Close
 


Tiyak na MAPAPAWOW ka talaga kapag nalaman mo kung ano kayang gawin ng mga DAHON na ito!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Tiyak na MAPAPAWOW ka talaga kapag nalaman mo kung ano kayang gawin ng mga DAHON na ito! =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din kame ng mga recipes na may sahog na halamang gulay for healthy living! Kung interesado kayo na magkaroon ng dagdag kaalaman, SUBSCRIBE NOW! ======================== Disclosure: Some of the links in this post are affiliate links, meaning, at no additional cost to you, I will earn a commission if you click through and make a purchase. Also, this video is designed for information and educational purposes only
Tey Telly
  Mute  
Run time: 12:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa video na ito, pag-usapan natin ang ilan sa mga edible na dahon ng mga prutas
00:05.3
na ginagamit din sa pagluluto at sa panggamot sa iba't ibang uri ng sakit at sugat.
00:11.3
Number 1. Dahon ng Bayabas
00:14.0
Ang bayabas ay mayaman sa vitamin C, fiber, at iba pang substances na nagsisilbing anti-oxidants.
00:21.5
Ito ay nakakatulong mapigilan o mapabagal ang masamang epekto ng oksidation.
00:27.5
Ang dahon ng bayabas ay mayaman din sa anti-oxidant at iba pang compounds na may healing effects.
00:34.0
Ito ay ginagamit bilang herbal tea at ang katas nito ay ginagawang supplement.
00:40.0
Kaya naman, napakaraming benefits ng dahon ng bayabas tulad ng number 1, nagbibigay proteksyon sa kidney.
00:48.0
Ang dahon ng bayabas ay mayaman din sa polyphenolic compounds tulad ng flavonoids
00:54.5
at iba pang chemical compounds na napatunayang may anti-inflammatory effects.
00:59.5
Ayon sa isang pag-aaral, ang dahon ng bayabas ay nakakatulong upang protektahan ang kidney
01:06.5
o bato laban sa pinsalang dulot ng diabetes.
01:10.0
Ang flavonoids ay nakakatulong din upang mapababa ang liver at kidney indexes.
01:16.5
Number 2. Nakakatulong pababain ang blood sugar
01:21.0
Ang dahon ng bayabas ay nakakatulong din para mapababa ang blood sugar.
01:26.0
Base sa isang animal study, ang katas ng dahon ng bayabas ay nakapagpababa ng fasting blood sugar level
01:34.0
sa mga dagang may diabetes.
01:36.0
Ito ay maaaring pakuloan at gawing tea.
01:40.0
Dahil ang katas nito ay may taglay na vitamin C, anti-oxidant at flavonoids.
01:46.0
Kaya nga naman ang dahon ng bayabas ay posibling makatulong sa pagkontrol ng diabetes.
01:52.0
Number 3. Nagbibigay proteksyon laban sa cancer
01:56.0
Kagaya ng sinabi ko kanina, ang dahon ng bayabas ay mayaman sa flavonoids na nagsisilbing anti-oxidant.
02:04.0
Based on study, pinoprotektahan ng flavonoids ang cells at tissues laban sa masamang efekto ng free radicals.
02:12.0
Kaya para makaiwas sa cancer, maaaring gawing tea ang dahon ng bayabas dahil ito ay may anti-cancer properties.
02:20.0
Number 4. Panggamot sa sugat
02:23.0
Ang flavonoids na taglay ng dahon ng bayabas ay nakakatulong din upang pabilisin ang paggaling ng sugat.
02:30.0
In my experience, napatunayan ko na ito talaga ay nakakatulong upang maibsan ang kirot at pamamaga ng sugat.
02:39.0
Ang pinakuloang dahon ng bayabas ay maaaring gamitin na panghugas sa sugat sa balat ng tao o pangmumog.
02:46.0
Ito rin ay pwedeng nguyain ng hilaw para malunasan ang kirot ng ngipin at namamagang gilagid.
02:53.0
Number 5. Gamot sa diarrhea at pantanggal ng bulate sa tiyan
02:58.0
Ang dahon ng bayabas ay ginagamit ding traditional remedy sa diarrhea sa iba't ibang parte ng mundo.
03:06.0
Ang aqueous at organic extracts ng dahon nito ay may antibacterial properties.
03:12.0
Kaya naman, ito ay nagbibigay lunas sa diarrhea na dulot ng infeksyon.
03:18.0
Kung nguyain ang dahon ng bayabas, ito ay nakakatulong din upang matanggal ang parasite o bulate sa tiyan.
03:26.0
Ang ilan sa mga side effects ng dahon ng bayabas ay maaaring magdulot ng panandaliang pagduduwal, sakit ng tiyan o pangangati ng balat sa ilang tao.
03:37.0
Although ito ay generally safe, maaaring mahirapan sa pagdumi kung napasobra ang pagkain ng dahon ng bayabas.
03:45.0
Number 2. Dahon ng sampalok
03:48.0
Ang dahon ng sampalok ay mayaman sa vitamin A at C. Ito ay nagtataglay din ng iron, protein at kalsyum.
03:56.0
Madalas itong ginagamit sa Indian cuisine pati na rin sa medisina dahil sa napakarami nitong benepisyo.
04:03.0
Number 1. Panglunas sa Malaria
04:06.0
Ang dahon ng sampalok ay may anti-malarial property.
04:09.0
Ito ay nakakatulong upang mapigilan ang paglago ng plasmodium falciparum na nagdudulot ng malaria sa tao.
04:17.0
Number 2. Pangkontrol ng Diabetes
04:20.0
Ang dahon ng sampalok ay nakakatulong din na kontrolin ang diabetes.
04:24.0
Sa katunayan, ginagamit ito ng mga Indian dahil ito ay nagtataglay ng anti-diabetic activity.
04:31.0
Ito ay nakakatulong sa pagkontrol ng blood sugar level at pagpapataas ng insulin sensitivity.
04:38.0
May glycemic index ito na mababa pa sa 55, kaya ito ay mainam na prutas para sa mga taong may diabetes.
04:46.0
Number 3. Panglunas sa Jaundice at Scurvy
04:50.0
Dahil sa taglay na anti-oxidant, anti-inflammatory at anti-stress properties ng dahon ng sampalok,
04:57.0
maaari rin itong makatulong malunasan ng jaundice.
05:00.0
Ito rin ay nakakatulong para malunasan ang scurvy o sailor's disease,
05:05.0
isang uri ng sakit na dulot ng kakulangan sa vitamin C.
05:10.0
Mataas ang ascorbic level acid content ng sampalok,
05:13.0
kaya ito ay nagbibigay lunas sa symptoms ng scurvy tulad ng pagkapagod at pagdudugo.
05:20.0
Number 4. Mainam sa Menstrual Crumps
05:23.0
Kung ikaw ay madalas makaranas ng menstrual crumps o pananakit ng puson dulot ng regla,
05:29.0
ang dahon ng sampalok ay maaaring makatulong malunasan ang kirot nito.
05:34.0
Ang katas ng dahon ng sampalok ay nagtataglay ng analgesic,
05:38.0
kaya ito ay nakakatulong upang maibsan ang crumps o kirot sa puson.
05:43.0
Sa ngayon, wala pang naitatalang side effects ang paggamit ng dahon ng sampalok,
05:49.0
ngunit ang mismong bunga ng sampalok ay maaaring magdulot ng pangangati,
05:54.0
pantal, pagkahilo, pagkahingal, pagsusoka at acidity.
05:59.0
Ang sampalok ay posibleng magdulot din ng tooth enamel erosion at mabagal na pagdaloy ng dugo.
06:06.0
3. Dahon ng Duhat
06:08.0
Ang duhat ay kilala din bilang java plum, jamun o Indian blackberry.
06:14.0
Mayaman nito sa proteins, vitamins, antioxidants at flavonoids.
06:19.0
Ito din ay nagtataglay ng kalsium, manganese, potassium at phosphorus.
06:24.0
Tulad ng bunga nito, ang dahon ng duhat ay mayaman din sa nutrients.
06:29.0
Mayroon itong taglay na antioxidants at anti-inflammatory at anti-virus properties.
06:35.0
Therefore, napakarami din benefits ng dahon ng duhat kagaya ng number 1, pantanggal ng kidney stones.
06:43.0
Ang dahon ng duhat ay nagtataglay ng bioactive phytochemicals
06:47.0
na nakakatulong upang malunasan ang sakit ng tiyan at pamamaga ng kidney.
06:52.0
Ito rin ay sinasabing efektibong pantanggal sa kidney stones.
06:56.0
Kung ikaw o mayroon kang kakilala na may kidney stones, maganda ng 10 to 15 grams ng dahon ng duhat.
07:03.0
Hugasan nito at kuhanin ang katas.
07:05.0
Pagkatapos, haluan ng tatlong itim na paminta ang katas nito at inuminang dalawang beses sa isang araw hanggang matanggal ang kidney stones.
07:15.0
Pero paalala lang, mas maganda pa din na kumonsulta sa doktor kung safe kang uminom ng ekstrakt ng dahon ng duhat.
07:23.0
Number 2. Nagbibigay proteksyon laban sa cancer, tumor at free radicals
07:29.0
Ayon sa isang pag-aaral, ang berries tulad ng duhat ay nagtataglay ng anthocyanins,
07:35.0
isang chemical compound na tumutulong sa production ng anti-cancer cells sa katawan.
07:41.0
Ang dahon ng duhat ay mayroon ding anti-cancer properties.
07:45.0
Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang pag-atake ng cancer cells na sumisira sa cell tissues ng katawan.
07:52.0
Another benefit ng dahon ng duhat ay ang pagpigil sa paglago o pagkakaraon ng tumors.
07:58.0
Mayaman din ito sa polyphenol antioxidants na nakakatulong upang mabawasan ang pamamaga
08:05.0
at nagbibigay proteksyon sa cells laban sa pinsalang dulot ng free radicals.
08:10.0
Number 3. Panglunas sa fever
08:13.0
Gayon ang sinabi ko kanina, ang dahon ng duhat ay mayaman sa antioxidants
08:18.0
at mayroong anti-inflammatory at anti-virus properties.
08:22.0
Kaya naman, ito ay mabisang panglunas din sa lagnat.
08:26.0
Maari itong inumin sa unang araw na magkalagnat hanggang mawala ang init ng katawan.
08:32.0
Number 4. Pangiwas sa infection at bakterya
08:36.0
Ang duhat ay nagtataglay ng tannins, ascorbic acid, gallic acid, malic acid at oxalic acid
08:44.0
na mayroong antibacterial properties.
08:46.0
Kaya naman ito ay sinasabing effective para maiwasan ng common infections at sakit na dulot ng bakterya.
08:54.0
Ang bunga at dahon ng duhat ay generally safe kainin.
08:58.0
Ngunit kung naparami ang kain, ito ay maaaring magdulot ng low blood pressure, constipation, vomiting, laryngitis at skin problems tulad ng acne.
09:09.0
Number 4. Dahon ng mangga
09:11.0
Last but not least, ang paboritong prutas ng karamihan ay ang mangga.
09:16.0
Ang mangga ay ang king of fruits at ito ay kilala sa buong mundo.
09:21.0
Maliban sa napakasarap nito, ang mangga ay napakahealthy din dahil sa taglay nitong healing properties.
09:28.0
Ang dahon ng mangga ay mayaman sa vitamins tulad ng vitamin A, B at C.
09:34.0
Ito ay nagtataglay din ng ibang compounds kagaya ng alkaloids, betacarotene, flavonoids, phenolic, riboflavin, steroids at thiamine.
09:45.0
Ang dahon ng mangga ay mayaman din sa terpenoids at polyphenols, mga plant compounds na nagbibigir proteksyon laban sa sakit at inflammation sa katawan.
09:56.0
Maliban dyan, ang dahon ng mangga ay napakaraming beneficyo, kagaya ng number 1, nakakatulong sa diabetes.
10:04.0
Ang dahon ng mangga ay nagtataglay ng tannins na anthocyanidins, isang uri ng plant pigment na nakakatulong sa paggamot ng diabetes.
10:14.0
Maaring patuyoyin ang dahon nito at gawing powder. Ito ay nakakatulong sa paggamot ng andropathy at retinopathy diabetes.
10:24.0
Ang 3-beta-teroxyrol at ethyl acetate na taglay ng dahon ng mangga ay nakakatulong din sa paggamot ng hyperglycemia o pagtaas ng blood sugar levels.
10:35.0
Number 2, minamanage ang high blood pressure.
10:38.0
Ang dahon ng mangga ay may hypotensive properties na nakakatulong upang bumaba ang blood pressure.
10:45.0
Ito rin ay mainam upang mapanatiling malakas at malusog ang blood vessels at sinasabing efektibo rin itong panglunas sa varicose veins.
10:54.0
Number 3, nakakatulong sa weight loss.
10:58.0
Ayon sa pag-aaral, ang dahon ng mangga ay nakakatulong para maiwasan ang obesity sa pamamagitan ng pagpapababa ng fat deposits levels sa katawan.
11:08.0
Dahil ito ay nakakatulong sa pagmanage ng diabetes, ang dahon ng mangga ay posibleng magdulot ng high metabolic rate na nakakatulong para maiwasan ang pagdagdag ng timbang.
11:20.0
Base sa isang pag-aaral, ang dahon ng mangga ay nagtataglay ng natural caffeine.
11:26.0
Kaya naman, ito ay maaaring pakuloan at gawing tea kung nais mong magbawas ng timbang.
11:32.0
Wala pang naitatalang malalang side effects ang dahon ng mangga.
11:36.0
Ngunit ang overconsumption nito ay posibleng magdulot ng sakit sa tiyan, pagsusoka at pagduduwal.
11:43.0
Ikaw, mayroon ka bang puno ng mga ito sa inyong bakuran?
11:47.0
At paalala lang, kung ikaw ay may karamdaman, allergy o may iniinom na gamot, make sure na kumonsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng kung ano man sa mga dahon na ito.