Close
 


NAKU, JAPAN NAGBABALA SA CHINA, CHINA NAGALIT SA GINAWANG PAGPAPADALA NG ARMAS
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#china #japanforces #taiwan
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 04:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News! Ikinagalit na naman ang China ang ginawa ng Amerika na pagpapadala umano ng mga bagong armas sa Taiwan.
00:11.0
Abangan mamaya. At Japan nagbabala sa China kaugnay sa mga gawain nito sa karagatan malapit sa mga isla ng Japan.
00:19.0
Kaya para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti dahil mabilis lang ito.
00:31.0
Nagreklamo ang China noong Martes sa Estados Unidos tungkol sa dose-dose ng mga armas na ipinapadala nito sa Taiwan.
00:38.0
Ayon sa China, ito ay isang mali at mapanganib na landas.
00:43.0
Sinabi ng isang tagapagsalita ng Defense Ministry ng China na si Tan Kefei na dapat itigil na ng US ang lahat ng anyu ng sabuhatan ng militar sa Taiwan
00:53.0
dahil ang isyuan niya ng China at Taiwan ay hindi dapat pakialaman ng US sapagkat ang mga tao lamang ng Taiwan ang maaaring magpasya sa kanilang hinaharap.
01:04.0
Inihayag naman ng Estados Unidos ang isang pakete ng tulong para sa Taiwan na nagkakahalaga ng $345M noong biyernes
01:14.0
habang pinahihintulutan ng kongreso ang hanggang $1B na halaga ng tulong na armas para sa isla bilang bahagi ng 2023 budget.
01:24.0
Ang Estados Unidos, ang pinakamahalagang tagapagtustos ng armas ng Taiwan,
01:29.0
ay nakatali sa batas na bigyan nito ng paraan upang ipagtanggol ng Taiwan ang sarili nito sa kabila ng kawala ng formal na diplomatikong ugnayan at galit ng China.
01:40.0
Sinabi ng nangungunang Heneral ng US noong Hulyo na pabibilisin nito at ng mga kaalyado ang paghahatid ng mga armas sa Taiwan sa darating na taon upang matulungan ng isla na ipagtanggol ang sarili nito.
01:54.0
Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, ang militar ng China ay nagpapaikot-ikot din sa isla.
02:00.0
Kamakailan ay nagpadala ito ng dose-dose ng mga fighter jets, bombers at iba pang sasakyang panghimpapawid kabilang mga drone sa himpapawid ng timog ng Taiwan.
02:11.0
Ayon naman kay Chinese Defense Ministry Tan Kefei, ang People's Liberation Army ng China ay binibigang pansin ang sitwasyon sa Taiwan Strait at palaging nasa mataas na alerto.
02:30.0
Samantala ayon naman sa Japan, ang madalas na pagpapadala ng mga barko at sasakyang panghimpapawid ng China upang ipagmalaki ang kanilang puwersang militar para sa pansariling interes ay nagpapataas ng tensyon sa East at South China Sea.
02:46.0
Kaya nagbabala ang Japan sa China na dodoblihin nito ang gasto sa mga armas at depensa sa susunod na taon upang muling itayo ang puwersang militar nito na nakilalo ng ikalawang digmaang pangdaigdig.
03:00.0
Pero ayon kay Tan Kefei ng China, ang pagpapalakas ng puwersa ng Japan ay maling persepsyon sa China at sinasadyang pinapalaki ang tinatawag na banta sa China.
03:12.0
Sinabi din niya na ang Japan ay patuloy na nakikialam sa mga panloob na gawain ng China, lumabag sa mga pamantayan ng internasyonal na relasyon at pagpapahina sa pundasyon ng relasyon ng China at Japan at nagpapalala sa sitwasyon sa Taiwan Strait.
03:29.0
Dagdag pa ni Tan ang kaoperasyon ng China sa larangan ng depensa ay nakabatay sa hindi pagkakahanay, hindi pagtarget ng ibang mga bansa at nakatuunan niya ang China sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa regyon at mundo nang hindi nagbabanta sa alinmang bansa.
03:48.0
Ibang klase talaga maglabas ang China ng pahayag mga kabayan, laging baliktad.
03:59.0
At iyan muna ang bagong balita na hatid ko sa inyo ngayon. Maraming salamat po sa inyong panunod. Pakilike lamang po ang video at magsubscribe.