Close
 


Ano ang FALSE BALANCE sa journalism?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
In this #AlamNaThis episode, we explain how propagandists and purveyors of disinformation exploit the idea of impartiality in journalism, and why we should all guard against “false balance.”
Christian Esguerra
  Mute  
Run time: 05:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang journalism, sabi nila, dapat patas. Walang kinikilingan.
00:04.4
Talaga ba?
00:05.8
E paano kung ang storya tungkol sa magnanakaw, saka yung ninakawan niya?
00:09.8
Kunwari, korap na opisyal ng gobyerno na nagbulsa ng limpak-limpak na pera.
00:14.6
Saka yung biktima niya, meaning taong bayan.
00:17.2
Wala pa rin ba tayo dapat kilingan?
00:19.6
So kung 10 minutes ang ibinigay sa mga kritiko at nag-aakusa,
00:23.2
saktong 10 minutes din ba dapat sa korap na politiko? Para patas?
00:28.0
Pag-usapan nga natin yan para alam na this.
00:40.8
Sa pamamahayag, importante yung tinatawag na balance.
00:44.2
Ibig sabihin, hindi kumikiling sa isang side lang.
00:47.3
Tawag din dito, impartiality.
00:50.2
Kunwari, nagre-report ka tungkol sa dalawang kandidato.
00:52.9
Hindi pwedeng parang kinakampanya mo na yung isa. Iba na yun.
00:56.5
Propagandista ng tawag doon.
00:58.6
So dapat, non-partisan ka.
01:01.6
Kaya nga kung hindi nyo alam, pag-journalist ka,
01:04.1
hindi ka dapat member kunwari ng isang political party.
01:07.6
Pati nga sa school, applicable yan eh.
01:09.9
Pero ha, remember ka ng school paper.
01:11.7
Hindi dapat na nasa student council ka rin.
01:14.2
Kasi makukumpermiso yung independence mo.
01:17.6
Ngayon, bakit importante ang balance sa reporting?
01:21.1
Ang idea kasi, hindi pwedeng isang side lang ang naririnig na mga news consumers.
01:25.9
Pagano'ng kasi nagiging biased o one-sided yung pagtingin nila sa isang issue
01:30.5
na hindi necessarily tama ah.
01:32.6
Ayos tong galitong prinsipyo kung pantay nakikita nating ebidensya
01:36.4
na sumusuporta sa bawat panig.
01:39.1
Sa example natin kanina sa dalawang kandidato,
01:41.8
kunwari, pareho silang may history of corruption.
01:45.0
Hindi pwedeng yung isa lang yung bububusisiin mo,
01:47.0
tapos yung isa, wala lang.
01:49.3
Dapat pareho silang tanongin at pasagutin
01:52.0
dahil boto at tiwala ng taong bayan ang nililigawan nila.
01:56.0
Another example,
01:57.5
kunwari si mayor pinagbibintangang may 40% cut sa isang proyekto,
02:01.9
a nagbibintang yung natalong kalaban nung nakaraang eleksyon,
02:05.7
at mukhang gawa-gawa lang yung kaso.
02:08.2
Maiging silipin yung mismong bintang pati ebidensya na inihain,
02:12.4
tapos ilabas natin yung side o sagot nung pinagbibintangan.
02:16.2
Dapat sapat yung airtime o space sa report natin.
02:20.0
Hindi pwedeng yung accuser lang yung laman ng report.
02:22.9
Sa example na to,
02:24.2
clearly sinisikap natin maging balanced or impartial.
02:28.1
Ngayong punta tayo sa exciting part.
02:30.6
May mga pagkakataon naman na yung idea na impartiality
02:33.8
ineexploit na mga may sariling agenda.
02:36.8
Naalala nyo ba yung kasagsagan ng pandemic?
02:39.2
Hindi ba may mga nagsabi na
02:40.8
hindi naman daw mabisa yung mga bakuna e,
02:43.3
kaya syo nakakamatay pa raw?
02:45.4
Kunwari talk show host ka,
02:47.4
dapat maimbitahan mo pareho yung eksperto sa bakuna
02:50.4
kasabay ng anti-vaxxer for the sake of balance?
02:53.8
Kahit overwhelming yung ebidensya na vaccines work,
02:57.4
pero dinidispute to nung isang panig?
03:00.2
Kahit alam mong bibigyan mo lang ng pagkakataon yung anti-vaxxer
03:03.9
na magpakalat ng mali at nakamamatay na impormasyon?
03:07.9
Pag ginawa mo pa rin ito,
03:09.5
ang tawag don, false balance.
03:12.0
Ibig sabihin, binibigyan mo ng equal weight ang dalawang panig
03:15.9
kahit yung isa lang ang maliwanag na suportado
03:18.5
ng ebidensya o established facts
03:21.0
o kaya ng scientific consensus.
03:24.5
Kaya nga delikado yung mga nagreport dati na effective daw
03:27.5
laban sa COVID-19 yung gamot pang kabayo?
03:30.6
Imagine kung may mga taong naniwala na effective nga ito,
03:34.5
tapos hindi na nagpabakuna o hindi na masyado nagingat.
03:38.2
Itong false balance, ginagamit din ito ng mga nagpapakalat
03:41.0
ng disinformation at yung mga conspiracy theorists.
03:44.7
Ito yung example.
03:45.8
Pinwari, established fact na ang isang opisyal magnanakaw.
03:50.4
Supreme Court na mismo nagsabi na may nakaw na yaman.
03:53.9
Ngayon, may sasagot na mga kampe, mag-iingay na kesyo.
03:57.8
Kawagawa lang lahat syun.
03:59.7
Mayama na dati pa yung opisyal eh.
04:01.8
Maraming ginto.
04:03.7
Igigit nila na dapat i-report o i-amplify nyo rin
04:06.6
tong lahat ng sinasabi nila.
04:08.8
Kahit ng ebidensya, malabo o walang basihan.
04:12.6
Ang tawag dito, again, false balance or false equivalence.
04:17.9
Let's make it more complicated.
04:20.4
Pinwari, may isang opisyal naman na walang record
04:22.6
o history ng korupsyon.
04:24.5
Kaso, gustong hanapan ng baho ng mga kalaban,
04:27.0
kaya nagpakalat sila ng impormasyon
04:29.2
to the effect na hindi naman malinis syan eh.
04:32.6
Maraming baho yan ah.
04:34.6
Tapos bigla may lumantad na accuser.
04:38.0
Tapos ang demand, bigyan ng airtime kahit ang bogos ng akusasyon.
04:42.7
Pinasagot mo pa yung opisyal kasi nga dapat balance ko no.
04:47.0
Pero again, false balance po ito.
04:51.0
Actually, kayo isasagot pa natin itong mga example.
04:53.8
Imagine paano i-report yung pangkikidnap kunwari ng Abu Sayyaf
04:57.8
o yung pamumugot ng ISIS.
05:00.4
Eh di ba dapat balanced?
05:02.6
So bawal i-report yung mga krimen nila
05:04.8
hanggang hindi sila nai-interview?
05:07.4
Ganun ba yun?
05:09.3
Eh paano pala yung Bible sakaling journalistic work ito?
05:13.0
Dapat ba hindi nila tala?
05:15.2
Kasi walang side ni Satanas eh.
05:19.0
Again, importante na balanced ang pagbabalita.
05:21.9
Pero kung ang overwhelming evidence, malinaw na panig sa isang punto,
05:25.8
may pagkakataon na hindi na dapat binibigyan pa ng platform
05:29.3
yung isang side na clearly bogos o nagpapakarat lang ng kasinungalingan.
05:33.8
False balance po ito.
05:35.8
Sabi nga na isang batigan journalist si Christian Amanpour
05:38.8
na nag-interview na po ng maraming world leaders pati mga diktador.
05:42.5
It's more important to be truthful than to be neutral.