Close
 


5 Must-Try BATANGAS LOMI Houses - PART 1 • FILIPINO w/ English Sub • The Poor Traveler
Hide Subtitles
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Kapag sinabing Batangas, unang-unang papasok sa isipan natin ang mga naggagandahang beaches, mga luma at milagrosong simbahan, at mga picturesque na bundok na dinarayo ng mga turista. Pero isa sa hindi masyadong nabibigyang pansin ay ang pagkain! Ang Batangas cuisine ay sobrang diverse! Ang Batangas kasi ay mayaman sa natural resources na maaaring pagkuhanan ng iba’t ibang ingredients. Idagdag mo pa ang mahabang kasaysayan ng probinsya bilang settlement, kaya naman makikita rin ang iba’t ibang influences mula sa labas. Ilan sa mga signature dishes ng Batangas ay ang adobo sa dilaw, tapang Taal, sinaing na tulingan, at ang perfect-sa-taglamig na bulalo. Pero pagdating sa merienda, ang pinaka-paborito naming mga Batangueno ay walang iba kundi – LOMI! In this video, iikutin natin ang Batangas para tikman ang iba’t ibang bersyon ng Batangas Lomi: Chenelen's Lomi Hauz in Cuenca Corcolon Lomi Haus in San Juan Lomiko Hauz Ibabao in Cuenca ABCJ Lomi & Food House in San Juan Lomihan sa Madalunot in Calaca
THE POOR TRAVELER
  Mute  
Run time: 14:43
No Subtitles