Close
 


Gumawa Kami ng buko Salad at Nagkopras kami
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Mindoreñang Mangyan
  Mute  
Run time: 12:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magbubuko salad kami ngayon, kaya naman nangalawit na nga kami ng ilang perasong buko dito sa may kalapit bahay namin.
00:06.3
Meron kami gaganaping church anniversary, kaya naman kako para meron man lang akong madala at may ambag ay magagawa nga ako ng buko salad.
00:13.8
At kahit nga ika hindi pa Pasko, kita'y magsasalad, makatikim man lang kako ng masarap-sarap at talaga namang napapaibig.
00:20.6
Napakasarap din nga humigap ng sabaw nito, lalo pa at fresh na fresh, napaka tamis.
00:25.7
Tatlong buong buko lang naman itong kinayod ko at pagkatapos ay hinugasan ko na din para hindi agad mapanis.
00:31.9
At ngayon naman ay gagawa tayo ng gelatin, bali ang pinantubig ko nga pala din yung sabaw ng buko tapos nagdagdag lang ako din ng tubig.
00:38.9
Dalwang sachet ng master gulaman nga pala itong nilagay ko at pagkatapos binuhay ko na nga din yung apoy at ngayon naman ay papakuloan lamang natin yan ng mga ilang minuto.
00:47.9
At kapag narinig nganing nagbula ka na, nakuloan na, ngayon naman ay isi-set aside lamang natin yan hanggang sa tumigas.
00:54.5
At habang inihintay ko nganing tumigas din yung gulaman ay nagpalambot na nga rin pala ako nitong sago.
Show More Subtitles »