Close
 


BAGO KA KUMAIN NG REPOLYO, PANOORIN MO MUNA ITO!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BAGO KA KUMAIN NG REPOLYO, PANOORIN MO MUNA ITO! #repolyo #REPOLYOBENEFITS #masustansyangpagkain #masustansyanggulay =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din kame ng mga recipes na may sahog na halamang gulay for healthy living! Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information
Tey Telly
  Mute  
Run time: 10:21
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang repolyo ay isang cruciferous vegetable na kinikilala bilang superfood dahil mayaman ito sa nutrients at minerals.
00:08.0
Kaya naman hindi nakapagtataka na maraming benefits ito para sa ating kalusugan tulad ng number one, pampalakas ng immunity.
00:17.0
Ang repolyo ay mayroong high levels ng vitamin C o ascorbic acid.
00:22.0
Ito ay isang potent antioxidant na nakakatulong upang palakasin ang immune system at nagbibigay proteksyon laban sa infeksyon.
00:31.0
Ang vitamin C ay nagbibigay proteksyon din laban sa pagkawala ng paningin at sakit sa puso.
00:37.0
Maliban sa pagpapalakas ng immune system, ito rin ay nakakatulong sa production ng collagen.
00:43.0
Ang collagen ay kailangan ng katawan dahil ito ay nagbibigay structure at flexibility sa skin.
00:50.0
Ito rin ay nakakatulong upang gumana ng wasto ang bones, muscles, at blood vessels.
00:56.0
Ang vitamin C ay nakakatulong din sa pagabsorb ng non-heme iron, isang uri ng iron na matatagpuan sa mga plant-based foods.
01:05.0
Number two, nakakabuti sa digestive system.
01:08.0
Ang repolyo ay nagtataglay ng mataas na amount ng phytosterols at insoluble fiber, isang uri ng carbohydrate na hindi kayang tunawin ang katawan.
01:19.0
Pinupromote nito ang healthy digestion sa pamamagitan ng pagtulong sa paglagon ng good bacteria sa gut tulad ng lactobacilli at bifidobacteria na sumusuporta sa regular bowel movement.
01:31.0
Ito rin ay nagbibigay proteksyon sa immune system at tumutulong sa production ng mahalagang nutrients kagaya ng vitamins K at B12.
01:40.0
Number three, nakakatulong sa weight loss.
01:44.0
Since mataas ang fiber content ng repolyo, ito ay nakakatulong sa mga taong nagbabawas ng timbang.
01:50.0
Tulad ng nasabi kanina, ang fiber ay isang uri ng carbohydrate na hindi kayang tunawin ang katawan.
01:57.0
Mababa rin ang calories ng repolyo, kaya naman ito ay nakakabusog, gunit hindi nakakataba.
02:04.0
Number four, pinapababa ang blood pressure.
02:07.0
Ang potassium na taglay ng repolyo ay isang mineral at electrolyte na nagsisilbing vasodilator upang kumalma ang blood vessels.
02:16.0
Nakakatulong ito upang malayang makadaloy ang dugo at bumaba ang blood pressure.
02:22.0
Ang isang cup ng red na repolyo ay nagtataglay ng 6% na recommended daily value ng potassium.
02:29.0
Ito ay nakakatulong upang bumaba ang blood pressure at maiwasan ang panganib na dulot ng sakit sa puso.
02:36.0
Ayon sa mga expert, dapat bawasan ang salt intake ng mga pasyente na may high blood pressure.
02:42.0
However, ayon sa isang pag-aaral, ang pag-intake ng dietary potassium ay nakakatulong din para bumaba ang blood pressure.
02:51.0
Ang potassium ay kailangan ng katawan upang mailabas ang sobrang sodium sa urine.
02:56.0
Number five, pinupromote ang heart health.
02:59.0
Ang red na repolyo ay nagtataglay ng powerful compounds na tinatawag na anthocyanins.
03:06.0
Ayon sa pag-aaral, ang anthocyanins nito ay nakakatulong upang bumaba ang panganib ng heart disease.
03:13.0
Mayroong 36 na klase ng anthocyanins ang natagpuan ng mga scientist sa repolyo.
03:19.0
Ang anthocyanins ay mayroon ding anti-inflammatory properties na nagbibigil proteksyon laban sa heart disease.
03:26.0
Kaya naman ito ay mainam na kainin para sa cardiovascular health.
03:31.0
Number six, pampababa ng cholesterol levels.
03:34.0
Aside sa pagkontrol ng blood pressure, ang dietary anthocyanins nataglay ng repolyo ay nakakatulong din upang bumaba ang bad o LDL cholesterol levels sa katawan
03:46.0
na nagdudulot ng sakit sa puso kapag ito ay namuo sa arteries.
03:51.0
Ang soluble fiber nataglay din ito ay nakakatulong upang bumaba ang bad cholesterol levels.
03:57.0
Sumasama ito sa cholesterol ng gut para mapigilan ang dugo na sip-sipin ito.
04:03.0
Samantala, ang phytosterols o plant sterols ay plant compounds nakatulad ng kolesterol.
04:10.0
Ito ay nakakatulong upang papababain ang bad cholesterol sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-absorb ng kolesterol sa digestive tract.
04:19.0
Therefore, ang pagkain ng repolyo ay mainam upang tumaas ang dietary anthocyanins sa katawan na napatunayan ng nakakababa ng blood pressure at bad cholesterol levels.
04:31.0
Number 7. Nakakatulong sa Inflammation
04:34.0
Ang repolyo ay mayroon ding potent anti-inflammatory properties tulad ng anthocyanins na nakakatulong upang mabawasan ang sintomas ng inflammation kagaya ng irritable bowel syndrome at joint pain.
04:49.0
Ito ay nakakatulong upang mabawasan ang inflammation sa katawan lalo na sa mga taong may arthritis o iba pang inflammatory conditions.
04:59.0
Ang anthocyanins ay hindi lamang nagbibigay kulay sa mga gulay at brutas.
05:04.0
Ito rin ay nakakatulong sa chronic inflammation na dulot ng heart disease, cancer at iba pang medical conditions.
05:13.0
Base sa animal studies, ang anthocyanins ay proven na nakakatulong sa pagkontrol ng inflammation.
05:20.0
Ang mga cruciferous vegetables kagaya ng repolyo ay nagtataglay din ng ibang antioxidants tulad ng kempherol at sulforaphane na may anti-inflammatory effects.
05:31.0
Number 8. Pinupromote ang Bone Health
05:34.0
Ang repolyo ay mayaman din sa mahalagang minerals kagaya ng kalsium, magnesium at potassium na nakakatulong upang mapaganda ang density ng buto.
05:45.0
Mayaman din ito sa vitamin K na mahalaga sa ating kalusugan.
05:49.0
Ang 1 cup ng repolyo ay nagtataglay ng 85% ng recommended daily value ng vitamin K.
05:56.0
Ito ay kailangan ng ating katawan upang maiwasan ang bone conditions tulad ng osteoporosis.
06:03.0
Ang vitamin K ay nakakatulong sa production ng iba't ibang proteins na mahalaga sa pagbuo ng healthy bones.
06:11.0
Kaya naman, ang repolyo ay mainam sa mga bata at matatanda para mapanatiling malusog ang mga buto.
06:18.0
Number 9. Nagbibigay proteksyon laban sa cancer
06:22.0
Ayon sa research, ang sulfur compounds na matatagpuan sa repolyo kagaya ng glucosinolates ay nagtataglay ng cancer fighting abilities.
06:32.0
Ito ay nakakatulong upang palakasin ang DNA ng cells na lumalaban sa agents na nagdudulot ng cancer.
06:40.0
Ang repolyo ay nagtataglay din ng powerful antioxidants tulad ng polyphenols at vitamin C na nagbibigay proteksyon sa katawan laban sa pinsalang dulot ng free radicals.
06:52.0
Based on study, ang diet na mataas sa vitamin C na pagkain ay nakakatulong upang bumaba ang risk ng ilang cancers kagaya ng lung cancer.
07:02.0
Number 10. Pangiwas sa blood clotting
07:05.0
Ang vitamin K ay koleksyon ng fat-soluble vitamins na importante sa ating katawan. Mayroong dalawang grupo ng vitamin K, ang vitamin K1 at vitamin K2.
07:17.0
Ang vitamin K1 o phylloquinone ay madalas matatagpuan sa halaman tulad ng repolyo.
07:24.0
Ang 1 cup ng repolyo ay nagtataglay ng 56% na recommended daily value ng vitamin K1.
07:32.0
Mahalaga sa katawan ang vitamin K1 dahil nagsisilbi itong co-factor ng enzymes na responsable sa blood clotting.
07:40.0
Kung kulang ka sa vitamin K1, ang iyong dugo ay mawawalan ng kakayahan na mamuo ng maayos at tataas ang panganib ng labis na pagdurugo.
07:50.0
Kaya naman napakaimportante ng vitamin K sa ating kalusugan.
07:54.0
Number 11. Pinapababa ang risk ng anemia
07:58.0
Ang 1 cup ng repolyo ay nagtataglay din ng 10% recommended daily value ng iron.
08:04.0
Ang iron ay kailangan sa formation ng red blood cell na nakakatulong upang mapababa ang risk ng anemia lalo na sa mga vegetarians.
08:14.0
Number 12. Pampataas ng energy levels
08:17.0
Ang repolyo ay may high levels ng folate. Ito ay tumutulong sa pag-breakdown ng carbohydrates upang maging energy.
08:25.0
Kinoconvert nito ang carbohydrates papuntang glucose upang tumaas ang production ng energy levels ng katawan.
08:33.0
Therefore, ang repolyo ay napakagandang gulay na isama sa iyong diet kung matamlay ang katawan.
08:40.0
Ano-ano ang mga side effects ng repolyo?
08:43.0
Ngayong alam mo na kung gaano ka-healthy ang repolyo, pag-usapan naman natin ang mga side effects nito.
08:49.0
Kahit isang superfood ang repolyo, ito ay may possible side effects na dapat tandaan.
08:55.0
Ang labis na pagkain ng repolyo ay posibleng magdulot ng gastrointestinal discomfort, kagaya ng bloating at gas dahil sa high content ng fiber.
09:05.0
Para sa mga taong may iodine deficiency o underactive thyroid gland,
09:10.0
ang pagkain ng madaming hilaw na repolyo ay posibleng makaapekto sa thyroid function at iodine absorption.
09:18.0
Kung ikaw ay allergic sa cruciferous vegetables,
09:21.0
ang pagkain ng repolyo ay posibleng magdulot ng hives, pamamaga ng mukha, hirap sa paghinga at anaphylaxis.
09:29.0
Ang labis na pagkain ng fermented na repolyo, kagaya ng kimchi o sauerkraut,
09:34.0
ay posibleng ring magdulot ng high sodium levels sa katawan na may masamang epekto sa mga taong may hypertension o sakit sa puso.
09:43.0
Mayroon din itong substance na maaaring makasagabal sa medications tulad ng blood thinners, so dapat kainin ang repolyo in moderation.
09:53.0
In general, maaaring kumain ng 1 1⁄2 to 3⁄4 cup ng lutong repolyo o 1 1⁄2 cup ng hilaw na repolyo 5 times a week.
10:02.0
Ikaw, madalas mo bang iluto ang repolyo? Anong paborito mong recipe dito?
10:08.0
Ako, madalas ko itong gawing coleslaw o kaya naman stir fry lang with mushrooms at toge.