Close
 


GIANNE | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 28:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Karamihan sa atin ay palaging nagpapakatatag para sa mga mahal natin sa buhay,
00:09.4
sa pamilya na siyang kinukuha na natin ng lakas at pag-asa,
00:14.5
sila na dahilan kung bakit tayo gumigising sa umaga.
00:19.1
Pero paano kung ang dahilan na iyon ay bigla na lamang mawala sa ating buhay-buhay?
00:26.7
Para saan at kanino na tayo dapat bumangon, mabuhay at magpapatatag?
00:36.3
Dear Papa Dudot,
00:38.7
Hello, I'm Gian, 29 years old at nakatira dito sa Alabang.
00:44.2
Bago lamang akong subscriber nitong inyong YouTube channel.
00:48.7
Hindi naman kasi talaga ako mahilig manood na mga drama sa TV o makinig na mga drama sa YouTube.
00:56.0
Pero nang ma-discover ko ang channel ninyo dahil sa mami ko,
01:00.3
na avid listener po ninyo ay nag-decide na ako na sumulat at ibahagi ang kwento ng buhay ko.
01:09.0
Dalawa lamang kaming magkapatid ni Ati Laura, Papa Dudot.
01:12.8
Siya rin ang tumatayong breadwinner ng aming pamilya.
01:17.8
Taxi driver si Daddy at housewife si Mami.
01:22.2
Nang minsang mahitsro si Daddy na problema talaga kami sa pera,
01:26.9
lalo na at pareho kaming nasa college ni Ati Laura.
01:31.4
Kaya naman ang matapos niya ang second year,
01:34.4
huminto na siya sa pag-aaral at nagtrabaho na lamang para sa aming pamilya.
01:41.7
Una niyang naging trabaho ang pagiging waitress sa isang restaurant,
01:46.8
tapos ay sales clerk sa isang mall hanggang sa makapagtrabaho bilang call center agent.
01:54.2
Naging regular siya sa kumpanya at yung trabaho niya na yun ang bumuhay sa aming pamilya.
02:02.7
Mula sa pambayad ng bills,
02:05.9
pambilin ng grocery sa mga gamit ni Daddy at tuition FICO,
02:11.1
lahat yun ay sinalon ni Ati Laura.
02:14.9
Madalas siyang naka-overtime sa trabaho tapos ay hindi ko siya nakikitang bumibili ng mga gamit na para sa sarili niya.
02:24.5
Palagi niyang inuuna ang mga pangangailangan namin.
02:28.5
Kung may sobra man sa pera niya,
02:30.9
kami ng mga magulang ko ang bibilhan niya ng bagong gamit.
02:35.6
Hanggang sa makabalik na sa pagtatrabaho si Daddy bilang taxi driver.
02:40.4
Kasunod noon ang pagkagraduate ko naman sa college.
02:45.0
Nakaka-proud ka Gian?
02:47.2
Nagawa mo makagraduate ng cum laude?
02:49.8
Masayang wika ni Mami.
02:53.1
At talagang hindi mo pa kaagad sinabi sa amin ni Daddy ha?
02:56.9
Ang sabi naman ni Ati Laura.
03:00.0
Nasa restaurant kami noon para mag-celebrate ng graduation ko.
03:04.4
Siyempre kasi gusto ko na masurprise kayo ni na Daddy.
03:08.3
Nakangiting sabi ko naman.
03:11.0
At sobrang nakakasurprise talaga ang ginawa mo.
03:14.4
Salamat kasi nag-aral ka talaga ng mabuti Gian.
03:18.0
Wika pa ni Ati Laura.
03:21.2
Thank you din Ati Laura kasi
03:23.6
tinulungan mo ko na makapagtapos ng pag-aaral ko.
03:27.1
Ngayon ikaw naman ang mag-aaral ulit para matapos mo rin ang college mo.
03:32.3
Tama si Gian.
03:33.8
Ituloy mo na ang pag-aaral mo Laura.
03:36.1
Segunda pa ni Daddy.
03:38.6
Naku hindi na po kailangan kasi may maayos naman po akong trabaho sa ngayon.
03:43.2
Tugon pa ni Ati Gian.
03:45.8
Pero iba pa rin yung nakapagtapos ka ng kolehyo.
03:48.7
Ang sabi pa ni Mami.
03:51.9
Bakit po ba kayo nag-aaral?
03:53.8
Eh hindi ba para magkaroon ng maayos na trabaho?
03:57.1
Okay naman po ang trabaho ko sa ngayon kaya wala na akong mahihiling pa.
04:01.4
Tugon naman ni Ati Laura.
04:04.2
Hindi na nga namin siya na pilit pa na bumalik sa pag-aaral.
04:08.4
At malaki ang pangihinayang ko Papa Dudut.
04:11.9
Sa aming dalawa kasi si Ati Laura talaga ang mas matalino at mas masipag mag-aaral.
04:18.3
Kaya nga mabilis ang naging promosyon niya sa trabaho.
04:22.7
Bukot sa magaling siyang makisama sa ibang tao ay mahusay din siya pagdating sa trabaho.
04:27.9
Kaka-regular niya lamang nang ma-promote siya sa mas mataas na posisyon.
04:32.6
At pagkalipas ng ilang buwan pa.
04:35.1
Na-promote ulit siya kaya naman hindi niya na talaga iniwasa ng trabaho.
04:41.0
Papa Dudut sa trabaho ko rin na kilala ang boyfriend kong si Dennis.
04:45.5
Halos sabay lang kaming nakapasok noon.
04:48.5
Mabait siya, gwapo at magalang sa kapatid at mga magulang ko.
04:54.7
Formal niya akong niligawan sa bahay kaya naman naramdaman ko ang sincerity niya.
05:01.2
Ilang buwan ang lumipas, sinagot ko na siya at mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal niya.
05:08.0
Ang bilis ng panahon.
05:10.0
Isang taon na kaagad kayo ng boyfriend mo?
05:13.0
Wika ni Ati Laura nang minsan ay magkasama kaming mag-grocery.
05:18.2
Oo nga eh.
05:19.6
Minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala kasi parang kailan lang.
05:23.7
Nagtutoksuhan at asaran lang kami ni Dennis pero ngayon,
05:27.6
mag-shota na kami.
05:29.8
Natatawang sabi ko bago ako kumuha ng brand ng shampoo na ginagamit namin sa bahay.
05:36.8
Alam mo natutuwa ako dyan kay Dennis.
05:39.4
Kasi kahit isang taon ka na niyang girlfriend, hindi pa rin siya nagbabago sa amin nila mami at daddy.
05:45.0
Madalas pa rin siyang dumadalaw sa bahay, ang sabi ni Ati Laura.
05:50.4
At tumutulong pa kay mami paggating sa pagluluto, natatawang wika ko naman.
05:57.4
Kaya nga sane siya na talagang makatuluyan ko sa huli, dagdag ko pa.
06:03.4
Nararamdaman ko naman na seryoso si Dennis sa iyo.
06:07.6
Mahal ka niya at mahalaga rin ang mga magulang natin sa kanya.
06:12.6
Sigurado ko na hindi ka niya nasasaktan, sabi pa ni Ati Laura.
06:18.6
Sana nga eh, ikaw ba Ati Laura?
06:21.6
Bakit hindi ka pa nagbo-boyfriend? Nagtatakang tanong ko.
06:26.6
Bakit? Required ba? Pagtawa niya.
06:28.8
Hindi naman pero bigla ko lang naalala yung si Edward, wika ko.
06:34.8
Ah, yung kaklasiko nung college? Tanong niya.
06:38.8
Oo hindi ba? Manliligaw mo yun? Pag-uusisa ko.
06:43.8
Dating manliligaw kasi may asawa at anak na yun ngayon. Medyo natatawang tugon niya.
06:49.8
Umm, bakit hindi mo siya sinagot noon? Crush mo yun hindi ba?
06:55.0
Napagod ba siya kaagad manligaw at maghintay sayo? Pag-uusisa ko pa.
07:01.0
Oo pero alam mo naman ang priority ko hindi ba?
07:05.0
Sige na nga ikakwento ko.
07:07.0
Nang tumigil ako sa pag-aaral para magtrabaho, nanligaw pa rin siya sa akin noon.
07:13.0
Pinupuntahan niya pa nga ako sa trabaho pero ako na inagsabi na tumigil na siya sa ginagawa niya.
07:19.2
Ayaw ko kasing masayang ang effort niya. Ayaw ko masayang lang ang oras niya sa akin lalo na nakafocus talaga ako sa pag-aaral noon
07:28.2
dahil sa mga gastusin sa gamot ni Daddy at sa college mo.
07:33.2
Pero huwag mong sisihin ang sarili mo Gian.
07:36.2
Oo may pangihinayin ako na hindi daging kami ni Edward pero masaya ako ngayon kasi kasama ko kayo ni na Mami at Daddy.
07:44.2
Nakangiting tugon ni ate Laura.
07:46.4
Doon talaga ako humahanga kay ate Laura kasi palagi niyang inuuna ang pamilya niya kesa sa sarili niyang kaligayahan.
07:56.4
Kaya nga sobrang idol ko siya.
07:59.4
Ang sabi ko gusto kong maging kagaya niya, mas inuuna ang ibang tao kesa sa sarili.
08:05.4
Sabi nga niya wala na raw siyang plano mag-asawa noon.
08:09.4
Mag-aalaga na lang daw siya ng mga magiging anak namin ni Dennis.
08:12.6
Pero kung sakali man daw na may dumating na muling magpapatibok ng puso niya.
08:18.6
Ayos lang din daw naman.
08:21.6
Pero ayaw niya nang umasa.
08:24.6
Lalo na at masaya siya na kasama kami na pamilya niya.
08:29.6
Papadudot naging masaya ang relasyon namin ni Dennis wala na nga akong mahihiling pa noon.
08:35.6
Sabi ko po ay napaka-bless ko naman sa buhay kasi binibigay sakin ni Lord lahat ng kahilingan ko.
08:42.6
Nakalipat na kami noon ng mga magulang ko at ni Ati Laura sa kinuha naming bahay na hulugan.
08:49.6
Mas maganda yun at mas maayos.
08:52.6
Pangarap kasi talaga namin ni Ati Laura na mabigyan ang bagong bahay ang mga magulang namin.
08:58.6
Kaya pareho kaming nagtulungan para matupad yun.
09:02.6
Gusto namin makita ng mga magulang namin kung gaano kami ka-grateful na sila ang mga magulang namin.
09:08.8
Gusto namin ibalik ang naibigay nilang pagsasakripisyo sa amin noon.
09:14.8
Ang ganda naman ang bahay na ito Laura, Gian.
09:18.8
Sigurado ba kayong Ati na talaga ito?
09:20.8
na mamanghang tanong ni Nanay.
09:23.8
Oo nga, hindi ba kayo mahirapan sa pagabayad neto?
09:27.8
Si Tatay naman ang nagtanong.
09:29.8
Sa atin po talaga ang bahay na ito at huwag po kayong mag-alala kasi magtutulungan kami ni Gian sa pagabayad dito.
09:38.8
Hindi ba Gian, baling sakin ni Ati Laura?
09:42.8
Tama po si Ati Laura, magtutulungan kaming magkakapatid para sa dream house natin na ito.
09:48.8
Uwi ka ako naman.
09:50.8
Two story house ang kinuha namin na may tatlong kwarto.
09:54.8
Pangarap kasi talaga namin ding magkapatid na magkaroon ng sariling naming kwarto.
10:00.8
Doon kasi sinuupahan namin magka-share lamang kami ng room.
10:05.0
Kaya pangarap din talaga namin ni Ati Laura ang bahay na iyon.
10:09.0
Papadudod wala ng paglagyan ang sayaang buhay ko noon.
10:13.0
Nalala ko pa nga noon house blessing namin at pumunta rin sa bahay ang mga magulang ni Dennis.
10:19.0
Masaya silang nag-bonding at kwentuhan ang mga magulang ko.
10:23.0
Tapos pinag-usapan pa nilang magiging kasal namin ni Dennis.
10:27.0
Natatawa pa nga ako kasi pati mga magiging anak namin na pag-usapan din nila.
10:32.2
Ang sabi ko naman ay malayo pa yun sa plano namin ni Dennis.
10:37.2
Alam namin na may kanya-kanya kaming responsibilidad sa buhay na kailangan panggampanan.
10:44.2
Isang taon nang lumipas sa 70th birthday ni Mami,
10:48.2
nagkaroon ng malaking celebration sa bahay at invited lahat ng mga mahal namin sa buhay.
10:53.2
At sa araw na yon ay nag-propose ng kasal sa akin si Dennis.
10:56.4
Gian, will you marry me?
11:00.4
Tanong ni Dennis abang nakaluhod sa harapan ko.
11:03.4
Saglit akong natahimik at natulala sa kanya.
11:07.4
Nag-isip sa kung ano nga ba ang dapat kong isagot sa tanong ni Dennis.
11:12.4
Oo, mahal ko siya at siya lang ang nakikita kong lalaki na gusto kong makasama sa panghabang buhay
11:17.4
pero oras na nga ba talaga para mag-level up ang relasyon naming dalawa?
11:21.6
Nang ilibot ko ang tingin ko sa paligid, nagsalubong ang mga mata namin ni ate Laura.
11:26.6
Ngumiti siya sa akin at tinanguhan ako na parabang nababasa niya ang mga tanong sa isipan ko.
11:32.6
Bumalik ang tingin ko kay Dennis at binigay ko sa kanya ang sagot na oo, pakakasalan ko siya.
11:40.6
Masasayang boses at palakpakan ang sumunod kong narinig noon sa loob ng bahay ni Dennis.
11:47.8
Lahat sila ay excited para sa aming dalawa, para sa magiging bagong yugto ng aming buhay.
11:55.8
Ate Laura, galit ka ba? Tanong ko habang magkasama kami noon sa my garden.
12:02.8
Bakit naman ako magagalit? Nagtataka at nakangitiring tanong niya.
12:07.8
Kasi baka iniisip mo na iiwanan ko yung responsibilidad ko sa iyo?
12:12.0
Hindi pa naman kaagad kami magpapakasal ni Dennis.
12:15.0
Ang sabi ko sa kanya ay maghintay muna siya ng isa pang taon bago namin simulang magplano ng para sa kasal.
12:22.0
Saka, Gian, hindi mo kailangan magpaliwanag kasi naiintindihan ko naman ang lahat.
12:28.0
Kilala ko si Dennis at malaki ang tiwala ko sa kanya.
12:32.0
Saka, huwag mo siyang masyadong isipin.
12:34.2
Kaya ko to kahit may sarili ka ng pamilya, nakangiting wika naman niya.
12:40.2
Papadudod nun ko naisip kung gaano ako kaswerte sa kapatid ko.
12:45.2
Kasi palagi niya akong inuuna sa lahat ng bagay.
12:48.2
Ang sabi nga niya, hindi naman mapuputol ang pagiging magkapatid namin sa oras.
12:53.2
Kasi hindi naman magpuputol ang pagiging magkapatid namin sa oras.
12:57.2
Kasi hindi naman magpuputol ang pagiging magkapatid namin sa oras.
13:00.4
Ang sabi nga niya, hindi naman mapuputol ang pagiging magkapatid namin sa oras na magpakasal na ko.
13:07.4
Nangako ako sa kanya na hindi ko puputulin ang responsibilidad ko sa pamilya namin.
13:14.4
Kaya lang papadudod isang pangyayari noon ng bumago sa buhay namin, lalo na sa buhay ko.
13:23.4
Kakauwi ko lang sa bahay nang tumawag sakin ang isang katrabaho ni Ati Laura.
13:27.6
Sinabi nila na sinugod daw sa ospital ang kapatid ko.
13:32.6
Agad kami pumunta noon ni Mami at Daddy at isang napakasamang balitang bumungad sa amin pag ating palamang namin sa ospital.
13:40.6
Wala na si Ati Laura.
13:45.6
Namatay siya nang dahil sa brain aneurysm.
13:49.6
Napakabilis ng mga pangyayari.
13:52.6
Masaya pa kami ilang araw ang bago ang gabing yon.
13:57.6
At niminsan ay hindi ko narinig sa kanya na may dinadamdam siyang hindi maganda.
14:03.6
Palaging niya lamang akong kinukumusta sa trabaho at relasyon ko.
14:07.6
Palaging ako ang iniisip niya ang hindi ko alam.
14:11.6
May masama na pala siyang dinadamdam.
14:16.6
Papadudod pagkatapos may libing ni Ati Laura, ako na ang sumalo ng responsibilidad sa pamilya.
14:23.8
Doon nalaman na hindi pala ganong kadali ang ginagawa niya.
14:28.8
Hindi rin madali ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung ganon na biglaan.
14:34.8
Walang pasabi o kahit na anong sinyales.
14:38.8
Ang alam ko lang ay masaya kami noon pero limitado na pala ang oras na magkakasama kami.
14:44.8
Nahirapan ako na bumalik sa dating ako pero pinilit ko papadudod kasi wala nang ibang aasahan ng mga magulang ko.
14:52.0
Kung hindi ako lamang.
14:55.0
Hindi na kasi ganong kalakiang kinikita ni tatay sa pagmamaneho ng taxi kaya naman mula sa bills,
15:01.0
bayarin sa bahay at paghuhulog ng bahay, ako na ang sumagot at nagtatrabaho.
15:08.0
Mahirap sobrang hirap lalo na at malaki ang halaga na hinuhulog kong pera sa bahay sa bawat buwan.
15:15.0
Pero pinipilit kong kayanin ang lahat.
15:18.2
Pero wala pang isang taon ng lumipas ay si daddy naman ang naospital dahil inatake siya sa puso.
15:25.2
Nasa opisina ako noon nang tumawag si mami at sabihin yun sa akin.
15:30.2
Kagad ako nag drive, papunta sa ospital at habang nasa biyahe ako ay umiiyak ako.
15:37.2
At walang tigil sa pagdarasal na sana, sana ihuwag munang kunin sa amin si daddy.
15:43.4
Huwag sana ulit muna kaming mawala ng mahal sa buhay kasi baka hindi ko kayanin.
15:50.4
Masyado pang masakit ang pagkawala ni ate Laura.
15:54.4
Na hindi pa bumababao ang suga tapos ayon na naman.
16:00.4
Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala na lamang bigla sa amin.
16:05.4
Kaya paulit-ulit kong dinarasal noon.
16:07.6
Nagagawin ko ang lahat, mailigtas lamang ang buhay ni daddy.
16:14.6
Hindi kami pwedeng mabawasan pa, hindi pwedeng mawala siya sa amin ni mami.
16:20.6
Hindi namin kakayanin na mawala si daddy pagkatapos lang mawala ni ate Laura.
16:26.6
Pagating ko sa ospital ay sinabi ni mami na kailangan daw maoperahan ni daddy sa lalong madaling panahon.
16:33.8
Pero kailangan daw namin maganda ng malaking halaga ng pera.
16:37.8
Nang marinig ko kung magkano ang pera na kailangan namin ay napaiyak talaga ako kasi wala akong ipon na ganon kalaking halaga.
16:45.8
May ipon kami sa banko ng daddy mo, gamitin natin yun ang wika pa ni mami.
16:52.8
Umiling ako kasi alam ko na kung nabubuhay si ate Laura ay hindi niya hayaan na galawin ang pera ng mga magulang ko.
16:59.0
Ako na pong bahala, gagawan ko pong paraan ang wika ko kahit na di ko pa alam kung saan ako kukuha ng pera para kay daddy.
17:10.0
Papadudot ng ngutang ako sa mga katrabaho ko pati na rin kay Dennis.
17:15.0
Nag-loan din ako sa company namin at sa awa ng Diyos.
17:19.0
Naipon ko ang halaga ng pera na kailangan at naisagawa ang operasyon sa kanya.
17:23.2
Naging ligtas na ang buhay ni daddy pero kinakailangan niyang magkaroon ng therapy dahil kalahatin ang katawan niya ang hindi na niya kayang ikilos.
17:33.2
Bukod pa doon ay marami rin siyang mamahaling gamot na kailangang inumin sa pang-araw-araw.
17:39.2
Hanggang sa hindi nagtagalay nabenta ko na ang kotse ko at napilitan akong galawin at gamitin ang perang naipon ng mga magulang ko.
17:48.4
Wala eh, hindi ko na kinakaya ang pangyayari noon.
17:53.4
Pero alam ko na kailangan kong magpakatatag lalo na at ako na lang ang kumakayod para sa aming pamilya.
18:00.4
Hindi biro ang maging breadwinner.
18:03.4
Hindi ko alam kung paano kinaya yung mag-isa ni ate Laura noon.
18:07.4
Wala na akong nabibiling mga gamit para sa sarili ko at palagi rin akong naka-overtime pero kinakapos pa rin kami sa bagyo.
18:14.6
Gusto na nga noong tumulong ni mami at magbenta ng mga alahas niya pero ang sabi ko ako na ang bahala.
18:21.6
Huwag na silang mag-alala kasi kaya ko silang buhayin ni daddy.
18:25.6
Hindi ko sila pababayaan at kaya kong gawin ang lahat ng ginawa ni ate Laura noon.
18:31.6
Isang hapon nagulat ako na umuwi ako sa bahay at maabutang ko doon ang pinsang kong si Emily.
18:37.6
Taga-probinsya kasi siya.
18:38.8
Pero mas nagulat ako nang sabihin ni na daddy na sa bahay na raw muna titira si Emily.
18:43.8
Uupahan daw nito ang kwarto ni ate Laura.
18:46.8
Mami ano yun? Bakit may ganun?
18:49.8
Inis na wika ako na makausap ko ng solo si mami sa may kusina.
18:53.8
E wala namang gumagamit sa kwarto ng ate mo kaya naisip ko na may kusina.
18:58.8
Pero hindi ko alam kung paano kong mag-isa niya.
19:01.0
Inis na wika ako na makausap ko ng solo si mami sa may kusina.
19:05.0
E wala namang gumagamit sa kwarto ng ate mo kaya naisip namin ang daddy mo na ipaupa na lang yun.
19:12.0
Tugon ni mami sa malumanay na boses.
19:16.0
Pero pinag-usapan na po natin to.
19:18.0
Ang sabi ko hindi ninyo kailangan na gawin to dahil kaya ko pa naman.
19:23.0
Kaya kong buhayin kayo at kaya kong mga gastusin sa bahay na ito.
19:27.0
Wika ko.
19:28.2
Ayaw ko lang na mahirapan ka na masyado anak.
19:31.2
Ang sabi pa ni mami.
19:33.2
Mami, mas mahihirapan po ako sa ginagawa ninyo.
19:38.2
Pakiramdam ko e wala kong kwenta.
19:40.2
Ang wika ko.
19:42.2
Gian, hindi yan totoo.
19:44.2
Ang sabi ni mami.
19:46.2
Pero yun po ang nararamdaman ko, yun po ang pinaparamdam ninyo sa akin.
19:51.2
Naiinis na sabi ko.
19:52.4
Kahit na anong pilit ko papadudod sa huli ay pinaupa rin namin ang kwarto ni Ati Lora sa pinsan ko
19:59.4
para may pandagdaggasos kami sa bahay.
20:02.4
Mabigat yun para sa akin kasi kwarto yun ang kapatid ko at walang sinuman ang gusto ko na gumamit noon.
20:09.4
Nasuggest na rin yun ng una pa lamang ng mga magulang ko pero sinabi ko na hindi ako sangayon sa gusto nilang mangyari.
20:17.4
Ayaw kong may ibang gagamit sa kwarto ng kapatid ko.
20:20.6
Pero ang hindi ko alam ay pinush pa rin ni mami ang suggestion nila na yun papadudod.
20:26.6
Kahit nandoon na ang pinsan ko ay ayoko pa rin talaga sanang pumayag papadudod.
20:32.6
Pero naramdaman ko na sumama ang loob ni mami dahil sa pagtaas ko ng boses sa kanya.
20:37.6
Nag sorry naman ako at doon ko na nga sinabi na pumapayag na ako sa gusto nilang mangyari
20:42.8
Bukod sa pagabayad ng upa ay nagsishare din si Emily ng pambayad sa bills sa bahay pati na sa grocery.
20:49.8
Pabait naman ang pinsan ko na yun at masipag din sa mga gawain bahay.
20:53.8
Kaya wala naman akong marereklamo sa kanya o sa ugali niya.
20:57.8
Papadudod, hindi pa rin ako nakakabangon noon sa mga pagsubok ng malama namin na may diabetes si mami.
21:05.8
Kaya naman kinailangan niya na rin maggaroon sa mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
21:12.8
maintenance ng mga gamot.
21:15.8
Doon ako na stress at wala na masyadong kinakausap ng mga tao sa paligid ko.
21:21.8
Kahit pa mga magulang o boyfriend ko.
21:24.8
Magtatrabaho ako at uuwi ng bahay para magpahinga saglit
21:28.8
hanggang sapatit sa trabaho ko ay natala ko ng stress at nakagawa na ako ng mga kapalpakan ko.
21:34.8
Anong sabi sa iyo ni Boss babe?
21:37.8
Tanong pa ni Dennis
21:39.0
Suspended ako na dalawang linggo dahil sa mga
21:42.0
sa mga late ko tugon ko.
21:45.0
Dalawang linggo lang naman eh.
21:47.0
Pabilis lang yun babe.
21:49.0
Wika ni Dennis
21:51.0
Mabilis?
21:53.0
E paano yung mga bayarin namin?
21:55.0
Sa tingin mo eh mabilis ko lang ding mababayaran ang mga yun kahit na isang linggo akong suspended?
22:00.0
Naiinis na wika ko kay Dennis.
22:03.0
Huwag ka naman sanang magalit sa akin
22:06.0
gusto ko lang namang pagalin ang loob mo
22:07.2
Wika pa niya
22:09.2
Pwes, hindi mo napapagaan ang loob ko okay?
22:13.2
Kasi hindi mo naman maintindihan kung anong pinagdadaanan ko sa ngayon
22:17.2
Walang sino man sa inyo ang nakakaintindi sa akin
22:21.2
Inis na sabi ko noon
22:23.2
Papadudod alam kong maraming tao ang naging concerned sa sitwasyon ko
22:28.2
dahil hindi nila ako makausap ng maayos noon
22:31.4
Palagi lamang akong tahimik at tulala at palagi ko naman ding sinasabi sa kanila na ayos lamang ako
22:38.4
Wala silang dapat na alalahanin sa akin kasi hindi rin naman nila ako maiintindihan
22:44.4
Hanggang sa naisipan kong dumalaw sa puntod ni Ati Laura
22:48.4
Doon ay naiyak akong kinausap siya
22:52.4
Kung gaano ko siya namimiss
22:55.4
At tinatanong kong paano niya nagagawang kayanin lahat noon
22:59.6
Bakit hindi ko magawa na maging siya?
23:03.6
Bakit napakahina ako kumpara sa kanya?
23:07.6
Hanggang sa ilang saglit lang ay dumating naman si Emily at nagulat ako nang sabihin niya
23:12.6
na dumadalaw din daw siya sa puntod ni Ati Laura
23:16.6
Nagpapasama sa kanya si Mami pero nang araw na yun ay siya lang mag-isa ang dumalaw kay ate
23:22.6
Alam mo madalas nakanikwento ni Tita na nahihihiyaraw siya sayo
23:25.8
Kasi ikaw na raw halos nang sumasaro ng lahat ng responsibilidad sa bahay ninyo
23:30.8
Ang wika ni Emily habang katabi ko siya
23:33.8
Ako naman talaga dapat dahil ako na lang ang natitirang anak nila
23:38.8
Ang sabi ko naman
23:40.8
Pero hindi ibig sabihin kailangan mong suluhin lahat ng sakit giyan
23:45.8
Oo alam ko na iniisip mo na napakalaki ng responsibilidad
23:50.8
na meron ka sa pamilya mo pero pwede ka namang magpahingat
23:54.0
saglit ang wika pa ni Emily
23:57.0
Hindi ko pwedeng gawin yun kasi ako lang ang inaasahan ng pamilya ko
24:02.0
Giit ko naman
24:04.0
Normal lang magpahinga
24:06.0
Saka sa tingin mo ba ay matutuwa si Ati Laura
24:10.0
kapag nakita ka niya sa ngayon
24:12.0
yung Gia na pilit na kinakaya ang lahat
24:15.0
Hindi kasi ayaw niya rin na nahihirapan ka
24:18.0
Subukan mong ibalansi ang nararamdaman mo at pinagdadaanan mo
24:21.2
Huwag mong pilitin na kayaanin ang lahat
24:24.2
Huwag mong suluhin lahat ng bigat
24:26.2
para hindi ka masyadong nahihirapan
24:29.2
At isipin mo
24:31.2
maraming kaming tao na nag-aalala at nagmamahal sayo
24:35.2
kaya sa oras na nakikita naming nahihirapan ka na
24:38.2
nasasaktan
24:40.2
nasasaktan kami
24:42.2
kasi wala kaming magawa para tulungan ka
24:45.2
dahil paulit-ulit mong nilalayo ang loob mo mula sa amin
24:48.4
ang sabi naman ni Emily
24:50.4
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak noon papadudod
24:55.4
tama naman kasi si Emily sa mga sinabi niya
24:58.4
Masyado kong binubuhat mag-isa ang mga problema ko
25:02.4
Kaya naman sinunod ko ang payo niya mula nang makabalik ako sa trabaho
25:07.4
Kinausap ko si Dennis at humingi ako ng sorry sa kanya
25:11.4
Ganon din ang ginawa ko sa mga magulang ko
25:14.4
Humingi ako ng tawag at humingi ako ng maaari
25:16.6
Humingi ako ng tawa dahil sa inasal ko sa kanila
25:20.6
Mabuti na lamang at naging maayos din muli ang relasyon namin papadudod
25:25.6
Sa ngayon ay patuloy kong kinakaya ang buhay bilang isang breadwinner ng pamilya
25:32.6
Sabi nga nila walang hindi ka kayanin basta nandyan ang pamilya mo para sayo
25:37.6
Dito ko na rin po tinatapos ang sulat ko na sana ay nakapag-iwan din
25:41.6
ng inspirasyon sa ating mga kaistorya
25:43.8
Lumos na gumagalang Gian
25:47.8
Maraming salamat Gian sa pagsulat mo sa aking YouTube channel
25:52.8
Salamat sa pagbabahagi ng isang nakakaiyak at nakaka-inspire na kwento ng buhay
25:58.8
Tama ka sa sinabi mo na lahat naman tayo halos ay kailangan na magpakatatag para sa ating pamilya
26:06.0
Dahil hindi natin magagawang kayanin at dalhin mag isang mga problema na dumarating sa atin
26:13.0
Sana'y patuloy kang magpakatatag
26:16.0
At alam ko na dahil sa kabutinghan ng puso mo
26:19.0
Lumos kang pagpapalain ang ating puong may kapal
26:23.0
Huwag kalimutan na mag like, share and subscribe
26:27.0
Maraming salamat po sa inyong lahat
26:36.0
May wakas
26:41.0
Laging may lungkot at saya
26:47.0
Sa papatututu-stories
26:51.0
Laging may karamay ka
27:00.0
Mga problemang kaibigan
27:06.0
Dito ay pakikinggan ka
27:12.0
Sa papatututu-stories
27:17.0
Kami ay iyong kasama
27:25.0
Dito sa papatututu-stories
27:29.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
27:36.0
Dito sa papatututu-stories
27:41.0
May nagmamahal sa'yo
27:49.0
Papatututu-stories
27:55.0
Papatututu-stories
28:00.0
Papatututu-stories


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.