Close
 


Bakit magandang investment ang ginto? ALAMIN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Gusto mo bang malaman kung paano mag-invest sa ginto o gold? Yan ang tatalakayin natin ngayon, kaya panuorin mo ang video hanggang dulo para marami kang matututunan. Iba pang investments na pwede mong simulan; https://www.youtube.com/watch?v=-hMEuQL0j58 https://www.youtube.com/watch?v=npT5kt23_lE CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #PaanoMaginvestSaGinto #GoldInvestment #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 14:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Filipino
00:11.5
Kung merong investment na safe at magandang lagyan ng ating ipon,
00:15.3
paniguradong ang investment na iyon ay ang ginto.
00:18.5
Dahil simula nang madiskubre ang kauna-unahang ginto sa Egypt noong 2450 BC,
00:24.7
nananatili pa rin itong valuable at mataas ang demand hanggang ngayon
00:29.0
at makukonsider natin ito na magandang investment.
00:32.7
Tingnan na lang natin ang ibinahaging data ng goldprice.org.
00:36.6
Ang kresyo ng ginto dito sa Pilipinas noong 2004 ay 20,000 pesos per ounce
00:43.1
at patuloy na tumataas ang value nito paglipas ng maraming taon.
00:47.3
At mahigit 90,000 pesos na ang halaga ng one ounce na ginto sa taong 2023,
00:53.7
almost 400 percent na increase sa loob lang ng dalawang dekada.
00:58.5
So ang mahalagang tanong ngayon ay maganda pa rin bang mag-invest sa ginto?
01:02.6
Kung gusto mong malaman ang sagot, panuorin mo ang buong video
01:06.5
dahil ibabahagi ko sayo ang apat na dahilan kung bakit magandang mag-invest sa gold,
01:11.8
paano magsimulang mag-invest dito at ano ang mga bagay na dapat mong i-consider
01:16.6
bago ka magsimula sa pag-iinvest.
01:19.0
Siguraduhin meron kang papel at panulat para malista mo ang mga mahahalagang aral.
01:24.3
So kung handa ka na, simulan na nating talakayin ang unang parte ng video.
01:31.5
Part 1. Ang apat na dahilan kung bakit magandang mag-invest sa ginto.
01:36.6
Aside sa negosyo at real estate, ang common investment ng mga mayayaman ay ginto
01:42.0
at merong dahilan kung bakit nila ito ginagawa.
01:44.9
Ang unang dahilan ay maganda itong panlaban sa inflation.
01:48.8
Ang inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin ay hindi humihinto.
01:53.5
Taon-taon ay nadadagdagan ang presyo ng mga produkto at patuloy pa ito natataas.
01:59.2
Kung oobserbahan natin, yung 1,000 pesos mo 10 years ago,
02:03.8
marami ka pang mabibili kapag pupunta ka ng supermarket.
02:07.6
Pero ngayon, kapag pupunta ka ng supermarket na 1,000 pesos lang ang dalam mong pera,
02:13.4
alam mong konti na lang ang iyong mabibili.
02:15.9
So kung iiintindihin natin mabuti, ang inflation ay ang pinakamatinding kalaban ng ating pera
02:22.0
dahil sa tuwing tumataas ang presyo ng mga bilihin, bumababa rin ang value at purchasing power ng ating pera.
02:29.4
So kung sakaling nag-iipon ka ngayon at nilagay mo lang ito lahat sa banko o di kaya ay sa alkansya,
02:35.2
taon-taon ay nawawalan ka ng pera dahil ang average inflation rate taon-taon ay 4%.
02:41.7
Tapos ang iyong pera ay nakalagay lang sa alkansya at hindi kumikita ng interest.
02:47.1
Pero hindi ibig sabihin na huwag kang mag-ipon at mag-focus ka na lang sa pag-iinvest.
02:52.0
Mahalaga pa rin na meron kang ipon para meron kang perang magagamit sa panahon ng emergency.
02:57.7
Pero kung sobra na ang iyong ipon at meron ka ng sapat na pera para sa iyong emergency fund,
03:03.4
mahalagang ilagay mo ang iyong ekstra pera sa isang investment para meron itong kikitain na interest.
03:10.4
Ang ginto ay safe at madaling simulan na uri ng investment.
03:14.2
Maganda itong panlaban sa inflation dahil ayon sa website ng statesta,
03:18.9
ang average na pagtaas sa presyo ng ginto simula noong 1971 hanggang 2022 ay 7.78% taon-taon.
03:28.5
So sa ganitong performance, masasabi nating magandang investment ang ginto dahil kaya netong talunin ang inflation.
03:37.5
Pangalawang dahilan kung bakit magandang mag-invest sa ginto ay masasandalan natin ito sa panahon ng krisis.
03:44.5
Marami na tayong nadaanang financial crisis at iba pang uncertainty sa market.
03:49.4
Nakikita natin na marami ang nawalan ng trabaho, maraming investment ang nagkulaps at negosyo na nagsara.
03:56.2
May mga taong 30 years mahigit na sa kanilang trabaho, nag-ipon ng pera, nag-invest at sa isang iglap naglaho lahat ng kanilang pinaghirapan.
04:05.7
Kung nangyari na ito noon, paniguradong mangyayari pa ito sa hinaharap.
04:10.0
Hindi natin alam kung hanggang kailan magiging maayos ang takbo ng ekonomiya at ang tanging bagay na meron lang tayong kontrol ngayon ay ang maging handa.
04:19.3
Kung bakit ang mga mayayaman ay patuloy na nag-i-invest at nagtitiwala sa ginto,
04:24.1
yun ay dahil ginto lang ang pinakasafe na uri ng investment at ito lang ang uri ng asset na nananatiling matatag sa panahon ng krisis.
04:33.4
Sa katunayan, stable ang presyo ng ginto kahit merong financial crisis o kapag-down ang market.
04:39.9
Katulad na lang noong nagdaang pandemic, ang presyo ng ginto ay hindi sumabay sa pag-down ng market.
04:45.6
Kasalungat ang nangyari dahil tumaas ang presyo nito ng mahigit 40% kumpara sa presyo noong 2019.
04:52.9
Ang American billionaire at investor na si Ray Dalayo ay isa ring investor ng ginto.
04:58.5
Mas gusto niyang magmay-ari ng ginto kumpara sa pag-iipo ng cash dahil alam niya ang stability at ang long-term value nito.
05:07.9
Pangatlong dahilan kung bakit magandang mag-invest sa ginto ay maganda itong pangdagdag sa iyong investment portfolio.
05:14.9
Napakahalagang meron kang multiple sources of income sa panahon natin ngayon.
05:19.3
Income galing sa iyong trabaho, sa iyong negosyo at sa iyong investments.
05:24.0
Dahil kung sakaling nawalan ka ng income sa iyong trabaho, meron ka pa rin income galing sa iyong negosyo at mga investments.
05:31.4
At hindi ka mangangamba kung sakaling mangyari ito dahil meron ka pang ibang asset na mapagkukuna ng pera.
05:37.9
Magandang idagdag ang ginto sa iyong investment portfolio dahil safe ito.
05:42.8
Low maintenance at malaki ang potensyal na tataas ang value nito sa long-term.
05:47.6
Di katulad ng stocks at negosyo, kahit malaki ang posibleng mong gitain, risky pa rin ito kapag merong negatibong pagbabago sa market.
05:56.1
At ang madalas na nangyayari sa karamihan sa panahon ng krisis ay nawalan ng pera at hindi na nakabawi.
06:02.7
So kapag meron kang ginto, meron ka rin insurance.
06:06.2
Dahil kung nawalan ka ng pera sa iba mong investments, ang ginto ay nananatili pa rin ang kanyang value at pwede mo itong magamit para bumawi.
06:16.2
Pang-apat na dahilan kung bakit maganda ang mag-invest sa ginto ay madali lang ito simulan.
06:21.8
Kahit sinong individual na nag-iipon at konti lang ang alam sa pag-i-invest ay pwedeng magsimula sa ginto.
06:28.5
Dahil hindi mo kailangan mag-aral ng mahabang oras para matutunan ang komplikadong parte ng pag-i-invest bago magsimula.
06:35.6
Ang kailangan mo lang gawin ay mag-research ng konti, bumili ng ginto, maghintay, habaan ng pasensya at ulitin ang proseso.
06:44.1
Yung ginagawa ng iba ay sa tuwing natatanggap nila ang kanilang sahod, naglaan sila ng pera para bumili ng ginto at ginagawa nila ito buwan-buwan o di kaya every 3 months, depende sa budget.
06:56.1
Minsan ay maliit lang na ginto ang nabibili nila at minsan naman ay malaki at consistent nila itong ginagawa.
07:03.3
Hanggang sa dumating yung time na marami na silang naipundar na ginto at yung mga una nilang binili ay pwede na nilang ibenta sa mas mataas na halaga.
07:12.3
Madali lang magsimula sa pag-i-invest ng ginto, hindi mo kailangan maging expert sa ganitong uri ng investment.
07:18.6
Ang kailangan mo lang matutunan ay magkaroon ng mahabang pasensya at intindihin na lahat ng investment ay nangangailangan ng sapat na oras bago mag-produce ng magandang risulta.
07:32.4
Part 2. Paano magsimulang mag-invest sa ginto?
07:36.1
Merong iba't ibang paraan sa pag-i-invest ng ginto.
07:38.9
Una ay ang pagbili ng physical gold, pangalawa ay ang pagbili ng stocks sa mga kumpanya na nagmimina ng ginto, at pangatlo ay ang pag-i-invest sa tinatawag na ETFs.
07:50.1
Ang common na ginagawa ng karamihan sa pag-i-invest ng ginto ay ang pagbili mismo ng physical na gold.
07:56.3
It's either alahas, gold bars, at gold coins.
08:00.4
Mas maganda talaga yung investment na nakikita at nahahawakan mo, dahil ramdam mo rin na meron kang kontrol sa iyong investment.
08:08.4
Kung gusto mong mag-invest sa ginto, pwede kang magsimula sa pagbili ng mga alahas.
08:13.4
Kapag meron kang ekstrang pera tawing sahod, ipunin mo ito at ibili ng ginto.
08:18.4
Mas maganda kung sa mga trusted pawnshop ka bibili at hindi sa online, dahil aside sa mas mura ito kumpara sa mga ginto sa jewelry store,
08:27.6
makakasigurado ka rin totoong ginto ang iyong mabibili.
08:30.6
Pero kung meron kang malaking pera at gusto mong mas kumita ng malaki sa ginto, mas mabuting bumili ka ng gold bars.
08:37.6
Dahil hindi katulad ng mga alahas, 99.9% na ito na ginto at mas mura ito dahil wala itong design at wala itong extra charges.
08:47.6
Mas maganda rin kung bibili ka ng gold na galing sa bansang Singapore dahil exempted ito sa goods and services tax.
08:54.9
Kung interesado kang mag-invest sa ginto, konting research lang ang gagawin mo at pwede ka nang magsimula dahil hindi ito komplikado.
09:02.9
Ang kailangan mo lang ay timing at pasensya.
09:05.9
Bago tayo magpatuloy, kung marami kang natutunan sa video natin ngayon, siguraduhin mag-iwan ka ng like para ma-recommend ni Youtube ang ating video sa mga kababayan nating gusto rin umasenso.
09:17.9
Salamat!
09:19.1
Part 3
09:20.1
Ang apat na bagay na dapat mong i-consider bago ka mag-invest sa ginto.
09:24.1
Kapag gagawa ka ng desisyon, lalong lalo na sa pag-iinvest, mas mabuting hindi ka magpadalos-dalos at alamin mo muna ang iyong goal.
09:33.1
Ang goal mo ba ay pang long term o pang short term?
09:36.1
Dahil kapag alam mo ang iyong goal, madali mo lang malaman kung anong investment vehicle ang dapat mong pasukan.
09:42.4
Kung ang iyong goal ay pang long term, nababagay sa'yo ang mag-invest sa stocks, real estate at ginto.
09:47.4
Kung short term naman, nababagay sa'yo ang mag-negosyo.
09:51.4
Alam naman natin na lahat ng investment ay mayroong kasamang risk at challenges.
09:56.4
Kahit safe ang mag-invest ng ginto at madali lang ito simulan,
10:00.4
kailangan mo pa rin i-consider ang apat na bagay na ibabahagi ko sa'yo ngayon bago ka mag-desisyon.
10:05.4
Ang unang bagay na dapat mong i-consider,
10:08.7
ay huwag kang bumili ng ginto kapag mataas ang current value nito.
10:12.7
Kung gusto mong kumita ng malaki sa iyong investment,
10:15.7
dapat ay bibilihin mo ito ng mura at ibibenta mo ng mahal.
10:19.7
Dahil kung sakaling bibili ka ng ginto sa panahong mataas ang value nito,
10:23.7
katulad sa value ng ginto sa taong 2020,
10:26.7
mahihirapan kang ibenta ito ng mas mahal.
10:29.7
Dahil hindi natin alam kung mas tataas pa ba ang value nito pagkatapos ng ilang taon.
10:34.9
Mahalagang i-consider mo rin ang timing sa iyong pag-iinvest.
10:37.9
Mas mabuting bumili ka ng ginto kapag mura ito at maghintay ka lang
10:41.9
hanggang sa makahanap ka na ng tempo na ibenta ito ng mas mahal.
10:45.9
Pangalawang bagay na dapat mong i-consider,
10:48.9
ay ilagay mo sa safe storage ang iyong mga ginto.
10:51.9
Kapag meron kang mga alahas, gold bars at gold coins,
10:55.9
dapat ay meron ka ring secure na lalagyan para hindi ito manakaw ng iyon.
11:00.2
Pwede kang magrenta ng deposit box ng mga bangko
11:03.2
o di kaya ay bumili ka ng sarili mong vault.
11:06.2
Ekstra gastos ito pero kailangan mo itong gawin
11:09.2
para merong proteksyon ang iyong investment.
11:12.2
Pangatlong bagay na dapat mong i-consider,
11:15.2
ay wala kang income na matatanggap sa gold investment.
11:18.2
Hindi katulad ng negosyo na merong active income
11:21.2
o meron kang pera na matatanggap araw-araw,
11:24.2
ang ginto ay hindi natatanggap sa gold investment.
11:27.9
Ang ginto ay hindi nagge-generate ng income
11:30.9
dahil hindi ito negosyo at ang presyo nito ay hindi agad-agad natataas.
11:33.9
Kaya kung ang hanap mo ay active income,
11:36.9
pwede kang maging reseller ng ginto.
11:39.9
Pero kung meron kang active income
11:42.9
at ang purpose ng iyong pag-iinvest sa ginto
11:45.9
ay para meron kang security,
11:48.9
mas mabuting maghintay ka lang at patuloy na magstore ng ginto.
11:51.9
At ang pangapat na bagay na dapat mong i-consider
11:55.2
at ang pinakamahalaga sa lahat ay siguraduhin mo
11:58.2
ng mapagkakatiwalaan ang pagbibilhan mo ng ginto.
12:01.2
Wala nang mas papait pa kapag nascam ka sa iyong investment
12:04.2
dahil parang nagtatapon ka lang ng pera kapag nangyari ito.
12:07.2
Kaya napakahalagang gagawa ka ng konting research
12:10.2
bago ka bibili ng ginto.
12:13.2
Huwag agad magtiwala sa mga taong nagbibenta nito
12:16.2
lalong-lalo na kapag sa online mo lang nakilala.
12:19.2
Ang safe na paraan sa pagbili ng mura at totoong ginto
12:22.5
ay kapag bibili ka sa mga kilalang pawn shop.
12:25.5
Dahil sa legit sila na negosyo at meron silang reputasyon
12:28.5
na dapat imaintain, meron silang tamang proseso
12:31.5
at pagkilatis ng ginto bago nila ito ibibenta.
12:34.5
Odi kaya ay bumili ka ng ginto sa malapit na gold-buying
12:37.5
stations ng BSP sa inyong lugar.
12:40.5
In summary, ang ginto ay magandang investment
12:43.5
na pwede mong idagdag sa iyong portfolio.
12:46.5
Dahil kayan itong labanan ang inflation,
12:49.7
madali itong simulan at maaasahan natin ito
12:52.7
sa panahon ng krisis.
12:55.7
Ang kailangan mo lang kung gusto mong mag-invest sa ginto
12:58.7
ay konting impormasyon at mahabang pasensya.
13:01.7
Kailangan mo ring i-consider ang pagbili sa tamang panahon.
13:04.7
Ilagay sa isang safe storage ang iyong mga ginto.
13:07.7
Intindihin na hindi ka makakatanggap ng active income
13:10.7
galing dito at siguraduhin reliable ang pagbibilihan mo ng ginto.
13:13.7
Aling bahagi ng ating video ang marami kang natutunan
13:17.5
At sa tingin mo, maganda bang mag-invest sa ginto
13:20.5
at idagdag ito sa iba mong mga investment?
13:23.5
Magbigay ka ng iyong comments sa iba ba.
13:26.5
Kung gusto mong malaman ang iba pang investment na magandang simulan ngayon,
13:29.5
meron na akong ginawang video sa topic na yan.
13:32.5
At kung gusto mo itong mapanood ngayon,
13:35.5
pindutin mo lang ang suggested video sa dulo ng videong ito
13:38.5
o di kaya ay hanapin mo ang link na ilalagay ko sa description.
13:41.5
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
13:45.2
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel
13:48.2
para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
13:51.2
Bisitahin mo na rin ng iba pa naming social media account
13:54.2
at mag-follow.
13:55.2
I-like kung nagustuhan mo ang video,
13:57.2
mag-comment ng iyong mga natutunan,
14:00.2
at ishare mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
14:03.2
Maraming salamat sa panunood
14:06.2
at sana ay magdagumpay ka!
14:14.5
Thank you for watching!