Close
 


INTEL AT CONFIDENTIAL FUNDS SAAN DAPAT GAMITIN! WATCH THIS..
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Mike Abe Opinions
  Mute  
Run time: 08:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
... Isa sa ating pag-usapan nitong intelligence at confidential funds. Malaking pera po ito sa gobyerno. Sa national government, bilyon. Sa local pag pinagsama-sama mo maraming milyon. Intelligence at confidential, saan ba talaga ginagamit ito?
00:24.0
... Hindi ba pwedeng ito gamitin laban sa artificial shortage ng pagkain tulad ng dati-re sugar, sibuyas, karne, ngayon rice ang problema?
00:40.0
Di ba ang artificial shortage ay sinasabotahe? Di ba may sindikatong nasa likod yan? Warehouse, importer, brokerage, mga negosyanting nagpaparating o bumibili sa mga probinsya ng rice tapos tinatago. Yan ang artificial shortage kaya may kulang sa merkado at tumatas ang preso.
01:08.0
Kaya po binabanggit ito. Ang intelligence at confidential pa, yan ang pwedeng paggamitan. Total wala naman tayong malaking problema sa insurgency. Sa malaking organized na kalaban ng gobyerno, wala na tayong gano'ng kalaban. Nakukontrol na.
01:26.0
Ang pinakamalaking kalaban ng gobyerno pag ang mga tao ay nagutom dahil hindi na kayang bilhin ang mataas na bayarin at bilhin basic commodities at public utilities. Yung dalawang yan. Napakatindi yan. Lahat ng pagkain at lahat ng public utilities, power, water, communication, transportation at oil. Yan po yung public utilities. Napakadigat yan. Hindi biro yan.
01:54.0
Sana gamitin ng local and national government ang perang yan para habulin, panagutin ang nasa likod ng artificial shortage. Yan po yung kailangan.
02:24.0
Magiging paulit-ulit na lang ang paggasto sa volume ng pera na pera ng taong bayan na hindi naman dapat lumaki ang gastos para lang ma-identify at kasuhan. Walang problema, nandyan ang mga otoridad, nandyan ang batas, nandyan ang anti-smuggling law at ang lahat ng pag-hoarding, pagtatago, pagsasabotaje, lahat yan labag sa batas. So kompleto. Yung pag-identify na lang. So yan ang trabaho ng intel.
02:54.0
Yung counterintelligence at malalim na intelligence. Ang problema, hindi ko alam ano ang pinagkakagastusan ng intelligence at confidential pun. Ako hindi ko rin alam. Maliban sa counterintelligence sa insurgency problem, sabi ko nga wala tayong mabigat na problema sa kalaban ng Estado. Ang kalaban natin ay kahirapan at China.
03:16.0
Ang China ay tinuturin nating kahirapan kasi inaagawan tayo ng teritoryo. Yan ang mga kahirapan dahil pag mahirap ang Pilipino, maraming nagugutom, hindi makabili ng pagkain dahil sa mahal, threat po yan sa national security. Hindi biro yan. So kailangan doon gamitin. Sana maaintindihan ninyo at sana mga tag-gobyerno gamitin din yung tamay. Huwag yung ibulsa, huwag yung kung saan-saan ilalagay.
Show More Subtitles »