Close
 


ANG ULILA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends DISPUTE BEN SOUND Download here: https://www.bensound.com/royalty-free... License: You can use this music in your YouTube video as long as you give attribution to Bensound.com or Bensound’s YouTube Channel in the description
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Inakala ng mag-asawa na umampon sa kanya na 6 na taong gulang lang ang batang inaampon nila.
00:06.5
Lumabas lang ang katotohanan na si Natalia ay dalawang po at dalawang taong gulang na pala.
00:12.8
Ito ang kwento ng pinanggalingan ng pelikula na ang Orphaned.
00:17.0
Ipinanganak itong si Natalia Grace sa bansa ng Ukraine.
00:20.8
At dahil nga inabando na ito ng kanyang tunay na ina,
00:24.2
tama-tama na ang mag-asawa na si Michael at Christine Burnett ay naghahanap din ng anak na mabibigyan ng kalinga.
00:32.5
Taong 2010 ng magkadaupang palad ang magiging bagong magulang at si Grace na kanilang magiging bagong ana.
00:40.6
Ayon sa papeles na itong si Natalia Grace ay ipinanganak ng taong 2003.
00:46.5
Kaya naman ng panahon na ito ay aamponin ng mag-asawa, sa kanilang mata ito ay magpipitong taong gulang pa lamang.
00:54.6
Mayroon naman silang tatlong mga sariling mga anak, ngunit lahat sila ay pawang mga lalaki.
01:00.1
Kaya naman naisip ng mag-asawa na babae na lamang ang aamponin nila.
01:04.9
Sa umpisa ay maayos naman ang pamilya, ngunit hindi nagtagal ayon sa mag-asawa.
01:10.1
At na tila ba nag-iiba ang ugali nitong si Natalia Grace?
01:13.9
Nag-iiba na ang pakikitungo nito sa kanilang buong pamilya.
01:17.9
Ayon sa kwento ng mag-asawa na minsan ay natibo ang ilaw ng tahanan na si Christine sa mga tamtaks na inilagay sa may baitang ng hagdan.
01:28.3
Hindi nila malaman kung bakit may gagawa ng ganoon, lalo na at sa may baitang pa ito ng hagdan at bumaon sa paanang ginang ang halos anim na mga tamtaks.
01:39.1
Ayon kay Michael na minsan ay nagising ito sa kalagitnaan ng gabi.
01:43.9
Sa gilid ng kanyang kama, nakita nito si Natalia Grace na may hawak ng kutsilyo at nakaambaan na siya ay uundayan ito ng patalim.
01:52.9
Sa gulat ay napalundag ito paalis ng kama, saka nakita nito na nagtatatakbo ang bata na si Grace.
02:00.1
Dagdag ng mag-asawa na huli nila si Natalia na naglalagay ng lasun sa kape na itinimpla ng ginang para naman sa kanyang mister.
02:09.1
Hanggang sa umabot sa sukdulan na hinatak ni Natalia Grace ang ina papunta sa bakod na alam na alam nito na may mataas na voltahe ng kuryente.
02:19.7
Ayon sa mag-asawang Barnett na dahil sa kakaibang inaasal ng kanilang anak na si Natalia Grace, minabuti ng mag-asawa na dalihin ito sa isang espesyalista.
02:30.3
Ngunit binalaan sila ng doktor, sila daw dapat ay mag-iingat ng mabuti sa taong kanilang kasama sa bahay.
02:37.5
Ang ampu nila na si Natalia Grace ay hindi isang totoong bata, hindi tulad ng kanila na inaakala.
02:43.9
Isa itong teenager na nagkukunyaring isang bata, ito ay parang makakuha ito ng awa at meron itong sakit sa kaisipan.
02:52.5
Isa ito na sociopath.
02:54.1
Ang isang sociopath mga katinagalog ko ay asal ng isang tao at wala itong pakialam sa tama at mali.
03:00.9
Lalo nang wala itong pakialam sa nararamdaman ng iba, sila rin ay mapang manipula at wala silang kahit na anong pagsisisi sa mga nasaktan o naperwisyo nila.
03:11.5
Tanging ang pangsarili lamang nitong interes at kagustuhan sila mayroong pakialam.
03:17.1
Dagdag ng doktor na sinasabing sumuri kay Natalia, kinakailangan na mag-iingat ng husto sila.
03:22.9
Matapos nito, pumunta ang mag-asawa sa Civil Register sa Amerika, sakay pinabago nila ang totoong edad ni Natalia Grace.
03:30.9
Ayon sa kanya na nang panahon na ampunin nila ito, siya ay dalawampu at dalawang taong gulang na at hindi ang anim na taong gulang tulad ng ipinapalabas nito sa kanila.
03:41.9
Kaya naman mula ng taong 2003, naging 1989 ang taon ng kanyang kapanganakan.
03:49.1
Matapos nito, lumipat ang buong pamilyang Barnett sa bansa ng Canada.
03:53.9
Iniwan nila na mag-isa itong si Natalia.
03:56.9
Dahil naman sa pag-aabandunan nila kay Natalia Grace, kinasuha ng mag-asawang Barnett ng apat na beses na pag-aabanduna.
04:04.5
Kalauna naman, inilabas nila ang kwento sa media at mas lalong naging masalimut pa ang kwento ng pamilya.
04:12.3
May bagong mag-asawa na nais mag-ampun kay Natalia.
04:16.1
Ayon sa kanila na hindi nila naranasan ang sinasabi na asal na ibinibintang ng pamilyang Barnett.
04:22.7
Mabait daw si Natalia at napaka-malambing.
04:26.1
Tinutulungan daw nila ito na sampahan ng kaso ang dating mga magulang nito, ang mag-asawahan na Barnett.
04:32.1
Ayon sa testemonya ni Natalia na nang-iwan siya ng mga Barnett, tanging tinapay lamang at palaman ang kanyang kinakain.
04:39.5
Paminsan naman ay pag may nag-abot sa kanya ng noodles at mayroong paminsan-minsan ay nagbibigay ng pizza din.
04:46.5
Napawalang sala ang mga Barnett sa kasong isinampah sa kanila ni Grace.
04:51.1
Tuluyan na rin itong sumama sa bago nitong pamilya na ang mga man.
04:55.3
Matapos na tumahimik ang parehong panig, muling nabuhay ang balita nang lumabas ang mismong ina nitong si Natalia.
05:02.7
Nagsasabi ito na totoong dalaga na ito at mapang manipula, hindi niya siya inabanduna dahil nga matanda na siya.
05:10.3
Naglabas naman ang pahayag si Natalia.
05:12.3
Ayon sa kanya, wala di umano itong ginawang masama sa dating mga magulang at pamilya niya.
05:17.9
Lahat ng sinasabi nila tungkol sa kanya at nagawa niya ay pawang kasinungalingan lamang.
05:23.5
Nais niya umano na magkaroon ng sariling pamilya na sa kanya ay mag-aaruga.
05:28.3
Kaya hindi nito kayang gawin ang binibintang sa kanya ng mga Barnett.
05:32.9
Dagdag nito na sobrang hirap ang dinanas niya nang iwan siya na mag-isa ng pamilya.
05:38.5
Lumabas sa embestigasyon na naitala na si Grace ay mayroon ng kakaibang kalagayan na tinatawag na ang Spondylepipsil dysplasia congenita.
05:49.5
Ayon sa mga eksperto na ang kalagayang ganito, sa una ay normal kung titignan bilang isang sanggol.
05:56.9
Ngunit sa tagal ay hindi na makasasabay pa sa paglaki ang katawan nila.
06:01.5
Kaya naman nanatili sila ng mukhang maliit na bata.
06:05.3
Patuloy pa rin na pinabubulaanan nitong si Natalia Grace ang sinasabi ng kanyang dati na mga magulang.
06:12.3
Samantalang napapaisip pa rin ang madla kung bakit nga ba iiwan na lamang ng mag-asawa ang inampo nila nang basta-basta.
06:20.5
Mga katinagalog ko, ano po ang tingin ninyo sa kwentong ito?
06:24.1
Sino po ba ang kapanipaniwala para sa inyo?
06:27.5
Ang mag-asawang Barnett ba o ang inampo nila na hindi na bata na si Natalia?
06:32.9
Isulot po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
06:39.3
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.