Close
 


GHOST MONTH HORROR STORIES | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GHOST MONTH HORROR STORIES | HILAKBOT TRUE PARANORMAL STORIES 🔗 https://youtu.be/EoCbNp22MQ4 🔴 STORY SENDERS ► JHUNNA x KALABIRANG KIATT Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► TINA MORAN 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL Patreon ► https://www.patreo
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 21:50
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Oras na naman na!
00:15.0
Isa po ako sa mga fan ninyo dito sa Davao.
00:19.0
Ako po'y nakikinig palagi via Google Podcast kahit bawal po sa work namin.
00:26.0
Anyway, nakikinig naman din ako si Red sa mga series ninyo dito sa YouTube.
00:32.0
I'm very sorry kung magtatanglish po ako sapagkat medyo tagilid po ako mag Tagalog.
00:38.0
Proud Bisaya here!
00:41.0
Isa po sa mga nais kong ishare sa inyo ay ang worst na panaginip ko.
00:47.0
Or sa amin ang tawag ay Orom.
00:51.0
Sabi nga nila pwede mo daw ikamatay ang pangyayaring ito pag hindi ka nagising or hindi ka nakasurvive sa panaginip mo.
01:02.0
Ito po'y nangyari nitong taon lamang and that was May 7.
01:08.0
Lunchtime.
01:10.0
Hindi po kasi ako nakarating sa church noon kaya ang ending nag-stay na lamang ako sa bahay.
01:17.0
Isa pa, late na ako nagising kasi around midnight na rin kami nakauwi ng boyfriend ko kagabi sa bahay.
01:26.0
So nag-late breakfast na lamang kami nung Sunday at nagkanya-kanya na pong mundo pagkatapos.
01:33.0
And then, pakatapos po ng aming pagkain.
01:38.0
Naisip ko na magbasa ng isang book kaya natripan ko po talaga na magbasa.
01:44.0
Nag-decide akong tumambay sa second floor namin kung nasaan naroon yung kwarto pero hindi pa po tapos kasi noon.
01:53.0
Kumbaga, under construction pa po ito noon kaya sa tent muna ako natutulog.
02:00.0
So habang nagbabasa ay nakahiga ako at dahil busog, hindi ko na po namalayan na nakatulugan ko na pala ang aking binabasang libro.
02:10.0
Ang sabi po ng pamangki ng boyfriend ko, food coma ang tawag doon.
02:18.0
Yun bang nakatulog ka kasi busog ka.
02:22.0
Tandang-tanda ko pa kung paano nagsimula ang panaginip kong iyon sir Ren.
02:29.0
Nagising ako na nasa loob na ako ng panaginip pero yung place ay ibang kwarto.
02:36.0
Nakakasigurado ako na hindi po ito yung aming bahay.
02:42.0
Yari po sa kahoy yung kwarto pero hindi naman po iba sa mga ginagamit natin.
02:49.0
Parang normal at simpleng kwarto lang talaga yun.
02:53.0
Pero ang sama sa pakiramdam at pagkatapos ay parang hindi akong makahinga pagkagising.
02:59.0
Feeling ko po nung time na iyon parang may pumapasok sa katauhan ko na isang entity.
03:07.0
Tapos parang pinipigilan ko pa parang hindi siya tuluyang magtagumpay kung sino man yung sumusubok na saniban ako.
03:17.0
Nakikita ko yung boyfriend ko at same kami ng naeexperience that time.
03:22.0
Hanggang sa nagiba na yung boses namin.
03:26.0
Talagang hindi na po ako makahinga nung oras na iyon.
03:30.0
Parang sinasakal ako kahit alam kong wala namang sumasakal.
03:36.0
Hindi ko alam kung bakit nung time na iyon siya Ren ay parang yun talaga ang realidad ko.
03:43.0
Sinusubukan ko po na sobrang nakikita ako ngayon.
03:47.0
Parang yun talaga ang realidad ko.
03:50.0
Sinusubukan ko po na sumigaw at palabasin ang malakas na boses ko.
03:56.0
Pero iba ang boses na lumalabas.
04:00.0
Yun bang parang boses kapag nasasaniban?
04:04.0
Ang dami pero nakasink.
04:09.0
I swear, I was trying to fight back.
04:14.0
I was even stating and praying a puzzle screed.
04:17.0
Pero kapag nasa kalagitnaan na ako, ay hindi ko po siya matapos-tapos.
04:23.0
Ilang beses ko itong inuulit pero hindi po talaga ako nagtatagumpay.
04:29.0
Hanggang sa nakasigaw kami that time kaya narinig kami ng mga magulang ko.
04:34.0
Nung dumating sila sa kwarto, nahimasmasan kami.
04:38.0
Akala ko'y wala na pero sinadiiban ulit ako si Red at ako na lang pong mag-isa yun.
04:45.0
Ang feeling ko, katapusan ko na.
04:49.0
Parang mamamatay na talaga ako dahil kinukuha na yung hining ako.
04:55.0
Nakatakbo pa ako sa kwarto ng mga magulang ko para humingi ng tulong.
05:00.0
Pero tulog sila kaya ganyan na lamang ang pagyugyug ko para magising sila ng tuluyan.
05:08.0
Kasi kahit anong sigaw ko noon ay tila hindi nila ako nadidinig.
05:15.0
Hindi ko rin alam kung ano yung nahulog sa may paanan ni Namama pero nang aking sinilip ang ilalim ng kama,
05:24.0
may nakita po talaga akong demonyo si Red.
05:28.0
Demonyo po talaga at nakasisigurado ako dun.
05:33.0
Yung mukha po niya ay kulay pula nakahalintulad po sa isang karakter sa Insidious.
05:40.0
Kinakagat niya ako every time na tinatry kong kunin yung bagay na nahulog sa ilalim ng kama ni Namama.
05:49.0
Nung time na iyon narinig na ako ni Namama pero di nila alam kung paano ako tutulungan.
05:56.0
Para bang nagsasuffer ako ng mag-isa.
05:59.0
Wala akong mahagilap na kakampi o pwedeng masumpungan para at least may kasama pa rin ako.
06:08.0
Ang nasa isip ko noon si Red ay gusto kong mawala lahat ng bigat ng nararamdaman ko.
06:14.0
Mawala ng tuluyan yung takot ko at mawala lahat ng nagpapakita hanggang sa naisip ko na gusto ko nalang mawala.
06:23.0
Tumakbo ako pabalik sa kwarto si Red tapos may nakita akong nakahiga sa sarili kong kama.
06:31.0
Naka-white itong bestida tapos naka-white na maskara.
06:36.0
Hindi ko alam kung bakit ko daw ito sinampal-sampal para lamang magising
06:42.0
tapos ang nakapagtataka ay nararamdaman ko rin yung sampal ko.
06:47.0
Hindi ko maipaliwanag talaga kung bakit parang iisa ang katauhan namin noong oras na yun.
06:54.0
Yung sampal ko ay parang yung pinipilit kong gisingin yung nakahiga.
07:00.0
Isa hanggang sa nagising na ako sa pang-apat na sampal.
07:05.0
Grabe po talaga ang pag-iyak ko pagkagising ko noon si Red.
07:11.0
Napasigaw talaga ako at tinawag ko ang boyfriend ko.
07:14.0
Nagtataka pa siya kung napaano ako tapos iyak ako ng iyak habang ikinikwento sa kanya ang tungkol sa napanaginipan ko.
07:24.0
Feeling ko talaga para akong mamamatay ng sandaling yun.
07:30.0
Talagang nasabi ko pa na magsisimba na ako next Sunday kahit na alam kung hindi tungkol doon yung panaginip ko.
07:37.0
Nahimasmasan din ulit ako pagkatapos ng ilang oras pero daladala pa rin ang takot magpasa hanggang ngayon.
07:47.0
At naisip ko na hindi na talaga ulit ako matutulog ng busog.
08:07.0
Hello sa Red at sa bumubuo ng Hilakbot Youtube Channel.
08:21.0
It's me again, Kaizen. And this is my third story.
08:27.0
Bago po yun, nagpapasalamat ako dahil na feature po ang aking second story noong December 2022.
08:34.0
And then ito namang po ang aking iba bahagi ay isa rin sa mga hindi ko malilimutan na experience dito sa Saudi.
08:44.0
Magtatatlong taon na po ako nito sa Saudi nang maranasan ko ang isang masasabing kakatwa pero nakakatakot na pangyayari.
08:55.0
Sinama po kasi ako ng aking amo sa bahay ng kanyang kaibigan.
09:02.0
Sigurado kapag may mga nakikinig po na katulad ko ring trabaho at nataon na sa Saudi din po na destino, alam nila na ganoon po ang mga amo.
09:14.0
Kapag gumagala sila, sinasama nila ang kanilang mga kasambahay para may kasama pong magbantay sa kanilang mga batang anak habang nagmamaritesan po sila.
09:27.0
So ayun nga, alas syete na po ng gabi nang umalis kami ng amo ko sa bahay at bumiyahe kami papunta sa bahay ng kanyang kaibigan.
09:38.0
Sa aking pagkakatansya, mayigit isang oras din po yung naging biyahe namin.
09:45.0
Pagkarating namin sa bahay ng kanyang kaibigan, dito ko po naramdaman automatically na parang hindi kaaya-aya yung ambience.
09:58.0
Kahit po sabihin natin may ilaw yung bahay ng friend ni madame, para sa akin yung aura niya ay ang gloomy, ibukod pa yung katotohanan na may kalumaan ang bahay na to.
10:14.0
So nung pagpasok namin sa gate hanggang sa makatapak na kami sa mismong bakuran, doon na medyo bumigat yung aura ng bahay.
10:25.0
Pero tuloy-tuloy na kaming pumasok sa loob at ako naman bilang katulong, dumiretsyo na ako sa kusina para doon na mag-stay at tumulong na rin na maghugas o mag-prepare ng kahit anumang kailangan ng mga amo namin.
10:41.0
So si madame at yung friend niya ay nasa sala at wala nang humpay ang kanilang tismisan.
10:49.0
Meron din pong kasambahay yung friend ni madame at mabait naman po siya, iba rin pong lahi.
10:57.0
Hanggang sa magtuloy-tuloy po yung pananatili namin sa bahay nung friend ni madame at dito ko na nga mas lalo pong nararamdaman yung pagbigat.
11:11.0
Yung bahay po kasi na iyon ay dalawang palapag, bukod sa luma, e malaki naman siya.
11:19.0
May tatlo nga pong sala sa baba, hindi ko lang po alam kung ilan ang kwarto sa taas at malaki rin yung dining area.
11:28.0
So ito na nga, binigay po ni madame yung anak niya sa akin na 7 months old para pakainin.
11:35.0
So kinuha ko po yung bata para pakainin, kaso kapag hinahawakan ko na yung bata ay ganun po kalakasang palahaw niya.
11:46.0
Iyak ng iyak at gustong bumalik sa kanyang mama.
11:50.0
So kinukuha ulit siya ni madame, kapag ganun bumabalik na ako ulit sa kusina.
11:57.0
Natanong ko tuloy yung kasambahay nung friend ni madame kung ganun na siya katagal na nagsisilbi doon at ang sabi niya mag iisang taon pa lamang daw.
12:08.0
So kahit papaano, nagkaroon kami ng konting kwentuhan habang may ginagawa po sa kusina.
12:15.0
Pero ginagawa ko lamang po ang pagdadaldal doon sa kasamahan o kasambahay nung friend ni madame para iwaglit-saglit yung aking nararamdaman na mabigat.
12:30.0
Talagang may something dark doon sa bahay nila kahit bukas na bukas ang lahat ng ilaw, kahit na sabog na sabog ang liwanag.
12:40.0
So yung ikalawang beses na muli ay ipinapaalaga sa akin yung anak nung aking amo ay ayaw talagang sumama sa akin.
12:52.0
Yung alaga ko nga ay parang hindi rin po komportable kapag hinahawakan ko siya at tanging iyak lamang po ng pagkalakas-lakas ang kanyang isinasagot.
13:03.0
Kaya lagi po siyang kinukuha na lamang ni madame.
13:07.0
Alam kong nababadrip na yung amo ko kasi hindi ko nga mapatahan yung bata.
13:12.0
Given the fact na kapag kami ay nasa bahay ay hindi naman ganoon yung aking alaga.
13:19.0
Maamo at talagang nakakatulog kapag pinapatulog ko na.
13:25.0
So balik na naman ako sa kusina.
13:27.0
Tumulong na lamang ako sa mga gawain doon para at least maging bisibisihan kumbaga.
13:34.0
So eto na ang hindi ko talaga din malilimutan pang parte ng kwentong ito.
13:40.0
Habang naguhugas ako ng mga teacups na ginamit po ng mga amo namin,
13:46.0
ewan ko ba kung bakit napatingin ako sa bintana.
13:50.0
Yung lababo kasi nila ay kaharap lamang yung bintana na iyon.
13:56.0
Napatingin ako sa bintana at nakita ko po sa right side ko.
14:02.0
Dahil na rin sa refleksyon nung salamin ng bintana na meron po akong katabing isang figura.
14:11.0
Babae po siya kung pagbabasahan yung built ng katawan.
14:16.0
Itim na itim ang kanyang suot mula ulo hanggang paa at magkasintangkad lamang po kami.
14:22.0
Five flat.
14:24.0
Nakaabaya po yung babae.
14:27.0
Kaya bigla po ako napalingon sa aking right side para tingnan kung may tao nga ba pero wala po akong nakita.
14:35.0
Pinanlakihan talaga ako ng mga mata ng sandaling iyon.
14:45.0
Nakita naman ako o napansin nung kasambahay nung friend ng amo ko
14:50.0
at maging siya ay nagtataka.
14:54.0
Kitang kita niya yung bigla kong pamumutla.
14:58.0
Iginala din niya ang kanyang mga paningin sa buong paligid dahil kami lang talagang dalawa ang nasa kusina.
15:06.0
Nanlalamig man ang katawan ko ng sandaling iyon at mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam
15:12.0
pero pinagpapatuloy ko pa rin ang aking ginagawa at never ko pong ikuinento ito doon sa isa pang kasambahay.
15:22.0
Hanggang sa around 11pm na yun, dito na nagpa siya si madam na umuwi na.
15:30.0
So kahit sa pag-uwi, ayaw pong magpakarga sa akin yung bata.
15:35.0
Nung nasa kotse na kami, mas lalo kong naramdaman ang bigat na aking nararamdaman kanina pa sa loob ng bahay.
15:45.0
Sa isip ko ay baka stressed o antok lang ako o sadyang pagod lang ang katawan ko.
15:52.0
Subalit, nagkakamali ako.
15:56.0
Nang makauwi kami sa bahay, deretso ako pagpasok sa kwarto ko.
16:01.0
Nag half bath muna ako sa banyo at nagbihis ng pantulog.
16:07.0
Sumapit ang alas tres ng madaling araw.
16:11.0
Binangungot ako si Red.
16:15.0
Sa loob ng aking bangungot ay tandang tanda ko pa yung babae na nakaitim at gusto daw niya akong patayin.
16:23.0
Hinabol daw niya ako sa isang lugar na medyo gloomy.
16:27.0
Basta ang plain lamang dahil yung lugar na nakikita ko na tinatakbuhan ko ay wala pong kapuno-puno.
16:35.0
Walang kahit na anong bahay o establishmento.
16:38.0
Hindi ko nga din nakita o napansin kung ako ba ay tumatakbo sa aspaltadong daan o isang lupain.
16:47.0
Basta ang nasa isip ko ay makalayo o makawala sa naghahabol sa akin.
16:56.0
Hanggang sanada pa na lamang ako si Red dahil nahawakan pala ako ng babae sa gawing bintiko at doon na ako nagsisisigaw at otomatikong nagising.
17:08.0
Hingal na hingal ako pagkagising ko at para talagang naging totoo yung pagtakbo ko.
17:15.0
Agada'y naghanap ako ng tubig at pagkatapos ay uminom ng marami.
17:20.0
Tininan ko pa yung sipi ko at eksakto talagang 3.15 am iyon.
17:26.0
Since medyo maaga pa kaya bumalik ako sa higaan para matulog.
17:31.0
Kinabukasan.
17:34.0
Gumising ako at naligo.
17:38.0
Hanggang sa mapansin ko sa gawing bintiko yung parabang bakas ng mga kamay.
17:46.0
Bakas po ito ng kamay sa right side ng bintiko at doon ako nabigla.
17:52.0
Inisip ko kung nangyayari na ito.
17:54.0
Imposibling ako ang gumawa at talagang napakalabo namang ako.
17:59.0
Yung bakas kasi ng kamay ay nasa right side din.
18:04.0
Hanggang sa naalala ko ang aking panaginip.
18:09.0
Doon palang si Red ay talagang nangilabot na ako.
18:14.0
Tama.
18:16.0
Ito yung bintiko.
18:18.0
Doon palang si Red ay talagang nangilabot na ako.
18:23.0
Tama.
18:25.0
Maaring yung bakas na naiwan sa bintiko ay gawa nung babaeng humahabol at humawak sa aking bangungot.
18:36.0
Pinikturan ko yung bintiko at isinend ko sa kaibigan ko.
18:41.0
Maging si Mama ko nga ay pinagsendan ko nito at napaisip po sila.
18:47.0
Ako naman patuloy ko pa rin sinusolve kung yung babae ba sa panaginip kong iyon ang siyang may gawa.
18:55.0
Or the worst.
18:57.0
Yung babaeng nakaabaya na nakita ko sa bahay ng friend ng amo ko ay sumunod sa akin at siya ang gumawa nito.
19:08.0
Hanggang sa naalala ko ulit.
19:11.0
August nga pala ay Ghost Month.
19:15.0
May karanasan po talaga ako kapag August sir Red.
19:20.0
Kung yung natatandaan sa aking mga unang isinend na kwento,
19:25.0
nanaginip din ako patungkol sa tiyahin ko na namatay at August din po iyon.
19:32.0
By the way, inattach ko po sa email ang picture ng bintiko na may bakas pa ng kamay.
19:40.0
Pasensya na kung medyo malabo ang pagkakakuha ko nito sir Red.
19:45.0
Pero mapapansin nyo naman talaga na meron pong marka sa bintiko.
19:51.0
Huwag po sana akong mabash dahil sa bintikong ito.
19:56.0
Dahil ang mangbabash ay hindi na magkakadyowa habang buhay.
20:00.0
Muli po maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Hilakbot, Sindak at Haunted History YT Channel.
20:10.0
More power po sa inyo.
20:13.0
Once again, ako po si Kaizen.
20:30.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media.
20:38.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media. Check the links sa description section.
20:45.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
20:53.0
Suportahan din ang ating mga brother channels, ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
20:59.0
Gayon din ang Hilakbot Haunted History for a weekly dose of strange facts and hunting histories.
21:05.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
21:30.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
21:38.0
Your first 24-7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube.