Close
 


Dear MOR Presents: "Balikbayan" Kwento Ni Linda
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hanggang kailan mo kayang tiisin ang pagod at sakit na nararamdaman mo? Paano kung sa pagtitiis na ito ay nakakatulong ka pala sa pamilya mo? Ano ang gagawin mo? Alamin ang sagot dito lang sa #DearMORPresents #DearMORBalikbayan For MORe videos subscribe now: http://bit.ly/MORForLife Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph Like us on Facebook: https://www.facebook.com/MOREntManila Follow us on Twitter: http://twitter.com/MORentPH Check out our livestreaming at all MOR Philippines Facebook Pages! #DearMOR #DearMORPresents #MOREntertainment
MOREntertainment
  Mute  
Run time: 38:43
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, nakaka-in-love, Dear M.O.R.!
00:23.0
Dear M.O.R.,
00:24.0
Mangandang araw po sa inyo, Popoy at Bea. Hello na rin sa lahat ng avid listeners ng Dear M.O.R.!
00:31.0
Matagal na po akong nakikinig sa inyo. Kayo lamang ang tangi yung kinapakinggan ko mula noon hanggang ngayon.
00:39.0
Popoy at Bea, ako nga pala si Linda at isa akong domestic helper sa Qatar.
00:45.0
Nakipagsapala rin ako sa ibang bansa sa edad na 30 years old at uuwi na nga ako ng Pilipinas sa darating na Oktubre sa edad na 53 years old.
00:58.0
Popoy at Bea, nag-message ako sa inyo ngayon kasi gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang naging karanasan ko sa Qatar at kung bakit kinailangan ko ng umuwi.
01:09.0
Popoy at Bea, meron akong naiwang pamilya sa Pilipinas. May kapansana ng aking asawang si Tirso at tanging anak lamin o tanging anak lang namin ang nakakasama niya.
01:22.0
Popoy at Bea, isa sa mga rason kung bakit ako ng ibang bansa ay dahil sa kalagayan ng aking asawa.
01:30.0
Sa awa naman ng Diyos ay nabiayaan naman ako ng mga mabubuting amo.
01:35.0
Hindi sila sobrang strikto pero kailangan ay tama ang lahat ng gagawin ko sa loob ng bahay nila.
01:43.0
Popoy at Bea, dahil nga sa sitwasyon namin ay nag-desisyon ng ina ni Tirso na samaan sila ng anak ko para may nag-aalaga sa kanilang dalawa habang nasa Qatar ako.
01:54.0
Pero kapag mag-isa, kapag mag-isa ka talaga sa ibang bansa ay hindi may iwasang maging malungkot.
02:01.0
Nagpunta ako sa Qatar para gumihawa ang buhay ng pamilya ko.
02:06.0
Kaso dahil nga nasa ibang bansa ko ay hindi ko naman nagagampana ng pagiging asawa at ina sa mag-ama ko.
02:13.0
Araw-araw kong nilalabanan ng lungkot na nararamdaman ko kasi hindi pwedeng basta na lang ako sumuko at umuwi sa Pilipinas.
02:22.0
Kapag ginadalaw ako ng lungkot ay iniisip ko na lang na ginagawa ko to para sa pamilya ko.
02:29.0
Tinitiis kong hirap kasi alam ko na ito lang ang paraan para maging maganda ang buhay ng pamilya ko.
02:36.0
Opoy at beya, talagang naging masipag ako.
02:40.0
Hindi ako nagde-day off at hindi rin ako lumalabas-labas kasi ayokong gumastos.
02:46.0
Mas pipiliin ko pang mag-stay-in na lang para hindi magalaw ang perang meron ako.
02:52.0
Opoy at beya, buwan-buwan ako nagpapadala ng pera sa Pilipinas.
02:57.0
Kasi gusto kong maramdaman ang pamilya ko, lalo na nga ng anak ko,
03:01.0
na kahit nandito ko sa ibang bansa ay kasa-kasama nila ko sa araw-araw.
03:06.0
Nandito ako sa Qatar kasi ito lang ang alam kong paraan para ipakita ko ang pagmamahal ko sa kanila.
03:13.0
Malaman ko lang na areglado ang lahat ng pangangailangan nila ay okay na okay na ako.
03:20.0
Opoy at beya, kung meron man akong gusto sa ngayon,
03:24.0
eto na siguro yung mayayari,
03:27.0
at maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
03:57.0
At ito sa ibang lupahin, sa ibang bansa nitong ating letter sender na si Linda sa Qatar.
04:05.0
Nasa Qatar siya ngayon at nakikipaglaban siya para sa kanyang anak and of course sa kanyang asawa na may kapansanan.
04:17.0
Ituturing na rin nating swerte beya itong si Linda dahil ang sabi niya napunta siya doon sa mga mababait na amo.
04:27.0
Kabi-kabila ang mga nababalitaan natin na hindi pinapalad at talagang mangyayak-ngayak.
04:36.0
Ako nagpapasalamat pa kahit pa paano kung yung iba nakakarating sa embassy natin, sa ibang bansa para humiling na iuwin nyo na lang ako sa Pilipinas.
04:46.0
Doon na lang ulit akong makikipagsapalaran kesa dito sa malulupit na amo.
04:50.0
Yung iba hindi pinapalad at talagang kahindik-hindik yung mga pwedeng mangyari sa kanila.
05:00.0
Kaya I hope yung mga nandito talaga, yung mga kamag-anak, mga kaibigan, mga nanging ibang bansa, ipagdasal nyo rin.
05:09.0
Ipagdasal din natin yung mga kamag-anak natin na nandun. Malayo kung kailanganin nila ng tulong natin. May ibang mga rules and policies sila doon.
05:21.0
Malalaman mo na lang ang kwento, kinukulong sila, hindi pinalalabas sa ganito, sobrang inihigbitan. At dito sa ating kwento, suwerte na may tuturing itong si Atelinda sa pagkakaroon ng mababait na amo at meron pang isa.
05:39.0
Meron pang isa, beya, yung kanyang bienan na nagpresenta na sige na sasamahan ko na lang itong mag-amamok sa bahay ninyo para ma-asistihan ko sila. How fortunate naman itong si Linda.
06:10.0
Kasi tingnan mo yung ganyan trabaho pagiging DH, domestic helper. I'm not sure may lalaki bang ganoon pero most of the time generally speaking babae talaga. Karamihan talaga mga babae na nakikipagsapalaran as a domestic helper.
06:31.0
Really scary dahil bukod nga sa pupunta sila sa ibang bansa. Parang gambling ang mangyayari. Parang hindi mo talaga malalaman kung saan ka mapapadpad hanggap hindi ka pa nakakarating doon. Hindi sila makakapili.
06:51.0
Wala rin kasi ang agency. Wala rin silang pang-filter kung ano klaseng kliyente lang or amo ang tatanggapin nila. Assign lang sila doon pero hindi naman nila ma-predict, ma-dedictahan kung ano klaseng amo yung mapupuntahan nila.
07:21.0
So it's really a huge sacrifice lalo na doon sa mga domestic helper natin. Lahat ng OFW nagsasakripisyo yan.
07:51.0
I feel like sobrang hirap kapag ka domestic helper kasi wala kang masyadong hindi ka pwedeng magyabang, hindi ka pwedeng magmataas compared doon sa mga professional na trabaho.
08:09.0
The same way naiba rin ang mga ugali dito. Sabihin natin kasambahay. Dito rin sa Pilipinas may kasambahay.
08:39.0
Mabusadong mga kasambahay. Pero ang dito is the proximity of your relatives, of your friends. Kung sakali makatakas ka, alam mo kung saan ka pupunta? Siyempre mga lokal doon na magtutulungan dito. Marami kang pwedeng derecho sa barangay hall.
09:10.0
At sa lahat ng mga kamorkada natin, yung mga nagko-comment din dyan, yung mga domestic helper sa iba't ibang bansa. Lalo na nga doon sa Hong Kong, yan ang pinakamarami natin nababasa. Yung mga nagpapabating, mga DH doon sa Hong Kong.
09:26.0
Eto nga si Sheila Adofina. Sabi niya, proud OFW, single mom na 4 years nagtiis, mapagtapos lang ang anak ko. Sobrang hinap pag-isip, nasa talaga ang gamot kapag ka-homesick. Pero eto na, super blessed ako dahil hindi ako pinabayaan ni God.
09:44.0
Nagbalikbayan ako para umattend ng college graduation ng anak ko.
10:44.0
Pag lumabas ka ng bahay sigurado gagastos ka, may transpo. Tapos pag transpo kakain ka, may gastos na. E kung nandun ka nga lang sa bahay at i-ipon, nagtitiis, dito talaga lalabas ang ugali natin mga Pilipino na kapag ka may gustong mangyari, magandang gustong mangyari, meron at merong paraan.
11:14.0
Kaya lagi kong sinasabi whenever I get a chance na magkaroon ng ganito mga kwento, I will never get tired of reminding. Kasi alam ko na narinig na ito nung iba noon, mga regular listeners natin na sinasabi ko.
11:44.0
Puro kapritso ng katawan ang nare-request natin sa kanila. Why don't you just request them to be safe, to stay healthy, at huwag silang atakihin ng homesickness. I-assure nyo ang mga nasa ibang bansa na okay lang kami dito. Nay, tay, huwag kang masyado nag-iisip diyan.
12:14.0
I-assure natin sila, mas maigi yan. Kesa wala na kami, gusto namin mag-aircon init. Di na kayo marunong mag-pie-pie, di na kayo marunong mag-electric fan.
12:44.0
I-assure natin sila, mag-iisa dyan. Kayo, ang dami-dami nyo dyan. Ang dami-dami nyo dyan, at ang dami-dami nyo pang mga hanash. So, di ba, hiling na, that's the best thing. Assurance and encouragement.
12:56.0
... Bigyan niyo siya ng pagkakataon na huminga ka naman, okay naman kami dito, hindi mo kailangan magsagad-sagad sa pagod, napoprovide mo ang mga pangailangan namin, magpahinga ka naman, mag-day off ka naman.
13:26.0
Q1. All but D nalang nyo gawin na nai, tay, gising pa naman kayo dyan? Tara, break time nyo naman. Nood tayo ng Dear MOR, sabay tayo. Yan, ganoon. Ano masasabi nyo sa kwento? Parang kwento nyo to dati noong nagliligawan kayo nai, tay.
13:56.0
Q2. Nabayaran ko na lahat ng utang ng parents ko na dahilan din naman kung papaano kami nakapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho and still giving them monthly allowances?
14:26.0
Alam ko na maayos ang mag-ulang ko eh, ito ang para sa inyo. Ipunin nyo, gamitin nyo, mag-relax kayo ng konti ni nanay, mag-date kayo, mag-shake it, mag-check in kayo, mag-pork kayo, mag-beef ng ulam.
14:56.0
Ito yung longest time na nasa abroad yung mama ko. As a kid, nandun yung tampo, especially lalo nang tumating yung first two graduation ko. Pero sabi nga nila, save the best for last. Wala man siya sa naunang dalawa, eh, andun naman siya noong college graduation ko.
15:14.0
Ito yung pinaka-highlight, pinakabonggang graduation kasi tapos na ka na talaga sa pag-aaral. At nandun yung nanay ni Hero Danielle. I love it.
15:44.0
So paano yun? Yung pagkain na kinakain mo araw-araw Joseline ay bibilin mo sa amo mo? Tapos pati pang personal hygiene mo, bibilin mo sa kanya? Medyo. Mahirap mag-ipon kapag napunta ka sa ganyang klase ng amo.
16:02.0
Pero kasi may konpata yan. Kailangan mong i-honor yung end mo kapag pwede mag-apply sa iba. Ah okay, sabi ni Joseline pala, kaya umuwi po akong walang ipon. You see? Yan yun. Hindi lahat nga ayasin ang swerte.
16:20.0
Sabi ni Jenny Parker, ang pag-aabroad para lang lucky draw pag napunta ka sa amo mong mabait e swerte mo. Kapag hindi, alam mo na ang kwento. Parang kay Joseline, uwi na lang ako. Lahat naman pala ng kilos ko rito, nagbabayad din ako. Mahirap naman no?
16:50.0
Kaya ang amo, kumuha ng domestic helper para may costumer sa tindahan niya kung meron ba isang alindami mo.
17:20.0
Sabi ni Kathryn Santizo, Rheanne Santizo, sana napapakinggan niyo ito, relate much. Yung ikaw na nagtitipid sa mga gastusin, puro hingi pa. Sana marinig niyo ito sa family ko dyan sa Darangan Binangonan Rizal.
17:50.0
Yung iba sabi, bibirulang naman ako. Pero pag nagbigay, isahan ka na naman.
18:20.0
Apaka naman ito, agagalit talaga. E di ka na maabigay.
18:50.0
At ako naman po, Gorgeous V. Bea Bells.
19:20.0
Popoy at Bea, talagang ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pagtatrabaho. Never akong nagreklamo sa hirap na mga ginagawa. Alam ko kasi na kapag nagsipag ako ay makikita ng amo ko kung gaano ako kahalaga.
19:45.0
Popoy at Bea, bunga na rin ng pagsusumikap ay napilhan ko ng wheelchair ang asawa ko para mas madali ang pagkilos-kilos niya. Pero aaminin ko na may mga pagkakataon na talagang napapagod ako.
19:59.0
Minsan, iyak na lang ang nagagawa ko pero wala eh. Dapat kong kayanin ang lahat.
20:06.0
Popoy at Bea, hindi rin nakatulong na itong mga nakaraang taon e dumalas ang pagkakaroon ko ng sakit. Dumalas ang pagkakataon na hinang-hina ako. Umabot na nga sa punto na amo ko na mismo ang nagsasabi sakin na baka dapat ay magpahinga na ako.
20:24.0
Popoy at Bea, ayokong maging pabigat sa amo ko kasi sa ilang taon na pagtatrabaho ko sa kanila ay hindi nila ako itinurin na parang ibang tao. Kaya nga makalipas ang maraming taon ay sa wakas uuwi na nga ako ng Pilipinas.
20:39.0
Popoy at Bea, masaya na sana akong uuwi sa piling ng pamilya ko. Problema nga lang e babalik ako sa Pilipinas na may bit-bit na sakit. Kasi bago ako umuwi ay nagpatingin ako sa spesyalista kasama ang amo ko. Doon ko na nga nalaman na yung mga nararamdaman kong sakit sa aking tiyan at pangihina ng katawan ay dala ng colon cancer.
21:09.0
Lahat ng hirap ko, lahat ng naipon kong pagod, lahat ng ginawa ko para sa pamilya ko ay nauwi pala sa pagkakaroon ng malubhang sakit.
21:21.0
Popoy at Bea, magsisinungaling ako kapag sinabi ko na okay lang ako. Andami-daming tumatakbo sa isip ko. Ayoko kasi talagang magiging pabigat sa kanila o kahit kanino. Pinis ko ang mawalay sa kanila para lang mabigyan sila na maganda at maginhawang buhay. Tapos, sa pagbabalik ko, ako naman ang magiging alagain.
21:47.0
Napakasakit magbiru ng tadhana, Popoy at Bea. Dati-dati ay sinasabi ko sa sarili ko na kapag kaoras na para umuwi ako ay sisimulan ko muli yung magpakaina sa anak ko at magpakaasawa sa mister ko. Pero mukhang hindi pa ako mapagbibigyan ang pagkakataon.
22:08.0
Sa ngayon ay umaasa pa rin ako na malalagpasan ko ang karamdamang meron ako ngayon. Umaasa ako na hindi magtatagal ay magagampanan ko naman ang pagiging ilaw ng tahanan para sa pamilya ko.
22:22.0
Sinabi ko na sa asawa ko at sa anak ko ang totoo kong kalagayan. Sa awa naman ng Diyos ay tinutulungan ako ng ama ko sa mga gamutan na kakailanganin ko.
22:34.0
Popoy at Bea, bukod sa pagpapagamot ay maasa rin ako sa tulong ng may kapal. Hindi na papatid ang dasal ko kasi malakas ang pagnanais ko na makasama pa ng mas matagal ang mga taong mahal na mahal ko.
22:51.0
Hanggang dito na lamang muna ang kwento ko, Popoy at Bea. Maraming salamat sa pagbibigay pansin sa kwento kong ito. Umaasa ako na kahit pa paano ay may natutunan din kayo sa binahagi ko.
23:05.0
Muli, maraming salamat at more power.
23:10.0
Lobos na gumagalang,
23:13.0
Linda
23:14.0
Dear M.O.R. Ang mga kwento ng puso mo
23:21.0
Mga kapamilya, ang oras natin ay 6 minutes bago mag-alas dos ng hapon.
23:41.0
Alam mo Bea, dito sa second part ng ating kanta ay marami yung nalungkot. Kahit sa comment section natin marami ang nagulat. Parang okay naman na lahat eh. Bakit naman nagkaganon pa naman ang kalagayan nitong letter sender natin mismo na si Linda.
24:00.0
Alam mo baga man yun nga ang nangyari Bea, ako ay nakangiti at napuno rin ng pag-asa.
24:10.0
At itong story ni Linda ay parang nagpapaalala sa atin. Nagpapaalala sa atin na manatili tayong malakas, manatili tayong may pag-asa kahit na hindi natin alam kung maibabalik pa ba natin yung panahon, yung lakas na parang unti-unting kinukuha sa atin.
24:33.0
At ang gusto ko sa sinabi niya, nagpre-pray ako palagi na mabigyan ako ng pagkakataon na may pagpatuloy ang pagiging ina, pagiging asawa sa aking mga anak at hindi niya itinago sa kanyang mag-anak.
25:03.0
Hindi siya nagpakalugmok doon sa thought na wala na akong pag-asa, dito na matatapos ito, naibigay ko sa kanila sayang wala na makawala na ako. No. Pero siya parang beacon of hope.
25:33.0
O yung cancer na tinatawag natin, colon cancer ang meron itong letter center natin na si Linda. Pero iniisip niya pa rin na magpalakas, magpagaling, makarecover para makapagpatuloy sa kanyang mga plano pa rin para sa kanyang pamilya, sa kanyang pagbabalik.
26:03.0
Wala tayong narinig na salitang gusto niyang magpahinga or gusto niyang tumigil or gusto niyang magbakasyon. Wala tayong narinig na ganoon. The entire years na nandun siya sa Qatar, trabaho, trabaho, trabaho, trabaho. Tapos ang nasa isip pa niya o pagkatapos ko dito, gusto ko naman magpakaina o magpaka-asawa.
26:27.0
Linda, the entire time na nasa Qatar ka, you were a mother and a wife. Hindi tumigil yun. Actually yun yung paraan na ginagampanan mo. Yung tungkulin mo bilang isang ina at bilang isang asawa, hindi yun mag-uumpisa kung kailan na dito ka na sa Pilipinas. No. The very moment na inisip mo, magtatrabahong ako para sa pamilya ko, yun na yun.
26:57.0
At pagiging ina mo at pagiging asawa mo sa asawa mo. Kaya sana yun ang tandaan mo Linda. Nakikita ko kasi kay Linda Popoy parang feeling niya not enough pa. Tapos natatakot pa siya na pag-uwi niya ng Pilipinas, siya na naman yung aalagaan.
27:27.0
Kung alam mo yun, pagbigyan mo naman yung sarili mo. Kasi you know why? Hindi natin may kakaila, Popoy. Ang pagkakaroon ng mga ganyang sakit, ang nakaka-trigger niyan stress din. Stress, pagod, mababang immune system.
27:43.0
And alam mo yun, kung akala nyo dahil hindi kayo nilalagna at nagkaka-obosipon, healthy kayo, no no no no. Pagkayo sobrang pagod, pagkayo sobrang stress, kulang sa tulog, tatamaan at tatamaan kayo eventually. Tractor yun eh, hindi nyo napapansin na meron na palang namumoo sa loob nyo at malalaman nyo na lang kapag alam nyo yun, talagang magmamanifest na yung mga symptoms.
28:14.0
Pero huwag kayong magigilty kapag kayo ay napapagod at gusto nyo magpahinga, magpahinga kayo. Huwag kayong paapagod sa sagad-sagad kasi hindi nyo mapapagodahan ano ang mangyayari noon.
28:26.0
And it will not make you like the best mother or the best wife kapag sinagad nyo yung sarili nyo. No, kasi the moment pa lang na kumapa kayo sa ibang bansa, you're already the best. Okay? You're healthy. So please, di ba?
28:56.0
Pero may difference nangyayari. Sana kung nabigyan natin ng enough rest ng ating katawan. After all, that's your number one puhunan, yung katawan natin. Yan ang kikilos para magawa natin ating mga trabaho ng maayos sa ibang bansa at kahit dito sa Pilipinas.
29:26.0
So yung mga kapatid na nagre-rest, o yung mga tamad dito sa atin, yung mga batugan sa Pilipinas, yung mga tanghali na nakahubad pa tila kagigising pa lang tapos gabi na manggugulo pa sa kapatid, kapitbahay.
29:56.0
So, laging rest is the whole process. Nakakapanghina rin yung lagi rin pahinga. Baka sabihin ng mga batugan, kaya nga ako pahinga ako ng pahinga. Hindi. Pagka sobrang pahinga na, mamahinga ka na. Kung gusto mo, ikaw na lang.
30:18.0
Total, gusto mong lagi nakahiga? Sige, bibigyan ka na namin ng higaan mo. May salamin pa. At tsaka ano pa yan? Anong gusto mong kulay? Puti? Gold? Silver?
30:30.0
Wala ka ng karapatang pumili kung anong kulay. Wala na kung ano na lang available dyan. Yung parang cake, parang icing. Ayun na, pwede na yun sa iyo. Total, tamad ka naman, nag-demand ka pa.
31:00.0
Pamilya mo yun, huwag kang matakot, huwag kang mahiya. And I think it's about time na sila naman yung mag-alaga talaga sa iyo. Huwag kang mahiya, huwag kang matakot, karapatan mo yan na mag-alaga.
31:30.0
May mga bagay lang na hindi ka na muna pwedeng gawin. Kung sinusunod mo yung mga procedure na binibigay ng doktor o gamutan, yun na lang muna. Huwag mo na muna, don't go the extra mile na muna na kayang-kayang mong gawin dati.
31:50.0
Your road to recovery is what's important sa ngayon. At alam ko maintindihan yan ng pamilya mo na nandito. Kasi wala ka binanggit sa amin na demanding ba ang asaw mo, demanding ba ang anak mo? No. Kasi napalaki mo at naruga mo sila ng maayos.
32:20.0
May mga kasama sa trabaho kung maayos sila. Be thankful, be grateful. Ipag-gasal nyo sila. Lagi nyo sabihin na salamat po. May kasama na enjoy kausap na ito si Bea, at may kasama napakasipag ito si Makoy, Marcos, yung mga ganyan o kahit nasa ibang bansa kayo kasi hindi lahat.
32:50.0
Hindi lahat ay nabi-beayaan. Kasi kanina dito may message si Joseline Sabra, tinanong natin siya kanina kung bakit siya umuwi. Kasama pala doon sa kontrata niya raw na personal needs niya.
33:20.0
Pero sa kontrata dapat sagot ng amo ko yung mga yan. Ibig sabihin kaya umuwi nang wala talagang ipon. Hindi siya sinwerte doon sa among napuntahan niya. Kaya kayo magpasalamat kung maayos ang mga kasama sa trabaho at yung mga amo ninyo.
33:50.0
Sa totoo lang, may sakit ka na pwede na kitang papalitan. Pero hindi, tinulungan siya. Ang galing.
34:20.0
Kaya alam mo, Linda, ngayon pa lang sinasabi namin sa'yo na tama yan. Kapitan mo lang ang pagdadasal. Huwag na huwag kang mag-give up. Kasi the moment na walang ka ng pag-asa at gusto mo na talagang sumuko at ayaw mo na, susunod ang katawan mo doon sa kagustuhan mo na iyon.
34:39.0
Keep your mind and your spirit strong. At talagang yung faith mo na lumaban at mabuhay, yun talaga ang magpapatagal palalo sa iyong buhay. At malay mo, by the grace of God, magkaroon ng miracle talaga at mawala.
35:09.0
Sabi niya palagi kapag ganito ang mga problema may sakit-sakit kasi naka-relate talaga siya lalo na noon kapag may mga sumusulat sa atin. Ang favorite quote niya is yung God gives his toughest battles to his strongest soldiers.
35:39.0
Always remember that God gives his toughest battles to his strongest soldiers. And if you come to think of it, may it be a reminder na ikaw ang isa sa mga pinaka-maaasahan niya. Doon ako na digising panginsan-minsan, reklamo natin parang may masakit dito ko o kaya sumakit tuhod ko, sumakit ang ulo ko, ayaw ko na pumasok.
36:09.0
May parang sakit pero gusto nilang, may malubang sakit na hindi natin nakikita sa panlabas pero hirap na silang pumilos. Pero pinagpapatuloy nila kung ano yung sa tingin nila ay tama. Kaya ikaw at Linda, God bless you at sana nga yung healing, yung paggaling ay dumating sa iyo dahil alam namin na mabuting tao.
36:39.0
Thank you so much Nay Linda sa pag-share ng story nyo. At sa mga kamarkada natin maraming maraming salamat din ang OFW natin na nag-share ng story nila at yung mga nagpaparating ng mga mensahe. Mabubuti sana ang mensahe para kaya Nay Linda maraming maraming salamat din John.
36:57.0
Mabuhay kayo lahat ng mga OFW sa mga nakatutok sa atin ngayon. Hinihintay na rin po namin ang inyong mga puwento. Pwedeng katulad nito kaya ate Linda, pwede rin ang love life nyo dyan. Last week may nag-send sa atin love life nyo. Last week OFW din yan.
37:27.0
Pwede rin nga sa North America, sa Europe, dito sa Asia, sa Australia. Welcome po yan. Papaano nga bang isend ang inyong mga puwento Bea?
37:57.0
Yun. At syempre mga kapamilyang maraming maraming salamat. Bukas ulitin po natin itong ating magandang pagsasama sama. Okay? Ano nga bang hashtag natin bukas? Antabayanan po ninyo yan. Nakasama nyo kami. Ako po si DJ PDJ Popoy. That's my guapopoy.
38:14.0
Gorgeous Bea, Bea Bells.
38:16.0
At ang lagi namin palaala ay stay safe, stay healthy, at kahit ano mangyari mga ka-family, you stay in love and stay happy.
38:27.0
Outro