Close
 


Bakit Dito Itinatago Ng Mga Politiko Ang Kanilang Pera?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Bakit dito itinatago ng mga politiko ang kanilang pera? Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS* #awerepublic Bakit Dito Itinatago Ng Mga Politiko Ang Kanilang Pera? - https://youtu.be/6ogMxvRu8FQ
Awe Republic
  Mute  
Run time: 09:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
11.5 million financial documents ang na-leaked sa media galing sa database ng kumpanyang Mossack Fonseca.
00:10.0
Dahil sa na-leaked na mga files at mga secret bank accounts, nabunyag na may 140 na mga politiko sa mundo
00:18.0
ang involved sa pagtatago ng malaking kayamanan sa mga banko na nakapangalan sa ibang tao.
00:25.0
Isa na dito ang $2 billion na kayamanan na sinasabing pagmamayari ng presidente ng Rasya na si Vladimir Putin.
00:33.0
Involved din ang pamilya ng presidente ng China na si Xi Jinping.
00:38.0
Ang Mossack Fonseca ay isang law firm sa Panama. Ito ay nago-offer ng serbisyo sa mga magkapangyarihang tao sa mundo.
00:46.0
Kaya nitong maitago ang identity ng depositor at sinisiguro ng kumpanyang ito na hindi matitrace kung sino ang tunay na mayari ng kayamanang nakadeposito.
00:57.0
Nabunyag na may mga kurap na mga politiko ang nagtatago ng pera gamit ang Mossack Fonseca,
01:04.0
kayamanang sinasabing galing sa korupsyon at ninakaw sa kaban ng kanilang bayan.
01:09.0
Bilyon-bilyong pera ang nadeskubre sa mga nailantad na mga secret bank accounts.
01:15.0
At alam nyo ba, may mga Pilipino din ang na-involved sa skandalong ito.
01:20.0
Lumabas ang pangalan ng isang bigating senadora at iba pang mga kilalang politiko at mga bilyonaryo dito sa bansa.
01:28.0
Sino-sino ang mga Pilipinong involved sa skandalong ito? At paano nga ba naitatago ng mga bilyonaryo ang kanilang kayamanan?
01:40.0
Ang Panama o Republic of Panama ay matatagpuan sa Central America na sa 4.4 milyong katao ang populasyon nito.
01:49.0
Ang bansang Panama ay isa sa mga tax haven na bansa sa mundo.
01:53.0
Ilan lamang sa mga sikat na tax haven ay ang British Virgin Islands, Cayman Islands at Luxembourg.
02:00.0
Ang ibig sabihin ng tax haven ay isang bansa o lugar na nag-o-offer ng mababang tax o halos zero tax para sa mga dayuhang kumpanya o investors.
02:10.0
Sa madaling salita, dahil sa magandang tax system ng Panama, maraming mga mayayamang galing sa iba't ibang panig ng mundo ang nag-iimbak ng kanilang yaman dito.
02:21.0
Paano nga ba natatago ng mga mayayaman ang kanilang pera sa Panama?
02:31.0
Sa Panama ay may mga kumpanya na katulad ng Mossack Fonseca.
02:35.0
Ang kumpanyang ito ay nag-o-offer ng serbisyo na maitago ang identity ng mayari o depositor ng kayamanan o mga assets.
02:44.0
Complicated ang kanilang sistema kaya para mas madaling maintindihan ay simplihan na lang natin ang eksplenasyon.
02:51.0
Ganito, kunyari si Bayaw ay isang mayamang politician.
02:55.0
Nag-avail siya ng serbisyo ng Mossack Fonseca.
02:58.0
Gagawan si Bayaw nila ng tinatawag na Shell Company o Dummy Company.
03:03.0
Itong Shell Company ay hindi nakapangalan kay Bayaw.
03:06.0
Nakapangalan ito sa ibang tao o mga tao.
03:09.0
Hindi ito publicly makikita na siya ang tunay na mayari ng Shell Company.
03:14.0
Ang Shell Company ay isang korporasyon na sa papel lamang nag-iexist.
03:19.0
Wala itong physical na opisina o building at wala rin mga empleyado.
03:24.0
Hindi po ito yung Shell Gasoline Station, iba po yun.
03:27.0
Shell lang ang tawag dahil para siyang kabibe na tinatago ang nasa loob.
03:32.0
Tinatago nito ang tunay na mayari ng kayamanan.
03:35.0
Ang Shell Company na ito ay konektado sa isang bank account at doon nilalagay ang kayamanan ni Bayaw.
03:42.0
At sinisiguro ng kumpanyang Mossack Fonseca na maitago ang pangalan ng tunay na mayari ng Shell Company at ng bank account.
03:50.0
Legal ito sa Panama at hindi naman ito lubos na masama.
03:54.0
Madalas itong ginagawa ng mga kumpanya upang maging safe ang kanilang assets o pondo at maprotektahan ang brand identity.
04:02.0
Makakasave din sila ng tax sa legal na paraan.
04:05.0
Ngunit yun nga lang ay naaabuso ang sistemang ito dahil sa anonymity at kawalan ng transparency ng mga Shell Companies.
04:13.0
Maaari itong maabuso ng mga masasamang tao, masamang gawain gaya ng money laundering, tax evasion, pandaraya at pag-iwas sa mga parusa.
04:23.0
Maaari din itong magamit ng mga kurap na pinuno at opisyal ng isang bansa upang itago ang kanilang mga nakaw na pera galing sa kaban ng kanilang bansa.
04:33.0
Ayon sa The Guardian, may mahigit 200,000 Shell Companies ang pinamamahalaan ng Mossack Fonseca
04:40.0
at mahirap daw matrace kung sino ang tunay na nagmamayari ng mga Shell Companies.
04:46.0
Maliba na lang kung ma-hack ang kanilang database o may inside job na maglalabas ng impormasyon galing mismo sa loob ng Mossack Fonseca.
04:55.0
At nangyari nga ito noong 2016.
04:58.0
Isang whistleblower ang nag-leaked ng data sa media.
05:05.0
Isang taong itinago sa pangalang John Doe ang naglabas sa media ng mga files na galing mismo sa internal database ng Mossack Fonseca.
05:15.0
Ito'y naglalaman ng 2.6 terabyte of files, 11.5 million documents.
05:22.0
Naglalaman ng mga emails, financial papers, passports at corporate records na naglantad kung sino talaga ang mga tunay na mayari ng mga Shell Companies at mga bank accounts.
05:34.0
Ang talagang tumutok sa pag-iimbestiga ay ang International Consortium of Investigative Journalists
05:41.0
at noong 2016 ay inilabas nila ito sa publiko at tinawag na The Panama Papers.
05:48.0
Inilantad dito ang mga world leaders, celebrities at mga malalaking tao na nagtatago ng kanilang pera sa pamamagitan ng Mossack Fonseca.
05:58.0
Sa page na ito ng icij.org ay ipinapakita ang mga world leaders na involved sa Panama Papers.
06:06.0
Makikita natin dito ang Hari ng Saudi Arabia, dating Prime Minister ng Australia at na-link din dito ang Presidente ng Rasyan na si Putin.
06:16.0
Ayon sa videong ito ng The Guardian, dahil sa na-leaked ng mga financial documents ay napag-alamang $2 billion daw ang nakadeposito sa secret bank account na nakapangalan sa isang Russian shellist na si Sergei Roldugin.
06:30.0
At ang taong ito ay the umano best friend ni Putin.
06:34.0
Naniniwala ang The Guardian na ginagamit ni Putin ang kanyang pinagkakatiwalaang kaibigan upang maitago ang kanyang kayamanan.
06:43.0
Hindi po namin sinasabi na ito'y katotohanan, maaaring ito'y pawang paninira lamang sa Presidente ng Rasya.
06:50.0
Kayo na po ang humusga.
06:51.0
Nisangkot rin ang pangalan ng brother-in-law at presidente ng China na si Xi Jinping.
06:57.0
Hindi rin nakaligtas ang Pilipinas.
06:59.0
Nabanggit rin ang pangalan ng kasalukuyang nakaupong senadora at ilan sa kanyang kaanak.
07:05.0
Hindi na natin babanggitin ang mga pangalan.
07:08.0
Baka sabihin na tayo naninira lang at tayo'y atakihin ang mga mema at mga keyboard warriors.
07:14.0
Search niyo na lang po sa Google, Filipino Panama Papers.
07:18.0
Nisama din ang mga bilyonaryo na si Henry C. Jr., Andrew Tan, Tony Boy Cuanco at ang San Miguel Corporation.
07:26.0
Ilan lamang sila sa mga Pilipinong nabanggit.
07:29.0
Hindi natin hinuhusgahan at hindi natin sinasabing lahat ng mga taong na involved sa Panama Papers ay masasama, kriminal at mga korap
07:38.0
dahil hindi naman talaga natin alam kung saan galing ang kanilang pera.
07:42.0
At meron naman talagang mga mayayaman na ang kayamanan ay nanggaling sa mabuti at legal na paraan.
07:48.0
Marami ding sikat na mga celebrities ang nasama sa skandalong ito.
07:52.0
Nagkagaya nina Jackie Chan, Simon Cowell at soccer player Lionel Messi.
07:57.0
Nandito sa page na ito ang listahan ng mga taong nabanggit sa Panama Papers.
08:02.0
Dahil sa na-leaked na Panama Papers, ang law firm na Mossack Fonseca ay nagsara noong 2018.
08:09.0
Nagbitew ang Prime Minister ng Iceland na si Sigmundur Davigonlogson dahil sa maraming mamamayan ang nagalit at nagprotesta
08:17.0
dahil sa diumanong pagtatago niya ng pera sa isang offshore bank account.
08:22.0
Pati na rin ang ibang mga pinuno ng pahamalaan na sangkot sa katiwalian.
08:26.0
Tatlong taon makalipas, 23 bansa na ang nakakabawi ng mahigit $1.36 billion na buwis.
08:35.0
Ayon sa Vox, itong mga tax haven ay usually maliliit lamang na mga bansa na kung iisipin
08:41.0
kayang-kayang maimpluwensyahan ng mga makapangyarihang world leaders upang baguhin at gawing tama ang kanilang tax code at mga batas.
08:50.0
Ngunit tila ayaw yata itong gawin ng mga political leaders ng mga malalaking bansa.
08:55.0
Hmm, bakit kaya? Dahil baka siguro sila din naman ang higit na nakikinabang? Ewan ko.
09:01.0
Nagustuhan nyo po ba ang content natin ngayon? Kung oo ay mag-comment po kayo ng yes.
09:07.0
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.