Close
 


The UBE Strategy | The Philippine Meta | MPL-PH S12
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ilang beses nang dinikta ng Pilipinas ang meta ng MLBB Esports. Balikan natin ang isa sa mga meta strategies na nag-dominate ng MLBB scene, ang UBE Strategy na sinimulan ng Blacklist International. #LakasNgPinas #MPLPhilippines #MPLPH
MPL Philippines
  Mute  
Run time: 05:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Pagkatapos ng 3 World Championship, 3 Gold Medal, 2 MSC Championship, 1 National Team World Championship, tapos na taong Philippine Era, eh parang nakakalimutan na nila ha?
00:15.3
Sige, sa serye na ito, ituturo ko sa inyo ang mga strategya na nagpatunay na Pinas lang malakas.
00:23.0
Ito ang ating Philippine Meta!
00:30.0
Ako po si Renmar Reptar, Santa Cruz, at ngayong araw pag-aaralan natin kung paano pinatunayan ng Blacklist International na ang UBE o Ultimate Bonding Experience ay isang mga pinakamalakas na strategya na pwede mo gamitin sa ating paboritong laro, Mobile Legends Bang Bang.
01:00.8
Pang UBE strat ay isang in-game tactic kung saan ang buong team ay nagsasama-sama para ipanalo ang mga teamfights, objective taking, at panggugulo sa mga lanes habang sinusuportahan ng mga high damage heroes at maaasahang support heroes mula sa backline.
01:17.8
Isa itong strategy na madalas kumagamit ng mga utility junglers kasabay ng mga support heroes na may kakayahang mag-heal o buff ng kanyang mga kakampi.
01:27.8
Hindi tulad ng mga traditional na tank heroes na tumatangke lamang ng damage mula sa mga kalaban.
01:33.8
Kaya gana dito si Minotore, kaya niya tumangke, kaya niya mag-set, kaya rin niya mag-heal.
01:40.8
Maaari nang simulan ang UBE strat as early as possible.
01:43.8
Kapag nakuha mo na at ang inyong teammates ang kanika nilang ultimate skills o di naman kayay kung may available na strategic objective sa map, maaari nang magsama-sama para ipanalo ang mga teamfights.
01:55.8
Sa umbisa, ang mga marksman o gold laner heroes ay kadalasang binabantayan ng roamer at sumasama lamang sa teamfights kung may sapat na itong mga items at damage lalo na sa mid to late game.
02:13.8
Ang strata ito ay may kakayahang i-bait ang mga skills ng kalaban at i-sustain ang kanilang damage hanggang sa mawalan na ang enemy team ng kakayahan na makalaban sa mga teamfights.
02:26.8
Ang mga high sustain heroes sa frontline at support ang dapat humaharap sa kalaban, habang ang mga damage dealers tulad ng marksmen at mages ay dapat mahusay na nakapuesto sa mga clash para parusahan ang anumang errors at maling positioning ng mga kalaban.
02:42.8
Samantala, dapat andaan na crucial ang draft pick phase pagdating sa strat na ito para matiyak na maging efektibo ang lineup ng inyong team.
02:50.8
Mga heroes katulad ni Rafaela, Diggie, Faramis, Florin at Estes ang ilan sa pinaka-efektibong support heroes para magtagumpay ang strategy na ito,
03:02.8
habang sila Balmond, Aldous, Barats at Fredrin naman ang pinakamadalas gamiting jungler heroes ng Blacklist International dahil sa sustainability at kakayahan nitong kunin ang mga big objectives sa gitna ng mga laban.
03:17.8
Pero dati, nakita na rin natin madalas gamitin ng Blacklist ang Yi Sun Shin at Granger sa Ubi strat.
03:25.8
At alam nyo na ano ang nangyari dahil sa efektivity ng ganitong playstyle na kuhan ng Blacklist International ang tatlong MPLPH title at syempre ang M3 World Championship title noong 2021.
03:40.8
Patuloy na namamayagpag ang strat na ito at sa katunayan ay in-adopt na rin ito ng ibang MPL regions and MLBB esports leagues around the world.
03:54.8
At ngayong may konting idea na tayo kung paano gamitin ang Ubi strategy ng Blacklist International.
03:59.8
Umaasa kami na ma-improve nyo palalo ang inyong playstyle at makakadominate na kayo sa iyong ranked games.
04:05.8
Huwag na huwag nyo kalimutan, practice at in-game communication ang mga suse para maipatupad nyo ang inyong playstyle.
04:12.8
Pero ang tanong, ang pinoy meta ba na ito ay muling madudominate ang MPL Philippines Season 12 at paparating na M5 World Championship? Yan ang dapat nating abangan.
04:23.8
Kaya naman sana may intatutunan kayo sa video na ito at kung mayroon kayong tanong, dagdag o mga suggestion para pa-onla rin ang strat na ito, i-comment nyo lang ito sa baba.
04:32.8
Magkita kita tayo mali dito sa loob ng Land of Dawn.
04:36.8
Maging laging updated at ifollow nyo kami sa aming mga social media platforms sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram at ang official website ng MPL Philippines Season 12.
04:47.8
At tandaan nyo, sa mundo ng Mobile Legends, kung may alam ka, tiyak na mas malakas ka, kaya ano pa ang hinihintay mo? Laban na!