Close
 


Paano Makasurvive Sa Pagkahulog Ng Walang Parachute
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa videong ito, paguusapan natin kung paano ka makakasurvive pag nahulog ka sa eroplano ng walang parachute. Alamin ang mga totoong kwento ng mga nakaligtas sa ganitong sitwasyon. Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch #survival #science #whatif
Moobly TV
  Mute  
Run time: 11:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito na ang pinakahihintay mo, matagal mo ng pinangarap maranasan mag skydive, at ito na yun, ilang segundo na lang, tatalon ka na mula sa isang eroplano na may 14,000 feet na altitude.
00:14.0
3, 2, 1, Go!
00:18.0
Woohoo! Ang sarap sa pakiramdam!
00:21.0
Maya-maya ay binuksan at kinapa muna ang parachute mo.
00:25.0
Pero bigla ka nalang nagulat. Tinignan mo ang iyong katawan at doon mo na pagtanto, hindi ka pala nakapagsuot ng parachute. Ngayon ay nahuhulog ka na mula sa kalagitna ng ere. Anong gagawin mo?
00:41.0
Sa videong ito, pag-uusapan natin kung paano ka makakasurvive pag nahulog ka sa eroplano nang walang parachute.
00:49.0
Unang una, kailangan mong mag-relax. Huwag ka magpanik. Normal lang sa posisyon mo ngayon na matakot, pero kailangan mong ikalma ang sarili mo dahil kung magpapanik ka, posible kang mag-hyperventilate.
01:02.0
At kung mangyayari yan, hindi ka pa naglalanding ay sigurado na ang katapusan mo. Bagalan mo ang iyong paghinga, isang malalim na inhale sa iyong ilong at exhale sa iyong bibig.
01:14.0
Magpasalamat ka na lang at hindi ka nahulog mula sa isang commercial plane na walang parachute. Di hamak na mas mataas ang kahuhulugan mo, nasa 33 to 43,000 feet.
01:25.0
May posibilidad ka pang mamatay sa thermal shock dahil sa ginaw sa itaas na aabot sa negative 54 degrees Celsius. Kung hindi man, pwede ka pa ring himatayin sa hypoxia sa unang milya ng iyong pagkahulog.
01:39.0
Huwag ka mag-alala, magigising ka pa naman kung ganun.
01:42.0
Okay, kalmaro ka na. Ngayon, ang kailangan mong gawin ay humanap ng paraan upang mas bumagal ang pagbagsak mo. Paano?
01:51.0
Una, may dalawang termino kang dapat malaman. Ang drag at terminal velocity.
01:58.0
Habang nahuhulog ka, may nababangga ka na atmospheric molecules sa ere na siyang nagpapabagal sa iyong pagbagsak.
02:06.0
Sa madaling salita, gumagawa ito ng air resistance at tinatawag itong drag.
02:12.0
Habang mas bumibilis ang iyong pagkahulog, mas lumalaki din ang drag na nagagawa mo sa ere. At di magtatagal, ay babagal din ito.
02:22.0
Dito ka na aabot sa iyong terminal velocity. Ang ibig sabihin ito ay magiging stable na ang bilis ng iyong pagbagsak, at hindi na ito mas bibilis pa.
02:33.0
Maraming factors ang terminal velocity. Ang timbang mo, ang taas mo, at syempre, ang posisyon ng katawan mo.
02:40.0
Importante ang posisyon ng katawan sa mangyayari sayo. Kailangan mong ispread ang iyong katawan na tila nag-courting x ito.
02:48.0
Dapat ay flat ang iyong katawan. Kailangan mong humiga kung saan ang iyong ulo at dibdib ay nakaharap sa lupa.
02:55.0
Kailangan mong itaas ang iyong mga braso. Dapat ay lalagpas ito sa iyong ulo. Pagkatapos nito, kailangan mong igalaw ang iyong ulo pataas.
03:05.0
Tinatawag itong box position, at kaya nitong mapabagal ang bilis ng pagbagsak mo ng 10-15%.
03:13.0
Makakatulong din ang suot mo. Kung mas maluwag ang suot mo, mas mabagal ang bilis ng iyong pagkahulog.
03:20.0
Ito ang rason kung bakit isang karaniwang costume ng skydivers ay baggy suits.
03:25.0
Ayon sa datos, imbes na 125 mph ang bilis mo, pwede itong pababain ng mga baggy sa 100-110 mph.
03:35.0
Kung may suot kang ordinaryong pantalon at sweatshirt, tutulong din ito na mapabagal ang iyong pagbagsak ng 10%.
03:43.0
Kung akala mo, mas mapapabilis ang pagbagsak mo kung nakastrap ka sa isang upuan ng eroplano, at mas delikado ito.
03:50.0
Dyan ka nagkaamali.
03:52.0
Noong 1971, nadisgra siya ang sinasakyang eroplano ng 17-year-old na si Julianne Koopke.
03:59.0
Nagkahihwahiwalay ang mga parte ng eroplano, at nahulog siya mula sa 21,000 feet na altitude habang nakastrap sa kanyang upuan.
04:08.0
Nakasurvive si Julianne sa crash at maliliit lang ang injuries na kanyang natamo.
04:14.0
Nagkaroon siya ng broken collarbone, sprained knee at ilang sugat sa kanyang balikat at bintig.
04:20.0
Isa sa pinakaimportanteng bagay na dapat mong gawin ubang makasurvive ay ang paghahanap ng tamang landing spot.
04:27.0
Ang pahunahing layunin mo sa paghahanap ng landing area ay isang lugar kung saan mapapabagal ang deceleration mo.
04:35.0
Sa taas na pinagbagsakan mo, kung maglalanding ka sa isang matigas na lupa, masyadong magiging mabilis ang deceleration mo.
04:43.0
Mula sa 125 miles per hour, magiging zero ito sa loob lamang ng kalahating segundo. Siguradong mamamatay ka dito.
04:51.0
Ayon sa isang professor sa Sweden, upang makasurvive ang isang skydiver na walang parachute,
04:57.0
kailangan mong maglanding sa isang surface na may half meter na flexibility upang hindi ka magtamo ng injuries na pwedeng pumatay sayo.
05:05.0
Ito ang rason kung bakit nakasurvive ang World War II airman na si Alan Eugene Maggi.
05:11.0
Tumalon siya mula sa 22,000 feet na altitude at naglanding siya sa glass na bubong ng isang railroad station sa France.
05:19.0
Agad itong nabasag at bumagsak pa sa lupa si Maggi.
05:23.0
Sa kabutihang palad, napabagal ng bubong ang deceleration ni Maggi at nakasurvive siya dahil dito.
05:30.0
Siguro ay iniisip mo na maglanding sa dagat at hindi sa lupa dahil mas malaki ang chance ang mabubuhay ka.
05:38.0
Dyan ka nagkakamali.
05:40.0
Sa katunayan, mas delikado ang maglanding sa dagat kisa sa lupa.
05:44.0
Ang tubig ay hindi nagkokumpres, kaya kung lalanding ka dito, para ka lang din naglanding sa semento.
05:51.0
Mas malala pa nga ang dagat dahil kung hihimatayin ka, malululod ang katawan mo at siguradong hindi ka nagigising pa.
05:59.0
Pero kung wala ka na talaga magawa at sa dagat ka lang pwedeng lumanding, siguraduin mo na unang lalanding ang iyong paa.
06:07.0
Mababali ito, pero pwede ka pang makadogi paddle sa tubig.
06:11.0
Marunong ka naman siguro dyan, diba?
06:13.0
Ang tatlong pinakamagandang landing spot ay snow, swampland at isang lugar kung saan maraming puno.
06:20.0
Ang tatlong lugar na ito ay magpapabagal ng iyong deceleration at tutulong sa iyo na makasurvive.
06:28.0
Noong 1942, napilitang tumalon ang Soviet Air Force Lieutenant na si Ivan Kisov mula sa kanyang fighter plane nang matamaan siya ng mga kalaban.
06:39.0
Tumalon siya mula sa 23,000 feet na altitude at nag-landing sa lupa na may 3 feet na snow.
06:46.0
Nagkaroon ng broken pelvis si Ivan at mga injuries sa kanyang spinal cord.
06:51.0
Kayunpaman, nagkasurvive siya sa freefall at bumalik sa trabaho matapos lamang ang tatlong buwan.
06:58.0
Para naman sa British tail gunner na si Nicholas Alcamade, napilitan siyang tumalon mula sa kanyang aircraft nang mawalan ito ng kontrol.
07:06.0
Mula sa 18,000 feet na altitude, lumanding siya sa isang gubat na maraming kahoy at may snow sa lupa.
07:13.0
Nakatulong ang mga ito sa kanyang deceleration at nakasurvive siya ng may kaunting damage sa kanyang tuhod.
07:20.0
Kung lalaanding ka man sa isang mapunong lugar, siguraduhin mong tinatakpan ng iyong mga kamay ang iyong muka at pinoprotektahan ng iyong mga balikat ang iyong dibdib at ribs.
07:31.0
Sigurado magtatamukha ng maraming sugat mula sa mga puno, pero importante na protektado ang iyong mga vital organs.
07:39.0
Hindi lang mga sundalong nahulog o tumalon mula sa kanilang jets ang survivor ng freefalls.
07:44.0
Sa ngayon, karaniwan sa mga survivors ay skydivers, at ito mismo ang nangyari kay Michael Holmes.
07:50.0
Tumalon siya mula sa 15,000 feet na altitude, pero nang sinubukan na niyang buksan ang kanyang parachute, nag-malfunction ito.
07:57.0
Sa kabutiang palad, nag-landing si Holmes sa isang makapal na blackberry bush, at ito ang nakaligtas sa kanya.
08:04.0
Sa sobrang lakas ng impact, ilang araw ding tumagal ang nagmarkang katawan ni Holmes sa blackberry bush.
08:10.0
Nakapili ka na ng mababagsakan, paano mo naman masisiguro na doon ka nga lalaanding?
08:16.0
Mula sa box position mo ngayon, pwede mong kontrolin ang direksyon na pupuntahan ng iyong katawan na parang eroplano.
08:23.0
Ang iyong mga braso ang magsisilbing pakpak mo.
08:26.0
Kung gusto mong gumalaw pa abante, kailangan mong ilagay ang iyong mga kamay sa iyong tagiliran at is-straight ang iyong mga binti.
08:33.0
Kung gusto mo namang gumalaw pa atras, ilagay mo lang ang iyong mga braso sa harap ng iyong ulo at ikurba ang iyong mga binti.
08:41.0
Kung gusto mo namang gumalaw pa punta sa magkabilang gilid, kailangan mo lang itwist ang iyong katawan at ibaba ang banda ng iyong balikat sa direksyon na gusto mo.
08:51.0
Kung gusto mong kumanan, itwist mo lang ang iyong katawan pa kanan at ibaba ang iyong kanan na balikat.
08:57.0
Ngayon ay dumating na tayo sa huling step na gagawin mo.
09:01.0
Kailangan mo nang maghanda para sa landing.
09:04.0
Ilang segundo ka nang naka box o X position habang nahuhulog at ngayon ay kailangan mo nang ibahin ang posisyon ng iyong katawan.
09:12.0
Gagawin mo ito pagdating ng 1,000 feet bago ka umabot sa iyong babagsakan.
09:18.0
Alam kong wala kang paraan upang ma-measure ito pero siguro tansyahin mo nalang kaibigan.
09:24.0
Siyempre, napaka-importante na protektahan mo ang ulo mo.
09:28.0
Karamihan sa mga nahuhulog sa matataas na heights ay namamatay dahil nauntog ang ulo nila pagka landing at nagtamo sila ng head trauma.
09:38.0
Kaya naman, kailangan mong protektahan ito gamit ang iyong mga braso.
09:42.0
Ang pangalawa mong sisiguraduhin ay ang posisyon ng iyong mga paa.
09:46.0
Kailangan mong ibaba ang iyong mga paa upang ito ang unang tatama sa lupa.
09:50.0
Pero hindi mo ito pwedeng straight. Kailangan ay nakakurba ito ng posisyon.
09:55.0
Makakatulong ito na mapabagal ang iyong deceleration.
09:58.0
Gayunpaman, malaki ang chance na mababali ang mga buto sa iyong paa.
10:03.0
Ang ginagawa mo dito ay sinasakripisyo mo ang iyong mga paa para sa iyong katawan at ulo.
10:09.0
Pag landing mo, agad mong subukan na magroll sa iyong tagiliran
10:13.0
upang maprotektahan din ang iyong aorta, ang pinakamalaking artery sa katawan mo.
10:18.0
Karaniwan sa mga taong namamatay sa pagkahulog mula sa matataas na heights
10:22.0
ay dahil sa pagka-fracture ng kanilang spine sa top part nito na siyang nakakahiwa sa aorta,
10:28.0
ang naglalabas ng dugo mula sa iyong heart.
10:31.0
Sudden boom. Impact. Nag-landing na.
10:35.0
Kaibigan, andyan ka pa.
10:37.0
Congrats! Nakuha mong makasurvive sa pagkahulog sa eroplano nang walang parachute.
10:43.0
Tingnan mo na iyong paligid mo kung nasaan ka at agad ka lang tumawag ng tulong.
10:48.0
Hanggang sa muli.