Close
 


Ang Bansang Yumaman Dahil Sa Sugal
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Macau ay isang MALIIT na rehiyon ng China. Kahit maliit ay isa ito sa PINAKAMAYAMANG bansa ngayong 2023. Saan nga ba nagmumula ang yaman ng Macau ganung hindi naman sila mayaman sa gas o oil? Alamin sa vidyong ito. Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OW
Awe Republic
  Mute  
Run time: 09:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang Macau ay isang maliit na regyon ng China.
00:03.8
Meron lamang itong land area na 33 square kilometers,
00:07.8
kasing laki lang ng Dumaguete City.
00:10.3
Maliit man, pero isa ito sa pinakamayamang teritoryo ngayong 2023
00:16.0
kung ang pagbabasehan ay ang GDP per capita by purchasing power party.
00:21.2
At alam mo ba?
00:22.3
Ang gobyerno ng Macau ay walang utang sa sino mang bansa.
00:26.7
Kaya naman lahat ng residente doon ay binibigyan ng pera ng gobyerno bawat taon.
00:32.5
10,000 makanis patakas o humigit kumulang 69,000 pesos
00:37.6
ang ayudang ibinibigay sa mga permanent residents ng Macau.
00:41.8
Ayon sa ating kababayang OFW na nagtatrabaho sa Macau,
00:45.7
ang basic na sahod daw ng isang hotel room attendant doon
00:49.4
ay nasa 10,000 to 12,000 MOP o nasa 69,000 to 82,000 pesos sa isang buwan.
00:57.3
Ayon naman sa ating isa pang kababayan na si Alex in Macau,
01:01.1
minimum lang daw na sahod yung 69,000 pesos per month para sa hotel workers doon.
01:07.0
Maari pa dang umabot ito sa 100,000 pesos per month
01:11.3
depende sa work experience at job position mo.
01:14.9
Pero bakit kaya napakayaman ng Macau?
01:17.6
Ganong hindi naman sila mayaman sa natural resources tulad ng gas at oil.
01:22.5
Saan ba nagmumula ang kanilang yaman?
01:28.3
Ang Macau o Macau-Sar ay isang special administrative region ng China.
01:34.0
Tulad ng Hong Kong, meron silang sariling gobyerno pero parte pa rin sila ng China.
01:39.5
Napakaliit lamang ng Macau,
01:41.6
pero meron itong estimated na populasyon na nasa 682,000.
01:46.6
Kaya naman, itinuturing itong pinakamataong teritoryo sa mundo.
01:50.9
Maliit pero napakayamang teritoryo,
01:53.8
small but terrible ngang maituturing.
01:56.3
At dahil konti lamang ang populasyon ng Macau,
01:59.0
ibig sabihin mataas ang GDP per capita nito.
02:02.6
Noong 2022, ang GDP per capita ng regyon ay nasa $32,415 per person.
02:10.7
Ngayong 2023 naman, ay napasama ito sa listahan ng mga pinakamayamang bansa sa mundo
02:17.1
base sa GDP per capita by purchasing power parity.
02:21.1
Ito ay ayon sa Global Finance.
02:23.5
At ang sikreto ng kanilang pagyaman?
02:25.9
Sugal.
02:29.9
Kung ang Amerika ay merong Las Vegas, ang China naman ay merong Macau.
02:35.2
Tulad ng Las Vegas, kilala ang Macau sa kanilang world-class casinos.
02:40.1
Kaya naman itinuturing ito bilang Asia's gambling mecca o Las Vegas of the East.
02:45.8
Naging pundasyon ng ekonomiya ng Macau, ang pagsusugal.
02:49.6
Ang Macau lamang ang natatanging lugar sa China kung saan ang pagsusugal ay legal.
02:55.0
Paano ba ito nagsimula?
02:56.6
Noong ikasikstin na siglo, itinuturing ang Macau na mahalagang trading port ng China sa mga kanlurang bansa.
03:03.8
At noong 1557 nga, ang panahong maituturing na golden age
03:08.7
ng magtatag dito ng permanenteng trading settlement ang Portugal
03:13.0
at nagbabayad sila ng silver sa mga Chinese taon-taon bilang upa.
03:18.1
Pero nang maging mas popular ang Hong Kong bilang trading port,
03:21.9
naisipan ng gobyerno ng Macau na magfocus sa ibang industriya.
03:26.3
Dahil popular sa mga Chinese emigrants na manggagawa ang pagsusugal bilang libangan,
03:31.7
nagdesisyon ang pamahalaan na gawing legal ang pagsusugal sa rehyon noong 1847
03:37.5
para makahikayat ng turista at nagpataw sila ng buwis dito.
03:42.0
Pagdating ng 1887 ay naging kolonya ng Portugal ang Macau.
03:47.0
Taong 1962 noong buksan ang kauna-unahang kasino, ang Hotel Estorer.
03:52.5
Simula nga noon ay namayagpag na ang industriya ng pagsusugal sa Macau.
03:57.3
Ayon sa Business Insider, sa ngayon ay merong 41 kasinos ang Macau.
04:02.1
Marami dito ay kabilang sa mga pinakamalaking kasino sa mundo.
04:06.7
Nandyan ang The Venetian na doble ang laki sa counterpart nito sa Las Vegas.
04:12.2
Kinikilala ito bilang pinakamalaking kasino sa Asia.
04:16.4
Nandyan din ang Wynn Palace, City of Dreams, Galaxy, Wynn at Ponte 16.
04:23.7
Dahil sa gambling at iba pang mga attractions,
04:26.8
39 milyon ang nahikayat na turista ng Macau noong 2019.
04:31.6
At karamihan dito ay ang mga tinatawag na High Rollers or VIPs galing China
04:37.5
na sinasabing karaniwang tumataya ng $150,000 sa pagsusugal.
04:43.0
Ang Macau kasi ay naging administrative region ng China
04:46.7
mula nang ibinalik ito ng Portugal sa China noong 1999.
04:51.6
Ibig sabihin, kahit nasa ilalim ng China, may otonomya itong gumawa ng sariling batas.
04:57.4
At isa na nga rito ay ang pagiging legal ng pagsusugal,
05:01.2
samantalang sa China ay mahigpit itong ipinagbabawal.
05:05.0
Dahil dito, ang Macau ang naging gambling destination ng mga mayayamang Chino na mahilig magsugal.
05:11.6
80% ng tax revenue ng Macau ay nagmumula sa pagsusugal.
05:16.6
Noong 2019 ay nagkakahalaga ng $36 billion ang kita ng bansa mula sa sugal.
05:23.3
At alam mo ba, mas malaki pa ng halos 6 times ang kita ng Macau sa kanilang mga kasinos
05:29.4
kumpara sa Las Vegas na kumita lamang ng $6.587 billion noong 2019.
05:36.8
Siyempre, ang numero unong makikinabang sa yaman ng Macau ay ang kanilang mga mamamayan.
05:42.5
Taong 2008 nung ipinatupad ng Macau ang tinatawag na Wealth Partaking Scheme,
05:48.0
kung saan ang mga makanis ay nakakatanggap ng taonang dibidindo mula sa gobyerno.
05:53.7
Ayon sa programa, ngayong 2023, ang mga permanent residents ay makakatanggap
05:59.4
ng 10,000 makanis patakas o humigit kumulang 69,000 pesos.
06:04.8
Samantala, ang non-permanent residents naman ay makakakuha ng 6,000 makanis patakas
06:11.4
o humigit kumulang 41,000 pesos.
06:14.7
Bago magpandemya, inaasahang makukuha ng Macau ang distinksyon
06:19.4
bilang pinakamayamang lugar sa buong mundo pagdating ng 2020.
06:24.4
Pero di inaasahang babaguhin ang takbo ng pagyaman ng Macau nang mangyari ang COVID-19 pandemic.
06:32.8
Dahil sa paghihigpit na ipinatupad ng China upang maiwasan ang paglaganap ng COVID,
06:38.2
naapektuhan ang pagdating ng mga turista sa Macau.
06:41.6
Kung noong 2019 ay nag-increase ng 10% ang pagdating ng turista,
06:46.7
na umabot sa bilang na 39.4 milyon kada taon, bumaba ito ng 99.7% noong 2020.
06:55.2
At sa unang pagkakataon mula ng gawin legal ang pagsusugat,
06:59.5
nakaranas ang mga kasino ng 73.7% na pagbaba sa kanilang kinikita.
07:05.2
Pero ang paghina ng gambling industry ay hindi lamang nagsimula noong COVID pandemic.
07:10.8
Nang maupo si Xi Jinping noong 2012 bilang pangulo ng China,
07:15.6
inilunsad ang mahigpit na anti-corruption campaign na pumipigil sa pagsusugat.
07:20.9
Ang malaking bahagi kasi ng kita sa gambling industry ay nagmumula sa mga tinanggap ng mga turista.
07:28.0
ang mga tinatawag na V.I.P. gamers na ito ay may 43% na kontribusyon sa gambling revenue.
07:34.9
At ayon sa datos, gambling ang itinuturong dahila ng pagkawala ng 1 trillion yuan mula sa ekonomiya ng China.
07:43.3
Ang mga pangyayaring ito ay nagresulta sa pagbagsak ng kita ng Macau.
07:48.3
Pero ganun paman, bumaba ito ng pagkakataon.
07:51.6
Ang mga pangyayaring ito ay nagresulta sa pagbagsak ng kita ng Macau.
07:56.3
Pero ganun paman, bumabangon pa rin ang rehyun.
07:59.7
Nito lamang February 2023 ay bukas na muli ang Macau sa mga international tourists.
08:06.5
At sa kabila ng halos 3 taong lockdowns at mga restriksyon,
08:10.8
nanatili pa rin ang Macau bilang isa sa pinakamayamang bansa o lugar sa mundo ngayong 2023.
08:18.0
Marami ang hindi-pabor sa sugal na mas malaki daw ang chance ang matalo.
08:22.6
Pero para sa Macau, isa itong industriyang kanilang naging sandalan para makamit ang pagyaman.
08:29.0
Ikaw ka Awesome, anong masasabi mo sa paraan ng pagyaman ng Macau?
08:33.2
Papabor ka din ba dito lalo pat nakikinabang naman ang mga mamayan sa kitang galing sa pagsusugal?
08:39.8
Nice po namin magpasalamat at ishout out si Sir Angelo Freyaneza na nagsuggest ng topic natin ngayon.
08:46.7
Maraming salamat ka Awesome!
08:48.5
At sa mga gustong mag-apply ng trabaho sa Macau, panoorin itong mga video ng ating mga kababayang OFW doon.
08:55.3
Ilalagay namin ang links sa description.
08:57.9
And by the way, nice po namin magpasalamat sa inyong walang sawang suporta mga ka Awesome.
09:03.1
Shout out dyan kina Lorna Sapno, XB, Gradner Vidal, Ronna Vince Cruz at Elezar.
09:11.2
Salamat din sa ating mga top fans, Arjun Simoy Villanueva, Rico Yan, Martinez Maricrist at Joy Deleon.
09:19.8
At salamat din po sa mga nagbigay ng stars, Giselle Aragon Girosalina at Wena Javier Tinorio.
09:26.8
Maraming salamat po!
09:28.2
This is your Ati O from our Republic.
09:30.4
Hanggang sa muli and stay Awesome!