Close
 


PANAKOT SA BESHIE MO HORROR STORIES | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
PANAKOT SA BESHIE MO HORROR STORIES | HILAKBOT TRUE GHOST STORIES 🔗 https://youtu.be/_eX1MgZUg5g 🔴 STORY SENDERS ► APRIL x ERIN x MS. OLONGAPO Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► REBOUND_MO_LANG_AKO 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL Patreon ► http
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 19:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
ORAS NA NAMAN NA
00:13.0
Itago niyo nalang po ko sa pangalang Honey
00:17.0
Just wanna share my experience po kasama si Mama
00:22.0
Hindi po ko ganun kagaling mag tell ng story pero sana po'y maintindihan po ninyo ito
00:28.0
First year college po nang maganap ito at kasagsagan pa nga ng pandemic
00:34.0
It was October 29, 2020, 7.30 ng gabi
00:39.0
Nasa sala po kami ng bahay kasama si Mama
00:43.0
Nung nagtalo po kami dahil po sa load
00:47.0
Kailangan ko po kasi talaga na magpaload noon sapagkat may midterm quiz po kaming sasagutan online
00:54.0
Wala din po kasi kaming wifi nung time na iyon
00:58.0
Kung kaya't sinabi na lamang sa akin ni Mama na hintay na lamang daw po ang pag-uwi ni Papa galing ng work at mamaya na ako magpaload
01:07.0
Nainis pa nga po talaga ako dahil nga 8.30 pa or 9.00pm pa makakauwi si Papa
01:14.0
At yun din yung eksaktong oras para sa deadline ng pasahan ng aming midterm quiz
01:23.0
So umakyat ako sa taas, dabog ng dabog dahil hindi ko po talaga maitago yung inis na nararamdaman ko
01:31.0
Wala din naman ako magawa sa sitwasyon na iyon
01:34.0
Pumasok na lang ako sa kwarto at hindi ko na po binuksan yung ilaw ng kwarto ko
01:40.0
May konting liwanag naman po na nanggagaling sa hallway at naka-open naman po yung door ng kwarto
01:46.0
Kaya malalaman ko rin naman kung sino yung aakyat at doon din pumapasok yung liwanag
01:53.0
Yung kwarto ko pong iyon ay nakatapat lang sa hagdan kaya malalaman ko po talaga kung meron bang papaakyat o pababa
02:01.0
So ang ginawa ko, inopen ko na lang po yung laptop para magbasa ng module namin na pinatakedown pa nga po ng prof namin upang makapag-review dahil sa midterm
02:12.0
And then fast forward
02:15.0
Lumipas po ang oras na akala ko normal lang para sa akin
02:20.0
Pero sa hindi ko po malamang dahilan, napatingin ako sa labas ng kwarto
02:26.0
Doon po'y hindi ko inaasahan na may maaaninagan akong anino ng isang lalaki at umakyat po siya sa aming kwarto
02:40.0
Kinilabutan ako bigla sir, dahil paunti-unti po yung paglalakad niya at yung direksyon na kanyang pupuntahan ay sa akin
02:49.0
May nalalaman pang ang pasilip-silip yung piguna na iyon at para bang ako yung talagang target niya
02:58.0
Sa totoo lamang po ay hindi ko alam yung gagawin ko nung time na iyon dahil first time ko lamang maranasan ito at unang pagkakataon din na makakita ako ng weirdo katulad nito
03:12.0
Ang pagkakamali ko nga lang po, nasa tabi ko lang po yung cellphone pero hindi ko na videohan
03:20.0
Napako ako sa kinauupuan ko at hindi talaga ako nakagalaw
03:25.0
Pakatapos nga pong sumilip nung anino ng lalaki sa kwarto, paunti-unti o dahan-dahan na siyang naglakad patungo sa hallway
03:35.0
Nang mawala na nga po ng tuluyan yung aninong iyon sa paningin ko, dito na ako nagkaroon ng tapang at lumabas na ako ng kwarto
03:44.0
At pagkatapos ay tinignan yung hallway na dinaanan nung anino kanina pero wala pong kahit na sinong naroon
03:52.0
Tumawag po ako kay mama na nasa sala nung sandaling iyon at tinanong ko siya kung may nakita ba siyang umakyat sa taas
03:59.0
Pero nagulat lang din ako sa isinagot ni mama
04:04.0
Patanong pa nga siyang nagsalita ng
04:07.0
Nakita mo rin pala
04:13.0
Dalawa pala kami ni mama ang nakakita noon
04:17.0
Nung gabi na iyon, pagkauwi din ni papa galing sa work, agad-agad ay ikuinento namin sa kanya ang nangyari
04:25.0
Mumiti lang naman si papa sa amin, nawari ko nga, alam na niya na meron talagang something doon sa bahay
04:34.0
Sinabi lamang din ni papa sa amin na maaari nagpaparamdam lang daw yung nilalang na naroon at kasama namin sa bahay
04:44.0
Sapagkat nalalapit na rin ang pista ng mga patay
04:52.0
Sa katunayan nga Sir Red, bago ko makalimutan, yung bahay pala namin Sir Red, partikular sa gawing likuran, matatagpuan
05:02.0
ang pampublikong simenteryo ng aming bayan
05:15.0
Ang istory pong ito ay masasabi kong rumor
05:19.0
Ako nga po pala si Erin
05:22.0
Yes po, rumor na kumakalat sa buong eskwelahan namin
05:27.0
Sapagkat hindi ko rin naman po masigurado kung totoo nga ba talagang naganap
05:32.0
Since hindi po ako yung mismong nakawitnes
05:35.0
Aside from the time na nakita akong nagkakagulo sa kabilang seksyon habang may klase
05:41.0
Hindi po kami nakachismis agad kasi sinuway na po kami ng teacher namin noong time na yun
05:46.0
Hanggang sa nalaman ko rin kahit papaano ang naging kwento nila doon
05:52.0
Nung magreses po, ay nagtipon kami magkakaibigan sa likuran ng stage ng school
05:59.0
Dahil doon po talaga yung nakagawian naming tambayan
06:02.0
Doon po talaga kami laging naguusap tungkol sa mga kinaiinisan naming schoolmate
06:08.0
O kaya naman lahat na mga bagay tungkol sa bahay, o kaya sa pamilya at mga buhay-buhay ba
06:15.0
Hanggang sa ito nga yung mainit-init na usapan sa school
06:19.0
Yung tungkol sa schoolmate namin na nabiktima daw ni Momo
06:31.0
Naaalala niyo po ba yung Momo Challenge?
06:35.0
Ang sabi po talaga doon, uutusan ka para kitlin ang sarili mong buhay
06:42.0
Ilang beses na daw pong sumubok itong estudyante na ito na mag suicide
06:47.0
Ang naaalala ko nga po, sinubukan daw nito na laslasin ang kanyang pulso gamit ng gunting
06:55.0
Sa gitna ng kanilang klase, sumalit na pigilan siya
07:01.0
May isa pa nga pong pagkakataon sir Red, na nagkaroon din ng komosyon
07:06.0
Sapagkat may nakakita sa kanya na tila baga tatalon sa pinakataas ng building ng aming eskwelahan
07:15.0
Good thing, napigilan siya
07:19.0
Nung marinig ko nga yun sir Red, talagang kinilabutan ako
07:24.0
Matawawan kayo sa hindi, pero aaminin ko po na oto-oto din ako
07:30.0
Lahat nga po talaga ng mga cursed chainmail noon ay sinusunod ko para lang talaga makaligtas sa sinasabing kapahamakan doon
07:39.0
So, after po noon, hindi na rin ako nakarinig ng balita tungkol sa schoolmate namin yun
07:46.0
Hanggang sa may isang kwento din na naman ang tumatak sa akin
07:50.0
Ito po ay nung working na ako
07:53.0
Nangyari ito sa opisina namin, pero hindi po ako yung naka-experience
07:58.0
Nakwento po ito ng manager ko, na pangalanan na lamang po nating manager eh
08:04.0
Nagpapaprint daw po sila nung sandaling iyon sa isa pa naming manager
08:10.0
Na itago na lang din natin sa tagori na manager B
08:14.0
At ito po ay naganap sa dulo ng opisina na kung saan naririnig niya daw ng paulit-ulit na tinatawag ng isa pa naming manager
08:23.0
Si manager C, itong si manager B
08:27.0
Sinigawan din ito ni manager A kasi naiirita na siya
08:31.0
Wait lang daw at medyo pagalit na nga din daw yung sigaw nito
08:36.0
So hinarap naman po siya ni manager B at tinanong kung bakit siya sumisigaw
08:42.0
Pero sumagot po si manager C na may tawag daw ng tawag sa kanya
08:51.0
Nagtaka naman daw si manager B kasi hindi raw siya nito tinatawag at wala daw pong sumisigaw
08:57.0
Kaya pagbalik nila sa table namin kunento nila ito kay manager C at ang sabi naman ito hindi naman din daw niya tinatawag si manager B
09:09.0
So doon nga po talaga nagkarambulan at laki talaga ng pagtataka ng bawat isa
09:16.0
Kung sino yung gumagaya sa boses ng mga manager namin na iyon
09:23.0
May isa pa po sa pwesto po namin
09:27.0
May mga table po doon sa likod ko at pag weekends ay wala pong tumatao doon kaya laging madilim sa side na iyon lalo kapag gumagabi
09:37.0
Sa bandang harap ko naman ay may row po ng tables ulit at may mga tao naman po doon
09:43.0
Yung isa daw po sa kanila ay may nakita daw na parang mag-ina kung pagbabasihan kasi yung liit nung bata at yung tangkad nung babae
09:55.0
Matapos po nilang sabihin sa akin ito ay natakot po talaga ako
10:03.0
May isa din po ako natatanda ang kuwento at ito naman po ay patungkol sa nangyari sa kaworkmate ko
10:11.0
Nagkataon na kukuha daw siya sana ng tubig at mapapadaan siya sa isang room
10:17.0
Nang mapadaan nga daw po siya doon may nakita siyang lalaki
10:22.0
Wala daw po siyang muka at makaluma ang pananamit
10:28.0
Kaya pala napansin talaga namin si Red na parang may kinakausap yung workmate namin na iyon sa tuwing kumukuha siya ng tubig
10:38.0
Maaari kasi na ito ay pakiusap doon sa nagpapakita o nakikita niyang nila lang na huwag siyang gagalawin o kaya ay sasaktan
10:51.0
Iba din talaga yung vibe sa pantry namin si Red kaya hindi ako pumapasok doon lalo kapag gabi na
10:57.0
Pero minsan lang kapag no choice e talagang doon kami tumatambay
11:04.0
Kapag naroon o kaya mag isa ka sobrang bigat talaga ng mararamdaman mo
11:11.0
Kapag gabi o kaya namang walang ilaw na bukas doon
11:15.0
Para ka talagang hindi makakahinga at animo'y sinasakal at hindi rin makagalaw ng maayos
11:27.0
Maraming maraming salamat siya Red sa pagbabasa ng aking mga may ikling kwento na hango po sa mga tunay na karanasan ng aking mga kakilala
11:37.0
Maraming pa po kong ibabahagi soon kaya abangan na lamang po ninyo ang aking next na email
11:53.0
Magandang araw si Red
11:56.0
Ako po ay isang call center agent at nagtatrabaho sa isang BPO company sa Pampanga pero tubong Olonga po po ako
12:05.0
Since wala nga po kong matutuloyan o sariling bahay sa Pampanga, kailangan ko talaga na magrenta
12:12.0
Sa katunayan, ang nag-offer po sa akin ito ay yung kaworkmate ko rin at meron nga silang sinadjest sa akin na malapit nga po sa Clark Main Gate along with some other workmates
12:27.0
Nakakuha po ako ng sariling room doon at ito po ay matatagpuan sa pinakadulong bahagi na po ng bahay na yon
12:34.0
Kung pupunta ka doon, you can see the vacant lot from the windows of the bedroom
12:41.0
Puro damo yung likod ng bahay
12:44.0
Mula sa hindi naman kalayuan, pader na rin ang kabilang bahay na nasa kabilang street ang iyong masusumpungan
12:53.0
Yung kwartong aking narentahan ay masasabi kong kahit papaano naswertihan ko sapagkat malaki yung room para sa solo na uupa
13:03.0
Maganda nga din po para sa akin sapagkat ako kasi yung hindi talaga sanay sa mga masisikip at maraming tao sa kwarto
13:13.0
Simula po ng mature ako nung landlady namin doon sa kwartong aking lilipatan at uupahan
13:21.0
Kapansin-pansin na po yung lumang queen size bed at sabi nga nung landlady namin ito ay sa pagmamayari pa rin nung mga previous owners ng kwarto na iyon
13:32.0
Pero hindi na daw binalikan
13:37.0
Napansin ko nga din po yung mga kaunting sulat ng mga bata sa pader o yung mga vandalism po nila
13:43.0
Pero hindi ko nga po pinansin talaga nung una hanggang sa ako po ay tuluyan ng doon na tumira
13:51.0
Hanggang sa paglipas nga ng mga araw ay parang depressing yung setup ng bahay para sa aking
14:00.0
Sa katunayan pa nga sir Red
14:03.0
Mas kinilabutan ako nang minsan nga po na masalubong ko po yung isa sa mga nakatira doon sa kabilang room
14:12.0
Ang sabi niya
14:14.0
May tao daw ba na naiiwan sa kwarto ko sa tuwing ako ay nasa trabaho
14:20.0
Since different nga po o iba-iba yung schedule namin sa trabahong iyon
14:26.0
Malamang napapansin nila paminsan-minsan yung pag-alis ko hanggang sa
14:32.0
Ito nga
14:34.0
Medyo misteryoso sa akin ang pag-aamin nilang iyon
14:39.0
Meron daw minsang naririnig silang nag-uusap sa loob ng kwarto ko
14:45.0
Itinanggi ko naman ito sapagkat alam ko namang ako lang ang nagrerenta doon at wala naman akong iniiwan na kahit sino
14:53.0
Given the fact na hindi rin ako tigapampanga
14:59.0
Hanggang sa maranasan ko nga po ang bangungot isang hapon nang ako po ay mag siyesta
15:07.0
Alam ko na nabuksan o nadilat ko na ang aking mga mata pero hindi po talaga ako makagalaw
15:14.0
May narinig po akong pumapasok sa kwarto pero hindi ko naman po malaman dahil hindi ko makita kung sino
15:22.0
Hindi ko rin po maigalaw ang aking ulo kaya hindi ko rin alam kung meron nga ba talaga na pumasok doon
15:30.0
Kung ano yung pwesto ko nung natulog ako ay ganun pa din talaga nung nagising ako
15:36.0
Trinay ko po talaga na gumalaw
15:38.0
Naramdaman ko nga po na parang nag-struggle talaga ako sapagkat naramdaman ko rin yung pagod upang mapilit ko ang aking sarili na makagalaw
15:49.0
Hanggang sa napansin ko nga sir Red, yung nilalang o tao na pumasok sa kwarto ko kanina
15:58.0
Nakatayo lang po siya sa may pinto at nasa may paanan ko
16:04.0
Hindi ko po naaninag ng sobra o ng klaro yung mukha niya pero para po siyang kambing tapos katawan niya ay tao
16:15.0
Natakot po talaga ako nun si Red dahil hindi ko po ine-expect na ganun ang ulo niya
16:23.0
Hindi rin naman ako makasigaw habang pinipilit ko rin po na gumalaw
16:28.0
Hanggang sa dumating na ako sa punto na pinipilit ko na ang pagbangon pero parang may nakadagan sa akin
16:36.0
Hanggang sa nakikita ko nga si Red na dahang dahang lumalapit na ang mukha niya sa akin
16:43.0
Pinilit ko talaga na sumigaw ng sumigaw
16:47.0
Alam ko na nakabukas ang aking bibig pero wala pong lumalabas na kahit na anong tunog doon
16:54.0
Hanggang sa walang ano-ano ay nakabalik nga po ako sa aking ulirat at doon na ako nakagalaw ng hosto
17:02.0
Pagtayong pagtayo ko nga po sa aking kama nawala po ang lahat ng nakita kong yun
17:12.0
Parang panaginip pero alam kong gising ako sapagkat hingal na hingal ako nun at daig ko pa nga po yung tumakbo ng ilang kilometro
17:21.0
Simula nga noon si Red doon na ako nag decide na palipatin yung isa sa mga workmate ko para dalawa na rin namang kaming uupa doon
17:32.0
Natakot din po talaga ako si Red na baka kasi pag lumipat pa ako ay panibago na naman pong adjustment o kaya naman ay masundan ako ng nilalang na naruroon sa kwarto
17:44.0
Hanggang sa nagtagal na rin po ako sa company hanggang sa parang nakasanayan ko na rin po si Red ang lahat ng mga pagpaparamdam nitong nilalang na ito na masasabi kong kasahakasama ko na sa kwartong iyon
17:59.0
Good thing hindi naman na po na ulit yung pangungut kong iyon
18:13.0
If you liked this scary story, hit like, leave a comment, and share our episode on your social media
18:41.0
Supportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pagfollow sa kanyang social media, check the links sa description section
18:48.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments
18:56.0
Supportahan din ang ating mga brother channels, ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors, gayon din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories
19:08.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HDV Positive!
19:17.0
Mga Solid HDV Positive, ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating bunsong channel, ang Pulang Likido Animated Horror Stories. Subscribe na or else!
19:33.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at only takutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio
19:41.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!