Close
 


World Records Ng Ibat Ibang Bansa
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Tshirt: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #world #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 11:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
World Records. May tanong ako sayo. Ano sa tingin mo ang pinakamayaman na bansa sa buong mundo bibigyan kita ng maraming chances?
00:08.5
Russia ba? China? Ang US? Baka Singapore? O Japan? Kung ito ang mga sinagot mo, naiintindihan kita. Ito yung mga powerhouse countries, di ba?
00:20.5
Sa kasamaang palad, mali ang mga sagot mo dahil ang pinakamayamang bansa sa buong mundo ay isang bansa na hindi masyadong pinag-uusapan pagdating sa yaman.
00:31.5
Ayon sa International Monetary Fund, ang pinakamayamang bansa sa buong mundo ay ang Ireland. Kaya mapapaisip ka na lang, ano pang world records ang hindi natin alam? Tara, pag-usapan natin.
00:46.0
As of April 2023, ang Ireland ang may pinakamalaking purchasing power parity sa buong mundo.
00:52.5
Ang PPP ay isang measurement ng mga presyo sa iba't ibang bansa na gumagamit ng merits sa mga specific goods upang may kumpara ito sa absolute purchasing power ng mga currency ng mga bansa at ang living standards ng mga tao dito.
01:08.0
Siguro iniisip na napakayaman ang mga tao sa Ireland at medyo tama ka. Gayunpaman, ibang bansa ang may hawak ng record para sa may pinakamaraming millionaires.
01:20.0
Ayon sa mga datos, ang US ang may pinakamaraming millionaire citizens sa mundo. May 22 million na mamamayan ang US na may net worth na at least 1 million.
01:32.0
Sa lahat ng mga milyonaryo sa mundo, 40% sa kanila ay Amerikano. Ang ibig sabihin din ng datos na ito ay kung nakatira ka sa US, mas malaki ang chansa mong maging milyonaryo.
01:45.0
Ang United States din ang bansang may pinakamaraming Olympic medals sa bilang na 2,980 medals. Nanalo sila ng 1,180 gold medals, 959 silver medals at 841 na bronze.
02:00.5
Sa madaling salita, magaling sa sports at sa pagpaparami ng pera ang mga Amerikano. Pero hindi sa lahat ng sports, lalo na sa soccer.
02:08.5
Ayon sa datos, Brazil ang bansang may pinakamaraming soccer players sa 132 na soccer leagues. May 2,742 Brazilian soccer players. Kasama na dito ang superstar na si Neymar da Silva Santos Jr.
02:25.5
Bumalik tayo sa US. Kung nakatira ka sa bansa na may pinakamaraming milyonaryo at Olympic medals, iisipin mong magiging masaya ka diba? Siguro, pero hindi kasing saya ng mga Finns.
02:37.5
Ayon sa United Nations World Happiness Report, Finland ang pinakamasayang bansa sa mundo. Limang taon na itong nabibilang sa top 5 sa report.
02:46.5
Isa sa mga rason dito ay dahil ito ang may isa sa pinakamagandang educational system sa mundo. Nire-require ng Finland ang kanilang mga guro na kumuha ng master's degree at mag-focus sa experiential learning at equal opportunity.
03:02.5
Kilala din ang Finland para sa kanilang winter swimming, ang paglangoy sa napakaginaw na tubig. Ayon sa mga Finns, mas nagiging masaya sila dahil sa rush na naidudulot ng winter swimming.
03:14.5
Dahil sa napakasayang atmosfere ng Finland, maraming turista ang nagpupunta dito. Pero hindi ito ang pinakabinibisitang bansa sa mundo. Yan ay France.
03:25.5
Ayon sa French Ministry of Foreign Affairs, noong 2019 lamang, nasa 90 milyon na ang bilang ng mga turista ang bumibisita sa France. Di hamak na mas marami kesa sa ibang mga bansa.
03:37.5
Sa katunayan, 8% ng gross domestic product ng bansa ay nanggagaling sa tourism. Ang France din ang may pinakamalaking museum sa buong mundo, ang The Louvre, na matatagpuan sa Paris.
03:51.5
Sa sobrang laki ng The Louvre, may exhibition space ito na 73,000 square meters. At kung travel lang din ang pag-uusapan, may ilan pang notable na records sa topic na iyan.
04:03.5
Alam mo ba na ang Saudi Arabia ang may pinakamalaking airport sa mundo? Ang King Fahd International Airport. Ang airport ay may laki na 300 square miles at isang dating US airbase.
04:16.5
Pero kung safety ang pinakaimportanteng bagay tuwing bumibiyahe ka sa ibang bansa, subukan mong bisitahin ng Iceland.
04:23.5
Ayon sa Global Peace Index, Iceland ang pinakaligtas na bansa sa buong mundo at 14 straight years na itong may hawak ng titulo na iyan. Hindi lang ligtas ang Iceland, ito din ang pinakapayapan na bansa sa mundo, ayon sa mga datos.
04:39.5
Sa kabilang bansa naman ito, kung balak mo magpunta sa Venezuela, mag-isip-isip ka muna. Ayon sa mga datos, ang Venezuela ay may Crime Index na 83.76. Ito ang pinakamataas sa buong mundo.
04:53.5
Ang high crime rate ng bansa ay dahil sa masamang judicial system nila at government corruption. Kung gusto mo ng long beaches, puntahan mo ang Bangladesh.
05:03.5
Ang Cox's Bazaar ang pinakamahabang natural beach sa buong mundo na may haba na 75 miles. Siyempre, sikat ito sa mga turista ng bansa.
05:13.5
Ang Singapore ang may pinakamakapangyarihang passport sa mundo. Ang kanila mga citizens ay pwedeng pumasok sa 192 countries na walang visa o ng visa on arrival.
05:25.5
Kinuha nila ito mula sa Japan na siyang dating may pinakamakapangyarihang passport. Pero wag kang magalala, may matitinding record pa din ang Japan.
05:34.5
Dahil ang Japan ang pinakamatalinong bansa sa buong mundo, sila ang may highest average IQ na 106.49. Taiwan ang pangalawa na may average IQ na 106.47 at Singapore ang pangatlo sa IQ na 105.89.
05:53.5
May iba pang record ang Singapore sa video nito. Dapat lang din na may mataas silang ranking sa average IQ dahil pinagpapalit nila ang tulog upang mag-aral.
06:02.5
Ayon sa mga datos, Singapore ang bansang may pinakamababang sleep hours sa mundo. May fatigue score sila ng 7.20, ang pinakamataas sa mundo, at sinusundan sila ng Mexico.
06:14.5
Siyempre, hindi na kasupresupresa na hindi masyadong natutulog ang Mexico dahil sila ang pinaka-overwork na bansa.
06:22.5
Ang average annual hours na nagtatrabaho ang mga Mexicans ay 2,148. Hindi sila masyadong natutulog.
06:30.5
Sa kabilang dako naman, tila hindi nahihirapang maghanap ng oras ang mga Dutch upang matulog. Dahil ayon sa datos, ang Netherlands ang bansang may pinakamaraming sleep hours sa buong mundo.
06:42.5
Kung ang standard ay 8 hours, ang mga Dutch ay natutulog sa average na 8 hours and 5.5 minutes.
06:50.5
Sa ngayon, siguro alam mo na na ang Russia ang pinakamalaking bansa sa mundo na may total area na 17 million square kilometers.
06:58.5
Pero, alam mo ba na sa sobrang laki ng Russia, halos kasing laki ito ng dalawang Canada, ang ikalawang pinakamalaking bansa sa mundo.
07:07.5
Ang Vatican City naman ang pinakamaliit na bansa. Pinapaligiran ito ng two-mile borders sa Italy at may total area na 100 acres lamang.
07:17.5
Sa katunayan, sa sobrang liit ng Vatican City, mas maliit ito ng 120 times sa isla ng Manhattan sa New York.
07:24.5
Ilan pang interesting na mga records ay ang Denmark na may pinakahindi-corrupt na gobyerno sa mundo ayon sa Corruption Perception Index,
07:33.5
isang perceived level ng public sector corruption na na-measure gamit ang expert assessments at opinion surveys.
07:40.5
Ang Denmark din ang pinakamalinis na bansa sa mundo ayon sa worldpopulationreview.com.
07:47.5
Ang Pilipinas naman ay kilala para sa kanilang magagaling na athletes na tulad nila Manny Pacman Pacquiao at ang pinakamagaling na pool player sa kasaysayan, si Efren Bata Reyes.
07:58.5
Ang Pilipinas din ang may pinakamaraming nurses na nagtatrabaho sa iba't ibang parte ng mundo.
08:03.5
Sa kabilang banda, Italy ang pinakamalaking wine producer sa mundo. Nagpoproduce sila ng 4 million liters taon-taon.
08:11.5
Gayunpaman, ang pinakamalaking winery ang Milestimici ay wala sa Italy, pero nasa Moldova.
08:20.5
Ang winery ay may lawak na 75 miles at sila ang may hawak ng record na pinakamalaking wine collection sa buong mundo pagdating sa dami ng bote.
08:30.5
Gayunpaman, wala nang mas malakas pang uminom ng alcohol sa mga Czechs.
08:35.5
Ayon sa World Atlas, Czechia ang umiinom ng pinakamaraming purest alcohol per capita taon-taon na 14.3. Oo, malakas tumagay ang mga Czechs.
08:46.5
Ngayon, pag-usapan naman natin ang mga records na ayaw hawakan ng anumang bansa.
08:51.5
Ayon sa World Population Review, Bangladesh ang bansa kung saan pinakamalala ang pulusyon.
08:57.5
May na-measure na limang pollutants ang U.S. Environmental Protection Agency, ground-level ozone, particle pollution, carbon monoxide, sulfur dioxide at nitrogen dioxide.
09:09.5
May estimates din ang World Health Organization sa pollution levels ng bansa.
09:14.5
At ayon sa lahat ng metrics, Bangladesh ang may pinakamataas na level. Masama ang pulusyon. Pero alam mo kung ano ang mas masama? Isang korap na gobyerno.
09:25.5
Pinag-usapan na natin ang Corruption Perception Index kanina. Kung Denmark ang pinakahindi korap ayon sa index, ang pinakakorap naman na bansa sa buong mundo ay ang South Sudan.
09:36.5
Na-establish lamang ang South Sudan noong 2011. Pero nakuha pa rin na kawin ng kanilang gobyerno ang public funds nila.
09:44.5
Ang South Sudan ay nagpoproduce ng kalahating milyon na barrels ng langis araw-araw na siyang nagbibigay sa kanila ng $10 billion na revenue.
09:53.5
Sa kasamaang palad, $4 billion na ang nawala dito dahil sa korupsyon.
09:58.5
Pero ang nakakagulat dito, hindi ang South Sudan ang pinakamalungkot na bansa sa buong mundo kahit na sa grabe ng korupsyon.
10:06.5
149 countries ang pinasagot ng survey ng World Happiness Report at nalaman sa results na Afghanistan ang may pinakamababang score.
10:16.5
Ang Afghanistan ay may napakaraming mineral resources tulad ng gold at oil. Gayunpaman, sa dami ng mga labanan na nangyayari sa bansa,
10:24.5
maiintindihan mo kung bakit hindi masaya ang mga citizens nito.
10:28.5
Ang Afghanistan ang pinakamalungkot na bansa kahit noong hindi pa dumating ang mga Taliban upang gawing mas malagim pa ang sitwasyon ng bansa.
10:36.5
Sinimulan natin ang video sa pinakamayamang bansa kaya tatapusin din natin ito sa kanyang opposite.
10:43.5
Ang World Bank ay may four-tiered ranking system para sa mga ekonomiya na may sobrang baba na income at para sa mga pinakamahihirap na bansa.
10:52.5
Ang ranking ay nakabase sa Gross National Income, ang measure ng total income ng bansa na idinidivide gamit ang population nito.
11:01.5
Mula sa ranking na ito, ang bansang may pinakamababang GNI per capita sa halagang $271 lamang ay ang Burundi.
11:10.5
Ang civil war na nangyari noong 1993 hanggang 2005 ay ang pinakamalaking rason kung bakit napakahirap ng Burundi.
11:18.5
Dahan-dahan ding tumataas ang presyo ng pagkain sa bansa habang kumataas din ang populasyon.
11:24.5
Pangit na kombinasyon.
11:26.5
Anong world records ang alam mo? Ikoment mo dyan sa baba.
11:40.5
Thank you for watching!