Close
 


PINAGPASAPASAHAN LANG NG MGA HOSPITAL AT DOKTOR ANG BATANG OOPERAHAN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Update: pinapabalik nanaman ang mag-inang Budz Rojo ng hospital pero walang katiyakan kung maooperahan ang bata. nakakalungkot ang sitema ng pagamutan ng Pilipinas. gagawin ko ang lahat para lang matuloy itong operasyon ni Budz Rojo. Please tune in in this channel for more updates.
Michael Apacible Bulletin
  Mute  
Run time: 07:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang araw po muli sa atin lahat mga kaibigan, mga kababayan, mga kamab at sa tagpong ito muli po namin kayong bibigyan ng update
00:09.7
Ukol po dito sa operasyon ng batang may kolostomy na si Boots Rojo at kasama po ang kanyang ina ay umaga pa lang biniyahe at binagtas na po namin
00:20.5
ang daan patungo po sa naturang private hospital kung saan na roon daw po yung espesyalista na kuntagin ay pediatric surgeon
00:32.5
So alas yete ng umaga kami po ay bumiyahe upang umabot doon sa naturang schedule na sinabi po sa amin noong nakaraan naming pagpunta
00:42.5
At kung makikita po ninyo lumipat po kami ng jeep upang makalipat po at madaanan namin yung naturang hospital
00:50.5
Kung saan nga po kami po ay ipinasan noon noong nakaraang araw mula sa public hospital hanggang papunta po dito sa naturang private doctor
01:03.0
At kung inyo naman pong mapapansin sa kasunod pong tagpo nito ay maabot na po namin ang naturang hospital upang makapagpa check up si Boots doon po sa sinasabing espesyalista
01:19.0
So kung kaya't kami papunta po doon sa opisina o sa klinik ng naturang doktor para naman matingnan na nga po ng tuluyan itong batang si Boots Rojo
01:30.5
At pagdating po namin sa taas ay sarado pa po itong kanyang klinika
01:35.5
Kung kaya't wala po kaming choice kundi ayain ko itong mag ina at pakainin po sa labas doon po sa sikat na passport chain
01:47.5
Ay hinayaan ko po muna silang mabusog dahil kailangan po namin bumalik at makatagal po doon sa sinasabing pila papunta po doon sa doktor na pediatric surgeon
02:01.5
So after po nilang kumain bumalik na po kami dito sa pila subalit ito po yung tagpo medyo na inip medyo na tagalan itong paghihintay namin sa naturang doktor
02:13.5
At pagkatapos po nilang check up mga kababayan ay binigyan po kami ng referral note na naman naturang private doctor papunta po sa public doctor
02:25.5
So kawawang mag ina naglalakad na naman po kami ngayon pabalik sa public doctor pinababalik balik lang po kami yata at pinagpapasapasahan
02:35.5
Subalit ganoon po talaga ang buhay kaya kami sumunod na lamang at kami po ipapunta na doon sa public doctor nayon at malalaman po natin kung ano ang update mula mismo sa ina itong si Boots Rojo
02:49.5
So mga kaibigan mga kababayan mga kababa nandito po ulit yung nanay ni Boots
02:59.5
Galing kami sa hospital na to dahil nagbabakasakali kami na makatipid at makalibre
03:05.5
Pero ang problema nung nang galing kami dito sinabihan kami ng doktor na nirefer nya kami sa isang private doctor
03:14.5
which galing kami doon kanina at ang sabi naman nung private doctor bumalik kami dito ulit
03:22.5
So ngayon nung bumalik na kami dito ay sinabihan na naman kami dito na wala daw yung doktor na yon at pinababalik na naman sila sa katapusan ng buwan
03:35.5
So ngayon mga kaibigan malaman natin kung ano ang napagusapan nitong nanay ni Boots at nung doktor kanina
03:47.5
Ano ang sabi sa iyo ng doktor?
03:50.5
Sabi ng doktor sa private, pinabalik kami dito ulit sa provincial at hanapin yung doktor kung bakasakali na makalibre
04:04.5
Pagkatapos pagdating wala naman ang doktor dito, neschedule naman kami ulit sa katapusan ng buwan
04:13.5
Yon yung sinabi, tapos papano yon magbabayopsy?
04:20.5
Sabi daw magpapaschedule kami para sa biopsy or sa distal colonogram pero hindi pa sure kasi sira yung machine sabi ng doktor
04:34.5
So ang posibilidad ay pwedeng mabayopsy pero ang posibilidad ay may referral for biopsy or anong isa yung procedure?
04:46.5
Distal colonogram
04:48.5
So ngayon sinabi din ng doktor na baka hindi lang rin yun mangyayari dahil sira yung biopsy machine dyan?
04:56.5
Opo
04:59.5
So yun mga kaibigan mga kamabiyong update at medyo nahihirapan na rin kami dito kahit ako na sumasama sa kanila ay nahihirapan
05:09.5
Dahil parang kung ikaw ay mahirap na tao dito, yung pera mo mauubos lang sa kakapamasahe
05:18.5
At hindi po biro yung pamasahe nito dahil 2 hours away sila dito sa mismong city
05:26.5
So mga kaibigan kung sila lang talaga ni Boots at yung pamilya niya ay mauubos ang pera nila sa kita ng asawa niya bilang security guard
05:38.5
So babalita po namin kayo kung anuman yung susunod at latest na mga susunod naming hakbang at gagawin dito po sa kaso ni Boots Rojo mga kaibigan mga kamabay
05:51.5
Maraming salamat misis at good to go na tayo, uwi na muna siguro muna tayo ngayon ano?
05:57.5
Oo
05:58.5
Okay, bye
06:00.5
At yun nga po ang resulta mga kaibigan nakakadismaya, nakakalungkot at somehow ako po ay siyempre talagang medyo may pagkagalit sa sistema
06:10.5
Hindi po doon sa mga naturang professional kundi sa sistema mismo
06:15.5
Wala na kaming choice kundi pauwiin ulit itong bata at na gusto ko lang pong sabihin na kapag ikaw ay mahirap sa probinsya na ito
06:23.5
Talagang wala ka ng choice kundi antayin ang kamatayan mo kasi pinagpapasapasahan ka, kailangan mo tsagain yung pagpila-pila na hindi mo alam kung ano ang kasiguraduhan na ikaw ay magkakaroon po ng atensyong medikal
06:40.5
Kaya masakit man sa loob, kailangan muna naming umuwi dahil naubos muna naman po yung araw namin nang wala pong napuntahan yung aming lakad
06:49.5
Hindi po namin alam kung ano po ang gagawin sa susunod
06:54.5
Maliban po doon sa pinabigyan na naman kami ng panibagong schedule sa katapusan ng buwan
07:00.5
na siya naman siyempre aming pinagdududahan na kung ito ba ay may katuturan pa rin dahil puro na lamang po schedule ang nangyayari sa amin
07:13.5
Kaya ako po ay ika nga nakipag-usap sa nanay ni Boots kung ano ba talaga ang aming gagawin at abangan nyo po yan dito po sa susunod naming video
07:26.5
yung ano po ang usapan ng nanay namin ni Boots. Salamat po!