Close
 


Authentic PANCIT BATIL PATUNG sa TAGUIG City | Pinaka masarap na Pansit na matitikman mo | TIKIM TV
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Pancit Batil Patung na orginala recipe galing sa Tuguegarao na dinala dito sa manila para matikman ng mga taga dito ang sarap ng pancit sa probinsya. Mula sa giuniling na karne ng kalabaw at sa mga sangkap nito na galing pa mismo sa kanilang probinsya. ang kuwento ng inspirasyon sa likod ng sarap ng Enang's Authentic Pacit Batil patung.
TikimTV
  Mute  
Run time: 22:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Yung pansit po namin ay hindi siya pangkaraniwang natitikman lang ninyo dito sa Maynila.
00:08.0
Kundi siya yung tipo ng pansit na hindi ka mauumay.
00:17.0
Yung sinaserve po namin sa inyo na sibuyas, toyo, suka, kalamansi at saka sili,
00:23.0
yun po ay bagay sa aming pansit batil.
00:26.0
Kaya hindi po nawawala ang sibuyas sa pansit batil po
00:29.0
kasi yun yung magko-compliment o mas magdadagdag ng lasa ng aming pansit.
00:39.0
Hindi sila nagsasawa talaga. Pabalik-balik talaga sila dito na mamansit.
00:44.0
At saka po yung serving po namin is madami po talaga talagang apaw.
00:48.0
Kaya isa din po yung talaga na pinabalikan ng mga customer namin dito.
00:53.0
Kaya siya natawag na pansit batil kasi una yung sabaw po niya is pinapakuloan po namin sa buto ng kalabaw
01:01.0
na binabatil ang itlog po doon sa sabaw.
01:05.0
And then kaya siya nagkasabing patung which is lahat po kasi ng mga toppings niya
01:11.0
from the giniling na kalabaw, liver, at lahat ng mga shanghais at saka longganisa is nakapatung.
01:19.0
And most importantly po yung pouch egg po niya. So usually yung malasado nakapatung po siya sa pansit batil pa.
01:50.0
Ang pansit batil patung namin po ay binubuo ng giniling na kalabaw na ginisa talaga po yan na walang sebo nakasama,
02:00.0
pork liver, and then meron siyang mixed vegetables, and then meron kaming homemade po yan na shanghai po.
02:08.0
Gawa po namin mismo yan na shanghai.
02:10.0
At ang specialty pa nakaragdagan po is tugegaraw garlic longganisa.
02:16.0
At syempre po yung pinaka main course po namin doon is yung miki ng kagayan, yung kasama po niya.
02:22.0
At yung pinaka main course po namin doon is yung miki ng kagayan, yung kasama po niya.
02:53.0
Ang presyo po ng aming pansit batil patung ay vutut, navutut, navuvutut.
03:01.0
So yun ay salita ng itawis. Vutut means gutom, so which is 120.
03:08.0
Navutut is 150, and navuvutut is 180.
03:14.0
Yan po yung salita ng kagayano sa amin sa tugegaraw, itawis.
03:19.0
Sa Tagalog po nun ay takaw, matakaw, sobrang takaw.
03:24.0
Yan yung ibig sabihin po nun.
03:32.0
Bakit nga po masarap? Una kasi is ang aming cook ay purong kagayan.
03:37.0
So lahat po kami dito ay kagayano, so yung timpla talaga niyan is kagayanong kagayano po.
03:43.0
Kaya masasabing masarap po.
03:45.0
Hindi lang dahil kagayan din o tugegaraw galing yung mga miki at mga sauce namin,
03:50.0
hundi mismo kami na mga nasa likod ng enang is purong kagayano.
03:56.0
Pag nag-order po kayo sa aming pansit, una po namin sinaserve sa inyo while waiting for your order.
04:02.0
Pag nag-order po kayo sa aming pansit, una po namin sinaserve sa inyo while waiting po
04:07.0
is yung sibuyas na may kasamang kalamansi, sili, at the same time tinitimplahan po nila ng toyo at saka suka ng tugegaraw.
04:18.0
So while waiting po, yun muna po namin isaserve.
04:21.0
Kapag naiserve na po namin yung aming pansit sa inyo, yun naman po ay may kasama na siyang sabaw,
04:28.0
which is yun yung batil na binatil sa itlog na sabaw.
04:31.0
So yun po yung aming sinaserve sa inyo.
04:48.0
Usually ang mga nagiging customer namin dito is mga kagayano, mga itawes, ilokano, ibanag.
04:54.0
Tapos yung mga yun po, nagdadala na sila ng mga non-kagayanos, mga taga-Maynila din.
05:31.0
Yung lugar po namin, sinasadya po nilang puntahan kahit malayo yung lugar nila.
05:36.0
Nasa Bacoor, Cavite, iba-iba pong lugar talagang dinadayo po yung lugar namin dito sa Taguig po.
05:43.0
Dito po sa pansitan namin, yung ambience kasi parang nasa probinsya ka rin eh.
05:47.0
Yung under the tree, tapos parang nagkikwentukwentuhan lang dito,
05:52.0
sama-sama kumakain, yun, nagsalo-salo, ganun.
05:56.0
Dito kami matatagpuan sa MRB, Building 13, Barangay Ususan, C5, Taguig City.
06:06.0
Naisipan namin tong negosyong to, kasi sabi namin,
06:10.0
ang tagal o malayo yung travel ng Tuguegarao City eh, 10 to 12 hours.
06:16.0
So, dinisert namin sa heart namin mag-asawa na why not ilagay dito sa Metro Manila
06:20.0
para yung mga nagkikrave ba ng mga kagayano dyan,
06:23.0
hindi na kailangan mag-travel para napakalayo, punta na lang sila dito.
06:27.0
Tapos biglang makakareceive kami ng feedback sa kanila na,
06:30.0
taste like home, feels like home, pag nakain nila yung aming pansit.
06:34.0
So, sobrang nakakataba ng puso yung ganung feedback na nare-receive namin sa aming mga costumer.
06:40.0
Dito po sa lugar po namin, parang may reunion ng mga kagayano,
06:44.0
kasi nag-uusap sila dito, kukwentuhan.
06:47.0
Dumadating po talaga sa point na parang kaming may piyesta dito sa lugar namin,
06:52.0
kasi nagkakatagpo yung mga talagang mga kagayanos.
06:55.0
Kahit hindi kami magkakakilala, basta nagtatanungan na lang sila,
06:58.0
tagasaan ka, like yung parte, bejam mo, ganun sa salita namin, tagasaan ka.
07:04.0
Tapos hanggang nagiging kaibigan na sila,
07:06.0
bawat isa nagkakwentuhan na ng salita namin, Itawis, Ilocano.
07:11.0
Kaya sobrang masaya panoorin yung mga costumer namin.
07:15.0
Alam na, nagkita-kita dito sa lugar na ito yung mga kagayano talaga.
07:21.0
Dito yung tagpuan nila talaga sa lugar namin.
07:24.0
Tapos dumating sa point na hindi na lang kagayano yung mga nagiging costumer namin.
07:30.0
Kahit mga taga dito na, taga Maynila, dito na rin, talaga namamansit sa amin.
07:35.0
Kami ng mister ko ang nag-aasikaso dito sa aming negosyo.
07:39.0
Ako si Eniline Turingan Tuliaw, 33 years old.
07:44.0
May ari ng Enang's Pansit Batilpatung and Pansit Kabagan.
07:48.0
Ang tinitinda po namin ay ang Tugegaraw Deli Casino.
07:52.0
Authentic na pansit batilpatung at pansit kabagan po.
07:57.0
Kami po ay tubong kagayano po sa Tugegaraw City.
08:01.0
Lahat po kami dito ay kagayano po.
08:03.0
Open po kami Tuesday to Sunday only.
08:06.0
Off day po namin ang Monday, 8am to 7pm.
08:12.0
Ayun, sa 120 po yung special po natin is meron na siyang giniling na cara beef na toppings niya,
08:20.0
pork liver, and then mixed veggies na carrots and mga repolyo po, at saka toge.
08:27.0
And then dalawang shanghai.
08:29.0
And then yung 150 naman, ang difference po nila is yung dami.
08:34.0
So ang 150 po nadagdagan po ng lechong kawali.
08:38.0
O sa amin sa Tugegaraw, ang tawag po namin doon ay karahay.
08:42.0
Sa jambo naman, sa 180, mayroon po siyang special na Tugegaraw garlic longganisa nakasama po.
08:49.0
At mas apaw po yung serving po niya, ang jambo po.
08:54.0
Aming pansit batil patong ay 101% confident po na galing po sa Tugegaraw City ang aming Miki.
09:02.0
Kasi dito po sa Maynila, hindi ka po makakahanap ng Miki ng pansit batil patong,
09:08.0
hindi sa Tugegaraw lang po.
09:10.0
Doon po kami kumukuha sa mismong pagawaan po sa Tugegaraw.
09:14.0
At yung Miki na yun, kaya po bakit malaki ang pagkakaiba namin dito sa Manila?
09:20.0
Kasi yung Miki na yun is ginagamit ng mga ibang pansiterya na sa Tugegaraw na nagchampion sa Tugegaraw.
09:27.0
So kaya yun yung difference or factor kung bakit binabalikan kami ng aming mga customer.
09:34.0
Dahil yung Miki pa lang namin is may lasa na siya itself.
09:39.0
So tinitimplahan na lang siya to add the taste pero yung noodles po niya is may lasa na po siya.
09:45.0
Hindi lang po sa Miki kundi sa ibang sangkap din po yung aming toyo at suka,
09:50.0
which is doon mismo po sa Tugegaraw ginagawa po yun.
09:54.0
So doon po namin pinapurchase o binibili.
09:58.0
And then ginagamitan po kasi pa po namin ang aming pansit batil patong
10:02.0
ng pure cara beef po, yes po, giniling na kalabaw po.
10:07.0
Kasi yun po talaga ang nagpapa-authentic sa pansit batil patong
10:11.0
kapag ang pansit mo ay may kalabaw o giniling na kalabaw.
10:16.0
Halos lahat po ng aming sangkap ay galing mismo po sa Tugegaraw City.
10:24.0
XOFW ako. So mag-start kasi na aksidente ako sa abroad.
10:29.0
So I have to go home.
10:31.0
And then syempre ang husband ko hindi naman literal na kaya niyang sustentahan
10:38.0
yung pangara-araw namin. So nag-start kami na walang-wala talaga.
10:42.0
As in, yung mga gamit namin, mga mesa namin, upuan, lahat po yan,
10:48.0
hindi pa po cementado yan noon.
10:51.0
Ano yan, bato, mga bato pa na tinanon namin muna dyan.
10:57.0
So ganun po. And then yung mga yan nakikita ninyo, dati is kahoy mga yan.
11:03.0
So ngayon lang po na unti-unti na-improve po namin yung aming kainan.
11:11.0
Kami po ay tulad nyo rin po na probinsyano na nangarap na makipagsapala rin dito sa Maynila,
11:18.0
na magpakasakaling po mula dito sa Maynila po.
11:22.0
Dahil po mahirap bilang isang XOFW na mapalayo sa asawa, lalo na bagong kasal po kasi kami.
11:29.0
So nag-decide kami na umuwi na lang ako, then the same time, mag-put up na lang ng business dito sa Pilipinas.
11:37.0
Ayun, naisip na lang naming mag-asawa na makipagsapalaran na lang.
11:41.0
Mahalaga po eh, magkasama kami dito para makabuo ng pamilya.
11:46.0
Ayun, meron kaming natitirang ipon ng aking mister.
11:50.0
So naisipan naming makipagsapalaran sa negosyo.
11:55.0
Ayun, naisipan naming mag-asawa na why not to put up a business na yung paborito ng aming mga kagayano,
12:01.0
which is yung pansit batil patung.
12:03.0
At kaya ayun, naisipan naming dali na lang dito sa Metro Manila.
12:06.0
Para matikman naman ng mga taga Maynila ang sarap ng pagkain naming mga taga probinsya.
12:12.0
Kaya ayun, naisipan naming dito mag-asawa na dali yung pansit batil patung.
12:16.0
Excited kaming mag-asawa kasi ito yung kauna-unahang negosyo namin.
12:20.0
Kaya namili kami ng mga sangkap, mga materyalis na gagamitin.
12:24.0
Tapos yun, nilabas na namin lahat ng aming mga ipon.
12:28.0
So sobrang excited namin mag-asawa.
12:32.0
Kaya lang, nagkaroon ng pandemic so pinagbawalang lumabas.
12:38.0
So nag-usap kami ng asawa ko, paano na yung negosyo natin?
12:43.0
So biglang namin napaisip kasi kaka-put-up pa lang namin ng negosyo
12:50.0
tapos biglang kailangan namin magsara.
12:53.0
Ayun, medyo nalungkot ako nung time na yun, nung binalita yun sa pandemic.
12:59.0
Kasi masyadong malaki yung nai-risk naming mag-asawa.
13:03.0
At the same time, hindi ko rin alam kung anong susunod nito eh after ng pandemic.
13:09.0
Kaya that time ano?
13:17.0
Sabi ko sa mister ko, pray lang kami na may himala.
13:22.0
Ang Diyos naman eh, Diyos na buhay.
13:25.0
Hinihiram lang namin yung mga upuan, mesa namin, mga secondhand lang.
13:34.0
Lahat yun hiram, even mga case namin ng mga soft drinks.
13:38.0
And then, doon ko nakita yung faithfulness ni Lord sa Enangs na
13:42.0
nag-start lang kami ng maliit na puhunan.
13:45.0
Mga kapitbahay naming mga babait, bin-sini-share yung mga upuan.
13:49.0
Kunin yun na muna, pag nakikita.
13:51.0
Usually, mga customer namin kasi, very simple lang mga kagayan eh.
13:56.0
Kumakain sila sa area ng parkingan, tabi-tabi.
14:00.0
So, saan-saan sila tumatakbo pag umuulan.
14:04.0
Sabi ko sa husband ko, hindi ko alam kung anong next na gagawin namin.
14:08.0
Kasi, huling braha na namin yun eh. Huling ipon na yun eh.
14:12.0
Noong time na yun, biglang inisip ko na yung mga tauhan ko eh.
14:15.0
Kasi, damay sila eh. Kasi, kailangan nilang umuwi.
14:20.0
Ano lang din mga yan eh, galing din sila sa wala din.
14:24.0
Tapos, biglang pauwiin namin sila ulit sa kagayan.
14:28.0
Oo, yun lang kasi yung inaasahan nila eh.
14:30.0
Itong pakikipagsapalaran nila dito sa Manila.
14:36.0
So, noong time na yun, in-entrust na lang namin kay Lord talaga.
14:41.0
Kasi, 100% yung faith namin kay Lord.
14:45.0
So, noong umuwi mo na yung mga tauhan namin,
14:48.0
that time naman yung biglang in-announce na yung walang dine-in,
14:56.0
walang dine-in pero pwede yung mga online deliveries,
14:59.0
yung mga frontliners like yung mga riders magde-deliver na mga pagkain.
15:05.0
So, in-encourage ko yung husband ko na ituloy natin to,
15:08.0
malaki-laki na yung na-erase natin sa announce.
15:12.0
So, yun, ulit, in-invite ko, tinawagan ko ulit yung mga tauhan namin,
15:17.0
mga kagayano. Pinapunta ko ulit yung mga tauhan ko dito sa Manila.
15:23.0
Then, nag-start kami ulit, nagluto-luto online deliveries.
15:28.0
Hanggang sa nag-boom, that time hindi ko talaga ma-explain yung love ni Lord sa aming mag-asawa.
15:36.0
Kasi, biglang nag-boom yung pansitbatilpatong ng announce.
15:41.0
Sunod-sunod yung online deliveries namin.
15:44.0
May mga time pa na talagang literal na pinipick-upan, nagpipick-up na yung mga tao.
15:50.0
Siguro, isang nagbigay ng lakas laob sa akin is yung hindi kami natinag sa pananampalataya.
15:58.0
Pangalawa yung nag-close man kami saglit, biglang nandun na natili yung mga customer namin,
16:05.0
hindi sila umalis. As in, nag-order, nag-order, nag-order pa rin sila.
16:10.0
Kaya, sabi ko, kay Lord, sabi ko, thank you, Lord, sabi ko.
16:14.0
Kasi, nakabawi kami kahit pa pano that time nung mga habang months ng pagsara namin.
16:23.0
Tapos yun, nagtuloy-tuloy na yung pansiterya ng announce.
16:28.0
Tapos, siguro yung isang pang naglakas loob din sa akin, nag-inspire.
16:33.0
Yung pansitbatilpatong namin, naging comfort food na siya eh,
16:36.0
ng mga lalong mga, that time kasi, syempre, matasang anxiety level ng mga tao,
16:41.0
ng pandemic, naging comfort food na siya.
16:45.0
Sa akin na, sabi nila, ang sikreto is yung tamang timpla, nahanap namin yung timpla,
16:51.0
pero para sa akin na bilang owner, siguro yung pamilya kami dito,
16:57.0
yung binoo kami ng pamilya, hindi ko sila literal kadugo kasi mga ngayon eh,
17:02.0
mga tauhan ko, pero naging pamilya kami, buo.
17:05.0
So, doon nag-start na parang na-build yung love namin sa bawat isa,
17:09.0
at saka yung bonding namin.
17:11.0
So, kaya yun, nakapag-produce kami ng yung tamang timpla ng pansitbatilpatong.
17:17.0
Ang mahalaga po talaga sa negosyo, yung tipong hindi mo sila i-consider na tauhan eh,
17:23.0
i-consider mo sila na pamilya talaga, literal,
17:27.0
para pagbutihin nila yung pag-asikwaso nila sa kanilang mga trabaho.
17:32.0
Tapos yung mga customer ko kasi, hindi sila literal lang na customer eh,
17:36.0
parang pamilya na kasi sila eh.
17:38.0
Nakakatuwa lang kasi yung pagdating nila,
17:42.0
tapos parang yung attach mo sa kanila, kakaiba,
17:46.0
na parang hindi man namin sila kadugo yung mga customer namin,
17:50.0
pero pagka nagsama-sama na kami, parang ang gaan na ng loob namin sa isa't isa.
17:56.0
Advice ko po sa mga kapwa ko na nagninegosyo din,
18:00.0
na dumadating sa point na napanghihinaan kayo ng loob.
18:04.0
Una lang po, magtiwala lang kayo kay Lord.
18:07.0
Yung keep your faith.
18:09.0
And then pangalawa is stay focused sa goal mo, sa negosyo mo.
18:16.0
And thirdly, maging consistent ka lang.
18:19.0
Consistent ka sa quality ng pagkain mo,
18:22.0
and then consistent ka sa mga tauhan mo,
18:26.0
embrace them,
18:27.0
kasi at the end of the day,
18:30.0
sila pa rin ang magiging katuwang mo sa negosyo mo.
18:44.0
Ang naitulong nito eh ng Spansit Batil,
18:46.0
una is nakapagpondar kami ng lupa,
18:50.0
nakapag-invest kami ng lupa,
18:52.0
which is na fully paid na po namin.
18:54.0
Thank you, Lord.
18:55.0
And then, hindi lang siya isang lupa,
18:57.0
kundi nakapag-invest kami ulit ng another lupa.
19:01.0
Ngayon, pinagpe-pray namin na gusto namin siyang iput-up for apartment.
19:06.0
So, yun yung gusto namin, goal namin ngayon, na mag-asawa.
19:11.0
Tapos, dito lang,
19:13.0
hindi lang sa amin ha,
19:14.0
pati mga staff ko,
19:16.0
lagi ko silang ini-include sa outing namin
19:19.0
sa isang lugar na kami napapadpad.
19:22.0
And then, sabi ko sa kanila,
19:24.0
we strive more.
19:25.0
Then, next plan namin is Boracay.
19:28.0
So, yun talaga yung desire namin next year.
19:30.0
So, yun.
19:32.0
Ayon, actually may mga customer kami nagtatanong,
19:35.0
bakit naman naman naman yun?
19:37.0
And then,
19:39.0
Ayon, actually may mga customer kami nagtatanong,
19:42.0
bakit Enang's ang pangalan ng aming Pancit Batil?
19:45.0
Ang kwento po niyan is,
19:48.0
sa Tugegaro po kasi usually,
19:50.0
mga old names na mga panciteria
19:53.0
at mga one word lang,
19:54.0
agad na nagre-rema sa isipan ng mga customer.
19:57.0
So, nag-isip namin na why not mag-isip kami ng name na old.
20:01.0
So, yung letter E po is name ko,
20:03.0
unang first letter ng name ko,
20:05.0
kami magkakapatid, letter E.
20:07.0
Doon kasi sa Tugegaro,
20:09.0
ang Nanang ang tawag sa mga nanay doon.
20:12.0
Nanang ang tawag.
20:14.0
So, sabi ko, so isip ko,
20:15.0
ilagay ko yung name,
20:16.0
o tawag namin sa nanay namin,
20:18.0
which is Nanang.
20:19.0
So, hanggang na-derive yung name ng business namin na Enang's.
20:24.0
Mga kababayan ko era,
20:26.0
Nyanchawing, kanya Manila,
20:28.0
yung authentic nga Pancit Batil patong,
20:31.0
kanya Lugarmi, kanya Taguig Lamanyaw.
20:34.0
So, mari kayo pwede nga ma-travelling
20:37.0
kan 10 to 12 hours sumangkot Tugegaro.
20:39.0
Pwede kayo kanyawin nga mamansitin,
20:42.0
mari kayo maziyatanin nga kuna yung aray yung mabiyahe.
20:46.0
100% authentic yaw,
20:48.0
unaranimi mismo kanya lugar,
20:49.0
tera kanya Metro Manilang yun.
20:52.0
Meron din po kaming mga takeouts po,
20:54.0
open for deliveries po kami,
20:56.0
just message us online.
20:58.0
Meron kaming delivery for solo order,
21:01.0
bilao order, mga party bilaos po.
21:03.0
Like, if you have na party kayo ng mga 10 to 15 na katao,
21:07.0
mapakain mo na siya sa amount na 1k lang.
21:10.0
So, ganun ka-especial po yung aming Pancit Batil Patong.
21:13.0
Pwede po kayong mag-order sa aming page,
21:16.0
Enang's Pancit Batil Patong and Pancit Kabagan po,
21:20.0
at you can PM us, messenger po,
21:23.0
or you can call us at 0927-925-4117.
21:29.0
Ang landmark namin is,
21:31.0
yung katabi po namin is C5 Petron,
21:34.0
or usually mas familiar dito sa lugar namin yung Diego Silang,
21:38.0
pero MRB po kami.
21:39.0
So, sa footbridge po, tapat nun is gate na ng MRB.
21:43.0
So, looban po yun, dulo po kami.
21:45.0
So, pwede kayong magtanong sa harapan po,
21:48.0
kung saan po yung Building 13, Panciteria,
21:50.0
alam na po nila yung location po namin.
21:53.0
Or, lampasan mo lang po yung whole court dito sa MRB,
21:57.0
and then may naka-placard po na,
21:58.0
This way to Enang's Pancit Batil Patong.
22:01.0
Dito lang po kami sa likod ng Building 13 po.
22:04.0
Pag nandito na po kayo sa MRB,
22:06.0
pwede nyo po tanungin kung nasaan po ang Enang's Panciteria or Panciteria,
22:10.0
and then alam na po nila po, ituturo po nila,
22:12.0
i-gaguide po nila kayo dito sa dulo, sa likod ng Building 13.
22:27.0
PLEASE SUBSCRIBE, LIKE, COMMENT, SHARE!