Close
 


SUBMARINE AT MGA BARKO NG JAPAN SA WEST PHILIPPINE SEA, BINABANTAYAN NG CHINA ANG GALAW?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #southchinasea #japan #johnreps
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Matapos ang magkasanib niya paglalayag ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea,
00:15.5
abay hindi naman nagpahuli ang Japan dahil naglayag din ang mga barko nito sa West Philippine Sea.
00:21.3
Hindi lang mga barko dahil nagdala pa ito ng kanilang submarine.
00:25.7
Ibang klase talaga ang Japan mga kabayan.
00:28.4
Ang China naman ay naglabas rin ng komento kaugnay sa paglalayag na ito ng mga kaalyanong bansa
00:34.6
kaya't para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti dahil mabilis lang ito.
00:40.9
Simulan na natin.
00:47.6
Kahapon ay ipinakita natin sa video ang magkasanib na paglalayag ng mga barkong pangdigma ng Amerika at Pilipinas sa West Philippine Sea.
00:56.7
Abay dumating naman ang mga barkong pangdigma ng Japan bukod sa dalawang barko nito na G.S. Isumo at G.S. Amidari
01:04.5
abay nagdala pa ito ng kanilang submarine.
01:07.3
Sa isang post ng Japan Self-Defense Force ay kitang kita sa larawan na ito na nakapormasyon na mga ito
01:14.0
at nangunguna ang isang submarine nito upang magsagawa ng anti-submarine warfare exercise sa West Philippine Sea.
01:22.4
Ayon sa Japan, ito ay upang mapataas ang kamalayan sa operational environment at upang mapabuti ang mga taktikal na kakayahan nito.
01:31.5
Dagdag pa ng Japan, ang Self-Defense Fleet ay nagpapanatili ng kahandaan at nag-aambag sa kapayapaan at katataganang region
01:40.1
ng Indo-Pacific at internasyonal na komunidad sa pakikipagtulungan sa mga kaalyado at magkatulad na pag-iisip ng mga hukbong dagat.
01:49.6
Hindi lamang para sa pagtatanggol ng Japan kundi pati na rin sa pagsasakatuparan ng isang libre at bukas na Indo-Pacific
01:58.1
at isang kapaligirang pansiguridad na hindi pahihintulutan ng anumang unilatera na pagtatangka na baguhin ang status quo sa paggamit ng puwersa.
02:08.0
Matatandaan rin halos isang buwan na ang nakalipas matapos magbanta ang Japan sa China dahil sa mga pagpapadala ng China
02:16.2
nang mga barko nito malapit sa kanilang mga isla kaya ngayong taon ay nilakihan ng Japan ang budget nito sa militar upang palakasin ang puwersa nito.
02:26.0
Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Kanlurang Pasipiko, dinobli ng Administrasyong Kishida ng Japan ang budget sa depensa ng bansa
02:34.8
na nagtala ng 53 billion US dollars para palawakin ang mga kakayahan sa pagtatanggol ng bansa na may ilang tunay na kahangahangang resulta
02:44.5
na nakatakdang baguhin ang kapangyarihan ng Japan sa reyon. Inanunsyo ito ng Japan dalawang araw na ang nakalipas.
02:52.3
Ang Japan ay isa sa mga bansang nangako sa Pilipinas na tutulong ito sakaling sumiklab man ang digmaan.
02:59.3
Sa isinagawang pagsasanay na ito ng Japan ay dalawang barko lamang nito ang pinangalanan, hindi nabanggit kung anong submarine ang dala nito.
03:08.8
Halos pitong taon na ang nakalipas nang huling dumating ang submarine ng Japan sa Maynila. Ngayon ay nandito na ito muli upang ipakita ang suporto sa Pilipinas.
03:26.1
Samantala, ang China naman ay nagkomento, kaugnay sa mga paglalayag na ito ng mga kaalyadong bansa at gaya ng laging sinasabi nito,
03:34.9
ito daw ay isang provokasyon pero tahimik lang silang minamanmanan ang bawat kilos ng mga ito sa karagatang sakop ng kanilang bansa.
03:43.9
Hanggang manman na lang talaga mga kabayan, hindi man lang pumalag pero kung mga Pilipin Coast Guard ang mga ito, abay naharang na siguro kaagad ito.
03:53.6
At sa ibang balita naman, nagsagawa ng Joint Territorial Ground Operation ang mga sundalong Pilipino at Australyano para pahusayin ang tactical na depensa at kontraopensibong diskarte sa ilalim ng Exercise Carabaro 2023.
04:09.7
Sumailalim ang mga tropang Australyano mula sa 5th Battalion ng Royal Australian Regiment, 1st Combat Engineering Regiment at mga sundalong Pilipino mula sa 99th Infantry Battalion ng 1st Brigade Combat Team sa isang Defense Operational Drill sa Australia noong nakaraang linggo.
04:28.5
Bahagi ng drill upang subukan ang posibilidad na mabuhay ng iba't ibang mga diskarte sa labanan sa perimeter defense para sa self-security at proteksyon ng isang hanay ng mga platoon ng hukbo sa panahon ng mga operasyong militar.
04:43.6
Inilarawan ni Philippine Army Public Affairs Office, Chief Circis Trinidad, ang perimeter defense bilang isang taktika para bumuon ng combat power lalo na sa panahon ng patrolling misyon laban sa mga pag-atake ng kaaway.
04:58.4
Ang Exercise Carabaro 2023 ay isang tatlong linggong bilateral na ehersesyo na nagsasagawa ng dismounted infantry operation sa urban terrain.
05:09.1
Pinapalakas din ito ang tactical na koordinasyon at pinapataas ang survivability, lethality at combat control sa loob ng urban environment habang pinapahusay ang interoperability ng multinational combined armed teams.
05:24.5
Ang iba pang aspeto ng ehersesyo ay tumatalakay sa pangangalagang medikal sa mga tropa na nakadeploy sa mga combat zone upang maiwasan ang mga pagkatodas habang nasa aktual na mga operasyong militar.
05:37.3
Isang medical team mula sa Philippine Army at combat medics mula sa Royal Australian Army ang nagsagawa ng tactical combat casualty care sa mga operasyon ng pag-atake sa Channel Islands, Northern Territory ng Australia.
05:52.0
At bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaksyon mo sa mga isinasagawang pagsasanay na ito ng mga puwersang Pilipino at mga kaalyado?
06:01.2
E-commento lamang po sa ibaba at baka pwede mong pindutin ang like at mag-subscribe. Maraming salamat po!