Close
 


Mga Pangyayaring Nagparami pa ng mga Pagtutol noong Dekada 70 | Kasaysayan TV
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe to Knowledge Channel YOUTUBE Channel: http://bit.ly/KnowledgeChannel For Donors, Teachers and Learners: www.knowledgechannel.org Knowledge Channel Foundation Inc. 3rd Floor Main Building, ABS-CBN Compound, Sgt. Esguerra Ave., South Triangle, Diliman, Quezon City Email: info@knowledgechannel.org
Knowledge Channel
  Mute  
Run time: 03:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang kasaysayan Top 7 natin ngayon ay tungkol sa mga pangyayaring nagpadami pa sa mga tumutol sa rehimen ni Ferdinand Marcos.
00:18.0
Dahil sa mga pangyayaring ito, nalaman ng mga tao ang katotohanan tungkol sa Martial Law.
00:24.0
No. 1 Ang huwelga ng mangagawa sa Latundenya noong 1975. Kahit bawal ang strike noon, naglakas loob ang Union sa pabrikang ito na ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa.
00:38.0
Nagsunuran ang ibang mga Union at nauwi ito sa pagkakatatag ng Kinusang Mayo 1 noong May 1, 1980.
00:47.0
No. 2 Nakisangkot sa mga suliranin sa lipunan ang mga madretpari. Tinatahag ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines o AMRSP ang Task Force Detainees o TFD, isang organisasyon na kumarap ng mga balita tungkol sa mga human rights violations sa iba't ibang bahagi ng bansa.
01:10.0
No. 3 Naging aktibo uli ang mga estudyante. Nagsulputan ang mga organisasyon tulad ng League of Filipino Students, ang National Union of Students of the Philippines, mga University Student Councils at the College Editors Guild of the Philippines. Tinalakay ng mga estudyante ang malalaking issue sa lipunan tulad ng kahirapan at kawalan ng kalayaan.
01:35.0
No. 4 Lumakas ang CPP-NPA. Dumami ang mga miyembro ng CPP-NPA dahil sa karahasan sa kanayunan, sa kahirapan at sa kawalan ng kalayaan. Hindi puspusang mapigilan ng militar ang mga nagpoprotestang pari, madre, estudyante, katutubo, manggagawa at iba pang sektor dahil abal na sila sa pakikipaglaban sa NPA sa kanayunan.
02:01.0
No. 5 Dumami ang mga sektor na tumuto sa mga proyekto ng gobyerno na hindi nakakabuti sa bansa tulad ng pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant na magdadala ng panganib sa mga taong nakatira sa paligid nito.
02:16.0
No. 6 Lumitaw ang mga matatapang na manunulat. Sinimula nito no article tungkol sa pagkakapaslang kay Makli Indulag. Sumunod ang iba't iba pang articles na bumabati ko sa gobyerno ni Marcos. Pinatawag ng militar ang mga manunulat pero sa halip na matakot ay lalong dumami ang nagalit dahil sa kawalan ng freedom of the press.
02:40.0
No. 7 Nagtangka si Ninoy Aquino ang pangunahing kariban ni Marcos sa politika noon na buoin ang oposisyon ng mga politiko kay Marcos. Nabuo sila sa Partidong Lakas ng Bayan o Laban na lumaban sa partido ni Marcos noong 1978 election para sa Batasang Pambansa. Nagkaisa ang mga oposisyon at lumitaw na pinuno si Ninoy Aquino.
03:05.0
Upang matigin si Ninoy sa pagbatikos sa rehymen ni Marcos, pinayagan ni Marcos na umalis dito ng Pilipinas upang mapagamot sa sakit sa puso sa Amerika.
03:16.0
Dahil naging marahas ang gobyerno ni Marcos, marami sa mga taong sumalungat sa kanya ang namatay sa kamay ng mga sundalo. Pero ang kanilang kamatayan ay naghikayat pa sa maraming Pilipino na tutulan ang isang marahas na gobyerno.