Close
 


GERALD | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 17:10
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa Papadudut Stories, ikaw ay hindi makita ng mata.
00:05.8
Ang hindi makita ng mga mata ay pwede rao mahanap ng puso.
00:09.8
Dahil ang puso ang magiging tulay para makita natin ang mga bagay na imposible na nating mahanap.
00:16.8
Eto rin ang magiging daan para sa katahimikan na matagal na nating gustong mahanap.
00:25.6
Dear Papadudut,
00:27.6
Hi po at itagon niyo na lamang po ako sa pangalang Gerald.
00:32.6
41 years old at nakatira dito sa Bulacan.
00:36.6
Medyo matagal ko rin pinag-isipan kung dapat ko bang ibahagi ang kwento kong ito
00:41.6
dahil napakaraming taon na ang nakalipas mula na mangyari ito.
00:46.6
Tungkol ito sa babaeng una kong minahal, Vina ang pangalan niya
00:51.6
at nakilala ko siya noong fiesta sa kabilang barangay.
00:55.4
Nakita ko siya na nakatayo sa may malapit sa stage
00:59.4
hamang nanonood kami ng konsert sa may court ng band ng hindi naman sikat.
01:05.4
Nakuha niya kaagad ang atensyon ko.
01:08.4
Mabuti na lang nang mapansin ko ng pinsan ko na nakatingin kay Vina.
01:14.4
Sinabi niya sakin na kilala niya raw ito at pwede niya akong ipakilala dito.
01:20.4
Ganon nga ang nangyari noon, lumapit kami sa babaeng hindi katangkaran.
01:25.2
Mabuti ang kutis, singkit ang mga mata at may napakagandang ngiti sa mga labi niya.
01:31.2
Pinakilala ko ng pinsan ko sa kanya at nalaman ko na Vina ang pangalan niya.
01:37.2
Vina, napakagandang pangalan at bagay na bagay sa kanya.
01:44.2
Hindi ko na nga pinalampas pa ang pagkakataon na iyon, Papa Dudut.
01:49.0
Mabuti na lang at hindi siya suplada at type niya rin talaga ako ng mga panahon na iyon.
01:57.0
Kaya naman nasundan ang muli naming pagkikita.
02:01.0
Kumakain kami sa labas, minsan ay sinusundo ko siya sa trabaho at iniahatid sa kanilang bahay.
02:08.0
Hindi ko na rin pinatagal pa at sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang ligawan.
02:13.3
Hindi rin ako nabi ko dahil pagkalipas ng halos isang taon ay sinagot na rin ako ni Vina, ang babae na pinakamatagal kong niligawan.
02:23.8
Pero sulit ang lahat ng effort ko lalo na nang maging girlfriend ko na siya, Papa Dudut.
02:29.8
Wala siyang ibang pinaramdam sa akin kung hindi puro pagmamahal lamang.
02:34.8
Sobrang sweet at caring niyang girlfriend.
02:38.6
Kapag magkasama kami ay hindi niya hinahayaan na magkaroon ng pawis sa noo ko.
02:43.6
Hindi rin nagpapabitbit ng bag sa akin.
02:49.6
Boyfriend niya raw ako at hindi isang alalay.
02:53.6
At gusto niya na palaging nakahawak sa mga kamay ko.
02:57.6
Ang dami na rin naming plano noon, Papa Dudut, si Vina na rin ang nakikita kong babae na gusto kong makasama sa panghabang buhay.
03:06.4
Nakikita ko na siya bilang nanay ng magiging anak ko.
03:10.4
Kaya naman palaging sinusukliang ko ang lahat ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
03:16.4
Palagi ko siyang sinusorpresa ng paborito niyang bulaklak na kulay pulang rosas.
03:21.4
Pinagluluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain.
03:26.4
Hindi ko mahusay magluto pero pinag-aralan ko talaga para sa kanya.
03:32.2
At tumagal ng halos limang taon ang relasyon namin noon.
03:36.2
Papa Dudut, hindi perfecto ang aming relasyon dahil may mga oras na nagtatalo din kami.
03:42.2
Pero kaagad naman naming naayos yun.
03:45.2
Sa aming dalawa kasi si Vina ang palaging gumagawa ng paraan para magkabati kaagad kaming dalawa.
03:52.2
Ayaw niya na tumatagal pa ng ilang araw ang away namin.
03:58.0
Kaya naman ang sabi niya ay kailangan na mas maging open kami sa isa't isa tungkol sa mga issue namin.
04:04.0
Kung ano raw ang problema namin, mapatungkol man sa relasyon, pamilya, trabaho o sa iba pang mga bagay.
04:14.0
Sabihin lang daw namin sa isa't isa para makapagdamayan kami.
04:19.0
Ang sarap ng feeling na hindi ko lang girlfriend si Vina.
04:23.8
Sa katauhan niya ay parang nagkaroon ako ng best friend na pwede kong asahan at sandalan ano mang oras.
04:33.8
Ilang araw bago sumabit ang 27th birthday ko ay isang desisyon ang nabuo ko noon para sa sarili ko, Papa Dudut.
04:42.8
Nag-decide ako na sa araw ng birthday celebration ko ay magpopropose na ako ng kasal sa kanya.
04:50.6
Buo na kasi ang loob ko at tanging si Vina lamang ang nag-iisang babae na nakita ko noon na gusto kong makasama sa panghabang buhay.
04:58.6
Kaya naman nagpatulong ako sa mga kaibigan at kamag-anak ko, pati na rin sa pamilya ni Vina.
05:05.6
Pinapunta ko sila lahat sa bahay dahil gusto ko na maging saksi sila sa magiging espesyal na araw sa buhay namin ni Vina.
05:14.4
Mahal nasan ka na? Tanong ko kay Vina na noon ay kausap ko sa cellphone.
05:20.4
Kakatapos ko lang ng shift ko sa trabaho. Pinag-overtime kasi kami ng supervisor namin. Tugon ni Vina sa kabilang linya.
05:29.4
Sige susunduin na lang kita dyan, sugestyon ko.
05:33.4
Huwag na magta-tricycle na lang ako, wika niya.
05:37.4
Pero gabi na kasi Vina, pag aalala ko.
05:43.2
Ayos lang kasi medyo maaga pa naman. Doon naman ako sasakay sa tricycle. Nakakilala natin.
05:49.2
Para hindi ka na mag-worry. O sige na tinting mo na lang ako dyan sa bahay at may dala akong lechong manok.
05:55.2
Pandagdag sa handa mo. Paalala niya sakin bago binaba ang tawag niya.
06:00.2
Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko noon papadudot.
06:05.2
Sa wakas kasi tatas na ang level ng relasyon namin ni Vina.
06:10.0
30 minutes lang dapat ang biyahe mula sa pinagtatrabaho ni Vina papunta sa bahay namin.
06:14.0
Pero mag-iisang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin Vina ang dumarating.
06:19.0
Nag-aalala na ako. Lalo na nang hindi ko na makontak ang cellphone niya.
06:24.0
Madalas kasi tinetext niya sakin ang plate number ng tricycle na nasakyan niya.
06:29.0
Pero wala akong natanggap ng mga oras na iyon.
06:33.0
Lahat kami sa bahay ay nakaramdam ng matinding pag-aalala.
06:37.8
Lalo na ang mga magulang ni Vina kaya naman nag-decide kami na hanapin na siya.
06:42.8
Umuwi ang mga magulang ni Vina sa bahay para i-check kung nandun ang girlfriend ko.
06:47.8
Pumunta naman ako sa pinagtatrabaho niya pero ang sabi ng ibang katrabaho niya
06:52.8
na nakita kong kakalabas lang ay nauna na raw umuwi itong si Vina.
06:57.8
Papadudot hindi ko na ma-describe ang kabang nararamdaman ko.
07:04.8
Nagdasal ako noon na sanay walang kahit na anong masamang nangyari kay Vina.
07:10.6
Lumipas na nga ang 24 oras ay hindi pa rin namin siya makita o mahanap.
07:16.6
Wala pa rin kaming Vina na makausap.
07:19.6
Nagpatulog na kami sa mga polis pero kahit sila ay hindi nila nahanap ang girlfriend ko.
07:24.6
Wala raw makapagturo kung nasaan siya.
07:28.6
Walang bakas kung saan siya napunta o pumunta.
07:32.6
Iyak nang iyak ang mga magulang niya at ako naman ay sobra kong sinisisyang sarili ko.
07:37.4
Inisip ko na dapat ay sinundo ko na lamang siya,
07:40.4
dapat ay hindi na lamang ako nagpahanda sa bahay para sa plano kong pagpopropose sa kanya.
07:47.4
Dapat ay hindi na lamang siya nawala dahil sa akin.
07:53.4
Lumipas ang mga araw na naging linggo, linggo na naging buwan.
07:58.4
Pero wala pa rin kaming Vina na nakita.
08:02.2
Araw-araw akong umiiyak at nagdarasal na sanay mahanap na namin siya.
08:06.2
May narinig ako noon na malamang daw ay patay na siya pero hindi ako naniniwala.
08:11.2
Buhay si Vina at alam ko na babalik siya sa akin.
08:15.2
Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa unregistered number.
08:19.2
Sinagot ko yun kaagad kasi iniisip ko na baka si Vina yun at nakikitawag lamang siya.
08:26.2
Hindi nga ako nagkamali nang marinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya.
08:32.0
Hello Gerald? Nasan ka?
08:35.0
Bakit hindi kita mahanap?
08:37.0
Nakailang balik na ako sa bahay ninyo pero palaging walang tao.
08:41.0
Nasan ba kayo ni tita?
08:43.0
Boses yun ni Vina.
08:45.0
Bakasang lungkot at pagtataka.
08:47.0
Vina nasan ka?
08:49.0
Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at pupuntahan kita kaagad.
08:53.0
Nanginginig ang boses na tanong ko.
08:56.0
Gerald, nang lamig-lamig dito.
08:58.8
Sunduin mo na ako, please. Ayaw ko na rito.
09:01.8
Natatakot na ako.
09:03.8
Sunduin mo na ako, Gerald.
09:05.8
Umiiyak na boses pa ni Vina.
09:08.8
Sandali nang Vina at sasabihin ko kina mama na pumunta ng polistasyon.
09:13.8
Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at susunduin kita dyan.
09:17.8
Vina, pupuntahan kita basta sabihin mo kung nasaan ka.
09:21.8
Hello?
09:23.8
Hello, Vina? Vina? Hello?
09:25.8
Halos magsisigaw na ako nang biglang maputol ang tawag na yon.
09:30.8
Pumasok ang mga magulang ko sa loob ng kwarto at sinabi ko sa kanya na tinawagan ako ni Vina.
09:36.8
Hindi sila makapaniwala pero nang i-check namin ang call history ko ay walang kahit na anong tawag ang natanggap
09:42.8
ng araw na yon.
09:44.8
Mula ng araw na yon ay umasok akong buhay pa si Vina Papadudut.
09:48.8
Alam ko na uuwi siya at pumunta ako sa bahay ng mga magulang niya para sabihin ang tungkol sa tawag na natanggap ko.
09:54.8
Bago pa ako makarating sa bahay nila inadaanan ko ang isang malaking puno ng nara malapit sa kanila.
10:00.8
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko doon si Vina.
10:03.8
Kagad ko siyang nilapitan at naiyak na niyakap.
10:07.8
Nakauwi ka na pala? Bakit hindi mo malang sinabi sa akin?
10:12.8
Tanong ko.
10:14.8
Umiling si Vina.
10:16.8
Malungkot ang mga mata niya at maputla ang mga labi niya.
10:21.8
Hindi ako makauwi. Hindi ako makapasok sa bahay namin, Gerald.
10:27.8
Tulungan mo ko. Parang awa mo na. Tulungan mo ko.
10:31.8
Paano kita tutulungan? Sabihin mo sa akin, Vina. Paano?
10:36.8
Nagugulo hang tanong ko nang makita ko siyang umiiyak na.
10:41.8
Gerald?
10:42.8
Napalingon ako kay Tita Alma, ang mami ni Vina.
10:46.8
Tinatanong niya kung ano ang ginagawa ko doon malapit sa kanila at ang sabi ko ay kasama ko na si Vina.
10:52.8
Pero nakapagtataka na bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko.
10:56.8
Nagsisigaw ako at pilit kong hinahanap si Vina.
10:59.8
Alam ko na nandun lamang siya, kasama ko lamang siya kanina.
11:03.8
Pero tuluyan ko na siyang hindi nakita.
11:07.8
Sinaway na rin ako ni Tita Alma at para na raw akong nababaliw.
11:11.8
Tanggapin ko na lang daw na kahit kailan ay hindi na namin makikita pang muli si Vina.
11:17.8
Papadudot, lumapit ako sa isang albularyo.
11:21.8
Ang sabi ay tulungan niya akong hanapin ang babaeng mahal ko.
11:26.8
May pinahid siya sa akin, may binulong na hindi ko maintindihan.
11:31.8
Umuwiraw muna ako at magpahinga at pakiramdam ko noon ay wala akong napala pero pagod na pagod ang katawan ko.
11:37.8
Kaya naman kaagad ako nakatulog.
11:40.8
Gerald?
11:43.8
Gerald, gising!
11:45.8
Boses ni Vina ang gumising sa diwa ko.
11:49.8
Vina, mahal ko!
11:51.8
Alas lumuluha akong niyakap siya pero nang makabangon ako,
11:55.8
nagtaka ako ng mapagtantukong nakahiga ako sa lupa.
11:59.8
Bumangon ako at tinila ako ni Vina papunta sa may ilog.
12:03.8
Alam ko ang ilog na yon, ang ilog na madadaanan bago makauwi sa bahay namin.
12:09.8
Tinuro niya ang isang sako na nasa tubigan.
12:13.8
Buksan mo!
12:15.8
Malamig ang boses na wika niya.
12:18.8
Para bang nahipnotismo akong sumunod at binuksan ko ang sako?
12:22.8
At bago ko pa makita ang laman, ay para akong napunta sa ibang oras.
12:28.8
Nakita ko si Vina buhay kasama ng isang lalaki na kasuot ng uniform na pang security guard.
12:36.8
May isa pa itong lalaking kasama.
12:39.8
Kilala ko to ang tricycle driver na kapit-bahay namin at tumulong pa sa paghahanap sa nawawala kong girlfriend.
12:47.8
Nakita ko ang kahayupa na ginawa nila sa girlfriend ko.
12:50.8
Narinig ko ang pagkamakaawa ni Vina at naiyak na lawang at sumigao kahit na hindi nila ako naririnig.
12:57.8
Sumigao ako ng sumigao lalo na nang makita kong pinukpok ng malaking bato ang ulo ni Vina hanggang sa mabasag ang bungo niya.
13:06.8
Wala na akong nagawa noon, Papa Dudut.
13:09.8
Wala na.
13:11.8
Gerald, gumising ka!
13:13.8
Pagyugyog ni tatay sa mga balikat ko.
13:17.8
Doon ko nalaman na nasa kwarto pa rin ako at umiiyak at ilang ulit na binabanggit ang pangalan ni Vina.
13:23.8
Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko.
13:27.8
Sigurado ako at sigurado ako na kung nasaan si Vina at sinong gumawa ng masama sa kanya.
13:33.8
Papa Dudut nagpatulong ako sa mga polis na puntahan ang lugar na napanaginipan ko.
13:39.8
Hindi ako nagkamanin ang makita namin ang sako doon sa may dulong parte ng ilog,
13:43.8
ang sako kung nasaan ang wala ng buhay na katawa ni Vina.
13:50.8
Hindi lang yun ang nakita doon kung hindi pati na rin ang mga ebidensya na makapagtuturo sa kung sino ang sala rin sa pagkamatay niya.
13:58.8
Nakulong ang security guard sa opisina ni Vina pati na rin ang kapitbahay namin.
14:03.8
Ilang taon na rin ang nakakalipas mula ng mangyari ito at sana kagaya ni Vina,
14:08.8
maging tahimik na rin ang puso ko at tuluyan ang matanggap ang kanyang pagkawala.
14:14.8
Lubos na gumagalang Gerald
14:19.8
Hindi po madaling mawala ng mahal sa buhay lalo na kung ilang taon natin silang nakakasama.
14:28.8
Pero sana sa pagsulat mo sa aking YouTube channel ay tuluyan mo ng matanggap na hindi na kilanman
14:34.8
babalik pa sa mundong ito ang babaeng minamahal mo.
14:38.8
Dahil sa pagtanggap na gagawin mo ay mas matatahimik ang kanyang kaluluwa.
14:43.8
Maraming salamat kay Kuya Gerald sa pagsulat mo at pagbabahagi ng iyong kwento.
14:48.8
Naniniwala ako na maraming aral itong naiwan sa ating mga kaistorya na nakapakinig ng iyong kwento,
14:55.8
na kahit nasang lupalok man tayo ng mundong ito ay kailangan na palaging pagingata ng ating mga sarili,
15:01.8
hindi lamang sa masamang elemento, kung hindi pati na rin sa mga taong maaaring makapanakid sa atin.
15:07.8
Huwag kalimutang na mag-like, share and subscribe.
15:11.8
Maraming salamat po sa inyong lahat, sa lahat na mga subscribers ng Kaistorya, ang pangalawa ko pong channel.
15:18.8
At ang papadudod vlogs. Salamat po!
15:48.8
Problemang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
16:00.8
Sa papadudod stories, kami ay iyong kasama.
16:12.8
Dito sa papadudod stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
16:25.8
Dito sa papadudod stories, may nagmamahal sa'yo.
16:37.8
Papadudod stories.
16:43.8
Papadudod stories.
16:50.8
Papadudod stories.
17:06.8
Papadudod stories.
17:15.8
Papadudod stories.
17:23.8
Papadudod stories.