Close
 


$1.7 BILYONG HALAGA NG SUBMARINE, IPAPAUTANG NG SPAIN SA PILIPINAS UPANG PALAKASIN ANG HUKBONG DAGAT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #afpmodernizationprogram #china
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 05:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dahil sa plano ng Pangulo na magkaroon ng Pilipinas ng submarine ay mukhang matutuloy na nga ito dahil tutulong ang bansang Spain para magkaroon ng puwersang pangilalim ng dagat ang Pilipinas, alamin ang buong detalye mamaya.
00:19.0
At mga barkong pangdigma ng Pilipinas ay kakabitan ng mga close in weapon system.
00:25.0
Ano nga ba ito at papaano gumagana ito kaya't para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti dahil mabilis lang ito.
00:34.0
Sa patuloy na pangigipit ng China sa mga sundalong Pilipino, mga tauha ng Coast Guard at maanging isda sa sariling karagataan ay nagpatibay sa argumento na dapat na mamuhunan ang Pilipinas sa pagpapalakas ng mga kakayahan nito sa pagtatanggol sa dagat.
00:56.0
Kaugnay nito ang Navantia, isang kumpanyang Espanyol na pagbaari ng istado na may mahabang kasaysayan sa paggawa ng mga barko ng militar ay nagsumiti sa hukbong dagat ng Pilipinas ng isang $1.7 billion na alok upang bumuo ng isang puwersang nasa ilalim ng dagat.
01:14.0
Sinabi ni Guillermo Samaripa sa isang press briefing na ang kumprehensibong alok ay sumasaklaw sa paghahatid sa Pilipinas ng dalawa sa kanilang pinakabagong S-80I Sakperel-class na submarine at malawak na pagsasanay ng mga crew at staff ng Philippine Navy.
01:31.0
Paglilipat ng teknolohiya sa operasyon at pagpapanatili ng submarine upang suportahan ang ambisyon ng bansa na makagawa ng sarili nitong mga kinakailangan sa pagtatanggol.
01:43.0
Ang Navantia ay nag-aalok ng kumplitong solusyon para sa pagsuporta ng bagong puwersang submarine ng Pilipinas na may revolusyonaryong konsepto ng submarino na tinitiyak ang tunay na interoperability at pag-aalaga sa mga pangangailangan para sa pagsasanay at mga tungkuling administratibo.
02:03.0
Ang klase ng Isaac Perel-class ay mga long-range konbensional submarine na pinahusay na may air-independent propulsion system na nagbibigay daan sa kanila na manatili sa ilalim ng tubig ng hanggang tatlong linggo.
02:17.0
Mas mahaba kaysa sa ibang submarine na maaaring manatili sa ilalim ng ilang araw lamang bago umahon upang muling magkarga ng kanilang mga baterya.
02:28.0
Ang S-80 ay may 81 meters ang haba at may kakayahang makisali sa mga pag-atake sa tubig o sa lupa, paniktik, pagsubaybay, mga aktibidad sa pagmamanman at pakikipagdigmang anti-surface at anti-submarine.
02:44.0
Gayunpaman tulad ng iba pang mga high-powered military assets, ang kanilang pangunahing layunin ay deterrence.
02:52.0
Ang Navantia ay isa sa tatlong kumpanya na hanggang ngayon ay nagpahayag ng interes sa pagsuplay ng submarine sa Pilipinas matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang intensyon na makakuha kahit isa para mapahusay ang depensa ng bansa at gawing moderno ang Armed Forces of the Philippines.
03:12.0
Ayon sa Spain, mas mababang interes sa utang at magsisimula lamang ang pagbabayad pagkatapos na mayatid ang mga submarine.
03:20.0
Ang Pilipinas kung tutuusin ang tanging pangunahing bansa sa Southeast Asia na walang submarine.
03:27.0
Noong 2012 ang Indonesia, Singapore at Malaysia ay nagpapatakbo ng kanilang mga submarine na sinunod na naman ang Vietnam maging ang Myanmar ay may sarili na ding mga submarine.
03:41.0
Bukod sa Spain ay nagpahayag din ang interes ang France at South Korea para magsuplay ng submarine sa Pilipinas.
03:48.0
Samantala nakikipagusap din ang Navantia ngayon para sa 5.2 bilyong pesos na kontrata para matustusan ang Philippine Navy ng Close-In Weapons System.
03:59.0
Ang sistemang ito ay binubuo ng dalawang 35mm Millennium Guns na madaling imount sa mga Navy Frigates tulad ng BRP Antonio Luna at BRP Jose Rizal na hindi nangangailangan ng malaking pagbabago.
04:14.0
Ang mga Close-In Weapons System na ito mga kabayan na planong ikabit sa mga barko ng Pilipinas ay mayroong tatlong modes.
04:30.0
Sa ngayon mga kabayan ay wala pang inilabas na pahayag ang Armed Forces of the Philippines kung kukunin ang mga submarine na alok ng Spain upang palakasin ang puwersang militar ng Pilipinas.
04:42.0
At bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaksyon mo dito mga kabayan?
04:46.0
Ikomento lamang po sa ibaba at huwag kalimutang pinuntin ng like at magsubscribe.
04:51.0
At bago matapos ang videong ito ay shoutout muna natin ang mga solid nating manunood.
04:59.0
Outro