Close
 


KASALANAN BA NG MAGULANG
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 08:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito ay ang mga sinabi ng mga magulang na mga pinaka nakakatakot na mamamatay tao sa buong mundo.
00:07.2
Si Ted Bundy.
00:08.8
Inamin ni Ted na kinuha niya ang buhay ng dalawampu at walong mga inosenteng kababaihan.
00:14.4
Ito ay sa loob lamang ng apat na mga taon.
00:17.6
Ngunit lumaba sa embestigasyon na malamang doble o triple pa ang totoong bilang ng kanyang mga naging mga biktima.
00:25.2
Nang taong 1979, ito ay hinatulan ng parusah na kamatayan na isa katupara naman ito ng ikan 1989 sa piitan sa Florida sa Bansa ng Amerika.
00:36.8
Ayon sa ina nito na si Lewis na kahit kailan ay hindi magagawa ng kanyang mapagmahal na anak ang mga ibinibidtang sa kanya.
00:46.0
Kahit kailan ay hindi mawawala ang tiwala at ang pagmamahal ko sa kanya.
00:51.6
Kaya naman walang nagawa ang otoridada kundi ang iparinig sa ina ni Ted Bundy ang tape ng kanyang mismo na pangungumpisal.
00:59.6
Ganon pa man, ang ina nito na si Lewis ay hindi umalis sa tabi ng kanyang mahal na anak at hanggang sa huling hininga ay tinuran ng kanyang ina,
01:08.4
Ikaw ay ang aking pinakamamahal na anak hanggang sa magpakailan man kahit pa sa kamatayan.
01:15.6
Si Dennis Nilsen sa loob ng limang mga taon mula ng taong 1978 hanggang 1983 inamin ni Dennis Nilsen na kinuha nito ang buhay ng labing limang mga binatilyo.
01:28.2
Sa United Kingdom una nito ginawa ang kaunaunahan niya na pagkuha ng buhay.
01:33.6
Ang mga katawa ng kanyang mga biktima ay itinatago niya sa loob mismo ng apartment na tinitirahan niya.
01:40.2
Saka dahil sa dami ay pinaghihwahiwalay niya sila.
01:44.0
Saka dahan-dahan ito ay inilibing sa sariling hardin na inuupahan niya.
01:48.6
Tinangka nitong pigili ng kanyang sarili sa paggawa ng hindi maganda, kaya naman nagpa siya ito na lumipat sa mas mataas na palapagpa.
01:56.8
Ngunit hindi rin ito nakatulong sa kanyang kagustuhan, paulit-ulit na ito ay kumuha muli ng buhay.
02:03.4
Naaresto ito matapos na bumara ang giniling ng laman ng tao na itinatapon niya sa lababo niya.
02:10.6
Ang ina ni Dennis na si Betty Scott ay paulit-ulit na sinulatan ang kanyang noon ay nakakulong na nasupling.
02:17.8
Ngunit ni isang beses ay hindi siya sinagot nito.
02:21.0
Ayon sa kanya na nais lamang niyang malaman kung bakit ang mga krimeng ito ay ginawa ng kanyang pinakamamahal na supling.
02:28.6
Nang taong 2011, sa isang interview, inamin ang ina na nais sana niya na personal na makausap ang anak niya.
02:35.8
Ito ay dahil hindi niya inaakala na kaya nitong gawain ang kanyang mga nagawa.
02:41.6
Ayon sa ina, ni hindi ito nakipag-away kahit kailan sa eskwelahan, ni hindi ito naging salbahe o bayulente kahit kaninuman.
02:50.4
Si Peter Sutcliffe, nakilala bilang ang Yorkshire Ripper.
02:55.0
Sa loob ng anim na taon, kinuha nito ang buhay ng labing tatlong mga dilag at ginawa ng hindi maganda ang pito na nakatakas sa kanya.
03:04.8
Naghasik ng lagim itong si Peter sa Inglaterra ng taong 1975 hanggang ng taong 1981.
03:11.4
Luwabas sa pagsusuri na si Peter ay may kalagayan sa kaisipan na tinatawag na ang Paranoid Schizophrenia.
03:19.0
Habang ito ay nakakulong, sinasabi nito na nakaririnig ito ng boses mula pa ng siya ay bata pa.
03:25.8
Ang ama naman ni Peter na si John Sutcliffe ay hindi itinago ang kanyang nararamdaman.
03:32.2
Ito ay tungkol sa karimari-mari na ginawa ng kanyang sarili na anak.
03:36.4
Ayon sa kanya na halos hindi niya matanggap ang ginawa ng kanyang supling,
03:40.6
Ngunit dahil ito nga ay inamin mismo niya, mabigat man sa kalooban nila, dapat lamang daw na siya ay maparusahan ng kamatayan.
03:50.4
Mahal na mahal daw niya ang anak niya, ngunit hindi nito kayang tanggapin ang mga karumal-dumal na ginawa niya.
03:57.6
Ayon sa kanya, mahal na mahal ko siya kung ano noon siya.
04:02.0
Si Richard Ramirez
04:04.0
Naghasik ng lagim itong si Richard Ramirez sa Los Angeles sa bansa ng Amerika ng ika 1985.
04:11.6
Nakilala ito sa katawagan na ang Night Stalker.
04:15.0
Pinapasok ni Richard ang mga tahanan ng kanyang mga napipiling biktima.
04:19.6
Saka gagawa niya ng hindi maganda ang mga doon ay nakatira.
04:24.0
Saka kukunin niya pa ang buhay nila.
04:27.2
Naparusahan ito sa salang pagkitil sa buhay ng labing tatlo sa kanyang mga biktima,
04:32.2
limang beses na pagtangkang pamamas lang,
04:35.2
labing isang beses na pagawa ng hindi maganda sa puri ng kanyang mga biktima
04:40.2
at labing apat na beses na panloloob.
04:43.2
Lumalabas na hindi naging maganda ang naging kabataan nito.
04:47.2
Kasama dito ay ang paggamit niya ng hindi legal na mga gamot.
04:51.6
Meron din daw ito nakalagayan sa kaisipan na hindi napagtuunan ng tamang pansin.
04:57.2
Kaya naman ito ay ang mga haluhalong naging dahilan upang maging isa siya sa tinagurian
05:02.6
na pinakanakatakot na serial killer sa kasaysayan nating mga modernong tao.
05:08.6
Nang kausapin ang ama nito na si Julian Ramirez,
05:12.4
hindi nito itinago ang paggadesmaya at pagkabigla sa ginawa na kanyang pinakamamahal na anak.
05:18.6
Isinisisi nito ang kaganapan sa pagkahumaling ng anak sa hindi legal na mga gamot.
05:24.6
Naniniwala siya na dahil sa damo na wala ng kontrol ang kanyang supling na si Richard.
05:30.6
Dagdag ng ama na sa puso niya,
05:32.6
hindi siya makapaniwala na maaarok ng sariling anak niya ang mga karumardumal na ginawa niya.
05:39.6
Ngunit dahil nga daw may ebedensya ang mga otoridad, ano pa nga daw ang magagawa nila?
05:44.6
Papaano ba daw niya masasabi na hindi ito masakit para sa kanya?
05:49.6
Anak pa rin daw niya itong si Richard.
05:51.6
Si Jeffrey Dahmer
05:53.6
Kinuha ni Jeffrey ang buhay ng labing pitong mga binata mula ng 1978 hanggang na taong 1991.
06:01.6
Ang estilo niya ay aakitin niya ang mga kabataan sa kanya mismo na tahanan,
06:06.6
doon niya naman isasaktuparan ang matinding balak nito sa kanila.
06:11.6
Kinuha niya ang buhay ng kanyang mga sawing palad na mga biktima.
06:15.6
Ang masaklap sa hobby nitong si Jeffrey ay kukuna niya pa ng letrato ang kanyang mga biktima
06:21.6
bilang habang buhay na alaala para sa kanya.
06:25.6
Ito ay upang manariwa daw ang ginawa niya sa kanila.
06:29.6
Nang mahuli ito nahatulan si Jeffrey Dahmer ng labing anim na habang buhay na pagkakabilanggo.
06:35.6
Ngunit hindi naman nagtagal.
06:37.6
Nang taong 1994, kinuha ang buhay ni Jeffrey ng isa sa kanyang mga kakosa.
06:43.6
Ang ama ni Jeffrey na si Lionel Dahmer at ang ina na si Joyce Flint ay hindi itinago sa madla
06:49.6
ang kanilang nararamdaman.
06:51.6
Ito ay patungkol sa anak nila at sa ginawa nito na kasalanan.
06:55.6
Ayon pa sa ina, si Jeffrey habang lumalaki ay isa namang normal na binata.
07:00.6
Sumulat naman ang ama ng libro tungkol sa karanasan ng kanyang anak.
07:04.6
Kung bakit sa tingin niya ay nagawa ng kanyang sariling supling ang mga karumal-dumal na mga krimin.
07:11.6
Tanging ang napansin lamang daw niya kay Jeffrey ay ang pagiging mapag-isa nito.
07:16.6
Ang pagiging mahiyain.
07:18.6
Buko doon, hindi ito yung tipo ng tao na nakikipagbasagulo.
07:23.6
Nalaman na lamang daw niya ang ginawa ng kanyang anak nang ito ay isinasakdal na.
07:28.6
Habang naririnig nito ang kumpisal na namutawi mismo sa sariling labi nitong si Jeffrey.
07:34.6
Doon lamang daw niya natanggap ang katotohanan na ginawa nga ng anak niya ang ibinibintang sa kanya.
07:41.6
Mga katinagalog ko,
07:42.6
sa tingin po ba ninyo sino ang may kasalanan sa mga kwento ng mga serial na mamamatay tao na ito?
07:48.6
Ang magulang ba o sadyang ipinanganak na lamang sila upang kunin ang buhay ng ibang tao?
07:55.6
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
08:02.6
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.
08:25.6
Thank you for watching!