Close
 


PORTAL NG MASASAMANG ELEMENTO HORROR STORIES | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
PORTAL NG MASASAMANG ELEMENTO HORROR STORIES | HILAKBOT TRUE GHOST STORIES 🔗 https://youtu.be/0MAuM0MOVvM 🔴 STORY SENDERS ► IMME x MR. G x NOBODY Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► TINA MORAN 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL Patreon ► https://w
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 28:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Oras na naman na!
00:05.0
Hilakbot!
00:14.0
Isang nakakahilakbot na araw sa lahat.
00:18.0
Silent listener niyo po ako dito sa Saudi
00:21.0
at matagal-tagal na rin po akong nakikinig sa inyo
00:24.0
mapawaiti man o sa inyong podcast habang ako ay nagtatrabaho.
00:30.0
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Aimee.
00:34.0
Ako po ay Tika Cavite
00:36.0
at lahat ng aking babanggitin sa kwentong ito
00:40.0
ay karanasan ng aking pamilya
00:42.0
nung ako po ay naruroon pa sa Cavite.
00:49.0
Kung hindi ako nagkakamali ay nasa grade 5 pa lang po ako
00:53.0
nang mangyari sa akin ang experience na to.
00:58.0
Nang sandaling iyon ay wala po ang aking mga magulang
01:02.0
at ang alam ko rin ay isinaman nila ang bunso kong kapatid
01:06.0
dahil nagtungo po sila sa Samar.
01:10.0
Pumunta po sila doon upang maipagamot
01:13.0
sa isang sikat na albularyo sa naturang lugar, si Papa.
01:19.0
Nang panahong iyon,
01:20.0
nagsasuffer po kasi si Papa sa hindi maipaliwanag na sakit.
01:24.0
May kasama naman din po ako sa bahay,
01:27.0
ang aking kakambal,
01:29.0
ang kuya ko,
01:30.0
antinamin at ang kasambahay.
01:34.0
Simple lang o normal lang ang araw na iyon para sa akin.
01:39.0
Naglalaro pa nga ako kasama ng mga kaibigan ko
01:42.0
at pag nagsawa ay umuwi na rin ako sa bahay
01:45.0
para makipaglaro ng PlayStation sa aking mga kapatid.
01:49.0
Hanggang sa sumapit nga po ang gabi ng araw na iyon.
01:53.0
Akmang matutulog na po sana kami,
01:56.0
pero naisipan namin na tumambay muna sa sala
02:00.0
hanggang sa napagkasunduan na doon na lamang din matulog
02:05.0
dahil malawak din naman ang espasyo,
02:08.0
lalo kung tatanggalin ang center table doon.
02:13.0
Kung hindi rin ako nagkakamali,
02:15.0
pasado alas dose na ng ating gabi.
02:18.0
Mas lalo pang ang nagising ang mga diwa ng bawat isa sa bahay
02:22.0
sapagkat pare-pareho kaming nakadinig ng tunog sa aming bubungan.
02:29.0
Para bang nahulog ito sa kung saan
02:32.0
at gumulong-gulong muna bago bumagsak sa luka.
02:37.0
Napasigaw po kami noon ng kakambal ko
02:39.0
at lahat po kami ay dumungaw sa binigyan.
02:43.0
Hindi po namin masyadong natanaw kung ano yung nahulog
02:47.0
sapagkat sa terrace po kami.
02:50.0
Gayon pa man, makikita pa rin din po namin
02:53.0
kung may tao na babangon mula sa pagkakalaglag sa lupa.
02:59.0
Pero nagtaka po kami dahil wala po kami nakita na kahit sinong naroon.
03:06.0
Habang nakadungaw at nag-aabang panga kami,
03:09.0
biglang nagsalita si auntie na baka daw pusa yung nalaglag na iyon.
03:15.0
Hindi na rin namin makikita dahil baka tumakbo na sa kung saan.
03:19.0
So dahil doon ay bumalik na kami sa pagkakahiga.
03:24.0
Alam niyo po sir Red na malalim na rin noong gabi noon
03:27.0
ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
03:31.0
Nakatalukbong lamang po ako ng kumot na makapal
03:34.0
dahil natatapos ang mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga
03:38.0
dahil natatakot din po talaga ako noon
03:41.0
although may ilaw naman po na nanggagaling sa terrace namin.
03:45.0
Pinapakiramdaman ko po yung buong paligid
03:48.0
hanggang sa may nadinig po akong biglang tumunog sa gawing kusina namin.
03:56.0
Yung tunog po na iyon ay parang plato na pinukpok.
04:00.0
Otomatiko po talaga akong kinagpawisan ng sobra
04:04.0
dahil na rin sa labis na kaba at hilakbot.
04:08.0
Halos ipagdikit ko na nga yung katawan ko sa kakambal ko nung sandaling iyon.
04:13.0
Kumapit pa nga ako sa braso niya para lamang mawala talaga ang takot ko.
04:20.0
Lumipas ang ilang segundo na ulit na naman yung same exact na tunog
04:28.0
pero napapansin ko this time na dahan dahan na itong
04:33.0
parang sunod sunod at mas lalo pang nilalakasan.
04:40.0
Lalo din po akong kinabahan dahil may pagpaparamdam na talaga na hindi ko maintindihan.
04:49.0
Naramdaman ko rin po sa oras na iyon na nagiging weirdo na rin ang paligid
04:55.0
mas lumamig na parang magkahalo yung init.
04:59.0
Hindi ko po maipaliwanag.
05:02.0
Hanggang samay madinig na naman po akong tunog.
05:06.0
Sa pagkakataong ito nakatitiyak po ako na hindi na ito mga plato kundi mga baso na.
05:14.0
Para po siyang pinapatunog na ani mo yung nagtotoast o kaya naman ay pinapatunog gamit ang kutsyara.
05:24.0
Halos tumagal yun ng ilang minuto at bigla din pong nawala.
05:28.0
Doon na ako naglakas loob nagisingin si auntie at sinabi ko sa kanya ang mga narinig.
05:35.0
Sinek din po niya ang kusina pero okay naman po yung mga plato.
05:41.0
Nakaayos din ang mga baso.
05:44.0
Ang sabi niya baka daga lamang daw iyon ngunit kahit bata pa po ako nung time na iyon
05:51.0
alam ko na hindi lamang po ito gawa ng isang daga.
05:58.0
Nakaiba po kasi yung experience kong iyon.
06:02.0
Hanggang sa puntong ito nga si Red ay hindi ko maipaliwanag kung ano yung nadinig ko
06:09.0
lalong lalo na kung sino ang may gawa nun.
06:14.0
Paalala na lamang sa akin palagi ni auntie magdasal daw kami bago matulog.
06:51.0
Nasa edad 16 na po kami nito ng maganap at halos hindi rin po ako makapaniwala sa kanyang naranasan.
07:01.0
Hindi naman na din po naging lingid sa aming kaalaman na yung bahay na tinitirhan namin
07:08.0
ay may portal na mga kaluluwa o elementong ligaw.
07:13.0
Nang minsan nga pong ipatingin ng mami ko yung bahay.
07:17.0
Nung araw na mangyari iyon, nalaman ng mami ko na may boyfriend na ang kakambal ko.
07:24.0
Nakita po kasi niya yung message nito na inaaya yung kakambal ko na makipagtanan.
07:32.0
Siyempre dahil magulang, galit na galit si mami.
07:37.0
Kahit nga po tulog yung kakambal ko ay nasaktan siya ni mami na sadyang ikinagising at ikinagulat ng kambal ko.
07:46.0
Dumating din tuloy sa punto na ginupit-gupit ni mami ang buhok niya.
07:53.0
Nung time na iyon sir reda hindi ko po alam ang mararamdaman ko.
07:57.0
Naghahalo-halo na rin po kasi yung awa ko sa kakambal ko
08:02.0
at galit dahil nais kong pigilan si mami kaso po natatakot ako,
08:07.0
baha kasi ako po yung mapagbalingan kalaunan.
08:10.0
So nang mapagod nga po si mami sa pag-iyak at pagpalo maging sa pagsisisigaw,
08:17.0
tinabihan ko si kambal.
08:19.0
Andun lamang po siya iyak ng iyak habang hinihimas ko ang kanyang likuran.
08:27.0
Hanggang sasumapit nga ang gabi, saktong tahimik na sa bahay at tulog ang lahat.
08:35.0
Sinubukan pong kitlin ng aking kakambal ang kanyang buhay,
08:40.0
pero sa awa naman po ng Diyos ay nakaligtas siya.
08:50.0
Ilang araw matapos po ang kaganapang ito,
08:54.0
naikwento niya sa akin ang nangyari ilang sandali bago niya pagplanuhan na magpatiwakal.
09:04.0
Sabi ni kambal, may nakita daw siyang babaeng nakaitim.
09:10.0
Mapupula ang mga mata at parabang hinahalina siya.
09:15.0
Nakaupo daw ito sa sofa namin.
09:18.0
Meron din daw itong ibinubulong.
09:23.0
That time nagkakaroon na rin po siya ng doubts kung itutuloy ba niya ang pagpatiwakal.
09:29.0
Pero nung tignan daw niya ulit yung babaeng itim,
09:33.0
nakatayo na ito sa kanyang harap at nasa pinto na mismo ng kwarto namin.
09:43.0
Hindi din daw niya maipaliwanag sa Red kung paanong
09:47.0
tila baga nadala siya ng engkantasyon ng babaeng nakaitim kahit hindi niya maintindihan ang binubulong nito.
09:57.0
Basta't ang pumasok daw sa isipan niya ay tunguhin ang gawin ng aming kusina kung nasaan naroon yung Clorox.
10:08.0
Sa isip niya ay parabang binubulongan daw siya nung babaeng nakaitim na tunggain ang lahat ng laman nun.
10:16.0
Yun bang walang ititira.
10:19.0
At yun nga ang ginawa niya nung gabing yun.
10:23.0
Akala na mga magulang namin ay gawa-gawa lamang ng isipan ng kambal ko ito dahil sa labis na frustration o kung anumang problema na meron siya.
10:35.0
Hanggang sa napag-usapan po namin ulit, yung nangyari sa kanya nung kami ay tumungtong ng 21 years old.
10:42.0
Ayaw pa rin pong maniwala ni na mami at ni papa,
10:45.0
pero nung sabihin ng kapatid kong gala na namataan daw niya ang isang black lady nung gabing yun nang umuwi siya sa bahay,
10:54.0
ay dun na po kami kinilabutan ng sobra.
10:59.0
Sabi ng kapatid kong lalaki,
11:02.0
akala din daw niya ay si mami yung nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto namin.
11:08.0
Late po kasi talaga itong umuwi mula sa galaan kasama ang kanya mga barkada.
11:15.0
So dahil nga sa kanyang pag-aakala,
11:19.0
tinawag daw niya ang figura pero hindi siya pinapansin ito.
11:24.0
So kumuha na lamang siya ng maliit na bato at binato daw sa bintana ang kanyang hinawakan,
11:30.0
ngunit hindi pa rin daw ito natinag sa pagkakatayo.
11:37.0
Kumuha muli siya ng bato para batuhin ulit sana ang bintana,
11:41.0
pero laking hilakbot niya nang makita niya daw yung black lady na nasa pintuna ng sala namin
11:48.0
at sobrang talim ng tingin ito sa kanya.
11:53.0
Doon na kumaripas ng takbo ang kapatid kong lalaki dahil sa takot.
12:00.0
Sa katunayan, Sir Red ay hindi ko pa naman na-experience na makita yung sinasabi nilang black lady sa bahay.
12:08.0
Pero ganun paman, habang ginagawa ko nga ang kwentong ito,
12:13.0
hindi ko talaga mapigil ang kilabutan kapag naaalala ang lahat ng karanasan naming iyon sa bahay.
12:38.0
Itago nyo na lamang po ako sa pangalang Mr. G.
12:43.0
Two months pa lamang po akong nakikinig ng podcast ninyo at minsan patawid-tawid din po dito sa YouTube.
12:51.0
Sa totoo lang ay nahihiya akong magbahagi ng aking hilakbot experience,
12:55.0
kaso nung nakinig po ako ng inyong pods,
12:58.0
lagi ko pong naririnig yung sinasabi nyo lalo sa every ending ng inyong story
13:03.0
na ikuwento nyo na bago maikuwento ng iba.
13:08.0
Kaya naglakas loob na po ako na mag-share at ito po ang aking karanasan.
13:15.0
Nangyari po ito May 2009 at nag-aaral pa lamang po ako noon.
13:22.0
Isa po sa mga requirements ng school namin bago mag-4th year college
13:27.0
ay kailangan ka talagang mag-OJT sa isang hotel nung summer of 2009 ng dalawang buwan
13:34.0
at ito ay sa isa pang isla sa Visayas.
13:38.0
Ito po ay isa sa mga sikat na tourist spot dito sa Pilipinas.
13:45.0
Nakarating po ako ng islang iyon, first week of April.
13:49.0
Yung mga kasamahan ko naman din po sa bahay na nirentahan namin
13:53.0
ay talagang mga kaklos ko rin at kaklasiko.
13:57.0
Nasa labing limang katao kaming nag-renta sa bahay na iyon.
14:01.0
Yung nahanap namin na bahay ay medyo papasok na rin po talaga sa isla
14:07.0
at masasabi kong medyo magubat na.
14:11.0
Ang dalawang bahay po ay gawa halos lahat sa kawayan
14:15.0
at may dalawang palapag ito.
14:18.0
Sa gitna ng dalawang bahay ay may dalawang shower at toilet at iisa lamang ang ilaw nun.
14:25.0
Naka-base din po ito sa parang maliit na lawa
14:29.0
kaya meron pong parang mga tulay nayari din sa kawayan
14:33.0
yung dadaanan papunta sa bahay na nirerentahan o titirhan namin
14:39.0
hamang kami ay mag-OJT.
14:40.0
So nung dumating na nga sa isla ang buong grupo namin
14:45.0
nagpunta na rin kami agad sa mga assigned na hotel para sa OJT.
14:50.0
Walking distance lamang po yung assigned hotel kung saan ako mag-OJT
14:56.0
mula sa aming tinutuluyan.
15:00.0
Nung buwan nung Abril,
15:02.0
lagi pong morning shift ang ibinibigay sa akin na job
15:05.0
Nung nalipat na ako ng department
15:07.0
dito na rin nagbago yung aking shift
15:10.0
at panggabi na rin po ako hanggang umaga.
15:15.0
Pagsapit ng buwan ng Mayo,
15:17.0
first week or second week po ito nang mangyari
15:21.0
halos mailagay at napako na ako sa panghapon na duty
15:27.0
1pm hanggang 11am.
15:30.0
Nung araw na iyon
15:32.0
pagkagaling ko ng OJT ay dumeretsyo na ako sa bahay.
15:36.0
Nakarating din po ako doon bandang alas 11.30 na.
15:41.0
Nakaugalian ko na po kasi
15:43.0
na pagkatapos ng OJT
15:45.0
ay maliligo ako
15:47.0
at hindi lang talaga hilamos.
15:49.0
Pagkakuha ko ng aking tuwalya
15:52.0
at mag-OJT
15:54.0
at mag-OJT
15:56.0
at mag-OJT
15:57.0
pagkakuha ko ng aking tuwalya
16:00.0
ay dumeretsyo na ako ng banyo.
16:03.0
Nung nagsasabon na ako ng aking katawan
16:06.0
walang ano-ano
16:08.0
umihip ang malamig na hangin
16:11.0
pero hindi ko naman po masyadong pinansin yun
16:14.0
sapagkat wala pa naman din ako talagang
16:17.0
naiisip na maaaring kababalaghan o kung ano man yun
16:21.0
ibukod ba ang katotohanan na
16:24.0
hindi pa rin talaga ko kasi nakakasaksi
16:27.0
kaya ay nakakaranas ng kahihilakbutang karanasan
16:31.0
kahit nung ako ay bata pa.
16:33.0
Habang binabanlawan ko ang siyampu sa aking buhok
16:37.0
napapikit po ako ng saglit
16:40.0
hanggang sa muli kong pagdilat ng mga mata
16:43.0
doon nga'y may naaninagan na ako agad
16:46.0
na isang anino na parabang nakaharang sa ilawan namin.
16:52.0
Akala ko nga po nung time na iyon ay may naninilip
16:55.0
habang ako ay naliligo
16:58.0
pero nung tumingin ako sa taas
17:01.0
gayon na lamang ang aking hilakbut
17:04.0
lalong lalo na ang kabog ng aking dibdib.
17:08.0
Hindi ako nakapagsalita at hindi rin ako nakagalaw.
17:13.0
Hindi rin po ako pwedeng magkamali nun sir Red
17:17.0
dahil maliwanag na nakikita ako sa hindi kalayuan
17:21.0
sa gawin ng taas ang isang nilalang na may sungay
17:27.0
medyo mabalahibo at mapupula ang mga mata.
17:35.0
Dimonyo
17:40.0
Mas lalo pang nagpatinding ng balahibo ko sir Red ng sandaling iyon
17:45.0
ay yung kanyang pagsasalita sa akin ng napakalalim.
17:51.0
Ang sabi niya
17:59.0
Mas lalo po akong inurungan ng dila at napako sa aking kinatatayuan.
18:06.0
Ilang segundo lang ay biglang bumalik ang aking ulirat
18:10.0
at doon na ako dalidaling lumabas ng aming banyo
18:14.0
nakatapis man pero may konting bula-bula pa ang aking buhok.
18:20.0
Nagtungo ako sa kwarto at karipas talaga ang takbo ko noon
18:25.0
nang makita ko rin ang aking mga kaklase.
18:29.0
Agad kong sinampay ang tuwala doon at hindi talaga ako mapakali dahil sa nakita ko.
18:35.0
Hindi ko na rin nga namalayan na yung mga kaibigan
18:39.0
o yung mga kaklase kong naruroon at nagpapahinga sa loob ng kwarto namin
18:43.0
ay makailang beses din pala akong tinatawag
18:46.0
sapagkat nakita nilang namumutla ako at hindi ako mapakali.
18:52.0
Hindi ko po talaga nasabi sa kanila agad
18:55.0
bagkus ay napaiyak na lamang ako sa sobrang hilakbot.
18:59.0
Iyak pa rin ako ng iyak kahit kinocomfort po nila ako.
19:04.0
Hindi ko rin po alam kung hallucination ko lang ba talaga yun
19:08.0
gawa-gawa ng malilikot kong imahinasyon
19:12.0
pero nakatitiyak talaga ako.
19:15.0
Nakita ko ang solido niyang katawan.
19:19.0
Matapos nga po nila akong mapakalma
19:22.0
doon ko na naikwento sa kanila ang nangyari.
19:25.0
Isang kaklase ko ang nagsuggest na magform na daw kami ng circle at kami po ay magdarasal.
19:33.0
Isang kaklase ko rin na nagbigay sa akin ang praying booklet
19:36.0
tapos pinabasa niya sa akin yung mga naruroon.
19:40.0
Matapos nga rin po iyon hindi na ako nakatulog pa.
19:46.0
Sobra talaga ang kabog ng dibdib ko kahit po ilang oras na makalipas na mangyari ang naranasan ko.
19:55.0
Kinabukasan nagbitbit na ako ng rosario at kahit saan ako mapunta ay daladala ko yun.
20:04.0
Sa awa naman din ng Diyos, Sir Red, hindi na po nagpakita sa akin yung nakita ko.
20:11.0
Hanggang sa bago magtapos ang aming OJT sa hotel na iyon, doon na po biglang nagsangasanga ang mga kwento.
20:20.0
Marami din po akong nabalitaan na ibat-ibang karanasan na mga kasama ko sa OJT na mga pagpapakita o pagpaparamdam na mga paranormal.
20:34.0
Katulad na lamang daw ng isang white lady na nagpapaikot-ikot lamang sa gilid ng pool na para bang meron siyang hinahanap.
20:44.0
Meron din po silang sinasabi na naglalakad din na hindi mawaring nila lang sa loob ng hallway,
20:51.0
lalong-lalo na ang mga pilyong batang multo na lagi nga daw pong nagiiwan na mga markah o mga handprint nila sa mga dingding na nalinisan na na makasama din naming nag-OJT.
21:22.0
Good evening po sa lahat ng inyong tigapakinig, baba, regular man o mga silent listeners na katulad ko.
21:31.0
Tandang-tanda ko pa po bago mag-pandemic, nagkaroon po ng team building ang aming company sa bataan.
21:41.0
Sampu po kaming kasama noon, kasama na yung driver at tour guide namin.
21:47.0
Bago pa nga po kaming magbiyahe at makaali sa Mandaluyong, nag-heads up na po si Manong driver sa amin.
21:55.0
Kailangan daw namin talaga at mahigpit na ipasusunod sa amin ang mga do's and don'ts para safe din daw kaming makauwi galing sa aming team building.
22:08.0
Ang sarap din ng tulog na makasama ko noon samantalang ako ay hindi man lang talaga antukin sapagkat na e-excite ako.
22:17.0
So nang marating nga namin ng beach resort kung saan kami magti-team building, ay nagpahinga na muna ako,
22:24.0
samantalang yung mga natutulog gani ng kasamahan ko ay nag-swimming na agad.
22:30.0
Habang ako ay mag-isa sa kwarto namin, nagpapahinga at nag-iisip ng kung ano-ano,
22:39.0
hindi po talaga ako pwedeng magkamali na nakadinig ako ng mga paa o footsteps na parabang nagmamartsya.
22:50.0
Hindi ko man po dapat talaga pansinin pero nararamdaman ko na nanggagaling ang tunog sa loob mismo ng aking room.
23:00.0
Dahil nga sa parang dinedma ko na lamang, nakatulog din ako matapos noon.
23:09.0
Akala ko doon magtatapos ang lahat.
23:14.0
Sa pagtulog ko, ginambala din po ako doon dahil nanaginip ako.
23:20.0
Sa panaginip kong iyon, nakakita po ako ng limang sundalo.
23:25.0
Yung bang tipikal na mga suot nila sa digmaan.
23:29.0
Naliligo sila sa pulang likido.
23:32.0
Kita ko rin yung butas-butas sa kanilang katawan at parabang inaabot nila ako sa kung saan ako nakahiga.
23:41.0
Sa sobrang takot ko nga po, ay nagising ako mula sa bangungot na iyon at parang meron din bumubulong sa tenga ko.
23:50.0
Humihingi siya ng tulong.
23:52.0
Lumabas ako agad ng kwartong iyon at hindi na ako nakatulog noong gabi dahil sa nangyari.
24:05.0
Bago din kami umuwi noon, sir Red, pumunta din kami sa isang museum sa bataan at sinabihan din kami ng driver na huwag din masyadong mag-iingay.
24:16.0
So pagpasok namin doon, hindi na maganda ang pakiramdam ko.
24:23.0
Yung pakiramdam ko kasi noong time na iyon ay parang, oo kami lang yung taong naroon at pumasok sa museo pero parang ang crowded noong feeling.
24:35.0
Parang ang dami-dami.
24:38.0
Kapag maglalakad ka nga sa isang sulok, parabang may nakatitig sa iyo.
24:42.0
Ibukod pa ang katotohanan na mas lalo talaga akong kinikilabutan kapag napapatitig ako sa mga gamit na mga sundalo noong panahon ng digmaan na ngayon ay nakapreserva sa loob ng naturang museo.
25:03.0
Nang makaramdam nga ako ng pagkaihi, ay naghanap din ako ng CR na malapit sa museo.
25:08.0
Pagtingin ko pa lamang sa isang sulok ng CR na sana'y pupuntahan ko, mas lalo po talaga akong nanghilakbot siya red sapagkat may limang lalaki na naroon.
25:24.0
Same ng uniform na nakita ko na parang pang sundalo na nakita kong una sa aking bangungot kahapon.
25:34.0
Sa pagkakataong ito, naroon lamang po sila nakatayo sa sulok ng CR.
25:43.0
Kitang-kita ko ang pagbukas na kanilang bibig na parabang sumisigaw dahil sa labis na sakit o kaya sa takot.
25:54.0
Pero wala pa akong nadinig na kahit anumang tinig na nanggagaling sa nakabukas nilang bibig.
26:00.0
Pero alam ko na humihingi sila ng tulong.
26:06.0
Doon ko din po napansin ang pagbabalot sa kanila ng pulang likido, lalong-lalo na sa kanilang katawan.
26:16.0
Sa takot ko ay bumalik na lamang ako sa sasakyan at napansin po ni Manong Driver namin ang pagkabalis ako.
26:23.0
Kunento ko tuloy sa kanya ang lahat.
26:27.0
Ang sabi niya, sanay na daw siyang makarinig ng ganong kwento at hindi naman daw ako yung unang nakaranas ng ganon.
26:40.0
Sabi ni Manong, ang mga nagpapakita daw sa amin ay ang mga sundalong Pilipino na namatay noong Bataan Death March.
26:54.0
Dugtong pa niya, hindi pa rin nila matanggap ang paraan kung paano sila namatay sapagkat makikita naman sa kanilang itsura na naghahanap pa rin sila.
27:09.0
Dahil doon, pinag-pray ko na lamang sila sa aking isipan bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon sa Bataan.
27:40.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyong social media. Check the links sa description section.
27:47.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
27:55.0
Suportahan din ang ating mga brother channels, ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
28:02.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
28:07.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HDV Positive!
28:12.0
Mga Solid HDV Positive! Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating bunsong channel, ang Pulang Likido Animated Horror Stories. Subscribe na or else!
28:32.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
28:40.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.