Close
 


PROBINSYA LIFE NG MGA PINOY | JenAnimation | PINOY ANIMATION
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
1LIKE= 3M SUBS LEZZ GO! Jen and Ely's Adventure Channel: @JenandElyAdventure Buy our Merch here: https://shopee.ph/jenandelymerch THANKS TO OUR TEAM: STORYBOARD: Soramare:https://www.youtube.com/@Soramare Melody: https://www.youtube.com/@MelodyInspires Hzlnut: https://www.youtube.com/@Hzlnut ANIMATORS Mac Ryuu Sen BACKGROUND: Jackson: https://www.youtube.com/channel/UCP4kdpXoPvtyUFowcsv_Cgg GAMING CHANNEL:: https://www.youtube.com/channel/UCCItN42wqa3vjRrLCUJYIKw FB PAGE: https://www.facebook.com/JenAnimations FB GROUP: https://www.facebook.com/groups/736241873855759 INSTAGRAM https://www.instagram.com/jen_animation BUSINESS EMAIL: projectcollabwithjen@gmail.com #PROBINSYA LIFE #PINOYANIMATION #JENANIMATION
JenAnimation
  Mute  
Run time: 11:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Yes! Bakasyon na!
00:02.0
Masusulit ko na naman ang paglalaro!
00:04.0
Mapaparami ko na naman yung tex at jollens ko!
00:07.0
Jen, halika dito. May ipapakilala lang ako sa'yo.
00:10.0
Ah? Sino po yun?
00:12.0
Siya nga pala yung uncle mo.
00:14.0
Asawa ng kapatid ng nanay mo.
00:16.0
Baka gusto mo magbakasyon sa kanila sa probinsya.
00:19.0
Ahh...
00:24.0
Hindi ko alam kung bakit napasama ako sa uncle ko dati.
00:27.0
Parang may nagbulog sa akin na sumama ako.
00:30.0
Nasesense ko na magiging magandang experience to sa akin.
00:34.0
Hindi pa maayos dati ang mga kalsada sa probinsya.
00:37.0
Hindi basta-basta makakapasok ang mga sasakyan.
00:40.0
Kaya pagkatapos namin bumaba sa bus,
00:42.0
eh naglakad kami ng uncle ko papunta sa kanila.
00:45.0
Ahh...
00:46.0
Ahh...
00:47.0
Ahh...
00:48.0
Ahh...
00:49.0
Uncle, malayo pa ba tayo?
00:52.0
Malapit na. Konting tiis na lang.
00:54.0
Ahh...
00:55.0
Grabe!
00:56.0
Para akong nagha-hiking nito.
00:58.0
Sobrang taas pala ng lugar nyo, uncle.
01:00.0
Nung nakarating na kami sa bahay ng uncle ko,
01:03.0
eh gutom na gutom ako.
01:05.0
Kaya naghanap ako ng madali ang may prepare na pagkain.
01:08.0
So, kumuha ko ng kape at asukal,
01:10.0
tapos hinalo ko sa kanin na may mainit na tubig.
01:14.0
What?
01:15.0
Bakit kape ang hinahalo mo?
01:17.0
Eh ang bata-bata mo palang nun.
01:19.0
Haha, kape is life, no?
01:21.0
Dahil nga sa mahilig ako sa kape,
01:23.0
eh isa sa ikinatwa ko sa bahay ng uncle ko,
01:26.0
eh gumagawa din sila ng kape.
01:29.0
Mmm...
01:30.0
Grabe!
01:31.0
Ang sarap talagang amuy-amuyin yung kape.
01:33.0
Nakaka-adik!
01:35.0
Pagkatapos ko kumain,
01:36.0
eh pinagmasdan ko yung paligid ng bahay.
01:39.0
Hindi ko alam,
01:40.0
pero bakit nakakarelax makita yung mga gamit
01:43.0
tulad na lang yung upuan na purong kahoy.
01:46.0
Yung lutuan, eh yung traditional way ng pagluluto.
01:49.0
Amoy na amoy mo yung kahoy at uling na ginamit.
01:52.0
Tapos may mga nakasabit pang mais at kung ano-ano pa.
01:55.0
Doon sa bahay ng uncle ko,
01:57.0
eh meron silang atik.
01:59.0
Siyempre, dahil tayo si Jen the Explorer,
02:01.0
eh pinuntahan ko yun.
02:03.0
Pagdating ko doon,
02:04.0
eh marami akong nakitang lumang gamit.
02:06.0
Dahil ata sa experience na to,
02:08.0
eh na-amaze ako sa mga lumang gamit noon.
02:10.0
Pagkatapos ko sa atik,
02:12.0
eh lumabas naman ako sa bahay.
02:14.0
Doon sa gilid,
02:15.0
eh may nakita akong rice mortar at pestle.
02:18.0
Ito yung traditional way
02:20.0
ng paggiling ng palay para maging bigas.
02:22.0
Sinubukan ko siya guys,
02:24.0
at hindi siya madali.
02:25.0
Kailangan mo ng consistency
02:27.0
at endurance sa pagbayo ng palay.
02:29.0
Dahil kung wala ka noon,
02:31.0
eh baka gabi na,
02:32.0
eh hindi pa naalis yung kailangang maalis sa palay.
02:35.0
Meron din doon bilao,
02:37.0
ginagamit para pagtahip ng palay.
02:39.0
Akala ko,
02:40.0
pag nabayo mo na yung palay,
02:41.0
eh yun na yun.
02:43.0
Hindi pa pala.
02:44.0
Kailangan mo pa palalinisan
02:46.0
para matanggal yung mga balat ng bigas.
02:48.0
Una kung nakita yung mga nagtatahip,
02:50.0
eh manghang mangha ako.
02:52.0
Kasi parang ang dali lang nila gawin yung pagtatahip.
02:54.0
Okay, so ganito yung ginagawa nila.
03:00.0
Oh shoot!
03:01.0
Grabe,
03:02.0
hindi pala talaga madali.
03:04.0
Naglibot-libot pa ako sa paligid ng bahay,
03:06.0
at marami akong nakita ang kagamitan pang farming.
03:09.0
Hindi rin mawawala ang mga alagang hayop,
03:11.0
tulad ng manok,
03:12.0
tsaka mga halaman.
03:14.0
Alright,
03:15.0
shoutout sa mga plantita at plantito natin dyan.
03:18.0
So pagkatapos ko maglibot-libot sa bahay,
03:21.0
eh pumunta naman ako sa bukid
03:23.0
para makita kung anong itsura.
03:25.0
And grabe,
03:26.0
nakakarelax talaga.
03:27.0
Napakatahimik ng lugar.
03:29.0
Ang daming pananim.
03:31.0
Pagsapit ng gabi,
03:32.0
ay hindi ko inexpect na wala palang kuryente.
03:35.0
Ang nagsisilbing ilaw nila ay lampara.
03:38.0
Alam nyo ba yun?
03:39.0
Yung DIY na lampara?
03:40.0
Gumagamit sila ng gamit na nabote,
03:42.0
tapos nilalagyan ng gas sa loob.
03:44.0
Tapos may tela na nakakonek sa gas
03:46.0
at doon sinisindihan.
03:48.0
Astig diba?
03:49.0
Ewan ko ba?
03:50.0
Basta amazed niya amazed ako sa mga ganong bagay dati.
03:53.0
Maaga gumigising si uncle ko.
03:55.0
At kahit ako,
03:56.0
eh napapaaga din ng gising.
03:58.0
Isa sa mga nagustuhan ko sa paggising ng umaga,
04:01.0
eh yung may nakaredi ng nilagang kamote.
04:03.0
Tapos habang kumakain ka ng kamote at nagkakape,
04:06.0
eh nagpapailit ka sa apoy.
04:08.0
Hmmm,
04:09.0
best feeling ever!
04:11.0
After ng almusal,
04:12.0
eh dumiretso kami ng bukid.
04:14.0
Syempre lakad na naman.
04:16.0
Nung bata ako,
04:17.0
feeling ko napakalayo nun eh.
04:19.0
Pero aliw na aliw ako
04:20.0
kasi may dinadaanan kaming drainage
04:22.0
na may mga alimangong nagtatakbuhan.
04:24.0
Ako naman,
04:25.0
syempre bata,
04:26.0
eh ito ang tuwa ko manghuli ng alimango.
04:29.0
Dinala din ako ng uncle ko sa isang kuweba.
04:32.0
Tapos pinakita niya sa akin
04:33.0
kung saan nangingitlog yung mga ibon.
04:36.0
Grabe ito ang tuwa ko noon.
04:38.0
Napapawaw na lang ako
04:39.0
na pwede pala mangitlog ang mga ibon sa kuweba.
04:41.0
Pagkatapos namin mamasyal,
04:43.0
eh pumunta na kami sa lugar
04:45.0
kung saan kami magbubungkal.
04:47.0
Ang tawag nila doon,
04:48.0
eh land preparation para sa itatanim.
04:50.0
So kinuha ko na yung tools
04:52.0
at nagbungkal na ako ng lupa.
04:54.0
Dahil sa isa,
04:55.0
kung mahinang nila lang,
04:57.0
eh wala pang dalawang oras,
04:58.0
eh pagod na ako.
05:00.0
Samantalang yung uncle ko,
05:01.0
eh tuloy-tuloy pa rin siya.
05:03.0
Parang hindi siya napapagod.
05:05.0
Tapos yung ibang matatanda doon,
05:07.0
eh kayang-kaya nilang magbuhat
05:08.0
ng masigit pa sa kanilang timbang.
05:10.0
Hindi sila nagbumukhang bodybuilder ha,
05:12.0
pero dahek,
05:14.0
kaya nilang buhatin yung mga malalaking basket
05:16.0
ng gulay kahit pataas pa.
05:18.0
Doon ko nakita
05:20.0
na napaka-lupit pala talaga ng mga farmers.
05:22.0
Shoutout sa mga malulupit nating farmers dyan.
05:25.0
Saludo ako sa inyo.
05:27.0
Isang nagpapadistract sa aking trabaho,
05:29.0
eh yung ilog.
05:31.0
Sinong hindi maakit maligo sa ilog?
05:33.0
Tamang suling lang,
05:35.0
tamang huli ng isda,
05:37.0
magkulik ng mga iba't-ibang klase ng bato.
05:39.0
Ginagawa nyo din ba yun?
05:41.0
Kala mo talaga treasure yung mga nakikita mong
05:43.0
kumikinang sa bato eh.
05:45.0
Pinaranas din sa akin ng uncle ko
05:47.0
kung paano mangahoy.
05:49.0
Yung pupunta ka sa bundok para kumuha ng panggatong,
05:51.0
hindi ko kayang buhatin
05:53.0
yung malalaking kahoy noon
05:55.0
dahil maliit pa ako.
05:57.0
Kaya ang ginagawa ko, eh hinihila ko
05:59.0
pababa. Nag-enjoy ako sa paghila
06:01.0
dahil iniisip ko na
06:03.0
yay may pangluto na kami.
06:05.0
Ayun, masaya lang ako nung time na yun.
06:07.0
Nung na-enjoy ko yung buhay
06:09.0
probinsya sa bahay ng uncle ko,
06:11.0
eh nasabi ko sa kanila na
06:13.0
uncle, paglaki ko
06:15.0
gusto ko maging farmer.
06:17.0
Akala talaga ng mga tao doon
06:19.0
paglaki ko eh magiging farmer ako
06:21.0
kasi that time
06:23.0
eh gustong gusto ko sumasama sa kanila.
06:25.0
Napakaganda ng community nila
06:27.0
sa probinsya, talagang nagbibigayan
06:29.0
yung mga tao doon.
06:31.0
At alam nyo ba sa probinsya ng uncle ko,
06:33.0
eh napaka religious nila.
06:35.0
Nagkaroon ako ng mga kaibigan doon
06:37.0
at nakilala ko din yung mga
06:39.0
ibang pinsan ko. At alam nyo ba
06:41.0
naranasan kong maging sikat nung time
06:43.0
na yun, kasi potek
06:45.0
pinagtitinginan ako ng mga tao doon.
06:47.0
Ewan ko ba kung curious sila kung ano
06:49.0
bang itsura ng mga dumadayo sa kanila.
06:51.0
Siya ba? Siya ba yung dayo?
06:53.0
Oo, siya nga.
06:57.0
One time, sumama ako sa kanila
06:59.0
para makipaglaro. Pagdating ko
07:01.0
doon, eh may kinakain silang
07:03.0
kamatis, yung hilaw talaga
07:05.0
tapos parang apple lang kung
07:07.0
kainin nila. Amazing!
07:09.0
Habang naglalaro kami,
07:11.0
ay dumating yung isang mama
07:13.0
tapos may hawak siyang airgun.
07:15.0
Doon ko first time nakakita
07:17.0
nun. Manong,
07:19.0
para saan po yan? Ah, eto?
07:21.0
Pantaboy to ng mga ibon.
07:23.0
Kinakain kasi nila yung mga palay at
07:25.0
ibang pananim. Ah, ganun po ba?
07:27.0
Galing. Isa pang nagustuhan ko
07:29.0
sa probinsya, eh yung pagiging
07:31.0
hospitality nila. Alam nyo ba
07:33.0
kung ginabi kayo sa daan at kailangan
07:35.0
nyo nang matutuluyan? Pwede
07:37.0
kayong makiusap sa mga tao doon
07:39.0
kung okay lang makitulog.
07:41.0
Bumisita kasi kami dati ng tatay ko
07:43.0
sa probinsya naman ng lola ko.
07:45.0
Nung papunta kami doon, eh
07:47.0
ginabi kami sa daan. Tapos
07:49.0
naligaw pa kami. Nung hinahanap
07:51.0
namin yung tamang daanan, eh may
07:53.0
nadaanan kaming bahay.
07:55.0
Sinubukan makiusap ng tatay ko
07:57.0
kung okay lang makitulog kami kahit
07:59.0
gabi lang. Natatakot pa ako noon
08:01.0
kasi naiimagine ko yung mga napapanood
08:03.0
natin sa mga horror. Kapag may
08:05.0
nadadaanan silang bahay, eh posibleng
08:07.0
bahay yun ng isang mangkukulam,
08:09.0
diba? Pero imagination ko lang
08:11.0
naman yun. Mabait yung nakausap
08:13.0
ng tatay ko at pinatuloy nila kami.
08:15.0
Speaking of lola and
08:17.0
lolo, eh sila yung isang reason
08:19.0
kung bakit tayo nagbabakasyon sa
08:21.0
probinsya. Siyempre, iba ang
08:23.0
pagmamahal ng isang lola at lolo.
08:25.0
Handang ibigay lahat ng meron sila
08:27.0
kaya may mga bata talaga na
08:29.0
napapamahal na sa kanila.
08:31.0
Naalala ko tuloy nung ipinagluluto kami
08:33.0
ng lola ko ng kamote at manik
08:35.0
kapag nagbabakasyon kami doon.
08:37.0
Nakakamiss lang.
08:39.0
Isang pinagsisihan ko ngayon, eh.
08:41.0
Sana lagi nalang ako bumibisita sa
08:43.0
kanila dati. Ngayon kasi wala na siya.
08:45.0
Kaya kayo na may mga lolo
08:47.0
at lola pa, eh try nyo ding bumisita
08:49.0
sa kanila habang andyan pa sila,
08:51.0
okay? Isa pang naranasan
08:53.0
kong probinsya life, eh yung pumunta
08:55.0
kami sa probinsya ni Lamak.
08:57.0
Wala kaming kapera-pera noon
08:59.0
pero dahil gusto nga namin makapunta
09:01.0
sa probinsya nila, eh nakisakay
09:03.0
nalang kami sa pickup ng kamag-anak nila.
09:05.0
Tiniis namin ang init
09:07.0
sa labas ng pickup dahil wala
09:09.0
ng space sa loob. Pero wala
09:11.0
kaming pake dahil life is
09:13.0
all about experience.
09:15.0
Naks. Walang konek. So
09:17.0
nakarating na kami sa bahay ni Lamak.
09:19.0
Na-amaze ako kasi yung bahay nila doon
09:21.0
eh nasa gitna ng malawak na bukirin.
09:23.0
Pagdating namin doon
09:25.0
eh kumain muna kami ng lunch.
09:27.0
At ewan ko ba, bakit
09:29.0
ang sarap-sarap kumain sa probinsya
09:31.0
napapadami ako ng kanin
09:33.0
dahil basa fresh yung gulay
09:35.0
o dahil masarap lang kumain
09:37.0
sa labas ng bahay.
09:39.0
Napasarap ang tambay namin sa probinsya ni Lamak.
09:41.0
Tamang kuha lang kami ng buko
09:43.0
kung gusto namin. Kapag walang
09:45.0
uulamin, eh mag-aani lang kami ng
09:47.0
anong pwedeng gulay na maani dyan.
09:49.0
Hanggang sa natapos na
09:51.0
hanggang masasayang pagtatambay namin
09:53.0
dahil did na namin umuwi.
09:55.0
Pero ang isang problema namin eh
09:57.0
wala kaming pamasahi pa uwi.
09:59.0
Paano yan boi? Wala tayong pera.
10:01.0
Hindi tayong makaka-uwi.
10:03.0
Kaya nga eh. Gusto mo mag 150
10:05.0
na lang tayo?
10:06.0
Eh gagi, marami pa akong pangarap sa buhay.
10:08.0
Yow mga men, sakto
10:10.0
anihan ng sibuyas ngayon. Pwede daw tayong
10:12.0
maki-ani. Sasahudan daw tayo.
10:14.0
Talaga? Tara para makauwi na tayo.
10:16.0
So nag-ani kami ng sibuyas
10:18.0
at first time ko yun.
10:20.0
Nakakapagod siya dahil parang
10:22.0
walang katapusang pagbubungkal yung ginawa
10:24.0
namin. Pero kahit gano'n
10:26.0
eh nag-e-enjoy ako kahit
10:28.0
amoy sibuyas na ako.
10:30.0
So after namin mag-ani, ay sinahuran
10:32.0
na kami. Dahil may pera
10:34.0
na, eh nakauwi na kami at
10:36.0
may naiuwi din kaming mga sibuyas.
10:38.0
Naging anli-ulam nga namin sa
10:40.0
tambayan yung sibuyas eh.
10:42.0
Boy, puro sibuyas na lang ulam natin.
10:44.0
Hindi ba kayo nagsasawa?
10:46.0
Hindi naman men. Sarap nga eh.
10:48.0
Baka magmukha na tayong sibuyas nyan.
10:50.0
Okay lang yan.
10:52.0
Basta ang mahanag ah. Nakakasurvive tayo.
10:54.0
Dahil sa experience
10:56.0
na to, eh nangarap ako magkaroon
10:58.0
ng sariling farm.
11:00.0
Yung farm na pwede nyong bisitahin.
11:02.0
Isang tourist spot na pwede kayo
11:04.0
mag-unwind pagkatapos ng mahabang
11:06.0
grindset mindset.
11:08.0
Kapag na-burnout kayo, eh pwede lang
11:10.0
kayo pumunta sa farm. Tamang kape-kape lang
11:12.0
para kahit paano eh ma-refresh
11:14.0
yung utak nyo.
11:18.0
Thank you for watching!