Close
 


BARANG VS KULAM
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang kaibahan ng mangkukulam sa mangbabarang ay ang paggamit ng inseto at mga bagay-bagay sa kanilang magiging biktima.
00:08.4
Ngunit ano nga ba ang kulam? Saan nga ba ito ay nagmula?
00:12.1
Ang mangkukulam o bruha o bruho sa salita na Kastila.
00:16.3
Samantalang sa salitang Ingles naman, sila ay tinatawag na ang witches at wizards.
00:21.6
Ito ay mga taong may kakayahan na mag-atang o maglagay ng masamang sumpa sa isang tao.
00:27.8
Maaari rin sila natawagin na ang mga manggagaway, itim ang ginagamit nila na mahika.
00:34.5
Ang kaibahan naman ng mangbabarang sa mangkukulam ay ang paggamit ng mga inseto ng mangbabarang
00:40.6
na matapos ang orasyon o ritual na kanilang sinasambi.
00:44.4
Ang mga inseto ay papasok sa katawan ng kanilang mga biktima.
00:48.9
Sa oras na utusan ito ng mangbabarang, gamit pa rin ng itim na kapangyarihan at orasyon.
00:55.3
Ang mga insekto naman ay dahan-dahan na magsisilabasan at babalik din sa nagaalaga dito ng mangbabarang.
01:04.0
Tila ba ang mga insektong ito ay alaga nila at sinusunod ang kahit na ano na iutos at kagustuhan nila.
01:11.7
Madalas din na gumagamit ng mga kakaibang bagay ang mga mangbabarang upang ipasok sa kanila na mga biktima.
01:19.1
May mga naitala na gumagamit daw sila ng pako, bubog, maging ang mga bato.
01:24.2
Ito ay upang mas pahirapan pa ang tao na kanila na biktima.
01:28.8
Minsan ay nauuwi ito sa wala pa sa oras na kamatayan.
01:33.2
Samantalang ang magkukulam naman ay gumagamit ng mahikang itim sa pangungulam.
01:39.2
Ginagamitan nila ito imbis ng orasyon galing sa kapangyarihan itim ay gumagamit sila ng natural na mahika.
01:46.7
Tinatawag ang kanilang pamamaraan na ang mahikabaha.
01:50.4
O kung padadaliin, ay ginagamitan ito ng apoy, lupa, tubig, mga dahon, kandila, langis, mga matatalim na bagay
01:58.9
katulad na lamang ng kutsilyo, karayom at erdible.
02:02.5
Gumagamit din ang mga mangkukulam ng mga potion o mga langis na may sumpa
02:07.5
na maaaring ihalok sa pagkain at inumin upang maisakatuparan ang kanilang ninanais.
02:14.2
Ito ay sa kanila na napili o pinapatrabaho na biktima.
02:17.9
Ang matindi sa kulam ay maitim ang entensyon na gumagawa nito
02:22.7
kasi hoda na masaktan ang biktima basta hindi maganda ang layunin ng mangkukulam sa kanila.
02:29.2
Kasama sa mga bagay na ginagamit sa kulam ay ang manika.
02:33.1
Isa sa mga sinasabing kapangyarihan ng mangkukulam ay ang paglalagay ng sumpa.
02:38.7
Kaya namang paminsan ay hinahanapan ng mangkukulam ang tao na gustong magpagawa ng gamit ng kanyang biktima.
02:46.5
Samantalang ang sumpa ay pangako na itinatali ng mangkukulam sa kanyang biktima upang ito ay pasakitan.
02:53.5
Ito ay ang nag-uugnay sa mangkukulam at sa kanya na biktima.
02:58.1
Kaya naman sa tuwing gagamutin ng mga albularyo ay nalalaman nito kung sino ang gumawa ng kulam.
03:04.2
Ito ay dahil sa koneksyon na ginawa ng mangkukulam sa kanyang pangako
03:08.7
natuto pa rin naman ang nais ng nagpapakulam o ang nagpapatrabaho.
03:13.9
Ang mga albularyo naman mga katinagalog ko ay pareho din ng mangkukulam.
03:18.6
Ngunit ang malaking kaibahan nilang dalawa ay inilalaan ng albularyo ang kaalaman nila na parehong pareho din sa kung ano ang kaalaman ng mangkukulam.
03:29.3
Ito ay upang ang taong pinapatrabaho o ikinukulam ay kanila na matulungan.
03:35.0
Sa salitang ingles ang mangkukulam ay witch, samantalang white witch naman ang mga albularyo.
03:40.7
Parehong pareho po ang kanilang kaalaman sa medisina gamit ang mga halaman at maging ang mga sumpa at orasyon.
03:47.9
Kanila nga lamang isinumpa sa sarili na inilalaan nila ang kanilang kaalaman sa pagtulong at hindi upang makapanakit ng kanilang mga kapwa.
03:57.6
Kaya naman alam na alam ng albularyo kung papaanong kukontrahin at aalisin ang sumpa o kulam na kumapit sa biktima na tinutulungan nila.
04:06.8
Depende na rin daw sa kung gaano kagaling ang albularyo.
04:11.0
Wala rin pinagiba ito sa doktor kung gaano minsan kagaling ang doktor nyo at paminsan naman may doktor na baguhan lamang.
04:17.5
Mga katinagalo ko dito sa Pilipinas, malakas ang paniniwala at impluensya ng kulam.
04:23.3
Ito ay dahil marami ang nagsasabi na may kakilala sila o may kamag-anak sila na nakulam na.
04:29.7
Kung ako naman po ang tatanungin nyo sa opinion ko tungkol sa isang ito mga katinagalo ko.
04:34.7
Naniniwala po kasi ako sa tinatawag nila na ang manifestation.
04:39.4
Kung baga kung buong pusong pinaniwalaan mo ang isang bagay ay nagkakatotoo at nangyayari po ito.
04:46.6
Katulad na lamang na kapag sinasabi natin lagi na wala tayong pera, ang mabuting enerhiya ay nawawala at napapalitan po ng negatibo.
04:55.6
Kaya naman nakakahatak tayo ng mga hindi magagandang kaganapan na siya namang nagre-resulta upang totoo na mawalan nga tayo ng pera.
05:04.1
Walang iniba ito sa bahay na palagi ang madilim o hindi namang kaya ay parati na makalat.
05:09.7
Hindi po ba nararamdaman nyo ang bigat sa pakiramdam sa tuwing papasok sa ganitong mga bahay?
05:15.6
E kumpara po ito sa bahay na maaliwalas, maliwanag at maayos, hindi pa gumagaan din ang ating pakiramdam.
05:22.6
Ganon din po ang tingin ko sa kulang.
05:25.3
Ito ay ang negatibong enerhiya na ipinakakapit sa ibang tao na kinaiinisan mo.
05:30.9
Kaya naman hindi lang ang kinukulam ang napaapektuhan mismo ng galit at puot na nararamdaman sa kapwa.
05:38.3
Ito rin ay ang kumakain at sumisira na parang isang anay sa isang tao.
05:43.6
Kaya ambis na makaisip ng maganda at makausad na sa buhay, nananatili itong alipin ng kanilang galit at puot na siya namang nag-iimbita ng mga hindi magandang enerhiya at kaganapan at kabigatan sa buhay.
05:58.4
Kaya ang masasabi ko lang po, hindi po ako nakakita pa ng binabarang o kinukulam na may lumalabas na kung ano-ano.
06:05.9
Pero may mga nagsabi na po na nangyari sa kanila to at inuulit ko hindi pa po ako nakakakita.
06:12.4
Kaya naman ang masasabi ko lang, naniniwala lamang po ako sa masama at mabuting enerhiya dahil ito ay paulit-ulit na aking nadarama.
06:21.1
Mas maganda na rin na maging mabuti sa kahit na sino.
06:24.2
Mas magaan sa loob na nakakatulog ka ng maayos sa gabi nang wala kang inaalala at tinatapakan.
06:30.4
Lalo na ang mga inargabiyado na kapwa mo.
06:33.6
Pagpapalain ka pa ng puong may kapal sa iyong mabuti na kalooban.
06:38.0
Mga katinagalog ko, ipagpasa Diyos niyo po ang mga tao na nagkasala sa inyo.
06:42.8
Pasasaan ba at makukuha niyo rin ang tamang hostisya.
06:46.6
Hindi po natutulog ang Diyos mga katinagalog.
06:49.6
Ito po ang sinisigurado ko sa inyo, hindi nyo kailangan na naggumanti pa.
06:54.0
Diyos na po ang bahala sa kanila.
06:56.6
Huwag din pong makalimot na magdasal at tumawag sa puong may kapal.
07:00.4
Siguradang hindi-hindi niya po kayo pababayaan.
07:02.9
Mga katinagalog ko, nakaaralig na ba kayo ng kwento ng mga kaibigan o kakilala?
07:07.2
O kahit paka mag-anak nyo na sila daw ay nakulam?
07:10.2
Isulat po ang inyong salubin sa comment section sa ilalim.
07:13.5
Excited po ako na ang isang ito ay aking basahin.
07:17.2
Ang pinakamagandang kwento ay magkakamit po ng 100 na GCashload.
07:21.7
Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.