Close
 


Vince Rapisura 2574: Ipon versus utang na motorsiklo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 04:09
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Gagamitin natin yung motorsiklo sa example, utang versus ipon.
00:05.2
Yung motorsiklo na bibilihin natin, pareho lang po yung amount.
00:10.0
Parehong ang selling price po ay 100,000 pesos.
00:14.0
Medyo magaragaraan na ito.
00:17.0
Years to pay?
00:18.0
5 years to pay yung utang at 5 years nating pag-iipunan.
00:23.0
Kapag tayo ay mag-iipon, after 5 years pa natin makukuha yung motorsiklo.
00:28.0
Pero kapag uutang tayo, nako, now na makukuha na natin ang motorsiklo.
00:35.0
Dito muna tayo sa instant gratification.
00:37.0
Ipagpalagay natin na ang interest rate ay 18% per annum.
00:42.0
Yung monthly po natin dyan ay 3,167 pesos.
00:46.0
Nasa 190,020 pesos po ang 5 years na total na babayaran na.
00:53.0
Kung mapapansin ninyo, yung 100,000 pesos natin dito ay halos nagdoble na.
00:59.0
Yung interest expense natin dyan, expense ay gastos 90,020.
01:04.0
Interest income, wala.
01:06.0
Kasi pag-utang tayo nagbabayad.
01:08.0
Kumpara naman natin ito ngayon sa pag-iipon.
01:11.0
Ang interest rate ngan kapag tayo ay mag-iipon sa pag-ibig MP2,
01:16.0
for example, 6% per annum on average.
01:20.0
Magano ngayon yung magiging monthly na kailangan na i-save?
01:24.0
Karaniwan, ang isipin ng marami ay 100,000 divided by 60.
01:31.0
So 166.67.
01:33.0
Pero sa totoo lang, mas kaunti po yung kailangan na i-save.
01:38.0
Dahil mayroon ngang kikitain na interest.
01:41.0
Ang magiging monthly po natin ay 1,478.
01:46.0
Ang 5 years na total na iipunin lang natin ay 88,680.
01:53.0
Dahil kikita pa tayo nung 6% na yun.
01:55.0
Wala tayong interest expense.
01:57.0
Tayo ang binabayaran kapag tayo po ay nag-iipon.
02:01.0
So mayroon tayong 11,300 pesos na interest income.
02:06.0
With this example, ano yung mas mahirap gawin?
02:11.0
Magbayad ng utang o mag-ipon?
02:14.0
Kasi sa totoo lang, marami talaga nagsasabi ng
02:17.0
Sir Vince, ang hirap-hirap talagang mag-ipon.
02:21.0
Pero pag dinignan mo sa example na to,
02:24.0
malinaw na malinaw po na mas mahirap
02:28.0
ang magbayad ng utang kesa mag-ipon.
02:31.0
Kasi tingnan mo, doble yung iyong effort na gagawin.
02:36.0
Ito, 3,167 ang iyong babayaran.
02:41.0
Pero kapag ikaw ay nag-ipon, 1,478 lang.
02:46.0
O kung ilalagay mo yan sa pag-ibig MP2.
02:49.0
So ano ang nagpapahirap sa buhay natin?
02:52.0
Instant gratification.
02:54.0
Gusto na natin magkaroon talaga ng motorsiklo ngayon na.
03:00.0
At dahil hindi tayo willing mag-antay,
03:04.0
tayo ay nangungutang.
03:06.0
Pero ano yung consequence nun?
03:09.0
Doble po ang effort na gagawin mo kapag ikaw ay nangungutang
03:15.0
kumpara sa kapag ikaw ay mag-iipon.
03:18.0
Sa akin po, ipon po talaga ang solusyon.
03:21.0
Dahil doble ang effort sa pagbabayad ng utang
03:25.0
kaysa sa pag-iipon.
03:27.0
Kung ikaw naman po ay mangungutang,
03:30.0
ikaw yung nagbabayad.
03:32.0
Kapag ikaw po ay nag-iipon,
03:34.0
ikaw yung binabayaran ng interest.
03:36.0
Mas kumikita kapag naghahanda ng maaga
03:39.0
at nagpaplano for the long term.
03:41.0
Kung ito ay gagamitin natin pang negosyo,
03:43.0
for example, ano ba mas maganda?
03:45.0
Iipunin mo ba ito or uutangin mo?
03:47.0
Kapag ito ay gagamitin natin sa business
03:50.0
at mapagkakakitaan natin siya,
03:52.0
pwede naman na ito ay utangin natin
03:54.0
kasi kailangan mo ngayon eh
03:56.0
at pangkabuhayan mo naman siya na gagamitin.
03:58.0
Kung ito ay pang service-service lang,
04:00.0
para sa akin, mas maganda pa rin ang pag-ipunan.
04:06.0
Thank you for watching!