Close
 


BAKBAKAN NA SA EGGHEAD ISLAND!.. | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1089 Episode 1070
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 11:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nagumpisa nga itong chapter 1089 sa Fushia Village, na ibalitan na nga sa buong mundo itong patungkol kay Garp sa nangyari sa kanya sa Chinozu.
00:10.4
At itong nangyayari naman ngayon kay Luffy sa Egghead Island. Itong mayor nga ng Fushia Village e kampante na hindi pa patay si Garp since isa nga daw itong living legend.
00:21.5
At wala naman daw direktang nakalagay sa balita na patay na siya. Si Makino naman e kampante rin, lalo na nung makita niya itong muka ni Luffy sa newspaper.
00:31.6
Pero itong reaksyon nga ni Curly Dadan e kabaliktaran dahil kitang kita nga natin yung pag-aalala sa muka niya.
00:39.3
Sa kabilang banda naman e ipinakita nga itong aftermath sa nangyaring pagwasak ni Imsama sa Lulusia Kingdom, bali nagkaroon nga ng somewhat climate change sa iba't ibang panig ng mundo.
00:51.3
Sa Lugtown nga sa East Blue e nagkaroon ng paglindol. Sa Batilla Island naman sa South Blue e nagkaroon ng tsunami.
00:59.3
Same as sa Kano Country sa West Blue at sa North Blue e nagkaroon din ng mga earthquakes.
01:05.0
Sa Grand Line naman e nakita nating nagwawala itong Silabun, similar sa mga preso sa Impel Down.
01:11.8
Sa Wano naman sa New World at sa Meridjiwa sa Red Line e ganun din, ramdam nga nila yung nangyayaring pagbabago sa mundo.
01:19.8
At dito e ipinakita na nga yung lokasyon ng naburang Lulusia Kingdom. So nagcreate nga yung pagwawala ng Lulusia Kingdom ng isang malaking butas sa gitna ng karagatan.
01:31.1
At base nga sa narrator e parang circular waterfall daw itong butas na to, na similar sa Enies Lobby.
01:38.6
At ito nga daw ang nagke-create ng katastrofi na nararanasan sa iba't ibang panig ng mundo.
01:44.8
Sa sumunod na panel naman e nagpatuloy pa nga yung pagpapakita sa iba't ibang lokasyon. Sa Kambaka Kingdom nga e napansin nila Ibancove, yung unusual na biglang pagtaas ng karagatan.
01:56.4
Samantalang yung ibang isla naman e lumubog na dahil sa biglaang high tide na to. At dito e napunta na nga yung scene sa Egghead Island.
02:05.1
Bali ipinakita nga na apektado rin itong Egghead Island sa nangyayaring katastrofi sa mundo.
02:10.9
Napansin nga ng mga marines na tumataas daw ang karagatan sa paligid netong isla, hanggang sa nakita nga nating inatake na ng mga mechanical sea beasts itong marines.
02:21.4
Kaya naman gumating nga itong Sekizaru at winasak itong umatake sa kanila. Habang nangyayari nga ito e sinasabi ng narrator kung ilan yung pwersa ng marines na currently e nasa Egghead Island.
02:34.2
So meron nga daw lagpas pa sa isang daang barko itong marines at mga tauhan na aabot daw sa 30,000.
02:41.4
Kasabay nga neto e yung pagpapakita ng mga vice admirals nakasama sa 30,000 na to. Nandito nga sila Vice Admiral Dahl, Vice Admiral Doberman at yung mga nakita nating vice admirals sa chapter 1078.
02:55.8
Sa sumunod na panel naman e nagagalit nga itong si Centumaru sa ginawang pagwasak ni Kizaru sa isang mechanical sea beast. Sinabi nga ni Kizaru na bakit hindi na lang daw kasi sumuko itong si Centumaru para nga naman matapos na itong gulo.
03:10.4
So nagmatigas nga itong si Centumaru at sinabing hindi nga daw siya susuko, subukan nga daw netong umatake ulit at gaganti na daw siya. Baliminak nga lang ni Kizaru itong sinabi ni Centumaru.
03:23.0
Hanggang sa inopen up nga ni Centumaru yung patungkol sa pasifistas. Binasi nga daw ni Vegapunk yung laser ng mga pasifistas sa devil fruit ni Kizaru. Kaya bakit daw papatayin ni Kizaru itong si Vegapunk?
03:37.0
Ang sinabi nga lang ni Kizaru e dahil daw sa pag-aaral ni Vegapunk patungkol sa Void Century. Wala nga rin daw siyang magagawa dahil sa napag-utusan lang rin daw siya. At dito e napunta na nga yung panel sa loob ng barko kung nasaan nakasakay itong si Saturn. Nagbabasa nga itong si Saturn ng newspaper.
03:56.6
Natutuwa nga siya dahil yung headline e patungkol sa Straw Hat Pirates. Dahil sa sinasabing ang ginawa daw hostage ng Straw Hat Pirates, itong si Vegapunk sa Egghead Island. At dito e biglang ang tinanong ni Saturn si Vice Admiral Doberman kung ano na daw bang sitwasyon sa loob ng Egghead Island.
04:15.5
Sinabi nga ni Doberman na wala pa rin daw silang natatanggap na balita mula sa CP-Zero. Pero dahil nga daw sa ginagawang resistance ni Centumaru e inasyum daw nila na nag-fail itong mission nila Rob Lucci. At dito e inexplained nga ni Doberman yung assumption niya sa kung ano na ang sitwasyon sa loob ng Egghead Island. Malamang nga daw na yung Straw Hat Pirates kasama na itong si Vegapunk, yung mga satellites niya at apat na Seraphim e nasa itaas ng Labo-Pace.
04:44.7
At mukhang naging magkakaaliansan na nga daw ang mga ito. Similar nga daw sa mga CP-Zero e nasa Labo-Pace din. Nung marinig ngayon ni Saturn e agad niyang ipinagutos na siguraduhin daw ng Marines na walang makakatakas sa Labo-Pace. Dagdag pa nga ni Saturn na yung mga tao daw na nakatakas sa Egghead Island, which is yung nakita nating mga pinatakas ni Centumaru sa chapter 1078 e siguraduhin daw ng Marines na patayin, dahil baka may nalalaman daw ang mga ito.
05:14.7
Bali nag-agree naman itong si Doberman, at sinabi pa niya na bukod daw sa Straw Hat Pirates e nasa loob nga rin daw si Jewelry Bonnie. Nung marinig ngayon ni Saturn e sinabi niyang wala na daw pakinabang sa kanila itong si Bonnie, kaya naman hayaan na lang daw nila ito. At dito e nabalik na nga yung scene kay Kizaru, ipinakita nga na may tumatawag mula sa Egghead Island papunta sa Mary Joa, kaya naman kumunekta nga itong si Kizaru sa tawag na to para makinig.
05:44.0
Bukod nga kay Kizaru e kumunekta rin itong si Saturn. So itong tawag pala na to e nagmula kay York, tinatanong nga ni York sa mga Gorosei kung bakit pati daw siya e pinapapatay ng mga ito. Nagawa na nga daw niya yung pagbebetray sa mga kasamahan niyang satelites. Hindi rin naman daw siya interesado sa pag-aaral ng Void Century, kaya bakit daw siya pinapapatay.
06:06.6
Ang sinabi nga lang na itong mahabang buhok na Gorosei e dahil sa isa rin daw kasi siyang Vegapunk. Pero nagtataka nga itong kalbong Gorosei kung ano na daw ba ang nangyari sa Straw Hat Pirates o pati na sa CP Zero na pinadala nila. Bali iniwasan nga ni York itong tanong na to, at sinabing kayo na ang humula. Hawak nga daw niya yung mga Seraphim, kaya sila na daw ang mag-isip kung ano ang nangyari.
06:32.3
Nung marinig nga yun ng ibang Gorosei e parang bumaliktad yung sitwasyon. Bigla nga silang bumait kay York. Tinanong nga nila kung kaya rin daw ba ni York na mag-create ng similar sa Mother Flame na ginawa ni Vegapunk. Balimayabang ang sinagot ni York na mukhang may kailangan daw itong mga Gorosei sa kanya. Kaya naman dito e nagkaroon nga sila ng negosyasyon. Tutulungan nga daw sila ni York sa gusto nila kapalit ng hindi pagsira ng Marines sa Egghead Island.
07:01.2
At gagawin daw siyang Celestial Dragon ng mga ito. So nag-agree naman itong mga Gorosei. Pero bago pa nga bumaba yung tawag e nagsalita pa si York. At sinabing mangyayari daw ang lahat ng pinagkasundoan nila kung ililigtas nga daw siya ngayon itong Gorosei kay Luffy. Dahil nasa harap nga daw niya itong si Luffy at papatayin siya. At dito e ipinakita nga itong umiiyak na si York na nangyihingin ng tulong.
07:27.3
Kasabay nga nito e yung pagkagulat nitong mga Gorosei at si Kizaru. Sa huling panel naman ng chapter na to e ipinakitang tapos na yung naging laban ng Straw Hat Pirates sa mga Seraphim. Kumpleto nga sila sa loob ng control room at kumakain. So habang kinakausap pala ni York itong Gorosei e nakikinig lang at kumakain itong buong Straw Hat Pirates. At dito na nga nagtatapos nitong chapter 1089.
07:54.5
Bali ngayon e pag-usapan naman natin ang mga pangyayari sa chapter na to. Unahin na nga natin itong nangyari sa Lulusia Kingdom. During Enies Lobby Arc nga e hindi inexplained kung paano nagkaroon ng isang malaking butas itong Enies Lobby. At dahil nga sa impormasyon sa chapter na to e we assume na similar ang nangyari sa Enies Lobby at Lulusia Kingdom. Since parehas nga parang may waterfalls sa malaking butas na to. At supposedly e meron ding isla dito noon.
08:24.3
Itong pagkakaroon naman ng sudden rise of water o biglaang high tide to the point na lumulubog na yung ibang isla e parang this explains nga kung bakit walang kontenente sa mundo ng One Piece at puro isla lang ang nakikita natin. Dahil oo nga naman, pwede nga may malalaking kontenente noon at lumubog lang dahil sa pagtaas ng karagatan. Diba?
08:47.1
Bali gagawa na nga lang natin to ng separate video. Sa part naman ng konting flashback nila Kizaru at Sentoumaru, e nakakatawa nga yung gustong ipoint dito ni Oda. Kumbaga may pinagsamahan silang tatlo, to the point na parang ginawa pang inspirasyon ni Vegapunk si Kizaru sa ginawa niyang pasifistas na gamit naman ni Sentoumaru. Kaya naman nalulungkot itong si Sentoumaru na papatayin ni Kizaru si Vegapunk, though inexplained din naman ni Kizaru na wala siyang magagawa.
09:16.4
Sa part naman ng naging pagtawag ni York sa mga Gorosei, e nakita nga natin gulat na gulat yung reaksyon nila nung malaman nilang hawak si York na itong Strohot Pirates, meaning e gagawa na ngakbang itong sila Kizaru sa susunod na chapter, para pasukin syempre itong Egghead Island, at malamang e makakakita na tayo ng laban.
09:39.7
Sa part naman ng huling panel ng chapter na to e nakita nga natin kulang itong Strohot Pirates, wala nga si Robin, same as Atlas e hindi rin natin nakita. Balihuling nga nating nakita itong dalawa na to during chapter 1078 kung saan e sinadjust nga ni Atlas na puntahan nila yung isang kwarto sa Labo Pace, since matagal na nga daw itong nakaseal. Hindi kaya itong pinuntahan nilang kwarto e may poniglip sa lugar na to, ito kaya ang dahilan kung bakit wala si Robin at Atlas sa last
10:09.7
panel. Anyway itong si Rob Lucci nga e nakita rin natin sa last panel, kung saan e kampanting-kampanting nga lang siya. So mukhang ang kumampi na talaga sa Strohot Pirates itong si Rob Lucci, since kung hindi nga e dapat na nagalit ito nung time na tinawaga ni York itong mga Gorosei, since sila nga yung boss niya. Diba?
10:30.0
Balih yung ibang part nga ng chapter na to na hindi natin natalakay, e gagawa na lang natin ng separate video dahil masyado nga nga hahaba itong video na to kung isasama pa natin. Balih overall nga e saktong chapter lang itong chapter 1089, since parang nagkaroon nga ng fast forward sa mga kaganapan sa loob ng Labo Pace, gaya ng bigla na nga natalo ng Strohot Pirates itong mga Seraphim. Paano na ibalik itong sila Franky at Yusuf sa pagiging bato na ginawa sa
10:59.7
kanila ni Seraphim Hancock, paano na reunite itong si Bonnie sa Strohot Pirates at marami pang iba. Though I'm sure naman na magkakaroon tayo ng konting flashback kung paano nangyari ang lahat ng ito sa susunod na chapter. So ito na nga yung chapter review natin patungkol sa latest chapter ng manga na chapter 1089. At sana e na enjoy nyo itong chapter review natin. So yun lang, peace!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.