Close
 


ERIC | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 26:55
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dito sa PAPADUDOD STORIES, ikaw ay hindi...
00:05.5
May kanya-kanyang kwento ang bawat taon na minsan ay hindi naiintimdihan ng iba.
00:11.5
Dahil sa totoong buhay ay hindi tayo pare-pareho ng pinagdadaanan.
00:18.0
Dear PAPADUDOD,
00:20.5
Magandang gabi po sa inyo at sa mga ka-istorya na kagaya ko ay palaging gising sa oras na ito
00:27.0
para sa bagong sulat na inyong babasahin.
00:31.0
Tawagin niyo na lamang po ko sa pangalan na Eric,
00:35.0
37 years old at nakatera dito sa Pangasinan.
00:39.5
Meron nga pala akong girlfriend at Jeya ang pangalan niya.
00:43.5
Nakilala ko siya dahil sa pinsang kong si Artina.
00:47.5
Sinama kasi siya ng pinsang ko sa bahay ng lola ko noong fiesta doon.
00:52.5
At sa unang kita ko pa lamang kay Jeya ay nagandahan na kaagad ako sa kanya.
00:58.0
Maliit na babae lamang siya.
01:01.0
Sinkit ang kanyang mga mata.
01:03.5
Wavy ang buhok na nakapuyod at morena ang kulay ng kanyang balat.
01:10.0
Nagpatulong din ako sa pinsang ko para makilala si Jeya at hindi naman ako nabigo.
01:16.5
Sinamahan ko pa nga siyang kumuha ng pagkain at halos hindi na ako umalis noon
01:21.0
sa tabi niya.
01:23.0
Kaya lang may pagka matahimik noon si Jeya kaya naman hindi rin kami masyadong nagkausap talaga.
01:32.5
Puro tango, oo at ngiti lang ang madalas niyang sinasagot sa akin.
01:38.0
Noong una iniisip ko na baka hindi niya lamang ako type kaya ganoon ang pakikitungo niya sa akin.
01:44.0
Hindi naman ako nagsisi kahit medyo napapahiyana ako sa tabi niya.
01:49.5
Kasi nga ang tahimik niya.
01:52.5
Sa loob-loob ko at least nag first move ako.
01:57.0
Dahil nga naisip ko na hindi ako type ni Jeya,
02:00.0
pagkatapos ng araw na yun ay plano ko na hindi ituloy ang pagporma sa kanya, papadudut.
02:07.0
Ganoon naman kasi karamihan sa ating mga lalaki.
02:11.0
Kapag naramdaman natin na hindi tayo gusto ng taong gusto natin ay hindi na natin itutuloy
02:16.5
ang pagporma para hindi na tayo magsayang pa ng oras.
02:21.5
Kaya lang ng mga sumunod na araw, hindi siya maalis sa isipan ko.
02:27.5
Palagi kong nakikita ang maganda niyang muka sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.
02:34.5
Kaya naman tinanong ko kay Artina ang Facebook account ni Jeya
02:39.5
at kaagad naman itong binigay sa akin ng profile para ma-add ko.
02:44.0
Papadudot tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin nina-accept ni Jeya ang friend request ko.
02:52.0
Doon ko na naisip na mukhang wala na talaga akong pag-asa para kay Jeya.
02:57.0
Hanggang isang hapon literal na bumilis ang tibok ng puso ko
03:02.0
nang makita ko ang pangalan ni Jeya na nag-notify sa cellphone ko.
03:08.5
Jeya has accepted your friend request.
03:11.5
Yun ang notification na nagpangiti talaga sa akin noon.
03:16.5
Nakita ko na online siya kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon na yun para i-chat siya.
03:22.5
Nagpakilala ako, nag-thank you sa pag-accept niya sa friend request niya at kinamusta ko siya.
03:28.5
20 minutes ang lumipas, nakatiting lamang ako sa laptop
03:33.0
hanggang sa muli akong napangitin nang makita kong nag-reply na siya sa wakas.
03:39.0
Hi Eric, siyempre natatandaan kita.
03:43.5
Ang daldal mo noon eh.
03:45.5
Joke, okay naman ako.
03:48.5
Ikaw kumusta? reply ni Jeya sa akin.
03:53.0
Okay na okay din lalo na at ina-accept mo na ang friend request ko.
03:57.5
Tugon ko.
03:59.0
Grabe siya.
04:00.5
Sorry kung late ko nang na-accept.
04:03.5
Ambisa rin kasi ako kanina sa pagkaayos ng kwarto.
04:07.5
Reply niya.
04:09.0
Okay lang yun. Ang mahalaga naman ngayon ay magkausap na tayo ulit.
04:13.5
Pasensya na pala kung masyado yata akong naging madaldal noong nakaraan.
04:17.5
Ang sabi ko.
04:19.0
Nako ayos lang.
04:21.0
Ako nga ang dapat humingi ng pasensya kasi hindi ko nasabayan ang kadaldalan mo.
04:26.0
Hindi rin kasi talaga ako palakwento.
04:29.0
Reply niya.
04:30.5
Sakto pala eh.
04:32.0
Mukhang bagay tayong dalawa.
04:34.5
Isang palakwento at isang hindi palakwento.
04:38.0
Mukhang magkakasundo talaga tayo Jeya.
04:41.0
Pagbibiruko sa kanya.
04:43.5
Papadudot na lamang ko kay Artina na walang boyfriend si Jeya.
04:48.0
Kaya mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na ituloy ang pagporma sa kanya.
04:53.0
Manakas kasi talaga ang naging tama ko kay Jeya.
04:57.0
Hindi siya maalis-alis sa isipan ko.
05:00.0
Lalo na ang mga ngiti niya.
05:02.0
At sa totoo lang, medyo nahirapan din ako sa panliligaw ko sa kanya.
05:07.0
Kasi may pagkakonserbatibo siyang babae.
05:11.5
Kumusta na yung pinopormahan mo pare?
05:14.5
Tanong ng katrabaho ko na si Mario.
05:17.5
Um, ayun.
05:19.0
Okay naman siya.
05:20.5
Tugon ko.
05:21.5
Sira, hindi naman talaga siyang kinukumusta ko.
05:24.5
Kung hindi ang panliligaw mo sa kanya.
05:27.0
Natatawang wika pa ni Mario na kinatawa ko na rin.
05:31.5
Okay din naman.
05:32.5
Hanggang ngayon, nanliligaw pa rin ako sa kanya.
05:35.0
Tugon ko.
05:36.5
Seryoso pare?
05:38.5
Parang mahigit kalahating taong ka na nanliligaw sa kanya?
05:42.0
Sabi naman ang isa ko pang katrabaho na si Denver.
05:46.0
Ganon talaga.
05:47.5
Sabi ko habang patuloy na nagtatype sa kaharap kong laptop
05:51.5
para kunwari busy ako at walang oras na makipagkwentuhan sa kanila.
05:56.5
Kaya lang ay nagpatuloy pa rin sila sa pag-uusisa sa akin.
06:01.5
Mababasad ka na yata dyan sa jeya na yan?
06:05.0
Wika pa ni Denver.
06:07.0
Buka namang hindi,
06:09.0
sabi ni Mario.
06:10.5
Paano mo naman nasabi?
06:12.5
Tanong ni Denver.
06:14.5
Sabi kasi ni Eric eh konservative at mahiyain talaga yung nililigawan niya.
06:19.0
Yung mga ganon babae, mahirap talaga mapasagot kaya kailangan mong tsagain.
06:23.5
Wika pa ni Mario.
06:26.0
E paano mo nga nasabi na hindi mababasted tong kaibigan natin?
06:31.0
Muling tanong pa ni Denver.
06:33.5
Tahimik lang ako noon at patuloy sa pagtatype pero ang isip at tinga ko
06:38.5
ay nasa mga katrabaho ko na nakaupo sa pagkabilang tabi ko pa.
06:43.5
Kasi kung mababasted si Eric, matagal na niyang tinigil ang paliligaw kay jeya.
06:50.0
Kaya alam ko naramdam niyang may pag-asa siya kaya hanggang ngayon
06:54.0
nagtsatsaga pa rin siyang manligaw.
06:56.5
Tama ba ko pare?
06:58.0
Baleng ni Mario sa akin.
07:00.5
Natatawang umiling na lamang ako.
07:03.0
Ang dami mong alam,
07:05.0
tugon ko.
07:06.5
Ang totoo pa padudod ay tama si Mario sa mga sinabi niya noon.
07:11.0
Pero hindi ko lamang maamin kasi siyempre nahihiya din ako.
07:15.0
Pero isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako humihinto sa panliligaw,
07:19.0
kahit medyo may katagalan na at naiinip na rin ako
07:22.5
kasi ramdam ko naman na kahit papaano'y may patutunguhan ang lahat,
07:26.5
na hindi masasayang ang effort na ginagawa ko noon para kay jeya.
07:32.5
Salamat sa pagkatit mo sa akin dito sa apartment.
07:35.5
Uwi ka noon ni jeya.
07:38.0
Wala yun.
07:39.0
Alam mo naman na gusto ko lang na safe ka makauwi dito.
07:42.5
Tugon ko naman sa kanya.
07:45.0
Oo pero nahihiyarin kasi ako sa iyo e
07:47.5
ang sabi niya.
07:49.5
Bakit ka naman mahihiya?
07:51.5
Gusto ko naman itong ginagawa ko,
07:53.5
ang wika ko sa kanya.
07:55.5
Siyempre kasi alam mo naman na napapagod ka rin.
07:59.0
Out of the way kaya itong place ko sa place mo,
08:02.5
wika niya.
08:04.0
Okay lang yun kasi ang mahalaga naman
08:06.0
sa akin ay nakasama kita kahit sa paghahatid ko man lang sa iyo dito pa uwi sa place mo.
08:12.5
Tugon ko.
08:15.0
Hindi ka pa napapagod?
08:16.5
Tanong niya.
08:18.0
Numiti ako at hinawakan ang mga kamay niya.
08:21.0
Kahit kailan ay hindi ako mapapagod.
08:24.0
Tugon ko.
08:25.5
Gumuhit din ang ngiti sa mga labi ni jeya
08:28.5
at parang nag slow motion sa akin ang lahat.
08:31.0
Nang dahan-dahan niyang nilapit ang mga labi niya na dumampi sa pisngi ko.
08:37.0
Ingat ka.
08:38.5
Uwi ka pa niya bago pumasok sa loob ng bahay.
08:42.0
Naiwan ako sa kinakatayuan ko na nakahabol ng tingin kay jeya hanggang sa makapasok na siya sa loob ng apartment niya.
08:50.5
Wala sa loob na nasapo ang pisngi ko.
08:54.0
Kung saan ay dumadampi ang mga labi niya
08:57.0
at muli akong napangiti nang makaramdam ako ng munting kilig sa puso ko.
09:04.0
Papadudod si jeya ang babae na pinakamatagal kong niligawan sa tanang buhay ko.
09:10.5
At aaminin ko na may mga panahong naiinip na rin talaga ako noon.
09:15.5
Gusto ko na siyang sukuan kasi hindi ko na rin talaga alam kung may mapapala pa ba ako sa panliligaw na ginagawa ko sa kanya noon.
09:25.5
Kasi kahit ramdam ko na parang gusto niya rin naman ako at nagpapakipot lamang siya,
09:31.5
may mga oras na parang nararamdaman ko na malina yung interpretasyon ko.
09:36.5
Lalo na kapag tahimik lamang si jeya nakasama ko,
09:40.5
parang malamig ang pakikitungo niya sa akin at hindi niya ako trip na kausap.
09:45.5
Sumasagi sa isipan ko mga tanong na kailangan ko pa ba talagang ituloy ang ginagawa ko o hanggang doon na lamang talaga kami.
09:55.5
Pero wala e sadyang tinamaan ako sa kanya.
09:59.0
Kaya hindi ko siya mabitaw-bitawan.
10:01.5
Lalo na at may mga oras na medyo sweet din siya sa akin kahit napapaano.
10:08.0
Ganun yata talaga kapag nagmamahal tayo ng totoo.
10:12.5
Mahirap ng kontrolin ang nararamdaman.
10:16.5
Kaya naman sa kabila ng sinasabi ng mga kaibigan ko na itigil ko na ang panliligaw ko ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa ko.
10:23.5
Pinakita ko kay jeya na deserving ko ang matamis niyang oo,
10:28.0
na seryoso ako sa panliligaw ko sa kanya,
10:31.5
na mahal ko talaga siya.
10:35.0
Mabuti na lamang papadudut at dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko.
10:40.0
Siyam na buwan na panliligaw at paghihintay.
10:43.5
Sa wakas ay sinagot na rin ako ni jeya at pakiramdam ko ay literal na isa ako sa mga pinakamasayang lalaki sa buong mundo.
10:52.5
Dahil sa wakas ay nagbunga din ang effort ko noon.
10:56.0
Nangako ko kay jeya na hindi ko kailanman.
10:59.5
Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay niya sa akin.
11:04.5
Mamahalin ko siya ng totoo at ng buong puso ko.
11:08.5
Happy 1st Anniversary, babe. Masayang wika ko bago hinawakan ang kamay ni jeya.
11:15.0
Ngumiti siya sa akin at mahinang sumagot.
11:18.5
Happy 1st Anniversary din, babe. Tugon niya sa akin.
11:23.0
Grabe no, ang bilis ng panahon. Naka isang taon na kagad tayo sa relasyon natin. Wika ko.
11:30.0
Oo nga, babe. Hindi ko kagad napansin yun ang sabi niya.
11:34.0
Akala ko talaga, mababasid mo na ako ang sabi ko.
11:39.0
Bakit mo naman iniisip yan, tanong niya.
11:42.5
Wala lang, para kasing wala na akong pag-aasa sayo dati.
11:46.5
Buti na lang talaga at sinagot mo rin ako noon, ang wika ko.
11:50.5
Alam mo naman ang dahilan, gusto ko lang na mas makilala pa natin ang isa't isa, ang wika niya.
11:57.0
Kaya nga eh, hindi talaga ako nagsisisi na naghintay ako sayo, babe, ang sabi pa niya.
12:04.5
Ngumiti naman si jeya pero hindi na nagsalita pa.
12:08.5
Babe, masaya ka ba ngayon?
12:11.5
Pansin ko sa kanya kasi ang tipid na mga ngiti at sagot na ibinibigay niya sa akin.
12:17.5
Ha? Eh siyempre naman, babe. Masaya ako.
12:21.0
Kagad na sagot niya sa akin.
12:23.5
Para kasing may iba kang iniisip, ang wika ko.
12:28.0
Ano lang kasi, alam mo naman na medyo hindi ako sanay sa mataong lugar.
12:33.5
Kaya heto, nahihiyang sabi niya.
12:37.0
Medyo kilalang restaurant ang pinuntahan namin para mag-celebrate kami ng aming first anniversary.
12:43.5
May kamahalan din ang pagkain doon pero ayos lang kasi gusto ko talaga na maging espesyal ang araw na yon.
12:49.5
Para sa aming dalawa, Papa Dudot.
12:52.5
Pero dahil araw ng linggo, medyo madaming customer doon sa restaurant.
12:58.5
Gusto mo ba na umuwi na lang tayo ng maaga? Tanong ko.
13:03.5
Okay lang ba?
13:05.5
Pasensya na talaga ha. Hindi lang ako sanay, babe.
13:09.0
Wika naman niya.
13:11.0
Papa Dudot, kahit gusto ko pasanang magtagal kami doon para mas masulit ang bayad namin at oras
13:16.5
ng pagsasama sa isang espesyal na lugar.
13:20.5
Pinili ko na lamang na umuwi kami ng maaga para mas mag-relax ang girlfriend ko.
13:27.0
Introvert at claustrophobic siya kaya ayaw niya ng maraming tao sa paligit.
13:33.0
Babe, eto ang kapeo.
13:34.5
Ang wika ni Jeyan ang makalapid sakin habang nakaupo ako sa may sofa.
13:39.5
Thank you, babe. Tugon ko.
13:42.0
Bukas ang TV na nakaharap noon at may nagpiplay na romantic movie.
13:47.0
Nakaramdam ako ng paghawak ni Jeya sa kamay ko at pagsandal niya sa balikat ko.
13:54.0
Babe, thank you ha.
13:56.5
Malambing na sabi niya sakin habang hawak niya ang kamay ko.
14:00.5
Para saan? Pagtatak ako.
14:03.5
Kasi palagi mo na lamang akong pinagbibigyan sa gusto ko ang wika niya.
14:09.0
Give and take lang naman tayo, babe, sabi ko.
14:12.5
Hindi eh, ikaw yung madalas ang nagpapaubaya.
14:16.5
Ikaw yung palagi nag-a-adjust sa ating dalawa.
14:20.5
Kaya nga minsan ay nahihiyana ako sayo.
14:23.5
Kasi palagi ka na lamang nag-a-adjust sa ugali ko.
14:27.0
Medyo malungkot na sabi niya.
14:29.5
Which is okay lang sakin kasi hindi naman ako masyadong nahihirapan na mag-adjust ang sabi ko sa kanya.
14:38.0
Thank you talaga, babe.
14:40.0
Malambing niya akong hinagkaan sa pisingi ko bago niyakap ang braso ko.
14:44.5
Sa totoo lang, papadudot ay medyo malaking adjustment din ang kinailangan kong gawin para sa relasyon namin ni Jeya.
14:53.0
Lalo na ata na may pagka-outgoing person ako.
14:57.0
Madalas na sumasama ako sa mga kaibigan ko na lumabas, magparty at makipag-inuman.
15:04.0
Gusto kong isama si Jeya pero never siyang subama dahil ayaw niya sa mataong lugar.
15:10.0
Kaya naman wala kong ibang nagagawa kung hindi ang hayaan na lamang siya sa gusto niyang gawin.
15:16.5
Papadudot may mga oras naman na naisasama ko si Jeya sa mga lakad ko lalo na kapag family gathering.
15:24.0
Pero sobrang bihira lang yun kasi kahit sa family ko ay nahihiyarin siya na magpakita.
15:31.5
Hello, babe. Hindi ka na ba talaga makakasunod dito?
15:35.5
Tanong ko habang kausap ko sa cellphone si Jeya.
15:38.5
Babe, hindi na talaga e. Sumasakit kasi ang pusun ko. Tugon niya sa kabilang linya.
15:45.0
Gusto mo ba nasunduin kita? Tanong ko pa.
15:48.0
Huwag na, babe. Bawi na lang talaga ako next time. Pasensya na kasi masakit talaga ang pusun ko. Ang wika pa niya.
15:56.0
Masakit ba talaga ang pusun mo o ayaw mo lang talaga na pumunta dito dahil iniisip mo na maraming bisita? Tanong ko.
16:04.0
Hindi nakasagod sa kabilang linya si Jeya.
16:07.5
Babe, hindi naman ganun karami ang tao ngayon dito sa bahay ni Lola. Malit lang naman ang pamilya namin.
16:13.5
Saka alam mo na matagal ka na rin gustong makilala ng family ko. Ang sabi ko pa.
16:18.5
Sorry, babe. Bawi na lang talaga ako next time. Uwi ka naman niya.
16:23.5
Kagaya lang dati wala akong nagawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niyang gawin.
16:28.5
Nasaan na ang girlfriend mo? Tanong ni mommy.
16:32.5
Birthday pa noon ni Lola at kumpleto ang pamilya namin. Kasama ang mga partner ng pinsan at kapatid ko.
16:40.0
Masakit daw pong pusun niya kaya hindi raw po siya makakasunod. Tugon ko.
16:45.0
Dapat sinundo mo na lang siya. Ang wika pa ni mommy.
16:49.0
Hindi rin daw po siya talaga makakasama kahit sunduin ko siya.
16:53.0
Dahil hindi raw po talaga okay ang pakiramdam niya. Ang wika ko.
16:58.0
Hindi ba talaga okay ang pakiramdam niya o sadyang ayaw niya lang talagang pumunta?
17:02.5
May pagtatampong wika pa ni mommy.
17:05.5
Natahimik ako noon at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
17:10.5
Anak, sana naman ay bigyan kami ng oras ni Jeya na mas makilala siya.
17:16.5
Alam mo naman na matagal na siyang gustong makilala ng mga pinsan mo pero ayaw niya naman magpunta rito.
17:22.0
Ang wika pa ni mommy.
17:24.5
Mahihayan po kasi si Jeya, mommy, ang sabi ko.
17:28.5
Ayos lang naman yun pero kasi magiging parte na rin siya ng pamilya na ito kaya dapat
17:33.5
nag-i-effort din siya na makilala kami.
17:36.5
Hindi pwede na palaging kami ang maghihintay at mag-a-adjust para sa kanya,
17:41.5
ang sabi pa ni mommy.
17:44.0
Papadudot may point si mommy sa sinabi niya na yun.
17:48.0
Hindi lang naman siya ang naghanap kay Jeya kung hindi pati na rin ang mga pinsan at kapatid ko.
17:53.5
Sa paglipas pa ng panahon sa relasyon namin ay parang tatlong beses pa lamang siyang nakakasama ng pamilya ko.
18:00.5
Hindi pa nga siya nakilala ni lola na ilang beses nang umuwi galing Canada.
18:06.5
Ako pa naman ang bunso sa aming apat na magkakapatid kaya excited na rin siyang makilala ang girlfriend ko.
18:13.5
Grabing sobrang mahihain talaga ni Jeya no?
18:16.5
Ang wika pa ni ate Iris.
18:18.5
Oo ate, ewan ko ba dun.
18:20.5
Wala naman dapat siyang maramdaman na hiya since kaya na pamilya ko lang ang makakasama niya dito sa bahay,
18:27.5
ang sabi ko naman.
18:29.5
Oo nga e, parang kakaiba.
18:31.5
Nung minsan na sinama mo siya rito,
18:33.5
ramdam ko na hindi talaga siya komportable.
18:36.5
Parang ayaw niya na napapalibutan ang mga tao.
18:39.5
Ayaw niya nang may nakatingin sa kanya.
18:42.5
Eric, minsan ba e, natanong mo sa kanya ang dahilan kung bakit gano'n siya?
18:47.5
Baka kasi may mas manalim siyang dahilan.
18:49.5
Kung bakit hindi siya komportable sa ibang tao?
18:53.0
Sabi pa ni ate Iris.
18:55.5
Papadudot nung una ay normal lang namaan para sakin ang gano'ng ugali ni Jeya.
19:01.5
Pero habang tumatagal ay parang hindi na ngayon nagiging okay sa akin.
19:05.5
Wala kong problema kung hindi siya sumasama sa mga lakad namin ng mga kaibigan ko
19:10.5
kasi nga alam ko na ayaw niya sa mga party o mauusok at may ingay na lugar.
19:15.5
Pero pati kasi sa bahay ni na mami ay hindi rin siya komportable.
19:20.0
Kaya naman sinunod ko noon ang payo ni ate Iris na kausapin si Jeya tungkol sa bagay na yon.
19:28.5
May gumulo ba sa isipan mo, babe?
19:31.5
Tanong ni Jeya habang magkasama kami sa place niya.
19:36.0
Wala naman, tugon ko.
19:39.0
Pakaramdam ko yung meron.
19:41.0
Ano ba yun?
19:42.0
Pag-uusisa pa niya.
19:44.5
Um, napapaisip lang ako, babe.
19:47.0
Bakit ayaw mo sa matataong lugar?
19:51.0
Tanong ko sa kanya.
19:53.5
Nasabi ko na sa'yo yan.
19:55.5
Hindi ako komportable.
19:57.5
Uy, kanya.
19:59.0
Pero bakit nga?
20:00.5
Tanong ko pa.
20:01.5
Saglit na natahimik si Jeya at nakatitig sa akin at tila pinag-iisipan ang susunod niyang sasabihin.
20:08.0
Hanggang si ipagtapat niya sa akin ang isang bahagi ng kanyang nakaraan.
20:12.5
Papadudot biktima ng pagmamaltrato si Jeya ng kanyang kinanakhan na tito at tita.
20:19.5
Ulila na siya sa tatay at ang nanay niya ay nagtatrabaho sa abroad.
20:24.5
Inihabilin siya nito sa kanyang mga tito at tita na madalas siyang sinasaktan sa harap ng limang pinsan niya na niminsan ay hindi man lang siya tinulungan o ipinagtanggol.
20:36.5
Madalas pa na pati ang mga ito ay sinasaktan siya ng verbal at pisikan.
20:41.0
At nang malaman niyo ng nanay niya, nang makauwi ito galing abroad ay kagad siyang kinuha nito at kailanman ay hindi na muli pa itong nag-abroad.
20:50.0
Sa kabila ng pagbawi at pag-aalaga ng nanay niya sa kanya ay hindi na nawala ang trauma na iyon kay Jeya.
20:57.0
Daladala na niya iyon hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral.
21:01.0
Nakapag napapalibutan siya ng mga taway parang may gagawin itong masama sa kanya.
21:06.5
Parang sasaktan siya anumang oras.
21:09.5
Kaya naman hindi siya makatingin sa mata ng mga ito.
21:12.5
Palaging umiiwas para lamang hindi mahalata na malapit na siyang maiyak.
21:18.0
At nang matapos ang kanyang pagkwekwento, hindi na niya napigilan ang sarili niyang maiyak.
21:24.5
Ang sabi niya ay parang bumabalik ang trauma ng nakaraan dahil sa pagkwekwento niya.
21:30.5
Parang nararamdaman niya ulit ang pananakid sa kanya ng mga kamag-anak niya.
21:36.0
Kaya naman niyakap ko siya ng mahipit at sinabi ko na kailanman ay wala nang sino man ang makapananakid pa sa kanya.
21:46.0
Papadudod panaliwanag ko rin sa pamilya ko ang sitwasyon noon ni Jeya.
21:50.0
Ang tungkol sa kanyang trauma at nakaraan.
21:53.0
At kagaya ng inaasahan ko ay wala akong kahit na anong panghuhusgang narinig mula sa kanya.
22:00.0
Sinabi nila na gagawin nilang lahat para maging komportable si Jeya sa kanila.
22:04.5
Kaya naman ang sumunod na araw, nanakumbinsi ko si Jeya na sumama sa bahay namin para mag dinner kasama ang pamilya ko.
22:13.5
Nakita ko kung paano sinimulan ni Jeya na ilapit sa pamilya ko ang sarili niya.
22:19.5
Nakipag-usap na siya sa mga ito ng paunti-unti at nagkwekwento na kahit na papano.
22:25.5
Ganon din ang ginawa din ang mami sa kanya, hindi niya pinipressure si Jeya na magkwento sa kanila.
22:31.0
Papadudot lumipas ang mga araw, linggo at buwan.
22:36.0
Unti-unti nang napalapit ang loob ni Jeya sa pamilya ko hanggang sa wakas ay tinuring na rin niya itong pamilya niya.
22:44.0
Nakakatuwa kasi pareho silang nag-adjust sa isa't isa.
22:48.0
Binigyan nila ng oras na mas makilala ang bawat isa.
22:52.0
Sa ngayon, papadudot ay limang taon na kaming kasal ni Jeya at may dalawa na ring anak.
22:58.5
Hindi pa rin 100% na nawawala ang trauma ni Jeya pero ramdam ko naman na kahit papaano ay buo na kami bilang isang masayang pamilya.
23:08.5
Maraming salamat po papadudot kung sakali ma na mapili po ninyo ang sulat ko at sana ay nakapag-iwan po ito ng aral sa ating mga tagapakinig.
23:18.5
Na ang susi sa pagkakaroon ng isang maayos na relasyon ay maayos na komunikasyon ng dalawang tao sa isa't isa.
23:27.0
Kailangan na maging bukas sila sa bawat kwento ng kanilang buhay upang sila ay magkaintindihan.
23:34.0
Hanggang dito na lamang po.
23:37.0
Lubos na gumagalang,
23:39.0
Eric
23:41.0
Maibang tao talaga na mahirap intindihin.
23:44.0
Lalo na kung hindi pa natin sila lubusang nakikilala.
23:48.0
Kung bagay hindi pa natin alam ang totoong kwento ng hugot sa buhay nila.
23:51.5
Salamat Eric sa pagbibigay ng oras na may ishare sa aking YouTube channel ang kwento ninyo ng asawa mong si Jeya.
24:00.5
Hindi kita masisisi kung minsan ay nagkakaroon ka ng issue sa relasyon ninyo dahil sa pagiging introvert ng girlfriend mo.
24:08.5
At ngayon ay asawa mo na.
24:10.5
Pero maswerte ka parin at nagawa ni Jeya na mag-adjust kahit papaano para sa iyo at sa mga taong mahalaga sa buhay mo.
24:18.0
Pero mas maswerte si Jeya dahil hindi kasumuko sa naging pagsubok ng relasyon ninyong dalawa.
24:26.0
Mga kaistorya pagating sa relasyon.
24:29.0
Dapat dalawang tao ang nag-a-adjust para sa isa't isa.
24:34.0
Hindi kasi pwede na isa lang nag-i-effort para mapagtibay ang relasyon.
24:39.0
Dapat nasabay kayong nag-iihlahan pataas para walang naiiwan sa ibaba.
24:43.5
At kung may isa man sa inyo ang sadyang mas mahina, bigyan niyo siya ng lakas para siya ay umangat at makasabay sa iyong pagtaas.
24:53.5
Huwag kalimutan na mag-subscribe sa Kaistorya Youtube Channel.
24:57.5
At sa isa ko pang channel ang Papa Dudut Family.
25:02.5
Maraming salamat po sa inyong lahat.
25:13.5
Mga problemang kaibigan
25:18.5
Dito ay pakikinggan ka
25:24.5
Mga problemang kaibigan
25:29.5
Dito ay pakikinggan ka
25:34.5
Mga problemang kaibigan
25:38.5
Dito ay pakikinggan ka
25:44.0
Sa Papa Dudut Stories
25:49.0
Kami ay iyong kasalaman
25:56.0
Dito sa Papa Dudut Stories
26:01.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
26:09.0
Dito sa Papa Dudut Stories
26:13.0
May nagmamahal sa'yo
26:21.0
Papa Dudut Stories
26:27.0
Papa Dudut Stories
26:33.0
Papa Dudut Stories