Close
 


Moro Rebellion (1899–1913) | Wars In The Philippines
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang pag traydor ng mga Amerikano sa mga Moro sa loob ng 10 minuto. Wars in the Philippines Episode 1: Philippine Revolution - https://youtu.be/FR1cLENDDVg Episode 2: Philippine-American War - https://youtu.be/pN-BjltXJ2E Episode 3: Moro Rebellion - https://youtu.be/b3neQ6PcqdM Episode 4: Japanese Occupation - https://youtu.be/ovG6eAXIQBY Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #war #military #history
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hindi ka ba nagtataka na sa tuwing pinag-aaralan ng kasaysayan ng Pilipinas,
00:04.4
madalas na nakasentro ito sa mga kristyano?
00:07.0
Paano naman ang mga muslim sa Mindanao?
00:09.2
Katulad natin ay naghirap din sila,
00:11.4
ngunit hindi madalas pag-usapan ang kanilang ginawang pag-aalsa.
00:14.9
Ngayon ay pag-uusapan natin ang Moro Rebellion noong panahon ng pananakop ng Amerikano.
00:20.5
Ang pakikipaglaban ng mga muslim sa Mindanao ay hindi lamang nagsimula noong 1902.
00:32.9
Ito ay daang taon na nilang ginagawa, laban sa mga dayuhan at maging sa mga Pilipino.
00:38.7
Bago natin pag-usapan ng Moro Rebellion,
00:41.0
marapat lang na pag-usapan muna natin kung bakit nga ba Moro ang tinawag sa kanila
00:45.4
at bakit ganoon na lamang kalupit sa kanila ang mga Espanyol noon.
00:50.1
Kasagsagan,
00:50.5
nang 8th hanggang 15th century na ganap ang Reconquista sa Espanya.
00:55.7
Ito ay ang pagbawi ng mga Christians ng lupa na sinasabi nilang sa kanila.
01:00.8
Noong panahon ito,
01:02.0
ang Iberian Peninsula o ang kabuuan ng kasalukuyang Espanya at Portugal
01:06.2
ay nasakop na ng mga muslim.
01:09.0
Dito din nabuo ang tawag na Moro.
01:12.1
Nadala ito ng mga Espanyol noong sinakop nila ang Pilipinas
01:15.5
at tinawag nilang Moro ang mga muslim sa Mindanao.
01:19.1
Noong dumating ang mga Amerikano,
01:20.5
sinigurado nilang hindi magiging kalaban ang mga muslim
01:24.3
habang nangyayari pa ang Philippine-American War.
01:27.5
Ito din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Bates Treaty
01:30.5
upang pansamantalang maging tahimik ang sitwasyon
01:33.6
sa pagitan ng Amerikano at ng mga muslim.
01:36.7
Dahil kung sasali pa ang mga muslim sa gulo,
01:39.4
tuluyan lamang lalakas ang puwersa ng mga Pilipinong rebelde.
01:43.1
Noong humu pa na ang tensyon sa pagitan ng Amerika at ng mga Pilipino
01:47.0
taong 1902,
01:48.4
dito na tunay na sinimulan ng Amerika,
01:50.5
ang misyon sa Mindanao.
01:53.4
Ang Kiram Bates Treaty sa pagitan ng mga muslim at ng US
01:57.2
ay naging taktika ng Amerika upang hindi sumalungat sa mga Amerikano
02:02.2
ang mga muslim.
02:03.6
Ang treaty na ito ay naging pabor sa Sultanate ng Mindanao.
02:07.7
Ibig sabihin,
02:08.8
ang ibang parte ng batas ay maaaring gamitin ng mga muslim
02:12.6
laban sa Amerika.
02:14.6
Noong nakita ng Amerika na talo na ang mga rebeldeng Pilipino,
02:18.1
pinawalang bisa nila ang batas na ito.
02:20.5
Nawala ang kapangyarihan ng Sultanate laban sa Amerika at pinamahalaan ng mga Amerikano ang Mindanao.
02:27.5
Dito na umusbong ang iba't ibang pag-aalsa.
02:30.5
Una ay ang Lanao Resistance noong 1902 hanggang 1912.
02:35.5
Noong 1902, inatake ni Dato Tunggol ang Camp Vicar.
02:39.5
Binintang ito sa Sultan ng Binidayan.
02:42.5
Inaresto ang Sultan.
02:44.5
Ngunit dahil hindi niya napatunayan na siya ay inosente, kinailangan niyang magtago.
02:49.5
Kalaunan ay napatay siya at ang pagkamatay na ito ang naging dahilan upang mag-alsa ang 150 hanggang 200 na muslim
02:58.5
sa pamumuno ni na Sultan Ganduli at Sultan Tanagan.
03:02.5
Sa enkwentrong na ganap, tahanging tatlong muslim lamang ang nakaligtas.
03:07.5
Noong 1903, sinimulan ni John Pershing ang pagtugis sa mga Lake Moros sa Traca.
03:13.5
Bagamat hindi nanlaban ng ilang mga Dato sa mga Amerikano,
03:16.5
si Dato Ampuanagos ay sumalungan.
03:19.5
At sa kanila, tinakasan niya ang mga Amerikano mula 1903 hanggang 1908.
03:25.5
Kalaunan, sa pagkakaroon ng peaceful negotiation ay napasuko ang puwersa ni Dato Ampuanagos.
03:32.5
Dito na natapos ang Lanao Resistance.
03:35.5
Ang Sulu Resistance naman ay nangyari mula noong 1899 hanggang 1913.
03:41.5
Bagamat mayroong Bates Treaty na kunwari ay kinikilala ang kalayaan ng mga Moro,
03:46.5
hindi nito kinikilala ang kalayaan ng mga kumakalaban sa Sultanate.
03:51.5
Ang pagre-rebelde ni na Dato Julcanay, Dato Calvi at Panglima Hassan ay ginawang rason ng mga Amerikano upang tuluyang wakasan ang Bates Treaty.
04:02.5
Noong wala na ang treaty, dito na nagsimula ang walang tigil na pagtugis kay Panglima Hassan.
04:08.5
Hindi kinilala ni Panglima ang kapangyarihan ng Amerika, naging masinsinan ang paghahanap kay Hassan hanggang sa mahuli siya.
04:16.5
Ngunit dahil sa kanyang pagiging tuso ay nagawa niyang makatakas sa pagkakahuling ito.
04:22.5
Paano? Noong binabiyahe na siya papuntang kulungan, hiniling niya na sana ay tumigil muna sa kanyang hideout upang sunduin ang kanyang asawa,
04:31.5
ngunit ang katotohanan niyan ay dito na siya tatakas.
04:34.5
Pansamantala siyang nakatakas mula sa mga Amerikano, ngunit dahil sa tulong ng mga Dato na nakapanig sa mga Amerikano ay natuntun siya sa bungangan ng Mount Bagsak.
04:46.5
Madaling araw noong nagsimulang akyatin ng mga Amerikano ang Mount Bagsak, nakita nila si Hassan at dalawang kasamahan na lumabas mula sa bungangan ng Mount Bagsak.
04:56.5
Pinaulanan nila kaagad ang grupo ng bala, ngunit ang dalawang kasama lamang ni Hassan ang agad na namatay, samantalang si Hassan ay hindi natamaan.
05:06.5
Dali-dali siyang bumalik sa bungangan ng Mount Bagsak.
05:09.5
Ang mga sundalong Amerikano naman ay pinalibutan ang bulkan at siniguradong hindi makakatakas si Hassan.
05:16.5
Noong nakita na siya, inasinta na siya ng isang sergeant. Sinubukan niya pang manlaban gamit ang barong na isang uri ng itak, ngunit nauna na siyang matamaan ng bala.
05:27.5
Noong sinuri ang kanyang katawan, humigit kumulang 26 bullet wounds ang nakita sa kanya mula sa iba't ibang enkwentro.
05:35.5
Ang pagkamatay ni Hassan ang pumukaw sa atensyon ng iba pang mga Muslim at dahilan upang magkaroon ng iba't ibang rebelyon.
05:43.5
Una dito ang armed resistance sa Buddajo, isang inactive volcano.
05:48.5
Daan-daang Muslim ang umakyat sa bundok dahil sa usap-usapan na uubusin silang patayin ng mga Amerikano.
05:55.5
Sinabi ng mga Amerikano na hindi ito totoo, ngunit huli na ang lahat sapagkat mas lalo pang tumibay ang pag-aalsa dahil sa kahirapan na nangyayari.
06:05.5
Nakita ng Heneral na hindi sapat ang bilang ng mga sundalong Amerikano laban sa mga Muslim na nasa Buddajo.
06:13.5
Mahirap din itong akyatin dahil sa taas at kitid ng daanan papunta rito.
06:18.5
Ang ginawa niya ay nag-organisa muna ng peace negotiation habang hinahanda ang kanyang mga sundalo.
06:25.5
Hindi naging matagumpay ang peace negotiation kaya noong May 5, 1906, sinimula ng pag-atake sa Buddajo.
06:32.5
Walang kalaban-laban ang mga Moro maging ang mga inosenteng Moro na walang armas ay pinagbabaril.
06:38.5
Sinubukan pa nilang lumaban gamit ang mga itak.
06:41.5
Ngunit wala itong laban sa mga armas ng Amerikano.
06:44.5
Naubos ang 600 na Muslim na nandoon sa Buddajo.
06:48.5
Massacre ang nangyayari.
06:50.5
Lumitaw naman ang pangalang Jikiri noong 1907.
06:54.5
Isa siyang native ng hulo.
06:56.5
Naging modus niya ang pangingidnap ng mga magagandang babae.
07:00.5
Naging sakit siya sa ulo ng mga Amerikano.
07:03.5
Ngunit natuldukan din ang kanyang pamimirata noong 1909.
07:07.5
Si Jikiri ang huling tinuligsan ng mga Amerikano.
07:10.5
Bago magroon ng malawakang reforma sa pamumuno ni General Pershing.
07:14.5
Ngunit ang malawakang reforma na ito ay nagresulta sa paglapastangan sa kultura at paniniwala ng mga Moro.
07:22.5
Dahil dito ay muling nabuhay ang pag-aalsa.
07:25.5
Bagamat kinumpis ka na ang mga baril sa ibang parte ng hulo.
07:29.5
Hindi ito efektibong na isakatuparan sa lati at luok.
07:33.5
Ito at ang pagkaaresto kay Panglima Adanan na isang makapangyarihang leader ang naging dahilan.
07:39.5
Upang lumitaw muli ang pag-aalsa.
07:43.5
Halos lahat ng populasyon ay sumalis sa rebeliyon.
07:46.5
Ngunit naisip ni General Pershing na hindi pwedeng patayin silang lahat.
07:50.5
Kaya ginawan nila ng paraan upang ihiwalay ang mga populasyong hindi kasama sa mga kombatan o iyong may mga armas at lumalaban.
07:59.5
Noong nagawa nila ito, ipinag-utos niya na pasukin ang Budbagsak.
08:04.5
Kung saan sila nagkukuta.
08:06.5
Nangyari ito noong June 11, 1913.
08:09.5
Sinubukan pa ng mga muslim na lumaban.
08:12.5
Ngunit anuman ang gawin nila ay wala silang laban sa malakas na puwersa ng mga Amerikano.
08:18.5
Tulad na nangyari sa Buddajo, massacre ang nangyari sa mga rebelde.
08:23.5
Sa Cotabato naman, dalawang pangalan ang naging matunog.
08:27.5
Una dito ay si Dato Ali.
08:29.5
Tagapagmana siya ni Dato Uto at son-in-law ni Dato Piang.
08:34.5
Hindi siya sang-ayon sa inaalok na peace negotiation ng Amerika.
08:38.5
Bagkos ay hinimok pa ang mga maranaw na sumama sa pag-aalsa.
08:43.5
Kaya naman, mula Cotabato, nagpadala ng mga army papuntang Rio Grande ang Heneral.
08:49.5
Upang pigilan ang paglaganap ng rebelyon.
08:52.5
Ang mga sundalong ito ay sinalubong naman ni Ali.
08:55.5
Dahil sa enkwentrong naganap, marami sa hanay ni Ali ang namatay.
08:59.5
Nagresulta ito sa pagbabago niya ng taktika.
09:02.5
Ngayon ay guerilla type na ang kanilang pagkikipaglaban.
09:06.5
Kung saan paiba-iba sila ng kuta.
09:09.5
Taong 1906, natuntun ng mga Amerikano si Ali.
09:12.5
Naging mahirap ang habulan na nangyari.
09:15.5
Ngunit dahil sa tulong na din mismo ni Dato Piang na kanyang father-in-law ay nahuli si Ali at napatay.
09:22.5
Noong 1912, si Dato Alamada ay naging leader din ng pag-aalsa sa Maguindanao.
09:27.5
Ngunit hindi din ito nagtagal sapagkat pinili niyang sumuko sa mga Pilipino.
09:32.5
Matapos nito ay wala ng malaking pag-aalsa.
09:35.5
Ngunit ang mga pag-aalsa na ito at ang mga karahasan ng mga Amerikano sa mga Moro ay naka-apekto sa kanilang paghangad ng kalayaan sa hinaharap.
09:44.5
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, huwag lamang natin pag-aralan ng kasaysayan ng mga Kristyano,
09:50.5
kundi maging ng mga kapatid nating Muslim na katulad natin ay nagdusa din sa kamay ng mga dayuhan.
10:05.5
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, huwag lamang natin pag-aaralan ng mga kapatid nating Muslim na katulad natin ay nagdusa din sa kamay ng mga dayuhan.