Close
 


JACK | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 31:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Normal sa atin ang magkaroon ng crush o paghanga sa isang tao.
00:09.5
Paghanga na pwedeng lumalib at maging espesyal na pagmamahal.
00:16.0
Lalo na kapag nararamdaman natin ang tsansa na masuklian ng ating pagmamahal.
00:23.0
Dear Papa Dudut,
00:26.0
Lahat naman po tayo ay nagkakaroon ng paghanga sa isang tao.
00:31.0
Madalas na ginagawa pa natin silang inspirasyon para lalo tayong magsumikap sa buhay.
00:38.0
At etong kwento na ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking ultimate crush.
00:45.0
Ako nga pala si Jack, tagaolongga po at nagtatrabaho sa isang insurance company.
00:51.0
Grade 3 ako nang makilala ko naman si Penelope o tawagin na lang natin sa pangalan na Pen.
00:59.0
Transferring siya sa school namin at talaga namang napaka cute niya.
01:05.0
Malit lang ang height niya, payat tapos may dimple pa sa pisingi.
01:10.0
Palangitirin siya tapos ay nawawalang mga mata niya kapag tumatawa kasi may pagkasinkitin siya.
01:17.0
Naging close din kaagad kami kasi pala kaibigan siya tapos mahilig pa siyang mamigay ng mga tsokolate na pinapadala ng daddy niyang nagtatrabaho sa ibang bansa.
01:30.0
Sa ilang taon ang magkaklase kami ni Pen.
01:33.0
Madalas na kami dalawang nagiging muse at escort sa classroom.
01:38.0
Tinutokso pa nga kami na bagay kami sa isa't isa.
01:43.0
Nung una ay wala lang sa akin yun.
01:46.0
Kasingay mga bata pa kami pero nang maggrade 5 na kami ay parang na-develop na yung nararamdaman ko para sa kanya.
01:56.0
Yung wala lang, nauwi na sa crush ko na siya.
02:00.0
Paano ba naman habang tumatagal ay mas lalong nagiging cute si Pen sa paningin ko?
02:05.0
Kaya naman gumagawa na rin ako ng pasimpleng paraan para magpakute sa kanya nung nasa grade 6 na kami.
02:14.0
Kanino galing tong tsokolate?
02:16.0
Nagtatakang tanong ni Pen nang makita niya ang tsokolate sa loob ng bag niya.
02:22.0
Nakakatapos lang ng recess namin at halos sabay-sabay kaming pumasok sa classroom.
02:28.0
Pen tunaw na, akin na lang yan, wika ng kaklase kong si Gino.
02:35.0
Oo nga no, sige sa'yo na lang, pagabot naman ni Pen kay Gino.
02:41.0
Gusto ko sanang sabihin na huwag pero malalaman niya na sa akin galing yun.
02:46.0
Sigurado ako natutoksohin ako ng iba pa naming mga kaklase.
02:51.0
Parang palagi nalang may binibigay diyan sa desk mo at sa bag mo yung secret admirer mo.
02:57.0
Pen, wala ka pa rin bang hinala kung sino siya?
03:00.0
Tanong ng isang kaklase naming si Ira.
03:03.0
Wala nga eh.
03:05.0
Panailagay nang kung ano-ano sa bag ko pero ayaw namang magpakilala kung sino siya.
03:11.0
Ang wika pa ni Pen.
03:13.0
Nagpatuloy pa ang tanungan habang ako ay nagpapanggap na busy sa ginagawa ko sa notebook ko.
03:21.0
Kunwari assignment pero love letter talaga para kay Pen.
03:25.0
Papadudutorpe talaga ako pag ating sa babae kaya dinadaan ko sa pagiging secret admirer ang paghangang ginagawa ko sa kanya.
03:35.0
Sa ganung paraan at least alam niya na may isang kagaya ko na kinikilig at sumasaya ng dahil sa kanya.
03:43.0
Ayon nga lang ay minsan ay naiinis ako sa ibang kaklase namin na ginagawang katatawa na ng effort na ginagawa ko.
03:51.0
Kung hindi nila hinihingi ang mga tsokolate na ibinibigay ko kay Pen,
03:56.0
binabasa naman nila ng malakasang sulat na ginawa ko.
03:59.0
Maiba pa naman doon na tula ang nakasulat na ako mismo ang gumawa.
04:05.0
Kapag nakikita ko na binabasa yun ni Pen at napapangiti siya ay napapangiti na rin ako habang pinagmamasdan siya.
04:13.0
Laki ng ngiti oh.
04:15.0
Ikaw siguro nagpadala ng love letter kay Pen.
04:17.0
Biglang pangasar ni Lester na hindi ko napansin.
04:22.0
Uy hindi ah, kagad namang pagdidinay ko.
04:26.0
Weh, bakit namumulay ang pisngi mo?
04:30.0
Ikaw nga yung secret admirer ni Pen no, pangasar pa niya.
04:34.0
Tumahimik ka nga dyan, baka mamaya may makinig pa sayo, saway ko sa kanya.
04:42.0
Aminin mo kasi muna para tumahimik na ako dito, pangungulit pa niya.
04:49.0
Hindi kagad ako tinigilan noon ni Lester at sakaba ko,
04:53.0
na baka marinig siya ng ibang kaklasi namin ay inamin ko na lamang sa kanya ang katotohanan.
04:59.0
Ang lakas pa nga ng tawa niya noon at pinagtingin ang kami sa loob ng classroom.
05:05.0
Kagad ko namang hinila si Lester palabas ng classroom at sinaway ko siya.
05:09.0
Humingi siya ng dispensa kasi nagulat at natawa raw talaga siya
05:14.0
kasi hindi siya makapaniwala na ako ang torpe na matagal ng secret admirer ni Pen.
05:19.0
Bakit ba kasi ayaw mo nalang aminin sa kanya ang totoo? Tanong pa ni Lester.
05:25.0
Ayaw ko ng ganyan, wika ko.
05:29.0
Anong ganyan? Tanong niya pa.
05:32.0
Yang ginagawa mo na pagtawa ng malakas at pangaasar sa akin?
05:36.0
Sigurado ko na lahat ng classmate natin aasarin lang ako ang sabi ko naman.
05:42.0
Pero sayang din ang opportunity na to.
05:45.0
After graduation sa Maynila na yata mag-aaral si Pen.
05:48.0
Sige ikaw, ikaw rin.
05:51.0
Wika naman niya.
05:53.0
Kaedad ko lang si Lester pero iba siyang magpayo.
05:57.0
Parang matanda at naisip ko na tama rin ang sinami niya.
06:00.0
Lalo na nga nang malaman ko na palawas na rin ang Maynila si Pen pagkatapos ng graduation namin.
06:07.0
At hindi ko alam kung kailan ko ulit siya pwedeng makita.
06:11.0
Kaya naman nag-decide ako na ipagtapat na sa kanya ang nararamdaman kong pagmamahal, Papa Dudut.
06:18.0
Bata pa lang ako noon pero pakiramdam ko.
06:21.0
Love na talaga yung nararamdaman ko para kay Pen.
06:25.0
Hindi naman ako mag-i-effort na tipirin ang allowance ko para makabili ng mga tsokolate para kay Pen.
06:33.0
Hindi rin ako magpapakahirap na mag-isip ng ritmo at malalalim ng salita para makapagsulat ng tula.
06:41.0
Kaya alam ko na tinamaan talaga ang puso ko sa ultimate crush ko.
06:46.0
At bahala kung anong magiging resulta ng pagtatapat na gagawin ko sa kanya.
06:52.0
Ang mahalaga naman ay malaman niya na sa akin galing ang mga espesyal na bagay na natatanggap niya.
06:59.0
Handa na rin akong mabasted kasi alam ko namang mga bata pa kami noon.
07:05.0
Kaya lang Papa Dudut ay hindi ko rin nagawa lahat ng plano ko noon kasi hindi nakapunta si Pen sa araw ng graduation namin.
07:13.0
Alam ko na lamang na bumalik na sila ng Maynila kasama ng mga magulang niya.
07:19.0
Mula noon Papa Dudut ay hindi ko namuli pang nakita si Pen.
07:23.0
Sobrang laking pangihinayang ko kasi gumawa pa ako noon ang mahabang love letter para sa kanya na hindi ko rin pala maibibigay.
07:32.0
Kaya naman malaki ang nagbago talaga sa akin mula ng mag high school ako.
07:37.0
Nawala ang katorpihan ko at kapag nagkagusto na ako sa isang babae nanliligaw nakagad ako.
07:44.0
Dahil gwapo naman ako tapos magaling pang gumawa ng mga tula at love letter ay marami talaga akong naging girlfriend noon.
07:52.0
Pero isang beses ay hindi ko naramdaman yung pagkagusto na nararamdaman ko noon kay Pen.
08:00.0
Nakamove on naman ako mula sa kanya lalo na at bata pa ako ng magkagusto sa kanya.
08:06.0
Pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung mga possibility
08:10.0
na pwedeng mangyari sana kung sakali ma nagawa ko magdapat ng nararamdaman ko para sa kanya.
08:19.0
Papadudot mabilis akong magsawa sa isang relasyon.
08:24.0
Alam ko na madalas na sa akin ang problema kasi may mga oras talaga na pinagsasabay ko ang dalawang babae sa isang relasyon.
08:34.0
Kapag nahuli nila ako ay pareho ko na rin puputulin sa dalawa ang connection ko.
08:39.0
Akala ko ay madadala ko ang gawain ko ngayon hanggang college pero hindi pala.
08:45.0
Acquaintance party namin noon sa college university papadudot halos lahat ng estudyante ay excited sa bagong stage ng buhay nila.
08:55.0
At kasama na ako doon.
08:57.0
Hindi ko lang inaasahan na muli kong makikita ang ultimate crush na matagal ko rin inasam na makita noon papadudot.
09:07.0
Naku sorry.
09:09.0
Wika ng isang babae nang matapunan niya ng hawak na baso ng juice ang polo shirt na suot ko.
09:16.0
Ayos lang.
09:18.0
Ang sabi ko kahit medyo naiinis ako dahil nabasa niya talaga ang harapan ng polo shirt ko.
09:23.0
Pero kaagad na nawala ang inis ko ng mapatingin ako sa kanya.
09:28.0
Pasensya na talaga hindi ko sinasadya.
09:31.0
Kasalanan ko rin kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
09:36.0
Pinakabahan kasi ako hanggang ngayon eh.
09:38.0
Sorry talaga.
09:40.0
Dispensa pa niya.
09:42.0
Halata sa boses niya ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
09:47.0
Pen?
09:48.0
Tanong ko.
09:50.0
Sinalubong na rin niya ang mga tingin ko.
09:53.0
Kilala mo ako?
09:54.0
Tanong niya.
09:56.0
Oo.
09:57.0
Hindi mo na ako naratandaan?
10:00.0
Ako to si Jack.
10:01.0
Classmate mo noong high school.
10:02.0
Sa kanya nagbibigay sa'yo ng...
10:05.0
ng ano?
10:06.0
Tanong ni Pen sa hindi ko naituloy na gustong sabihin.
10:11.0
Muntik na tuloy akong mapaamin ang wala sa oras.
10:15.0
Wala...
10:16.0
Hindi mo ba talaga ako natatandaan?
10:18.0
Tanong ko pa.
10:20.0
Natatandaan na kita?
10:21.0
Oo.
10:22.0
Ikaw yung matangkad sa classroom natin.
10:25.0
Sabi niya naman na kinangiti ko.
10:28.0
Ilang taong kaming hindi nagkita pero kailanman ay hindi ko makakalimutan ang magandang mukha niya.
10:35.0
Jason hindi ba?
10:37.0
Tanong niya.
10:38.0
Tumhawa naman ako bago sumagot.
10:41.0
Jack.
10:42.0
Jack ang pangalan ko.
10:44.0
Wika ko.
10:45.0
Ay oo nga.
10:46.0
Jack.
10:47.0
Tama sorry.
10:48.0
Basang alam ko na may Jay ang pangalan mo.
10:51.0
Hoy sorry talaga ha.
10:52.0
Natapunan ko ng juice ang damit mo.
10:55.0
Muling dispensa niya.
10:57.0
Ayos lang pero bakit ka nga pala kinakabahan?
11:00.0
Tanong ko.
11:02.0
Kami na kasi...
11:03.0
Ang susunod na tututugtog diyan sa stage eh.
11:06.0
Banda namin.
11:07.0
Kaya eto medyo kabado ako.
11:10.0
Tugod niya.
11:11.0
Wow nagbabanda ka na pala?
11:13.0
Puri ko.
11:15.0
Oo last month lang nabuo ang banda namin tapos
11:18.0
first time kong kakanta sa harap ng maraming tao kaya kabado talaga ako
11:23.0
ang wika niya.
11:25.0
Kaya mo yan.
11:26.0
Ang ganda kaya ng boses mo kaya wag kang kabahan.
11:29.0
Wika ko pa.
11:31.0
Salamat ha.
11:32.0
Kahit paano e.
11:33.0
Nabawasan ang kaba ko ngayon dahil sa'yo Jack.
11:36.0
Ang sabi niya.
11:38.0
Wala yun.
11:39.0
Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
11:41.0
Tugon ko.
11:43.0
Papadudot.
11:44.0
Noong nasa elementary pa lamang kami ay miyembro na ng choir si Pen.
11:49.0
At ilang beses ko na rin siya ang narinig na kumanta.
11:53.0
Kaya hindi pambubola ang papuring sinabi ko sa kanya.
11:58.0
Totoo nagagandahan ako sa boses niya.
12:01.0
Kaya nga ng gabi na yon ay sobrang na-enjoy ko talaga ang party
12:05.0
lalo na ng kumantang banda ni na Pen.
12:08.0
Nakipagsiksikan pa ako sa mga estudyante para lamang makalapit
12:13.0
sa may harap ng stage.
12:15.0
At grabe ang kilig na nararamdaman ko ng tugtugin at kantahin niya
12:19.0
ang awitin na turete.
12:22.0
Tumingin pa siya sa pwesto ko at ginitian ako.
12:25.0
Papadudot.
12:26.0
Kaya napakanta na lang din ako kasabay ng ibang estudyante.
12:31.0
Uy pare pare.
12:32.0
Nandito ka lang pala sa may guardhouse.
12:35.0
Ang wika ni Lester nang matapos ang acquaintance party.
12:39.0
Kanina pa kitang hinahanap kasi may ibabalita ako sayo
12:42.0
at sigurado kong kikiligin at magugulat ka.
12:46.0
Kaya ihanda mo ng puso mo kasi sigurado ako
12:49.0
na hindi ka makakapaniwala dito sa sasabihin ko na
12:55.0
Hi Jack!
12:57.0
Pareho kaming napatingin ni Lester sa magandang babaeng tumawag sa pangalan ko.
13:03.0
Maliit na payat na babaeng nakasuot ng crop top.
13:07.0
Fitted na jeans at boots na may mataas na takong.
13:10.0
Walang iba kung hindi si Pen.
13:13.0
Naglakad siya palapit sa akin at tinapig pa ako sa balikat.
13:17.0
Thank you sa panunod sa akin kanina.
13:19.0
Ramdam ko yung pag-cheer mo habang nasa stage ako.
13:23.0
Wika niya.
13:25.0
Wala yun sabi ko naman sayo eh magaling ka talaga.
13:28.0
Hindi ka dapat kabahan.
13:30.0
Kasi nasa elementary pa lang tayo.
13:32.0
Pambato ka na sa mga kantahan sa school natin.
13:35.0
Ang sabi ko pa.
13:37.0
Patuloy ang pag-uusap namin ng kunwari maubos si Lester.
13:42.0
Ay oo nga pala Pen si Lester.
13:44.0
Natatanda mo pa rin ba siya?
13:47.0
Classmate din natin siya nung elementary.
13:49.0
Pakilala ko.
13:51.0
Oo nalala ko siya kasi siya yung palaging nasa listahan ng maingay.
13:55.0
Ang sabi pa ni Pen.
13:57.0
Hi Pen.
13:59.0
Ang ganda mo dun sa stage kanina.
14:01.0
Saka ang galing mo talagang kumanta.
14:03.0
Pero talaga bang ako yung palaging nililista na maingay sa classroom natin dati?
14:08.0
Natatawang tanong pa ni Lester.
14:10.0
Oo ikaw yung natatandaan ko kaya nagagalit yung tagalista kasi inaaway mo siya.
14:16.0
Natatawang sagot naman ni Pen.
14:18.0
Ay oo nga.
14:20.0
Parang naaalala ko na.
14:22.0
Pero ayun nga.
14:24.0
Ang ganda mo pa rin talaga.
14:26.0
Ang sabi pa ni Lester na bahagya kong siniko.
14:29.0
Aray.
14:31.0
Ay sorry.
14:33.0
Nag-uusap nga pala kayo nitong best friend ko.
14:35.0
Ang sabi pa niya.
14:37.0
Pen, blika na.
14:38.0
Hatid ka na namin.
14:40.0
Pagtawag ng isa pang matangkad na lalakin na haweg ang outfit kay Pen.
14:44.0
Siya yung gitarista ng banda nila.
14:47.0
Guys, alis na kami nina Edu ha.
14:50.0
Salamat ulit and it was nice to see you again.
14:53.0
Paalam ni Pen bago umalis.
14:55.0
Kumuha pa siya at kumitiin sa akin bago sumakay ng kotse.
14:59.0
Ako naman ay naiiwang nakangiti sa kinakatayoan ko.
15:04.0
Grabe feeling heaven ang best friend ko.
15:08.0
Pangasar sa akin ni Lester.
15:10.0
Sira, singhal ko naman sa kanya.
15:13.0
Bakit hindi mo naman kagad sinabi sa akin na nagkita pala kayo ni Pen?
15:18.0
Excited pa naman akong sabihin sa iyo yun kanina.
15:21.0
Ang wika pa ni Lester.
15:23.0
Hindi ko naman kasi inaasahan na magkikita kami.
15:27.0
Alam mo yun, nakala ko pa nga eh hindi siya si Pen.
15:30.0
Kaya napatiting pa ako ng matagal sa kanya kanina bago ako nakapagsalita at nagkwento.
15:36.0
Alam ko na ang tawag dyan.
15:39.0
Ang sabi pa ni Lester.
15:41.0
Ano? Tanong ko.
15:43.0
Love at second sight?
15:46.0
Pare na love at second sight ka kay Pen?
15:50.0
Halatang halata at walang duda talaga.
15:52.0
Panunokso pa ni Lester.
15:54.0
Para ka talagang tanga dyan.
15:56.0
Halika na nga at uuwi na tayo.
15:58.0
Anyaya ko na lamang sa kanya.
16:01.0
Papadudod ang sabi ko noon.
16:04.0
Ang pagkikita namin ni Pen.
16:06.0
Ang second chance.
16:08.0
Na ibinigay sa akin ni Lord para matuloy na ang love story naming dalawa.
16:14.0
Kaya lang.
16:16.0
Mas mahirap dumiskarte sa college.
16:19.0
University kasi mas malaking school na yun.
16:22.0
Partida pa.
16:24.0
Na napakaganda at cool talaga nitong si Pen.
16:26.0
Kaya naman marami ang pumoporma sa kanya.
16:29.0
Kaya naman nagumpisa na lamang ako sa pag-add sa kanya sa Facebook at pag-like na mga posts niya.
16:35.0
Nagulat na lamang ako nang mag-message siya sa akin at sabihin niya na may favor siya na gustong hingin.
16:42.0
Nanginginig pa ang kamay ko habang nagta-type ng iri-reply sa kanya.
16:47.0
Sinabi ko na okay lang at kahit na anong favor ay ibibigay ko sa kanya.
16:51.0
Ang sabi niya ay nakita niya raw kasi sa isang post ko sa Facebook na may acoustic guitar ako at baka pwede raw nilang mahiram yun ng kabanda niya.
17:01.0
Kagad naman akong pumayag at nagkita kami sa isang coffee shop.
17:05.0
Jack, thank you talaga ha dito sa gitara mo.
17:09.0
May magagamit na yung gitarista namin sa susunod na tugtog namin ang wika pa ni Pen.
17:15.0
Wala yun, sabi ko naman sa iyo kahit anong favor pa yan, okay lang.
17:20.0
Wika ako naman.
17:22.0
Saglit pa kami nagkwentuhan noon nang may dumating na lalaking istorbo sa date namin.
17:28.0
Oo, para sa akin ay date naming dalawa yun.
17:32.0
Kasi kami lang dalawa ni Pen ang magkasama kung hindi lang dumating ang istorbong si Edu.
17:37.0
Niaya na siya na pumunta sa rehearsal nila kasi may tugtog namin.
17:42.0
Gusto ko pa sanang pigilan si Pen pero sino ba naman ako para gawin yun.
17:48.0
Hindi yun ang huling favor na hiningi sa akin ni Pen, Papa Dudut.
17:52.0
May mga oras na nagme-message siya sa akin para magtanong kung pwede ko raw ba siyang ihatid sa gig nila dahil hindi siya masusundo ng kabanda niya.
18:02.0
Siyempre, gina-gina naman kagad ako nasunduin siya.
18:06.0
Kasi may sarili ng mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
18:12.0
sarili na akong sasakyan noon.
18:14.0
At nanood pa nga ako ng tugtog nila sa resto bar kung saan ko siya hinatid noon.
18:19.0
Nang matapos ang gig nila, inaasahan ko na sa akin din sasabayin ng uwi si Pen.
18:25.0
May after party pa kami kaya sa akin na sasabay si Pen.
18:30.0
Ang wika noon ni Edu.
18:33.0
Umm ganito na lang, sama ka na lang sa after party namin Jack.
18:37.0
May foods daw doon at konting inuman, mag-i-enjoy ka rin doon tapos sayo na ako sasabay pa uwi.
18:44.0
Sugestion pa ni Pen.
18:46.0
O sige go na ako, kagad na tugon ko.
18:50.0
Malaki ang bahay kung saan ay ginanap ang after party.
18:54.0
Maingay, mausok at medyo magulo kaya hindi ko rin masyadong na enjoy.
19:00.0
Abang busy si Pen, saya iba't ibang musikero sa loob ng bahay.
19:04.0
Lumabas muna ako para magpahangin sa my garden.
19:09.0
Kumusta ka naman dyan sa party ng tugtog ni na Pen?
19:14.0
Teka uhulaan ko na lang ha.
19:16.0
Panistang laway mo no?
19:18.0
Ang wika ni Lester na sinundan ng malakas na pagtawa.
19:22.0
Kausap ko siya noon sa cellphone na hawa ko.
19:25.0
Baliw, singhal ko naman sa kanya.
19:28.0
Bakit hindi ka nag-deny?
19:30.0
Bakit hindi ka nag-deny?
19:32.0
Tama ako no?
19:34.0
Ang sabi pa niya.
19:36.0
Saglit akong umubo para mas luminaw ang boses kong medyo namamanat na.
19:41.0
Hindi ko kasi trip ang mga tugtugan nila dito.
19:44.0
Masyadong rock, saka maingay.
19:46.0
Ang wika ko.
19:48.0
Sabi na eh.
19:50.0
Bakit mo naman kasi naisipang sumama dyan?
19:53.0
Tanong pa ni Lester.
19:55.0
Niaya ako ni Pen.
19:57.0
Ano ka namang tanggihan ko?
19:58.0
Tugon ko naman sa kanya.
20:01.0
Yan ang hirap sa'yo pare.
20:04.0
Pagdating kay Pen, hindi ka talaga humihindi.
20:08.0
Kaya sanay na sanay siya ang binibaby mo.
20:11.0
Ang wika pa ni Lester.
20:13.0
Ikaw naman ang nagsabi dati diba?
20:16.0
Huwag kong sayangin ang pagkakataon na to.
20:19.0
Kaya sinusulit ko lang yung time na pwede akong bumawi sa kanya.
20:23.0
Paliwanag ko.
20:24.0
Hindi ko naman sinabi na magpakaalipin ka sa kanya, no.
20:28.0
Wika niya.
20:30.0
Ano ka ba, hindi naman ako nagpapaalipin.
20:33.0
Bumabawi lang ako sa mga chance na nasayang dati.
20:37.0
Giit ko pa.
20:39.0
Kung bumabawi ka, dapat matagal mo nang sinabi sa kanya
20:43.0
yung tungkol sa mga love letter, chocolate at tulana ginawa mo para sa kanya.
20:49.0
Hindi yung nagpapakatorpe ka naman dyan.
20:51.0
Wika pa ni Lester.
20:52.0
Hindi ako nagpapakatorpe.
20:55.0
Depends ako.
20:57.0
Kung hindi talaga, aminin mo na kay Penn yung tutong nararamdaman mo
21:01.0
para sa kanya bago ka pa maunahan ng iba.
21:05.0
Sabi pa ng kaibigan ko.
21:07.0
Hindi ganun kadali ang gawin ng payo ng kaibigan ko, Papa Dudut.
21:12.0
Hindi naman talaga ako torpe.
21:14.0
Sadyang nangihinayin lang ako sa closeness at friendship na nabuo namin ni Penn.
21:18.0
Ayos lang naman sa akin na mabasted pero hindi ang masayang ang nasimula naming magandang samahan ni Penn.
21:25.0
Uy, ang lalim nang iniisip ha.
21:28.0
Bahagya akong napapitlag sa biglang pagtapik ni Penn sa balikat ko.
21:32.0
Gumiti ako ng malingonan ko siya.
21:35.0
Medyo hulas na ang makeup niya at namumula ang pisngi.
21:39.0
Epekto siguro ng alak na ininom niya.
21:43.0
Umupo siya sa katapat kong upuan,
21:45.0
umalam ba ba bago tumitig sa akin?
21:50.0
Alam mo bang gwabo ka?
21:52.0
Nakangiting tanong ni Penn.
21:54.0
Tumawa ko.
21:56.0
Alam ko, pabirong sagot ko na kinatawa niya rin.
22:01.0
Buti na lang at wala kang girlfriend ngayon.
22:04.0
Kung hindi baka may sumabunot na sa buho ko tuwing magkasama tayo.
22:09.0
Bakit nga ba wala kang girlfriend ngayon?
22:11.0
Ang sabi ni Lester nung minsan magkasama tayo, chikboy ka raw,
22:16.0
e bakit ngayon parang hindi na?
22:18.0
Pagtataka ni Penn, baka sa boses niya ang pagkalasing.
22:23.0
Baka kasi mabasit ako kapag niligawan ko yung babae ang gusto ko ngayon?
22:28.0
Nakangiti pero medyo seryosong sagot ko.
22:31.0
Paano mo naman malalaman yun kung hindi mo susubukan niligawan siya?
22:36.0
Tanong pa ni Penn.
22:37.0
Natatakot kasi ako e baka masira yung friendship namin.
22:41.0
Tugon ko naman.
22:43.0
Ngumiti si Penn.
22:45.0
Uy ka pala e, pangasar niya.
22:48.0
Uy hindi ah, kaagad na defense ako.
22:52.0
Torpe, pangasar pa niya.
22:55.0
Mas dalong hindi.
22:57.0
Gusto mo e patunayan ko sa iyo.
22:59.0
Paghahamon ko sa kanya.
23:02.0
Sige nga patunayan mo.
23:04.0
Sige nga patunayan mo.
23:06.0
Sabi naman niya na mas tumitig sa mga mata ko.
23:11.0
Napalunok ako ng laway at napatingin sa mga labi niya na tila iniinvite ako na halika na mga yon.
23:19.0
Nagsimulang lumabit ang mukha ko pero bago ko pa mahagkan ang labi niya, bigla na siyang tumayo papadudut.
23:27.0
Tara uwi na tayo.
23:29.0
Anyaya niya.
23:30.0
Papadudut, hindi ko alam kung sign ba ni Penn yon para aminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
23:38.0
Pero hindi ko parin ginawa.
23:40.0
Mas nanaigang takot sa dibdib ko na masira ang friendship namin.
23:45.0
Mas naging close na kasi talaga kami noon.
23:48.0
Ako na halos ang naging driver sa mga gig niya kapag hindi siya nasusundo ng mga kabanda niya.
23:54.0
Pinagpupuyatan ko ang panunood sa mga tugtuga nila kasi gusto ko na ako rin ang maghatid kay Penn pa uwi sa bahay niya.
24:03.0
Alam mo pare, para ka ng tanga dyan.
24:07.0
Finals na natin bukas pero nandiyan ka pa sa bar at nagpapakapuyat para hintay na matapos ang gig ng babaeng hindi mo naman girlfriend.
24:16.0
Ang wika ni Lester nakausap ko sa cellphone.
24:19.0
Kaibigan ko naman si Penn at babae siya kaya gusto ko na safe siyang may hatid pa uwi sa kanila.
24:25.0
Ang sabi ko.
24:27.0
Girl na friend pero hindi girlfriend pare.
24:30.0
Kaya hindi mo parin siya responsibilidad.
24:33.0
Saka may sasakyan naman ng mga kabanda niya hindi ba?
24:36.0
Bakit hindi siya doon magpahatid?
24:38.0
Tanong pa ni Lester.
24:40.0
Ako ang sumundo kay Penn sa kanya sa bahay nila.
24:43.0
Kaya kargo ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.
24:48.0
Kapag hindi ako ang naghatid sa kanya.
24:51.0
Saka pare, hayaan mo na ako dito.
24:54.0
Mapapas ako naman ang mga exam ko kahit nawala akong review.
24:58.0
Uwi ka ako.
25:00.0
Okay sabi mo eh.
25:02.0
Basta ingat ka na dyan bye.
25:04.0
Paalam naman ni Lester.
25:06.0
Papadudot bago matapos ang tugtog ni Penn ay bigla siyang nagsalita habang hawak ang mic.
25:11.0
May gusto raw kasi siyang pasalamatan ng gabing yon.
25:15.0
Yung tao raw na palagi nandyan para sa kanya.
25:19.0
Yung tao na hindi siya iniwanan kahit nahihirapan na siya sa mga problema.
25:25.0
Yung tao maasahan niya sa lahat ng oras.
25:28.0
Akala ko eh tama ang nasa isipan ko noon, Papadudot.
25:32.0
Umaasa ako na pangalan ko na ang babanggitin niya pero
25:36.0
nagulat ako nang sabihin niya na si Edu ang lalabas.
25:39.0
Nagulat ako nang sabihin niya na si Edu ang lalaki na gusto niyang pasalamatan.
25:44.0
At mas nagulat ako nang sabihin niya na boyfriend na niya si Edu.
25:48.0
Hindi ko maisip yon kung bakit at paano nangyari, Papadudot.
25:53.0
Bakit si Edu eh mas madalas akong kasama ni Penn sa mga lakad niya.
25:58.0
Ako ang naging tagahatid, tagasundo, tagabitbit na mga gamit niya.
26:03.0
Mas mukha akong PA kesa kaibigan niya at ayos lang yon sakin.
26:06.0
Tinanggap ko kasi nakakasama ko naman siya.
26:10.0
Ang hindi ko matanggap ay bakit kailangan na magkagusto siya sa iba at hindi na lamang sa akin.
26:16.0
Salamat sa pagkatuloy sa akin ha Jack.
26:19.0
Ang wika ni Penn nang huminto na ang kotse sa may tapat ng bahay niya.
26:24.0
Ngumitin lamang ako sa kanya.
26:27.0
May problema ka ba? Parang kanina ka pa kasing tahimik dyan eh, pansin ni Penn.
26:32.0
Ah, wala naman. Tipid na, sagot ko.
26:36.0
Sabihin mo na ano ba yon. Naninibago kasi ako sa iyo eh. Wika pa niya.
26:43.0
Hindi ako umimik kasi ayokong sabihin sa kanya ang totoo.
26:47.0
Pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa lumabas ang mga salitang hindi ko na dapat sinabi pa.
26:55.0
Bakit? Bakit si Edu? Bakit hindi na lang ako, Penn? Tanong ko.
27:00.0
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Penn. Anong ibig mong sabihin? Tanong niya.
27:07.0
Ako yung palaging naka sa tabi mo. Mga bata pa lang tayo ay gusto na kita.
27:13.0
Ako yung naglalagay ng mga chocolate, love letters at gumagawa ng tula para sa iyo.
27:19.0
Ako yung palagi nandito pero bakit ibang tao pa rin ang nakikita mo? Bakit iba yung pinili mo?
27:25.0
Bakit iba yung pinili mo? Tanong ko habang pigila mga luha.
27:31.0
Dahil hindi ko naman alam na ikaw yun. Ang bunga kala ko eh ginagawa mo lang to kasi magkaibigan tayo.
27:40.0
Hindi mo naman kasi sinasabi sa akin na gusto mo ko ang wika niya.
27:46.0
Kailangan pa ba yun? Tanong ko. Oo dahil hindi ako pwedeng bumase sa kung ano ang nakikita ko.
27:53.0
Ayokong mag-assume at magkamali sa huli. At si Edo naging vocal siya sa nararamdaman niya para sa akin.
28:01.0
Hindi ko na siya kailangan pang basahin. Hindi ko na kailangan mag-assume.
28:06.0
Sorry kung naging manhid ako sa paningin mo pero sana maintindihan mo.
28:13.0
Hindi lahat ay pwedeng daanin sa lihim na pagmamahal.
28:17.0
Naluluhang sabi na rin ni Pen bago siya buwaba ng kotse ko.
28:23.0
Hindi na kami nag-usap mula noon papadudut. Wala na rin namang kasing dahilan pa.
28:29.0
Kasi alam ko na kahit kailan ay hindi na siya pwedeng maging akin.
28:33.0
Hanggang dito na lamang po ang sulat ko at na why nakapag-iwan po ito ng babala at aral sa ating mga kaistorya.
28:41.0
Lubos na gumagalang, Jack.
28:44.0
Marami sa atin ang takot na aminin ang espesyal na nararamdaman para sa isang tao.
28:52.0
Dahil kagaya ng ating letter sender na si Jack ay takot tayo na masira ang mabuting pagkakaibigan na nabuo natin sa kanila.
29:02.0
Pero minsan ay kailangan nating labanan ng takot at sumubok ng bagay na sa tingin natin ay makapagbibigay ng pangmatagalang saya sa buhay natin.
29:11.0
Kesa magpatalo sa takot at panghihinayang, ang relasyon na sana ay nasimulan na natin kasama ang taong mahal natin.
29:21.0
Hanggang sa muli ako po ang inyong si Papadudut. Huwag kalimutan na mag-like, share and subscribe.
29:27.0
Hanapin din po ang Kaistorya Youtube Channel at Papadudut Vlogs. Maraming salamat po sa inyong lahat.
29:41.0
Laging may lungkot at saya
29:47.0
Sa Papadudut Stories
29:52.0
Laging may karamay ka
30:00.0
Mga problemang kaibigan
30:06.0
Dito ay pakikinggan ka
30:13.0
Sa Papadudut Stories
30:18.0
Kami ay iyong kasama
30:25.0
Dito sa Papadudut Stories
30:29.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
30:38.0
Dito sa Papadudut Stories
30:42.0
May nagmamahal sa'yo
30:50.0
Papadudut Stories
30:54.0
Papadudut Stories
31:02.0
Papadudut Stories