Close
 


ANO ANG SANTELMO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 03:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ayon sa kasabihan ng mga matatanda,
00:02.5
ang Santelmo daw ay may binabantayan na kayamanan.
00:06.2
Ngunit anong nga ba talaga ang Santelmo, mga katinagalog ko?
00:09.8
Sa salitang Ingles, ang Santelmo ay ang St. Elmer's Fire.
00:13.4
Ito daw ay ligaw na kaluluha na naganyong bolang apoy.
00:17.0
Kilala ang mga kwentong ito,
00:18.8
lalo na sa mga pinakamalalayong parte ng Pilipinas o sa mga probinsya.
00:23.9
Palahon pa ng Kastila, maugong na ang kwento ng mga Santelmo.
00:27.4
Ayon sa kwentong bayan,
00:28.7
nung kung isang tao daw ay pumanaw ng malapit sa ilog o dagat,
00:33.4
ang kaluluwa daw nito ay tila ba makukulong o mamamalagi sa lugar na iyon.
00:38.9
Sa tagal ng panahon, ang maliit na liwanag na ito ay dahan-dahan na lalaki at mag-aalab.
00:45.2
Hanggang sa ito ay magiging kasing laki ng bola ng isang basketball.
00:49.9
Sa panahon ito, ang kaluluwang ligaw ay magkakaroon ng kakayahan upang makita ng mga tao.
00:56.0
Kasama na sa magiging kapangyarihan nila ay ang upang makapanggambala at maghihiganti,
01:01.4
o hindi naman kaya ay manghingi ng tulong o dasal
01:04.9
upang sila ay makausad na sa dapat nila na pinalapupuntahan.
01:09.9
Sa paniniwala naman ng ibang mga probinsya na ang Santelmo daw ay bantay na kinuha ang buhay,
01:16.3
kung saan may inilibing na kayamanan,
01:18.7
ang espiritu nila ay ang magsisilbidoon na gwardya.
01:22.9
Sa ibang bahagi pa ng Pilipinas,
01:25.2
pinaniniwalaan nila na ang mga kaluluwa daw ng mga sanggol na hindi nabinyagan ay ang mga nagiging mga Santelmo.
01:33.4
Kadalasan na makikita daw ang bolang-apoy na ito sa kagubatan o kasukalan,
01:39.1
o hindi naman kaya ay sa malawak na mga taniman.
01:42.5
Magsisimula daw ito na tila ba maliit na ilaw ng sulo,
01:46.3
at sa oras na sundan ito ay tuluyang maliligaw at hindi na makakabalik pa sa pinanggalingan,
01:53.3
maliba na lamang kung sa taong ito ay may makakita at matapig siya ay mailigtas siya sa tiyak na kapahamakan.
02:01.4
May mga taong nagkukwento naman na sila mismo ay ang hinabol naman ng Santelmo,
02:07.1
at kung mayroon ito sa kabilang bahagi ng ilog o sapa na inyong tatawiran,
02:12.3
ay huwag na huwag na tutuloy dahil may kakayahan daw ito na lunurin ang tao na tumatawid sa kabila.
02:20.0
May hatid daw na swerte at malas ang Santelmo.
02:23.1
Ito daw ay depende kung ilan ang nakita mo.
02:26.1
Ang sabi naman na ng lola ko,
02:27.9
mas mainam na magsindi ng kandila sa lugar kung saan ito ay nakita,
02:32.7
dahil malamang ito raw ay spirito na nanghihingi ng mga dasal.
02:37.0
Mga katinagalog,
02:38.0
kung madami talagang kasabihan dito sa Pilipinas sa yaman ng ating kultura,
02:42.5
kayo po ba?
02:43.3
Naniniwala po ba kayo na mayroong Santelmo?
02:46.6
Ayon sa kwento ng lola ko,
02:48.2
meron daw na Santelmo sila na nakikita.
02:51.1
Minsan daw yung mga kawayan ay medyo yumuyokog pa kapag dumadaan.
02:56.1
May mga orasyon daw sila na sinasambit noong unang panahon.
02:59.2
Ang mga ninuno ko po ay taga Sambuanga,
03:01.9
so medyo malayo talaga sa Kamainilaan.
03:04.2
Pero ako po hindi pa ako nakakakita ng Santelmo,
03:07.0
kaya medyo nahihirapan po ako na paniwalaan ito.
03:10.4
Ngunit hindi naman dahil hindi natin nakakita,
03:12.9
hindi ibig sabihin na ito ay wala.
03:14.9
Mga katinagalog ko,
03:15.7
naniniwala po ba kayo sa mga Santelmo o mga engkanto?
03:19.5
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim
03:22.6
upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
03:26.1
Mga katinagalog ko,
03:26.9
maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.