ekstrak ng fruit papaya na tinatawag na caricol ay mainam para sa mga taong may chronic gastrointestinal dysfunction.
02:43.5
Dahil sa taglay nitong papain, ang dagtan ng papaya ay nakakatulong sa negative digestive symptoms tulad ng constipation, bloating, at heartburn.
02:54.9
Maliban doon, ito ay nagbibigay proteksyon sa digestive tract laban sa excess alcohol.
03:01.8
Ang papain ay nakakatulong sa digestion at ito ay ginagamit sa culinary practice bilang meat tenderizer.
03:09.6
Binibreakdown nito ang malalaking proteins papunta sa maliit na proteins at amino acids upang mas mabilis itong madigest.
03:19.2
Mataas din ang fiber at water content ng papaya na nakakatulong upang maiwasan ang constipation.
03:26.4
Pinupromote din ang regular bowel movement at healthy digestive tract.
03:31.5
Number 4, Tumutulong pagalingin ang wounds or sugat
03:35.9
Ang dinurog na papaya ay ginagamit din na topical treatment.
03:40.5
Pinupromote nito ang wound healing at piniprevent ang infection sa burnt areas.
03:46.8
Ayon sa paniniwala ng mga researchers, ang beneficial effects na ito ay nagmumula sa proteolytic enzymes na chymopapain at papain na taglay ng papaya.
03:57.7
Ang papain ay ginagamit din na natural remedy para sa e-skin ulcers, wounds, at iba pang skin conditions.
04:05.8
Mayroon ding ointments na nagtataglay ng papain enzyme na ginagamit upang gamutin ang decubitus ulcers o bedsores.
04:14.1
Base sa isang animal study, ang papain-based wound cleanser ay nakakatulong upang mapromote ang paggaling ng sugat sa mga daga.
04:23.3
Ito din ay effective at safe na panglunas sa iba't ibang klase ng sugat, lalo na kung bago pa lang ito.
04:31.0
However, kahit na positive ang epekto nito, ipinagbabawal ng US Food and Drug Administration
04:38.0
ang pag-market ng unapproved topical papain products dahil ito ay posibleng magdulot ng allergic reaction.
04:45.9
Samantala, ang papain enzyme na taglay ng dagtan ng papaya ay maaaring gamitin ng mga taong walang allergy sa latex.
04:54.6
Mainam din na kumonsulta sa iyong doktor bago gumamit o magsagawa ng patch test upang maiwasan ang allergic reaction.
05:03.7
Number 5, Nakakatulong sa Pagpawi ng Muscle Soreness
05:08.3
Ayon sa isang 2004 study, ang protease supplements ay maaaring makapawi ng muscle pain na dulot ng intense exercise.
05:18.2
Sa pag-aaral na ito, pinagamit ang mga participants ng protease supplement na nagtataglay ng papain at iba pang protease enzymes.
05:27.8
Ang treatment ay ibinigay bago at pagkatapos tumakbo pababa ng mga participants for 30 minutes.
05:35.3
Nabawasan ang sakit ng kanilang muscles at napabilis ang recovery nito.
05:40.8
Pero paalala lang na kumonsulta muna sa doktor kung balak mong gumamit ng protease enzyme supplement.
05:48.2
Number 6, Nagbibigay Luna sa Shingles Symptoms
05:52.8
Another benefit ng dagtan ng papaya ay ang pagbibigay lunas sa symptoms ng shingles.
05:59.1
Ang shingles ay masakit at makating pantal na madalas lumalabas sa isang side ng mukha o katawan.
06:07.2
Luckily, ang papain mula sa dagtan ng papaya ay maaaring makatulong upang malunasan ang symptoms ng shingles tulad ng kirot, skin lesions, at neuralgia.
06:19.2
Base sa pag-aaral sa 192 tao na may shingles, ang proteolytic enzyme ay kasing effective ng antiviral medication na acclovir upang magamot ang symptoms ng shingles.
06:33.7
Kung makaramdam ng first sign ng shingles, maaaring kumamit ng papain supplements o dagtan ng papaya dahil ito ay may papain enzyme.
06:43.5
However, siguraduhin aprobado ng iyong doktor ang paggamit ng papain dahil ang shingles ay isang serious skin disease.
06:52.5
Number 7, Pinupromote ang Healthy Skin
06:56.5
Ang dahon ng papaya ay madalas kinakain o ginagamit topically upang mapanatiling soft, clear, at youthful looking ang skin.
07:06.3
Tulad ng dagtan ng papaya, ang dahon nito ay mayroon ding papain enzyme, kaya maaaring gamitin ang dagta at dahon ng papaya topically bilang exfoliant para matanggal ang dead skin cells.
07:20.3
Maaari rin itong makatulong upang mabawasan ang pagkakaroon ng clog pores, ingrown hairs, at acne.
07:27.3
Dahil pinupromote ng papain ang wound healing, miniminimize din ito ang appearance ng scar tissue.
07:34.3
Pero bago mo gamitin ang dagtan ng papaya sa iyong mukha o balat, make sure na hindi ka allergic sa latex.
07:41.3
Number 8, Pinupromote ang Healthy Hair
07:44.3
Ang dagta at dahon ng papaya ay maaari din gawing hair mask dahil pinupromote nito ang healthy scalp at hair.
07:52.3
Ayon sa research, ang high levels ng oxidative stress sa katawan ay maaaring magdulot ng hair loss.
07:59.3
Fortunately, ang dagta, dahon, at bunga ng papaya ay mayaman sa antioxidants tulad ng vitamin A, C, at flavonoids na nakakatulong upang mabawasan ang oxidative stress.
08:13.3
Ito rin ay kailangan sa production ng sebum at collagen na nakakatulong sa scalp at hair para maging healthy.
08:21.3
Higit sa lahat, ang dagta ng papaya ay may antifungal properties.
08:26.3
May wrong types ng dandruff na dulot ng fungus overgrowth na malassezia na maaaring makapigil sa hair growth.
08:34.3
Although hindi pa ito nasusubukan laban sa malassezia, ang dagta ng papaya ay mainam sa hair health upang maiwasan ang fungus growth.
08:43.3
Napakahealthy ng dagta ng papaya, diba?
08:46.3
Pero kagaya ng ibang pagkain o gamot, mayroon din itong side effects.
08:51.3
Base sa pag-aaral, ang papain supplements o pag-inom ng high dosage ng papain ay maaaring magdulot ng stomach irritation, throat irritation o damage, at esophageal perforation o pagkabutas ng esophagus.
09:07.3
Ang mga taong allergic sa latex o dagta ng papaya ay hindi rin dapat gumamit ng papain.
09:14.3
Kung gagamitin ang papain as topical treatment, ito ay maaaring magdulot ng allergic reaction, blisters at skin irritation.
09:22.3
Dapat din itong gamitin ng may pag-iingat kung ikaw ay may diabetes, hypoglycemia o gumagamit ng medications at natural remedies para pababain ang blood sugar.
09:34.3
Maaaring tumaas ang risk ng bleeding kapag gumamit ng papain.
09:38.3
Kaya kung ikaw ay umiinom ng blood thinners o may blood clotting disorder, hindi ka dapat gumamit ng dagta ng papaya dahil ito ay may papain.
09:48.3
Kung ikaw naman ay isa sa ilalim sa operasyon, dapat titigil ang paggamit ng papain dalawang linggo bago ang operasyon.
09:55.3
Based on study, ang papain na taglay ng papaya ay maaaring magdulot ng fetal poisoning o birth defects kapag madami ang nakain.
10:04.3
Kaya naman, ito ay dapat iwasan ng mga buntis, nagpapasusong ina o ng mga babaeng nagpaplanong magbuntis.
10:12.3
Ikaw, may tanim ka bang puno ng papaya sa inyo? O madalas ka bang kumain ang bunga ng papaya?
10:18.3
Ako madalas kong ginagawang dessert ang hinog na papaya.
10:25.3
Thank you for watching!