Close
 


BATAS AT KASAYSAYAN NG WEST PHILIPPINE SEA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #china #resupplymission
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 05:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Unti-unting binabakura ng China ang mga isla na nasa loob ng ating nasasakupan pero mga kabayan ano nga ba ang bahagi ng ating teritoryo sa tinatawag nating West Philippine Sea?
00:13.0
Paano ba natin nasabi na parte ng ating nasasakupan ang karagatang ito?
00:18.5
Kaya sa videong ito ay titignan natin ang kasaysayan at ilang mga ebidensya na parte ng ating teritoryo ang mga isla sa West Philippine Sea.
00:31.0
Patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Juan o tayong mga Pilipino na protektahan ng ating mga karapatan sa West Philippine Sea.
00:42.5
Ang West Philippine Sea ay dagat sa parte ng South China Sea.
00:47.0
Ang West Philippine Sea ay isang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:52.0
Kasama sa loob ng West Philippine Sea ang mga isla na Scarborough Shoal, Calayaan Island Group at mga bahagi ng Spratly Island.
01:01.0
Nauna ang Pilipinas sa pag-angkin at pagkilala sa West Philippine Sea noong 18th century.
01:07.5
Makikita sa mapa na ginawa noong 1734 ng isang Desert Frisna si Padre Murillo Velarde, bahagi na ng Pilipinas ang Panakot Shoal bago pa ito tinawag na Scarborough Shoal.
01:21.5
Bukod dito ay makikita din sa mapa na matagal nang kinikilala ng Pilipinas ang Los Bajos de Paragua na ngayon ay tinatawag na Spratly Island.
01:31.5
Pero ang China ay naniniwala na mayroon silang historical rights sa pag-angkin sa West Philippine Sea
01:38.5
dahil mula pa daw noong panahon ng dynasty ng China 2,000 years ago ay kanila na raw ang South China Sea at kasama na doon ang West Philippine Sea.
01:49.0
Pero this is a lie.
01:51.0
Dahil sinimulan lamang ng China ang pang-aangkin sa mga isla sa West Philippine Sea noong 1947,
01:58.5
inilabas ng gobyerno ng China ang sarili nitong mapa na gawag gawa lamang nila na mayroong mga guhit na hugis U at tinatawag nilang Nine Dash Line.
02:09.0
Sa Nine Dash Line na ito ng China ay pasok ang mga likas na yaman o mga isla ng Pilipinas.
02:15.0
Taong 1982 nang itinatag ang United Nation Convention of the Law of the Sea o UNCLOS sa pagitan ng mga bansang pumirma dito na magkaroon ng mga AEC o Exclusive Economic Zone.
02:27.5
Ayon sa kasunduan ang bawat bansa ay magkaroon ng karapatan sa dagat at likas na yaman na 200 nautical miles ang layo mula sa dalampasigan.
02:38.0
Isa ang bansang China sa pumirma dito pero hindi nirerespeto ng China ang kasunduan ito.
02:45.0
Mula taong 1995 hanggang sa kasalukuyan ay tuluyang pumasok at sinakop ng China ang mga isla at yaman natin sa West Philippine Sea.
02:55.0
Nagsimulang magtayo ang China ng mga gusali sa Misty Reef at hindi pinayagang mangisda ang mga kapwa natin Pilipino.
03:03.0
Taong 2002 naman nung nilagdaan ang China kasama ang mga bansa sa ASEAN ang Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea o DOC.
03:13.5
Nilayo ng mga magkakapitbahay na bansa na maayos ang mga isyo sa South China Sea lalo na sa West Philippine Sea.
03:21.5
Pero patuloy pa rin na nilalabag ng China ang kasunduan ito.
03:27.0
Nagpatuloy ang iba't ibang mga sigalot sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at ng ating mga mangingisda.
03:34.0
Ito ay nagdulot ng iba't ibang protesta at pambabatiko sa mga magkabilang panig ng Pilipinas at China.
03:41.5
Taong 2013 nang sinubukan ng Pilipinas na ipaglaban ng karapatan gamit ang kasaysayan at batas.
03:49.5
Hinain ng Pilipinas ang isyo sa West Philippine Sea laban sa China sa isang arbitral tribunal sa The Hague Netherlands.
03:57.5
At noong 2016 ay pinanigan ng arbitral tribunal ang Pilipinas dahil walang basihan na historical ang China sa pag-aangkin sa South China Sea lalo na sa West Philippine Sea.
04:09.5
Ngunit hindi muli nirespeto ng China ang disisyong ito at nagpatuloy lang ang China sa pagtatayo ng mga paliparan, daungan at mga basi ng militar sa mga islang sakop ng Pilipinas tulad ng Mischief Reef at Subi Reef.
04:25.0
Patuloy ang pangingisda ng kanilang mga barko at panghaharas na mga ito sa mga mangingisdang Pilipino.
04:32.0
Ngunit hindi nakuha ang mga isdang huli ng Pilipino kaya't umiiyak na lamang ang mga mangingisdang Pilipino sa kanilang ginagawa.
04:39.5
Ayon sa Philippine Coast Guard, sa panahon ni dating Pangulong Luterte, ang mga panghaharas ng China ay hindi gaanong pinapalabas sa mga televisyon o social media.
04:50.5
Nakakalungkot isipin na kahit mayroong batas ay hindi ito sinusunod ng China.
04:56.5
Mahigit 30 dekada na nating ipinaglalaban ang ating karapatan sa mga isla sa West Philippine Sea kaya't huwag nating kalimutan kung bakit ito ipinaglalaban ng Pilipinas.
05:08.0
Ang buong 200 NM na Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay hindi kailanman magiging parte ng 9-Dash Line ng China.
05:17.5
Ayon na rin sa Onclose at Arbitral Tribunal ay tanging Pilipinas lang ang may-ari ng lahat ng isda, langis, gas at iba pangyaman dagat sa loob ng West Philippine Sea.
05:29.0
Dapat lamang ipaglaban at depensahan ang dapat sa atin. Atin ang West Philippine Sea sa ilalim ng batas at kasaysayan.
05:38.0
West Philippine Sea, dagat ng mga Pilipino, atin ito.
05:47.0
Thank you for watching!