Close
 


7 Kamalian Sa Negosyo Na Dapat Mong Iwasan Para Umasenso
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang katotohanan ay 20% ng mga Negosyo ay nagfail sa unang taon ng pag-ooperate. O isa sa bawat limang Negosyo ay hindi nag-survive sa loob lang ng isang taon. Maraming dahilan kung bakit nalugi ang isang Negosyo. At ikaw bilang isang business owner o nagbabalak palang na magsimula ng negosyo, responsibilidad mo na matutunan kung paano patakbuhin ng maayos ang iyong Negosyo, at iwasan ang common na pagkakamali na ginagawa ng ibang business owner. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO 01:35 ANG HINDI PAGKAKAROON NG BUSINESS PLAN. 03:34 HINDI MO NAMAMANAGE ANG IYONG PERA. 06:09 TINITIPID MO ANG MAG-MARKET. 07:23 ANG PAGHIRE NG MALING EMPLEYADO. 08:40 ANG HINDI PAG-ADAPT SA PAGBABAGO NG MARKET. 10:00 MAG-ISA KALANG NA NAGTATRABAHO SA IYONG NEGOSYO. 11:09 UNDERPRICING. 12:37 SUMMARY. CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #NegosyoTips #BusinessMistakesToAvoid #WEA
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 13:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Karamihan sa atin ay gusto ang ideya ng pagninegosyo.
00:14.4
Sa katunayan, noong 2021, more than 1 million Filipinos ay nagmamay-ari ng maliit na negosyo.
00:21.8
Ang number na iyan ay galing sa data na ibinahagi ng Asian Development Bank.
00:26.4
Gusto nating magnegosyo dahil alam natin na malaki ang kanyang long-term reward kumpara sa pagtatrabaho.
00:32.6
Pero alam din natin na ang pagnenegosyo ay hindi madali.
00:35.9
Mas malaking responsibilidad na ang iyong gagampanan at nangangailangan ito ng dedikasyon at commitment para mapalago mo ito.
00:43.9
Ang katotohanan ay 20% ng mga negosyo ay nag-fail sa unang taon ng pag-ooperate.
00:49.9
O isa sa bawat limang negosyo ay hindi nag-survive sa loob lang ng isang taon.
00:55.2
Maraming dahilan kung bakit na lugi ang isang negosyo.
00:58.2
At ikaw bilang isang business owner o nagbabalak pa lang na magsimula ng negosyo,
01:03.2
responsibilidad mo na matutunan kung paano patakbuhin ng maayos ang iyong negosyo
01:08.2
at iwasan ang common na pagkakamali na ginagawa ng ibang business owner.
01:12.7
Kaya naman sa video natin ngayon,
01:14.7
ibabahagi ko sayo ang 7 business mistakes na dapat mong iwasan para lalo mo pang mapalago ang iyong negosyo.
01:21.7
Siguraduhin mapanood mo ang buong video at malista mo ang mga mahahalagang aral.
01:26.7
So hindi na natin patatagalin pa at simulan na nating talakayin
01:30.7
ang unang business mistake na dapat mong iwasan.
01:35.7
Number 1. Ang hindi pagkakaroon ng business plan.
01:39.7
Ayon sa sinabi ng sikat na author na si Dale Carnegie,
01:42.7
an hour of planning can save you 10 hours of doing.
01:46.7
Ang paggawa ng business plan ay ang unang bagay na dapat mong gawin bago ka magsimula ng iyong negosyo.
01:52.2
Kahit mga established companies at startups ay merong business plan
01:56.2
dahil dito nakapaloob ang iyong mga plano kung paano mo maa-achieve ang iyong target.
02:01.2
Karamihan sa mga negosyo na nag-fail,
02:03.7
yun ay dahil ang business owner ay nagsisimula na walang business plan.
02:08.2
Sa tingin nila ay ok na na meron silang produkto at sapat na ito para magsimulang magnegosyo.
02:13.7
Pero hindi ito ang ginagawa ng mga matagumpay na business owner.
02:17.2
Bago sila nagsimula, gumagawa muna sila ng business plan dahil nakafocus sila sa long term.
02:22.7
So ano ba ang business plan at bakit mo ito kailangan?
02:26.7
Ang business plan ay isang document na kung saan ay nakasulat ang goal ng iyong negosyo
02:31.7
at ang detalyadong plano at strategies na kailangan mong gawin para maabot ang iyong goal.
02:36.7
Pwede mong isulat sa iyong business plan ang mission ng iyong negosyo,
02:40.7
kung sino ang iyong mga target customers, ang iyong marketing plan,
02:44.7
ang finance o perang kailangan sa pag-ooperate, operation, timeline at iba pa.
02:50.7
Kung gagawa ka ng iyong business plan,
02:52.7
hindi mo kailangan sundin ang template ng ibang kumpanya at isulat lahat ng business plan elements.
02:58.7
Kahit isang page na business plan ay pwede na.
03:01.7
Isulat mo lang kung ano ang kailangan at mahalaga sa iyong negosyo.
03:05.7
Kung bakit mahalaga ang paggawa ng business plan,
03:08.7
yun ay dahil matutulungan ka nitong mamanage at mapatakbo ng maayos ang iyong negosyo.
03:13.7
At isa pa, madalas sa mga bangko at mga investor ay humihingi ng business plan
03:18.7
dahil uobserbahan muna nila ito ng mabuti bago sila gagawa ng desisyon na magbigay ng kapital.
03:24.7
Kaya kung nagsisimula ka pa lang sa iyong negosyo at gusto mong mapalago ito sa long term,
03:29.7
huwag mong kalimutan gumawa ng business plan.
03:34.7
Number 2. Hindi mo na mamanage ang iyong pera
03:38.7
Mapapersonal man o negosyo,
03:40.7
ang karunungan sa pagmamanage ng iyong pera ay mahalaga kung gusto mong magtagumpay.
03:44.7
Para mapalago mo ang iyong negosyo, dapat ay uwasan mo ang mag-mismanage ng iyong pera.
03:50.7
Dahil ayon sa nagawang pag-aaral ng U.S. Bank,
03:53.7
ang pinakamalaking dahilan kung bakit majority sa mga small businesses ay nag-fail,
03:58.7
yun ay dahil sa poor cash flow management.
04:00.7
Hindi dapat natin kalimutan na pera ang isa sa mahalagang parte ng negosyo.
04:05.7
Pera ang dahilan kung bakit nagkatotoo ang ideya
04:08.7
at pera rin ang dahilan kung bakit nananatili ang isang negosyo.
04:12.7
Ang kakulangan sa financial management ay isa sa business mistake na dapat mong iwasan.
04:17.7
Kung nagpapatakbo ka ng negosyo,
04:19.7
dapat ay meron kang awareness sa perang pumapasok at lumalabas dito.
04:24.7
Kahit malaki na ito at profitable,
04:26.7
kailangan mo pa rin alamin ang takbo ng iyong finances.
04:29.7
Mga ilang tips kung paano mamanage mo ng maayos ang pera sa negosyo ay number 1.
04:34.7
I-monitor mo ang iyong paggastos.
04:37.7
Kapag hindi mo ito gagawin, malaki ang chance na mapapagastos ka ng sobra
04:42.7
at mapapagastos ka ng mga bagay na hindi mo kailangan sa iyong negosyo.
04:46.7
Number 2. Paghiwalayan mo ang iyong business account at personal account.
04:51.7
Mahihirapan kang i-monitor ang iyong pera sa negosyo
04:54.7
kung parehong account ang gamit mo sa iyong mga personal na pangangailangan.
04:58.7
Number 3. Ilista mo ang iyong mga bayaring.
05:02.7
Kung meron kang binabayaran na utang at renta buwan-buwan,
05:05.7
mahalagang mabayaran mo ang mga ito sa tamang panahon
05:08.7
para maiwasan mo ang penalty at interest
05:11.7
at para hindi rin mababawasan ang iyong reputasyon sa mga taong nagpapahiram sa iyo ng pera.
05:16.7
Number 4. Dapat ay meron kang magandang sistema sa pagpapautang.
05:21.7
Hindi lalago ang iyong negosyo kung karamihan sa iyong paninda ay inuutang.
05:26.7
Kaya piliin mo ng maayos ang pinapautang mo ng iyong mga paninda.
05:30.7
Number 5. Gumawa ka ng budget.
05:33.7
Dapat meron kang plano kung saan mo gagamitin ang iyong pera sa negosyo,
05:37.7
kung magkano ang gusto mong gastusin at magkano ang gusto mong itabi.
05:41.7
At Number 6. Dapat ay meron kang nakareservang pera.
05:45.7
Ang paghahanda sa mga unexpected na pangyayari ay kasama rin sa pagmamanage ng pera
05:51.7
dahil kapag merong emergency,
05:53.7
hindi mo pwedeng gamitin ang perang nakalaan lang sa iyong negosyo.
05:57.7
Kapag mamanage ng pera sa negosyo ay hindi masyadong nalalayo sa iyong personal finance.
06:02.7
Isa ito sa mahalagang skills na dapat mong matutunan para magsaksid ang iyong negosyo.
06:09.7
Number 3. Tinitipid mo ang magmarket.
06:12.7
Ayon sa sinabi ni Henry Ford,
06:14.7
those who stop marketing to save money are like those who stop a clock to save time.
06:20.7
Ang purpose ng marketing ay para mabigyan mo ng awareness ang mga tao sa iyong negosyo,
06:25.7
kung anong produkto at serbisyo ang kaya mong ibigay sa kanila.
06:29.7
Dahil napaka-obvious na kapag walang nakakaalam ng iyong produkto, wala rin bibili sayo.
06:34.7
Kung gusto mong makilala ang iyong negosyo sa mga tao at magkaroon ng maraming customers,
06:39.7
kailangan mong isama sa iyong business plan ang paggawa ng marketing strategy.
06:44.7
Dahil sa negosyo, mahalaga ang atensyon.
06:47.7
Kung alam na mga tao ang iyong produkto at serbisyo at anong binipisyo ang makukuha nila galing dito,
06:53.7
siguradong ikaw ang una nilang choice kung bibili sila.
06:56.7
Ayon sa data na ibinahagi ng statista,
06:59.7
ang Coca-Cola ay gumagastos ng average $4 billion taon-taon sa kanilang advertising worldwide.
07:06.7
Ang makukuhang aral natin dito ay kahit malaki at sikat na ang Coca-Cola,
07:10.7
hindi pa rin nila nakakalimutan ang kahalagahan ng marketing.
07:14.7
So kung gusto mong makuha ang atensyon ng mga tao at gusto mong pang dumami ang iyong customers,
07:20.7
huwag kang magtipid sa marketing.
07:23.7
Number four, ang pag-hire ng maling empleyado.
07:27.7
Ayon sa sinabi ni Josh Kaufman, ang author ng sikat na librong The Personal MBA,
07:32.7
ang bawat negosyo ay merong limang parte.
07:35.7
Merong value creation o pag-alam sa demand ng mga tao at paggawa ng produkto basis sa demand na iyon.
07:41.7
Merong marketing o pagbibigay awareness sa mga tao tungkol sa iyong produkto at serbisyo.
07:46.7
Merong sales o pagbibenta.
07:48.7
Merong value delivery o pagbibigay satisfaction sa iyong mga customers.
07:53.7
At merong finance o pagkakaroon ng pera para patuloy mong mapatakbo ang iyong negosyo.
07:59.7
Merong iba't ibang purpose ang bawat parte ng negosyo
08:02.7
at magkaiba rin ang skills ang kailangan para mag-function ito ng maayos.
08:06.7
Kaya napakahalagang meron kang empleyado na competent at dedicated sa kanyang trabaho.
08:12.7
Hindi sapat na meron lang willing magtrabaho para sa iyo.
08:15.7
Dapat ay meron din siyang skills na equal sa kanyang trabaho para makapag-produce siya ng magandang resulta
08:21.7
at para profitable din ang iyong investment sa iyong mga employee.
08:25.7
Kaya kung kailangan mo ng tauhan sa iyong negosyo, mas mabuting mag-set ka ng standard.
08:31.7
Huwag mong piliin agad ng mga kaibigan at kamag-anak.
08:34.7
Mahalagang alam mo pa rin kung competent ba sila sa trabaho.
08:39.7
Number five, ang hindi pag-adapt sa pagbabago ng market.
08:43.7
Normal na sa panahon natin ngayon ang mga disruptors
08:47.7
o mga kumpanya na kayang baguhin ang nakasanayang gawain at preference ng mga tao
08:52.7
at posibleng baguhin ang isang industry.
08:54.7
Mga ilang halimbawa ng disruptors ay ang Amazon.
08:58.7
Sa halip na pupunta ka pa ng physical store para bumili ng gamit,
09:01.7
kaya mo nang mag-process ng iyong order online.
09:04.7
Netflix
09:05.7
Kung dati ay nagre-renta ka pa o bumibili ng DVD para makapanood ng paborito mong palabas,
09:11.7
ngayon ay kaya mo nang manood ng maraming movies sa iyong cellphone o laptop.
09:15.7
Uber
09:16.7
Ito na ang modern at upgraded version ng taxi.
09:19.7
Mabilis na ang pagbabago ngayon.
09:22.7
Madalas ay hindi mo mamamalayan na meron na palang bagong pamamaraan sa pagpapatakbo ng isang negosyo.
09:28.7
Kaya kung gusto mong magtagumpay ang iyong negosyo, dapat ay willing ka rin na mag-adapt sa pagbabago ng market.
09:34.7
Tingnan na lang natin kung ano ang nangyari sa Blackberry at Nokia.
09:38.7
Kahit sila ang number one sa market noon at mataas ang demand sa kanila mga cellphone,
09:43.7
nawalan pa rin sila ng negosyo at nakakalimutan na natin sila ngayon dahil hindi sila nakasabay sa pagbabago.
09:50.7
Mahalagang i-welcome mo ang pagbabago para patuloy ka lang sa pag-innovate ng iyong produkto
09:55.7
at para palagi mong maibigay ang kasalukuyang demand ng mga tao.
10:00.7
Number six, mag-isa ka lang na nagtatrabaho sa iyong negosyo.
10:05.7
Merong kasabihan na if you want to go fast, go alone.
10:09.7
If you want to go far, go together.
10:12.7
Kung nagsisimula ka pa lang at maliit pa ang iyong negosyo, okay lang na mag-isa ka lang na nagtatrabaho.
10:18.7
Pero kung malaki na ang iyong negosyo at marami ka ng customers,
10:21.7
kailangan mo nang mag-hire ng ibang tao dahil limited lang ang iyong magagawa kung mag-isa ka lang
10:26.7
at matinding stress din ang aabutin kung patuloy mo itong gagawin.
10:31.7
Kahit kaya mong patakbuhin ang iyong negosyo na mag-isa,
10:34.7
hindi ibig sabihin na kailangan mo itong gawin.
10:37.7
Bilang business owner, kailangan mong mag-focus sa pagpapalaki ng iyong negosyo
10:41.7
at mahalagang mag-hire ka ng mga tao para meron kang katulong sa pag-execute ng iyong mga plano.
10:47.7
Isang malaking pagkakamali kung iisipin mo na okay lang na mag-isa ka lang sa iyong negosyo.
10:52.7
Dahil ang katotohanan, kailangan mo ng katulong.
10:56.7
Kung gusto mong mabawasan ang iyong stress,
10:58.7
magkaroon ng ekstrang oras para gawin ang ibang bagay na mahalaga sa iyo
11:02.7
at mapalago ng mabilis ang iyong negosyo, dapat ay hindi ka mag-isa na nagtatrabaho.
11:09.7
Number 7. Underpricing
11:11.7
Ito ang common na pagkakamali na ginagawa ng mga bagong business owner.
11:15.7
Binibenta nila ng mura ang kanilang produkto at servisyo
11:19.7
para marami ang gustong bumili at ma-outshine ang kanilang mga kompetitor.
11:23.7
Naniniwala sila na ito ang magandang strategy sa pagsisimula ng negosyo.
11:28.7
Pero ang hindi nila alam, merong negative consequences ang ganitong desisyon.
11:33.7
Una, marami kang benta pero wala kang profit.
11:37.7
Dahil sa mura ang iyong produkto, wala kang sapat na perang matitira pagkatapos ng iyong mga expenses.
11:43.7
Pangalawa, kapag mura ang isang produkto, ang madalas na pumapasok sa ating isipan ay low quality.
11:50.7
Mura nga pero baka madali lang masira o di kaya ay fake.
11:54.7
At pangatlo, mahihirapan kang i-adjust ang price ng iyong produkto sa hinaharap.
11:59.7
Kung sakaling gusto mo nang taasan ang presyo ng iyong produkto,
12:02.7
paniguradong mawawalan ka ng customers.
12:05.7
Dahil ayaw ng mga customers ang mabilis na pagbabago, lalong lalo na sa pagtaas ng price.
12:11.7
Iisipin nila kung gaano kamura ang iyong produkto noon at mabigat yun sa kanilang kaluuban kung tataasan mo ang presyo ng iyong produkto ngayon.
12:20.7
Kaya sa halip na mag-underprice o magbenta ng mura, presyohan mo ang iyong produkto base sa kanilang value.
12:27.7
Nang sa ganun ay meron kang sapat na profit at hindi maaapiktuhan ang iyong negosyo kung may pagbabago sa presyo sa hinaharap.
12:36.7
So in summary, ang 7 pagkakamali sa negosyo na dapat mong iwasan ay
12:41.7
1. Ang hindi pagkakaroon ng business plan
12:44.7
2. Hindi mo na mamanage ang iyong pera
12:48.7
3. Tinitipid mo ang mag-market
12:51.7
4. Ang pag-hire ng maling empleyado
12:54.7
5. Ang hindi pag-adapt sa pagbabago ng market
12:58.7
6. Mag-isa ka lang na nagtatrabaho sa iyong negosyo
13:02.7
At number 7, Underpricing
13:05.7
Aling bahagi ng ating video ang marami kang natutunan? Magbigay ka ng iyong comment sa ibaba.
13:11.7
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
13:15.7
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
13:20.7
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account at mag-follow.
13:24.7
I-like kung nagustuhan mo ang video, mag-comment ng iyong mga natutunan.
13:29.7
At i-share mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
13:32.7
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!