Close
 


Sec. Teodoro: China, Hindi Mapagkakatiwalaan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Tinutukan ng laser, binomba ng tubig, at hinarang ng China ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Pero ayon sa kanila, hindi ito pambu-bully! Kaibigan daw nila ang Pilipinas! Pinoprotektahan lang daw nila ang kanilang karagatan na nasa loob naman ng ating Exclusive Economic Zone. Kung si Defense Secretary Gilbert Teodoro ang tatanungin, hindi mapagkakatiwalaan ang Tsina!! Puwede pa ba nating maging kaibigan ang China gaya ng dati? #TuneInKayTunyingLive #KaTunying #AnthonyTaberna #TunyingExclusives
Tune In Kay Tunying
  Mute  
Run time: 03:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang China ba ngayon? Ano ba ang trato natin, kaibigan o ka-awal?
00:07.7
Doon sa usaping West Philippine Sea at South China Sea ay katunggali sa claims.
00:18.7
Yan ay hindi mababago yan kasi kliniklaim nila yung buo.
00:23.4
Pero siyempre kung madadaan ito sa prinsipyadong usapan na open, transparent at hindi bulong-bulong, mabuti.
00:38.2
Pero ganun pa man ang nakikita natin kasi bagamat kunwari nagmamabait, sa ilalim naman iba ang ginagawa.
00:47.6
Patuloy ang kanilang pagkukukop ng South China Sea kasi gusto nilang kontrolahin yung buong South China Sea.
00:56.5
So sana naman kung sila ay prinsipyado, kung sila ay sensitibo sa opinion ng mundo,
01:09.2
didingin nila tayo at hindi tayo nila iipitin sa ibang mga bagay.
01:15.0
At kung ano ang nasa UNCLOS, international law at mga claims natin, pagbigyan na tayo.
Show More Subtitles »