Close
 


Naubusan Ng Gasolina Sa Kalagitnaan Ng Flight. Ano Nga Ba Ang Ginawa Ng Mga Piloto
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ano ang mangyayari kung maubusan ng gasolina ang eroplano sa kalagitnaan ng paglipad? Alamin ang kwento ng Air Canada Flight 143, kilala rin bilang Gimli Glider, na naubusan ng gasolina sa taas na 41,000 feet noong Sabado, Hulyo 23, 1983. Panoorin ang buong detalye sa videong ito. Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #survival #flight #airplane
Moobly TV
  Mute  
Run time: 10:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Anong mangyayari pag naubusan ng gasolina ang isang aeroplano habang lumilipad?
00:05.0
Alam mo ba na ayon sa isang research mula sa Harvard University, mas ligtas ang sumakay ng aeroplano sa US kesa sa isang kotse.
00:12.0
Mas maraming accidents na nangyayari sa mga kotse kumpara sa mga aeroplano.
00:16.0
Pero alam mo kung anong problema sa datos na iyan?
00:19.0
Kung mauubusan ka ng gasolina sa isang kotse, pwede ka lang magpunta sa isang gasoline station.
00:24.0
Ano naman ang gagawin mo kung ang aeroplano ang naubusan?
00:28.0
Sa videong ito, sasagutin niya ng dalawang piloto na totoong nakaranas ng ganyang pangyayari.
00:33.0
July 3, 1983, Air Canada.
00:36.0
Dumating na sa Montreal ang aeroplanong lilipad, ang Flight 143 papuntang Ottawa at Edmonton.
00:43.0
Dumating na din ang dalawang piloto na siyang magmamaneho ng aeroplano.
00:46.0
Ang kapitan ay si Captain Robert Pearson, isang experienced pilot na may 15,000 flight hours kanyang pangalan.
00:54.0
Sa kanyang tabi ay si First Officer Maurice Quintal, may experienced na 7,000 flight hours.
01:01.0
Pago pa lumipad, isinailalim na sa routine checkups ang aeroplano.
01:06.0
Isang Air Canada Boeing 767C gown, sinabihan din ni Pearson ang in-charge na lagyan ng 22,300 kilograms na gasolina ang aeroplano para sa flight.
01:18.0
Alas 8 ng gabi, North American Central Time Zone, maganda ang lipad ng Flight 143 sa red light Ontario at may taas na sila na 41,000 feet o 12,500 meters.
01:31.0
Maya-maya pa, bigla na lang tumunog ang cockpit warning system na nagsasabing may fuel pressure problem sa kaliwang banda ng aeroplano.
01:40.0
Hindi ito pinansin ng mga piloto dahil posible na siralang ito sa fuel pump dahil sa gravity fed-in level flight.
01:48.0
Pinatay lang nilang alarm, sumalit ilang segundo lamang ang lumipas, tumunog na naman ang fuel pressure alarm sa kanang bahagi ng aeroplano.
01:56.0
Dito na naalerto ang dalawang piloto at agad nilang napagdesisyunaan na sa Winnipeg na mag-landing, kung saan mas malapit sa kanilang original destination.
02:06.0
Sobrang bilis na mga sumunod na pangyayari, bigla na lang namatay ang left engine ng aeroplano at agad naghandasin na Pearson at Quintal para sa isang single engine landing.
02:17.0
Sinabi nila sa controllers sa Winnipeg ang kanilang sitwasyon at plano.
02:21.0
Nang sinubukan nilang i-restart ang left engine, tumunog na naman ang cockpit warning system.
02:27.0
All engines out. All engines out.
02:30.0
At pagkatapos lamang ng ilang segundo, huminto na ang ring sa right side engine ng aeroplano.
02:36.0
Ngayon ay lumilipad na ang flight 143 ng walang power, sa gitna ng Ontario at may taas na 41,000 feet.
02:45.0
Paano nangyari ito?
02:47.0
Simple lang.
02:48.0
Sa mga panahon iyon, dumadaan sa isang transition ang Air Canada sa measurements na kanilang ginagamit para sa kanila mga aeroplano.
02:55.0
Nakasanayan nila ang imperial units na siyang gumagamit ng pounds sa paglalagay nila ng gasolina.
03:01.0
Pero para sa kanilang bagong mga aeroplano, ang mga 767 na siyang ginagamit para sa flight 143, gumagamit na sila ng metric systems at kilograms na ang kanilang measurements.
03:13.0
Nang ipaalam ni Pearson na 22,300 kilograms na fuel ang kailangan ng aeroplano, nalito ang in-charge na siyang nasanay sa pounds.
03:22.0
Imbes na kilograms, 22,300 pounds ang kanyang nailagay.
03:27.0
At dahil ang isang pound ay halos kalahating kilogram, kalahati lang rin ang gasolinang nailagay sa aeroplano.
03:35.0
Noong napagtanto ni Pearson at Quintal kung ano ang nangyari, agad na pumasok ang takot sa kanilang dalawa.
03:41.0
Ngayon ay kailangan nilang imanuever ang isang malaking aeroplano ng walang gasolina at kailangan nilang iligtas ang lahat ng sakay nitong mga pasahero at crew.
03:52.0
Ang 767 ang isa sa mga unang aeroplano na may electronic flight instrument system, kung saan nag-ooperate ito gamit ang puryente mula sa jet engines ng aircraft.
04:04.0
Kaya nang mamatay ang dalawang engines, namatay din ang system sa loob at itim na lang ang nakikita ng mga piloto sa screens.
04:12.0
Agad na kinuha ng dalawa ang kanilang mga manuals at hinanap ang instructions kung paano magpalipad ng aeroplano nang nakapatay ang dalawang engines nito.
04:21.0
Subalit, hindi ito nilagay ng Canada Airlines sa manual.
04:26.0
Hindi nila naisip na pusible itong mangyari sa isang flight.
04:30.0
Tila malagim na ang sitwasyon ng Flight 143 na ngayon ay bumagsak na sa 35,000 feet, pero may isa pa silang alas.
04:40.0
Isang experienced glider pilot si Captain Pearson, isang skill na pwede niyang gamitin upang malanding ng maayos ang aeroplano kahit hindi na gumagana ang makina nito.
04:51.0
Gayunpaman, may ilang bagay pa rin siyang kailangang malaman.
04:54.0
Kailangan niyang ilipad ang aeroplano sa optimum glide speed nito.
04:58.0
May natitira pang battery-powered emergency flight instrument sa aeroplano, pero wala itong kasama na vertical speed indicator na pwedeng makatulong kay Pearson sa glide speed.
05:09.0
Kaya naman, hinulaan na lang niya ito at lumipad siya sa bilis na 410 kilometers per hour.
05:16.0
Sa kanyang tabi, nagsimula ng mag-calculate si First Officer Quintal kung kaya ba nilang umabot sa Winnipeg.
05:23.0
Gamit ang mechanical backup instruments na nasa aeroplano, natansya ni Quintal ang altitude nila at min-measure ito sa distance na kanilang na-travel na binigay sa kanila ng air traffic control.
05:36.0
Doon niya nalaman na bumagsak sila ng 5,000 feet altitude sa loob lamang ng 10 nautical miles.
05:43.0
Ang ibig lang sabihin nito, sa rate ng pagbagsak ng aeroplano, hindi na sila aabot sa Winnipeg.
05:49.0
Sa mga oras na iyon, naisip ni Quintal na mag-landing sa Royal Canadian Air Force Station Gimli, isang saradong air force base kung saan nagtrabaho si Quintal bilang piloto noon.
06:00.0
Sumang-ayon si Pearson dito, pati na rin ang air traffic controller.
06:04.0
Subalit, may isang problema na naman sila.
06:07.0
Lingid sa kanilang kaalaman, ginawa ng racetrack complex ang dating base at ngayon ay kilala na bilang Gimli Motorsports Park.
06:17.0
Sa araw na iyon, may karera na nagaganap at puno ng mga sasakyan at mga manunood ang lugar.
06:24.0
Dahil patay ang dalawang engines, gumamit ng gravity drop ang mga piloto upang maibaba ang landing gear.
06:30.0
Nag-lock na ng maayos ang main gear pero hindi ang nose wheel.
06:35.0
Isang bagay na nakatulong sa kanila sa huli.
06:38.0
Dahil wala ng power, nakadepende na lang ang pagkontrol ng mga piloto sa eroplano sa power na nilalabas ng ram air turbine.
06:46.0
Habang mabilis pa ang kanilang takbo, malakas pa ang power nito at mas madaling nila itong nakokontrol.
06:52.0
Kaya naman, noong dahan-dahan ng bumagal ang eroplano, mas nahirapan na silang kontrolin ito.
06:59.0
Habang lumalapit na ang eroplano sa runway, napagtanto nila Pearson na masyado itong mabilis at mataas na pwede itong lumabas sa runway at sa ibang lugar huminto.
07:09.0
Kaya naman, agad na nagsagawa si Pearson ng slide slip, isang maneuver kung saan mas mapapabilis ang pagbabamo nang hindi na dadagdagan ang forward speed ng eroplano.
07:20.0
Ang maneuver na ito ay ginagawa lamang sa mga maliliit na aircrafts pero dahil wala na silang choice, ginawa na rin ito ni Pearson sa higanting Boeing 767.
07:31.0
May problema na naman ang Flight 143. Dahil patay na ang makina, hindi na ito nag-iingay. Kaya naman, hindi agad narinig ng mga tao sa Gimli ang lumalapit na eroplano.
07:42.0
Sa katunayan, nakita pa nga ni Pearson ng dalawang batang lalaki na nagbibisikleta sa track at tila nahimatay sa takot nang makita ang malaking eroplanong papalapit.
07:52.0
Pag landing ng mga gulong sa track, agad na nag-brake ng malakas si Pearson at tumakbo ng padulas ang eroplano.
08:00.0
Sa lakas ng pag-brake, sumabog ang dalawang gulong ng eroplano.
08:04.0
Ang nakatulong ditong huminto ay ang nose wheel na hindi nag-lock dahil noong nag-landing na ang eroplano, bumalik ito sa loob at ang nose tip ng eroplano ang nag-collapse sa lupa.
08:16.0
Ang friction na dala ng nose tip sa lupa ang nagpabagal sa takbo ng eroplano at nang inapply ni Pearson ang extra right brake ay natapos na ang kanilang kalbaryo.
08:29.0
Sa wakas, pagkatapos ng labing pitong minuto mula ng maubos ang gasolina, nakalanding na din ng ligtas ang Flight 143.
08:38.0
Walang casualty ang pangyayari at wala ring serious injury sa 61 passengers sa loob at sa mga taong nasa ground dahil nag-collapse na ang tip ng eroplano sa lupa, umibabaw ang buntot nito.
08:51.0
Nagkaroon ng minor injuries ang mga pasahero nang bumabana sila, nagkaroon ng maliit na apoy sa tip ng eroplano pero napatay lang ito ng mga tao sa ground at mga workers ng racecourse na may dalang fire extinguishers para sa isang emergency.
09:05.0
Pagkatapos ng pangyayari, 6 na buwan na nademote si Captain Pearson at nasuspindi ng dalawang linggo si First Officer Quintal.
09:13.0
May mga nasuspindi ding tatlong maintenance workers. Gayunpaman, naging matagumpay naman ang kanilang appeal at noong 1985 naparangalan ng awards si Robert Pearson at Maurice Quintal ng pinakaunang diploma for outstanding airmanship para sa kanilang ginawa sa isang nakakatakot na pangyayari.
09:33.0
Mas bumili pa ang ibang mga piloto sa kanila nang sumabag ang ilang crew sa isang simulation sa Vancouver kung saan ginaya nila ang nangyari kina Pearson. Lahat ng mga participants ay nag-crash.
09:45.0
Noong 1989, napromote na si Quintal bilang Captain habang nanilibihan pa ng sampung taon si Pearson para sa Air Canada bago ito lumipas sa Asiana Airlines. Para naman sa eroplano ang kanilang ginamit, nirepair ito ng Air Canada at patuloy na lumipad hanggang 2008.
10:03.0
Sa final flight ng eroplano bago iretiro, sakay nito sina Pearson at Quintal bilang guest passengers. Nakakatakot kong isipin ang nangyari sa Flight 143 pero hindi mo maikakaila ang galing at talino ng dalawang piloto na nagawang palandingin ng ligtas ang isang eroplano ang naubusan ng gasolina habang lumilipad.
10:24.0
Anong masasabi nyo sa nangyari kina Pearson? Kung isa ka sa mga pasahero ng Flight 143, ano ang mararamdaman mo sa mga oras na yun?


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.