Close
 


FERDINAND MARCOS SR. DATI PALANG MATALIK NA KAIBIGAN SI REAGAN, SOUTH KOREA SASAPI SA AFP
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#ussronaldreagan #westphilippinesea #china
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 05:11
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News! Malaking barkong pangdigma ng Amerika ang naglalayag ngayon patungo sa West Philippine Sea.
00:13.3
Anong barko kaya ito at anong sadya nito? Tutulong kaya ito sa resupply mission? Alamin ang buong detaly mamaya.
00:20.7
At sa ibang balita, mga Coast Guard na binomba ng Chinese Coast Guard ay binigyan ang award ng Armed Forces of the Philippines.
00:28.1
Darating naman sa bansa ang South Korean Navy para sa isa na namang pagsasanay,
00:32.9
kaya't para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti dahil mabilis lang ito.
00:44.4
Sa patuloy na isinasagawang mga bilateral military exercise sa bansa tulad ng kasalukuyang Pacific Airdrop Rally 2023,
00:52.3
kung saan nilahukan ito ng mga Air Force mula sa United States, Japan, Malaysia, Indonesia, Bangladesh, Brunei, Canada,
01:02.0
Maldives, Nepal, Sri Lanka, Timor Leste, Singapore, Mongolia, at Pilipinas.
01:09.8
At sa Exercise ALON 2023 naman na isang bilateral amphibious activity ng mga Navy at Marines mula sa Australia, United States, at Pilipinas.
01:20.5
Sinabi ng South Korean Defense noong Merkules na ang South Korean Navy ay lalahok sa isang taonang multinational humanitarian assistance exercise sa Indo-Pacific
01:31.0
sa huling bahagi ng buwang ito upang patalasin ang pinagsamang mga kakayahan sa pagpapatakbo.
01:38.0
Ipapadala ng South Korea ang kanilang chunjabong landing ship pati na rin ang 180 na tauhan kabilang ang Marines sa Pacific Partnership Exercise sa bansa.
01:48.5
Ang edisyon sa taong ito ay kinabibilangan ng isang barkong pangdigma,
01:53.5
gayon din ang mga tauhan at mga dalubhasa sa pagsisikap na palakasin ang pagtugon sa mga kalamidad at mga kakayahan ng humanitarian aid.
02:03.5
Binanggit ng isang opisyal ng Navy sa isang press release na ang iersisyo ay isang magandang pagkakataon upang mapabuti ang mga kakayahan para sa mga kataong tulong at pagtugon sa sakuna,
02:16.0
pakikipagtulungan sa mga multinasyonal na pwersa at pahusayin ang pakikipagtulungang militar sa mga kalahok na bansa.
02:23.5
Mula August 21-31 ay sasali ang South Korea sa mga drills sa paligid ng Pampanga sa bansa
02:31.0
kung saan magbibigay ito ng tulong sa pagtatayo ng isang lokal na paaralan at magsasagawa ng mga drills sa paggamot at pagpapadala ng mga pasyente at pagtugon sa mga nakakahawang sakit.
02:44.0
Samantala, binigyan naman ng Armed Forces of the Philippines ang mga Coast Guard na sakay noon ng bangka na Yunai sa May 1 at Yunai sa May 2
02:53.0
na naghatid ng resupply sa Ayungin kung saan binomba ang mga ito ng Chinese Coast Guard ng Water Cannon.
03:00.0
Hindi bababa sa isang bronze cross medal ang iginawad na ibinigay ng mga tauha ng Armed Forces of the Philippines para sa kabayanihan na may kinalaman sa panganib ng buhay.
03:11.0
Sa ibang balita naman inaasahang darating sa West Philippine Sea ang isang malaking barko ng Amerika na USS Ronald Reagan, isa itong aircraft carrier na kabilang sa Carrier Strike Group.
03:24.0
Ayon sa post ng Pacific Fleet, nagmula ang USS Ronald Reagan sa Indonesia at naglalayag ito ngayon patungo sa Pilipinas.
03:33.0
Sakay nito ang Strike Fighter Squadron na mga F-18 Super Hornet fighter jets. Inaasahang darating ito sa West Philippine Sea bukas o sa linggo ng umaga.
03:44.0
Hindi naman nabanggit kung ano ang sadya nito sa bansa.
03:47.0
At kunting kaalaman muna tayo mga kabayan, alam mo bang ang dating pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan at dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr.
03:58.0
Ay personal na matalik na magkakaibigan noon, pati na ang First Lady na sina Imelda Marcos at Nancy Reagan.
04:06.0
Noong 1969 dumalo si Reagan noong gobyerno pa lamang siya sa pagbubukas ng Cultural Center ng Pilipinas.
04:14.0
At noong 1982 ay naghost din si Pangulong Marcos sa White House.
04:19.0
Ang kanilang pagkakaibigan ay natapos noong 1986 matapos makilala ni Reagan si Corazon Aquino.
04:29.0
Matapos ang paninira kay Pangulong Marcos Sr. hinana pa rin ito si Ronald Reagan para sana ibalik ang kanilang pagkakaibigan pero tila na brainwashed na ng mga Aquino si Reagan.
04:41.0
At tumulong pa ito para pabagsakin ang dating Pangulong Marcos.
04:46.0
Nakakalungkot isipin mga kabayan na dahil sa ibang tao na may matinding galit kay Marcos ay sinira ang pangalan nito sa mga kalapit nitong kaibigan.
04:55.0
Anong masasabi nyo dito mga kaibigan? Icommento lamang po sa ibaba at huwag kalimutang pinutin ang like at magsubscribe.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.