Close
 


BECKMAN TUMABA? LIVE ACTION REVIEW! | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1092 Episode 1074
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 09:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Pinalabas na nga finally ang One Piece live action sa Netflix. At after ilang years nga ng paggawa sa series na to, ilang buwan na pag-a-advertise at hindi
00:10.0
mabilang na retakes para lang maging swak sa panlasa ng mga fans, e finally nga na lumabas na ang resulta. At base nga sa mga nakikita ko sa social media, e
00:20.7
halo-halo pa rin ang mga reaksyon ng mga manunood. Pero mas lamang nga yung positives, tumagos nga sa puso ng maraming fans itong live action. Kaya naman sa video nga na to e
00:32.5
i-review natin itong live action, tatalakain nga natin ng detalyado kung okay ba itong live action, at kung worth it pa bang manood ng season 2. At syempre e
00:43.6
ipipredict din natin yung possible na magiging episodes ng season 2. Kaya naman kung handa na nga kayo e game umpisahan na natin itong topic natin.
00:53.1
Umpisahan nga natin itong review natin ng live action syempre sa casting. Yes may mga perfect cast nga na sobrang fit sa one piece characters, pero personally nga e masasabi kong may mga bad castings din.
01:13.6
So unahin natin itong good castings. Syempre yung main 5 ng Straw Hat Pirates e perfect yung pagkakakast para sakin, suabe at kuhang-kuha nila yung characters na pinoportray nila. Itong sila Shunks at Mihawk e perfect din para sakin.
01:29.6
Doon nagigets ko nga yung ibang fans nung pinakita yung trailer na para sa kanila e hindi kuha itong si Shunks. Pero napansin nyo naman nung actual scene na diba? Solid nga yung pagpoportray ni Peter Gadong kay Shunks.
01:43.2
Bale parehas din kayla Arlong, Yasop, Alvida, Buggy at Zeph e kuhang-kuha nga nila yung mga characters nila sa anime. Sa part naman ng negative side o yung para sakin e pwedeng may kinuha na mas compatible sa character, e ito nga sila Nojiko, Ben Beckman, Belmir at syempre si Makino.
02:04.0
Si Nojiko nga para sakin e sana na Japanese na lang yung character na kinuha. Pero don't get me wrong guys, superb naman yung acting skills niya. Kuhang-kuha rin niya yung ugali ng Nojiko sa anime. Itong si Ben Beckman naman e obviously na malayo sa kilala nating Ben Beckman sa anime.
02:22.5
Since yung kilala nating right hand man ni Shunks e cool lang, seryoso at umaas tang mas boss kesa kay Shunks. Itong si Belmir naman e parang masyado nga matanda yung character na kinuha ng live action. At itong si Makino naman e same as kay Nojiko, I suggest na dapat na ginawa nalang Japanese or kahit yung may appeal na character man lang dahil alam naman natin na pinoportray itong si Makino na parang partner ni Shunks.
02:49.5
May rumor pa nga na yung anak daw niya e si Shunks yung tatay. Maliban na lang kung ito na yung confirmation ni Oda na wala talagang namamagitan sa dalawang to. In a way ngayon ay mapunta naman tayo sa pacing. Kung pag-uusapan nga yung pacing e gustong gusto ko yung ginawa nitong live action, kumbaga kinuha lang ng live action yung mga major scenes sa anime. At ito nga yung pinalabas nila, which is tama nga naman.
03:15.5
Dahil in anime nga e alam naman natin sobrang bagal ng pacing. At nagustuhan ko nga yung every episodes e nagpapakita sila ng flashback. Para nga naman yung mga hindi naman talaga fan ng One Piece o yung mga bago pa lang, e magkaroon ng context sa mga isip nila para once na ipalabas na yung actual episode, e may idea na sila.
03:36.3
Nagulat nga rin ako na nagawa ng live action na maging relevant itong sila Garp at Kobe all throughout sa season 1. Dahil alam naman natin sa anime na pagtapos ng mga unang episodes e babalik pa si Kobe during Water 7 arc. At sa arc nga rin na to i-introduce ng mas maayos itong lolo ni Luffy na si Garp. Pero ang nangyari nga sa live action e parang sinama na rin nila itong naganap sa Water 7 arc sa buong season 1.
04:03.8
Tulad ng pagbabato ni Garp ng cannonball gamit lang yung pure strength niya. Itong pagiging magkaibigan nila Kobe although in reality e magkalaban sila. Itong pagtetest niya kay Luffy kung handa na ba talaga to maging pirata at kung ano-ano pa. Maybe e ang rason lang sa part na to e syempre wala pang kasiguraduhan kung magkakaseason 2 ba o hindi. Pero nice touch nga ito sa live action.
04:28.0
Dahil mas nagkaroon nga ng spotlight itong sila Garp at Kobe na alam naman natin na later on e magiging malaki rin ang mga role nila. Anyway sa part naman ng settings at location e sobrang natuwa nga ako sa live action. May vibes nga ng pagka-modern yung bawat location. Dahil kung iwa one of one nga yung location sa anime at sa live action e medyo magiging boring nga naman. Tulad na lang ng location ng syrup village na plain lang sa mata.
04:55.7
So sa live action nga e naging busy sa paningin natin itong syrup village. Scenes maraming ang nagaganap sa background. Same as sa bar ni Makino na mas naging reality yung vibes na mapapasabi ka na ito, ganito talaga yung bar. Diba?
05:11.6
Sa part naman ng mga scenes e nagustuhan ko nga yung acting ng mga artista. Para sakin nga e sakto yung timpla. Yes may nababasa nga ako sa comments na hindi gaanong malala o hindi gaya sa anime yung ibang acting gaya ng sobrang OA na pagpapantasya ni Sanji kay Nami o yung sobrang cheerful ni Luffy.
05:31.7
Sa tingin nyo ba e kung ganito kalala yung ginawang acting ni Sanji sa live action e maganda to tignan? Yung tipong may heart sa mata at nagno-nosebleed ba? Diba hindi? So doon lang tayo sa makatotohanan. Same as kay Inayaki. Dahil kung hindi ka nga nanunood ng One Piece at ganito yung mapapanood mo sa live action e I doubt napapanoorin mo pa uli yung next season. Dahil masyado ka ngang mababado yan kung bagong fan ka pa lang ng One Piece.
05:59.9
Anyway sa part naman ng action scenes, CGI at VFX e dito nga ako mas na impressed sa live action. Though may mang ilan nilan ngang scene na pangit sa mata gaya ng pagkasira ng espada ni Zoro sa laban niya kay Mihawk, pero mas lamang pa rin naman yung magagandang CGI's gaya ng paggamit ng Devil Fruit ni Buggy, itong pagiging malaki ni Luffy para maibalik kay Garp yung cannonball at syempre yung huling atake ni Luffy kay Arlong.
06:26.7
Ang nagstand out nga sa mga fight scenes e syempre si Zoro at Sanji. Kitang kita nga kay Taz Skylar na nag-aral talaga siya para punan yung mga routine niya sa pagsipa dahil ramdam naman siguro natin kung hindi, di ba?
06:41.0
Si Zoro naman e kitang kita natin na basic lang kay Makinyu yung paggamit ng espada, syempre dahil sa ilang beses na nga siyang gumagamit na ito sa iba't ibang movies na ginaganapan niya. Yung laban niya kay Mr. Seven kung saan e hiniwan niya to sa gitna at yung laban niya kay Mihawk e sobrang ganda ng routines.
07:00.3
Doon sa mga latter part nga lang e hinahanap ko yung magiging 1 vs 1 sana nila ni Hatchan na magli-lead kay Arlong dahil alam naman natin na iba yung impact na ito at napakalaking character development na ito para kay Zoro. Ito nga yung scene kung saan e nakita ni Arlong na may sugat pala si Zoro galing kay Mihawk at dito na realize ni Arlong na pinupulbos pala ni Zoro yung mga tauhan niya na may ganito siyang kalagayan.
07:27.8
Ngayon e mapunta naman tayo sa predictions. In episode 8 nga o yung huling episode e ipinakita itong Sea Smoker at alam naman natin na ang una nilang pagkikita ni Luffy e during Log Town Arc at alam rin natin na sa buong Alabasta Saga e magkahabulan sila ni Luffy, kaya e assume na ang scope ni itong season 2 e yung buong Alabasta Saga, meaning e kung magkatotoo nga e magkakaroon ng dalawang bagong miyembro itong Straw Hat Pirates
07:56.0
at ito nga sila Chopper at Robin, well technically e tatlo, scene si Vivi nga e sinali pero hindi sumama.
08:04.0
Bali speaking of last episode e nakita rin natin na nagusap na itong sila Buggy at Alvida, na alam naman natin sa anime na nagkampihan itong dalawa na to para patayin si Luffy sa Log Town.
08:16.4
At dahil nga sa nakita na natin si Monkey D. Dragon at may easter egg nga patungkol sa Revolutionary Army e mukhang makikita na nga natin si Dragon sa season 2.
08:26.6
At speaking of easter eggs e gagawa nga tayo ng full easter eggs video sa mga susunod na araw, e explain nga natin yung mga hindi nyo napansin sa nangyaring live action na to.
08:38.0
Anyway overall nga e alam kong hindi perfect itong one piece live action, may mga issues nga at mali na hindi may iwasan, pero kung titignan nga natin yung brighter side e maliit lang itong mga issues na to
08:51.1
kumpara sa ginawa ng Netflix na pagsasabuhay na itong paborito nating anime na One Piece. At dito pa lang e masaya na ako, dahil yung anime nga na ilang taon na nating sinusubaybayan e finally na nagkaroon na ng buhay.
09:05.4
Kaya naman supportahan lang natin itong live action para magkaroon pa ng mas maraming seasons. Ipakita nga natin na yung mga One Piece fans e hindi toxic at kahit na ano pa yan basta related kay Ichiro Oda e mamahalin at susuportahan natin.
09:21.4
Bali dito na nga nagtatapos itong review natin para sa One Piece live action. Uulitin ko guys ha, isusunod na nga natin ia-upload yung mga easter eggs na hindi nyo napansin sa live action. Kaya stay tuned lang sa channel natin para sa mas maraming One Piece happenings. So yun lang, peace!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.