Close
 


China, Bakit Naghuhukay Ng Pinakamalalim Na Butas Sa Lupa?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Naghuhukay ngayon ang China ng PINAKAMALALIM na butas na may lalim na 11,100 meters. Pero NATATAKOT ang mga eksperto sa ginagawang ito ng China dahil maaari daw marelease ang mga VIRUS na makakapagdulot ng SAKIT. Bakit kaya naghuhukay ang China? Ano ba ang kanilang hinahanap? Panoorin niyo rin: Zombie Virus Natagpuan Sa Russia - Bakit Binuhay Pa Ng Mga Scientist - https://youtu.be/2xuU3W-no50?si=CVI5jeY_wAOi1VVj Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism,
Awe Republic
  Mute  
Run time: 07:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa ilalim ng kinakalawang na metal na ito ay matatagpuan ang pinakamalalim na hukay na ginawa ng tao.
00:08.0
Ito ang Kola Superdeep Borehole ng Russia.
00:11.5
Umabot sa 12,262 meters ang ilalim nito.
00:16.0
Hinukay ito ng Russia para sa scientific research.
00:19.5
Pero ito'y natigil at hindi na naipagpatuloy pa.
00:23.5
Pero alam mo ba, sa kasalukuyan, ang China ay naghuhukay rin ng butas sa lupa.
00:29.5
Ito ang magiging pinakamalalim na butas sa China at isa sa pinakamalalim sa mundo.
00:36.0
Layunin nilang makahukay na may lalim na 11,100 meters.
00:41.0
Imaginin nyo, kasing lalim nito ang taas ng halos 35 na pinagpatong-patong na Grand Hyatt Manila
00:49.0
na siyang pinakamataas na building dito sa Pilipinas.
00:52.5
Napakalalim!
00:54.0
Pero alam mo rin ba, nababahala ang mga eksperto.
00:57.5
Dahil daw sa ginagawa ng China ay maaaring magising at marilis
01:02.5
ang mga virus na ilang siglo nang natutulog sa kailaliman ng lupa.
01:08.0
Mga virus na maaaring magdulot ng sakit.
01:11.0
Bakit nga ba naghuhukay ang China ng napakalalim na butas?
01:16.0
Ano ba ang kanilang hinahanap?
01:21.5
Nito lamang June ay nagtweet ang CGTN, ang opisyal na media ng China.
01:26.5
Inumpisahan na daw ng bansa noong May 30, 2023 ang paghuhukay ng napakalalim na butas.
01:33.5
At meron pa nga silang hashtag China inspires.
01:37.5
Noon kasing 2021, hinimog ni President Xi Jinping ng China
01:42.5
ang mga siyentipiko na maglunsad ng deep earth exploration.
01:46.5
At isa nga ang paghuhukay na ito sa apat na strategic frontiers
01:51.5
para sa siyentipikong pananaliksik na isinusulong ng 13th Five-Year Plan ng China.
01:57.5
Ang tatlo pang frontier ay ang Deep Sea, Deep Blue,
02:00.5
na tumutukoy sa computer science at information technology, at Deep Space.
02:05.5
Ang proyektong paghuhukay sa lupa ay pinangungunahan ng China National Petroleum Corporation,
02:11.5
ang pinakamalaking oil producer ng bansa.
02:14.5
Ang proyekto ay tinatawag na Project Deep Earth One Yujin Three 3XC Well,
02:21.0
naglalayon itong maghuhukay sa lupa na may eksaktong lalim na 11,100 meters.
02:27.0
Ayon sa Sinopec, ang state-owned oil refiner na bahagi rin ng proyekto,
02:32.0
ang layunin daw ay mag-drill ng underground Mount Everest.
02:36.0
Pero kung iisipin, ang lalim nito ay mataas pa kesa sa height ng Mount Everest.
02:42.0
Bukod sa lalim ng butas, ang isa pang nakamamanghang aspeto ng proyekto
02:46.0
ay ang bilis ng planong pagawa nito sa loob lamang ng 457 days.
02:52.0
Higit na mabilis ito kung ikukumpara sa Kola Superdeep Borehole na umabot ng 20 years ang paghuhukay.
03:00.0
Ayon sa korporasyon, merong dalawang layunin ang proyektong ito ng China.
03:05.0
Una ay para sa scientific exploration at pangalawa ay para makahanap ng oil at gas.
03:11.0
Gamit ang mga drill bit at drill pipe na may bigat na nasa 2 million kilograms,
03:17.0
tatangkain itong tumagos sa hanggang 10 continental strata o layer ng bato.
03:22.0
Ang layunin nila ay maabot ang cretaceous layer o layer ng mga bato na nabuo,
03:28.0
mga 66 hanggang 145 milyong taon na ang nakalilipas.
03:33.0
Sa pamamagitan daw nito ay malalaman natin ang internal structure at evolution ng ating mundo.
03:40.0
Pero ayon naman kay Kuanyo Liu, isang profesor na pamilyar sa proyekto,
03:44.0
maaari pa itong umabot sa mas matandang Cambrian Strata na nabuo mahigit 500 milyong taon na ang nakalilipas.
03:52.0
At ang layer na ito ay pinaniniwalaan ng ilang geologists na pinagmumula ng langis at gas.
03:59.0
Ginagawa ng China ang paghuhukay sa Tarim Basin na matatagpuan sa pinakamalaking disyerto sa China,
04:06.0
ang Taklamakan Desert.
04:08.0
Ang disyertong ito naman ay matatagpuan sa Xinjiang, ang pinakamalaking probinsya ng China.
04:14.0
Bakit dito?
04:15.0
Ang lokasyon kasing ito ay kilala sa mayamang reserba ng langis at natural gas.
04:20.0
Sa katunayan, one-third ng natural gas at oil reserves ng China ay matatagpuan dito.
04:26.0
Ang Xinjiang din ang source ng 38% ng coal reserves, habang 730 million tons naman ng iron reserves ang nakukuha dito.
04:36.0
Nais ng China na makadiskubri pa ng mayayamang mineral at mapagkukunan ng lokal na supply ng inerhiya
04:43.0
para mabawasan ang pagdipende sa mga dayuhang supply.
04:47.0
Sa pagkalap ng mga data tungkol sa kaloob-loobang istruktura ng mundo,
04:51.0
umaasa rin ang mga eksperto na makakatulong ang eksplorasyong ito sa pag-estimate ng mga panganib na hatid ng natural disasters
05:00.0
gaya ng lindol at pagsabog ng gulkan.
05:03.0
Pagbabasehan ang nakikitang layunin ng proyekto na isulong ang sentipikong pananaliksik
05:08.0
at ikalawa ay para tumuklas pa ng source ng langis at gas,
05:12.0
masasabing tunay na makabuluhan nga ang proyektong ito.
05:16.0
Pero di maiaalis ang pangambah kung meron bang piligrong hatid ang pagsasagawa ng napakalalim na butas.
05:23.0
Ika nga, worth it ba ang binipisong makukuha dito kumpara sa anumang panganib na maaaring idulot nito?
05:31.0
Ano nga ba ang mga problemang maaaring idulot ng hukay?
05:38.0
Ayon sa mga eksperto, ang ginagawa ng China ay hindi madali.
05:42.0
Iba kasi ang kondisyon ng environment sa ilalim ng lupa.
05:45.0
Kapag lumalim na ay tumataas o umiinit ang temperatura na umaabot sa 200 degrees Celsius
05:52.0
at meron pang atmospheric pressure na 1,300 times na mas mataas kaysa sa ibabaw ng lupa.
06:00.0
Ayon nga sa scientist na si Sun Jian Cheng,
06:02.0
ang pagsasagawa daw ng drilling project ay maihahalin tulad sa isang malaking track na minamaneho sa dalawang manipis na kable na bakal.
06:12.0
Kung pagbabasehan ang description ito, parang it's a disaster waiting to happen.
06:18.0
Pero ang higit na kinatatakutan ay ang pusibling mga di kanais-nais na maaaring matuklasan sa ilalim ng hukay tulad ng mga virus.
06:28.0
Kung sa pag-aaral na isinagawa ng Deep Carbon Observatory, 70% ng mga bakteria at archaea ay matatagpuan sa ilalim ng lupa.
06:37.0
Kay naman pinangangambahan na may mga matagal ng dormant viruses ang ma-re-release dahil sa pag-ungkay na ito.
06:44.0
Sa katunayan, marami ng siyentipiko ang nag-aaral tungkol sa mga viruses na matatagpuan sa ilalim ng lupa.
06:51.0
At meron pa ngang mga scientist sa Russia na binuhay pa ang 48,500 years old na mga tinatawag na zombie viruses.
07:00.0
Kung nais nyo pong malaman ang tungkol dito, meron po kaming separate video para dito.
07:05.0
Ilalagay po namin ang link sa description at comment section.
07:08.0
Malaking proyekto, malaking binipisyo, pero pusibling may malaki ring piligro.
07:14.0
Kaya mahalagang timbangin kung alin ba ang mas mahalaga.
07:17.0
Ang mga matutuklasang yaman at kalaman o ang pagsiguro sa kaligtasan ng sangkatauhan.
07:24.0
Kung nagustuhan nyo po ang content natin ngayon, pakicomment ng Big Yes!
07:28.0
This is Ratio from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!