Close
 


MARCO | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 20:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang magandang gabi sa inyong lahat na nakatutok ngayon.
00:07.8
Ako nga pala si Marco, 39 years old, binata at kasalukuyang nakatera dito sa tagig sa ngayon.
00:16.0
Matagal na akong listener ng inyong programa at kamakailan ay nag-subscribe ako sa dalawang YouTube channels na Papadudud Stories at Kaistorya.
00:27.4
Siya nga pala may isi-share ako sa inyong story na kamakailan lang ay nangyari sakin at masasabi kung hindi ko makakalimutan.
00:36.4
Oo, Papadudud, istorya po ito ng kababalaghan.
00:42.4
Papadudud, matagal na akong suki ng dark web at dahil hobby ko ang pangungulekta ng mga antiks at ancient relics.
00:52.4
Marami akong nabili sa dark web na maituturing na valuable.
00:58.4
Ilan sa mga valuable collection na meron ako ay ang ancient roman coins, isang chalice na gawa sa silver at galing sa mga sinuunang vikings,
01:11.4
original illuminati at freemason rings na gawa sa ginto at silver at dalawang misteryosong libro.
01:19.4
Ang original copies ng dalawang sa tatlong grimoires.
01:23.4
By the way, kung ang mga Kristiyano, Bible ang tawag sa banal na akla.
01:29.4
Grimoire naman ang tawag sa mga aklat ng Diablo.
01:34.4
Naglalaman ito ng mga legit na spells, conjurations, black magic at iba pang mga lihim na karunungan.
01:42.4
Tatlo ang sinasabing legit na grimoires.
01:45.4
Ang una, ang Pseudomonarchia Demonum, kung saanin naglalaman po ito ng mga spells and conjurations ng mahigit sesenta na mga high-ranking demons.
01:58.4
Nakasulad pa ito sa wikang latin.
02:01.4
Ang pangalawang grimoire ay tinatawag na Lemeheton Clavicula Salomonis Rex
02:10.4
o sa ingles ay The Lesser Key of Solomon the King.
02:16.4
Katulad din siya ng Pseudomonarchia Demonum na naglalaman ng spells and conjurations of seventy-two known high-ranking demons.
02:27.4
Pero mas concise ito at mas popular sa mga taong nagpa-practice ng black magic.
02:32.4
Originally, nakasulad po ito sa wikang latin pero sa lahat ng grimoires.
02:37.4
Ang Lemeheton, ang na-translate sa wikang ingles at available ito sa e-book format kung saan ay pwede mo nang ma-download.
02:45.4
Ang pangatlo at huling grimoire ay tinatawag na Le Dragon Rouge, salitang French na ang ibig sabihin ay Pulang Dragon.
02:55.4
Ayon sa mga nababasa ko sa internet ay ito raw ay mas kilalabi ng Grand Grimoire dahil ang original na kopya nito.
03:03.4
Ay naglalaman ng mga lihim na karununga na wala nga sa dalawang naunang aklat ng Diablo.
03:09.4
Niresearch ko ang Le Dragon Rouge at may ilang kopya na mada-download.
03:16.4
Pero sabi ng mga demonologist, sa internet ay hindi raw iyon ang totoong nilalaman ng Le Dragon Rouge.
03:23.4
Kaya dahil sa aking curiosity at sa kagustuhang makakolekta ng mga kakaibang relics ay iyon ang sinunod kong hanapin sa dark web.
03:32.4
At yun nga papadudod makalipas ng ilang araw ng pag-research ay merong nag-reply sa aking inquiry na meron daw siyang original copy ng Le Dragon Rouge.
03:42.4
Tinanong din niya sa akin kung isa rin ba akong satanistang tulad niya pero sabi ko ay gusto ko lang na makompleto ang collection ko.
03:50.4
At hindi ako naniniwala sa mga demonyo at iba pang mga divine or supernatural being.
03:56.4
More of science guy kasi ako papadudod.
03:59.4
So yun nga makalipas ang ilang minutong negosasyon ay nagkasundo kaming bibiling ko ang kopya niya ng Le Dragon Rouge sa halagang 400 US Dollars.
04:11.4
Wera pa ang shipping.
04:13.4
Nagsend din siya sa akin ng pictures at video para patunayan sa akin na legit ang kanyang hawak na kopya.
04:19.4
Dahil sa kumbensido naman ako kaya mabilis kami nagkasundo at nagkabayaran.
04:24.4
Matyaga akong naghintay sa aking parcel na dumating.
04:28.4
Exact noong 12 days ay na-deliver na siya at yung sandaling nireceive ko ito ay nakaramdam ako ng matinding kilabot.
04:36.4
Maski yung delivery man ay hindi na rin mapakali at mabilis na umalis na hindi man lang kinukuha ang inabot kong tip sa kanya.
04:45.4
Agad kundi na lahat nilapag sa mesa ang package. Medyo may kabigatan siya.
04:51.4
Pag bukas ko ay tumambad sa akin ng isang malaking librong nakabalot sa bubble wrap.
04:57.4
Lumang-luma na ito at amay lupa. Medyo sira na rin ang itim hardbound cover nito na may nakaukit na mukha ng dragon.
05:06.4
Pag buklat ko ay bumungad sa akin ang naninilaon na papel na parang gawa sa parchment.
05:12.4
Meron po itong sulat kamay na gawa sa pulang tinta na parang dugo at ang nakasulat ay Salute, Auroi Infernal, Shaitan GL.
05:22.4
Naintriga naman ako sa mga nabasa ko sa first page.
05:25.4
Binuklat ko pa ang ilang pahina ng libro at napansin kong lahat ay sulat kamay at gumamit ng itim na tinta.
05:32.4
At sa halip na wikang latin ay nakasulat ito sa wikang pranses.
05:37.4
May mga drawing din ng demonyo sa bawat pahina at dahil sa hindi ko maintindihan ng mga nakasulat dahil nga hindi naman ako nakakaintindi ng wikang pranses,
05:45.4
ay tinabi ko na lamang ang libro kasama ang iba pang mga kasama kong koleksyon.
05:51.4
Pero papadudot noong araw din yun na inakaramdam na ako ng kakaiba sa buong paligid.
05:57.4
Para bang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko noong mga sandaling yun.
06:01.4
Isama pa yung kilabot na feeling na parang may mga matang nagmamasid sa'yo.
06:06.4
At saka may pagkakataong nakakaamoy ako ng weird parang amoy ng asupre o sulfor sa paligid.
06:13.4
Minsan nga inakala kong baka may nagsusunog ng gamit ko sa loob ng bahay pero kapag tsineko naman ay wala naman akong makita.
06:25.4
Pero ng mga sumunod na gabi, mas tumindi ang kababalaghang nangyari sa loob ng aking bahay.
06:32.4
Natatandaan kong bigla kong nagising ng marinig ko na may bumagsak na kung anong bagay sa kusina,
06:39.4
nawalang antuko at napalitan ng kaba.
06:42.4
Inisip ko noon na baka napasok na ako ng akyat bahay kaya agad kong hinanda ang aking sarili.
06:49.4
Kinuha ang lesensyado kong barel at dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto.
06:56.4
Kadilimwa ng paligid ang sumalubong sa akin pero dahan-dahan parin akong buhaba dahil may naanin nagpa ako sa gitna ng dilim.
07:04.4
Hanggang sa nagulat na lamang ako nang biglang may anino akong nakita na dumaan sa sala papunta sa kusina.
07:11.4
Hindi na ako nakatiis noon kaya nagpasya na akong buksan ng ilaw.
07:15.4
Wala naman ako nakitang kakaiba pero tumambad sa akin ng ilang gamit sa kusina na nasa sahig.
07:22.4
Dahan-dahan kong kinuha ang mga gamit na nasa sahig ngunit habang nakayo ko ako,
07:28.4
ay bigla kong may nakitang anino na dumaan sa aking likuran.
07:31.4
Agad akong napatayo at nakaramdam ng sobrang takot sa mga nangyari.
07:36.4
Nilingaling ako ang paligid bagamat wala kong makitang ibang tao maliban sa akin ay pakaramdam ko noon ay hindi ako nag-iisa.
07:45.4
Kaya nagmamadali akong inayo sa mga gamit sa kusina pagkatapos ay mabinis akong umakyat sa kwarto at taglak ng pinto.
07:53.4
Pero papadudot may narinig akong yabag na tila paakyat papunta sa aking kwarto.
07:58.4
Dahil doon ay napatakbo ako sa aking higaan at hindi ko na pinatay noon ng ilaw.
08:03.4
Hindi ako nakatulog simula noon at tinintay ko na lamang na sumikat ang araw.
08:08.4
Alasyete na ng umaga na magpasya akong buwaba at buti na lamang at linggo noon kaya magdamag lamang ako sa bahay.
08:14.4
Patapos maglinis ng bahay at maglabay nagpasya akong magnetflix.
08:19.4
Habang nanonood ay nakarnig ako ng yabag mula sa itas na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko.
08:25.4
At dahil sa curiosity ay dahan-dahan akong umakyat para silipin.
08:31.4
Ngunit nagulat ako nang biglang may aninong mabilis na dumaan sa aking harapan.
08:36.4
Katunayan, muntik na akong mahulog sa hagdanan.
08:40.4
Buti na lamang at nakakapit agad ako.
08:43.4
Pero nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala noon sa aking nakita.
08:47.4
Ang anino ay dumiretsyo sa isa ko pang kwarto, kung saan ay naroon ang mga koleksyon ko.
08:55.4
Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pinto ng kwarto.
09:00.4
Sumalubong sa akin kaagad ang amoy na parang nasusunog na goma,
09:05.4
bagamat wala namang nasusunog na kung ano sa paligid.
09:10.4
Agad na napukaw ang atensyon ko sa bago kong koleksyon na Lee Dragon Rouge na nakabalot pa sa double wrap.
09:18.4
Kinuha ko yon at nilapag sa kalapit na mesa pagkatapos ay binuklat ko yon.
09:23.4
Damit naman ng translation app sa aking cellphone,
09:25.4
ay sinubukan kong itranslate ang mga nakasulat sa naturang libro.
09:29.4
Sa unang pahina pa lamang ay naintriga na ako at ayon kasi sa libro,
09:33.4
ang universo raw ay nilikha ng dalawang Diyos.
09:38.4
Si Yahweh ang harin ng liwanag at si Demogorgon ang Diyos ng kadiliman.
09:45.4
Tapos sa ilang buklat ko ng pahina ay nabasa ko rin ang sinasabing digma ng langit at impyerno,
09:51.4
kung saan ay tinalo ni St. Michael the Archangel si Samael
09:57.4
o mas kilala bilang Lucifer.
09:59.4
Si Lucifer daw ay binalanggo ng Diyos ng panghabang buhay.
10:05.4
Maraming impormasyon din ang binigay sa akin ng Lee Dragon Rouge.
10:09.4
Isa na roon ang misconception na si Lucifer ang pinuno ng impyerno.
10:14.4
Hindi raw kilanman nagkaroon ng prinsipe ng kadiliman,
10:17.4
sahilip ang mga pinuno ng impyerno raw ay tinatawag na Shaitan,
10:21.4
isang titulo na mas kilala natin sa tawag na Satan.
10:25.4
Nakalagay daw sa libro na nagkaroon ng apat na Shaitan ng impyerno
10:30.4
at bawat isa ay namuno ng mahigit isang bilyong taon.
10:34.4
Una raw naging Shaitan ay si Baal at nang matapos ang kanyang termino ay pumalit sa kanya si Belzebub.
10:41.4
Sumunod sa kanya si Valak at naging Shaitan raw ng impyerno hanggang taong 1914.
10:48.4
O si Valak na popular sa movies na Annabelle at The Conjuring ay dati palang naging pinuno ng impyerno.
10:55.4
At ang huli at kasalukuyang Shaitan ay siglay sa La Volas na namuno simula noong 1914.
11:04.4
At ang mga sumunod na mga pahina ay tungkol sa mga demons to conjure kung gusto mong maging bihasa sa black magic,
11:12.4
witchcraft, pagbuhay ng patay at iba pang mga lihim na karunungan.
11:17.4
Papadudot habang binabasa ko yun ay sobra talaga akong kinilabutan.
11:22.4
Bigla kong pinagsisihan na binili ko pa ang librong yun sa dark web
11:27.4
at habang nagbabasa ay bigla na lamang akong nakaramdam na may humawak sa aking balikat.
11:33.4
Napabalikwas ako at nagpanik ngunit wala akong nakita
11:38.4
pero noong ibinalik ko ang aking atensyon sa libro ay nagulat ako
11:42.4
nang biglang magproduce ito ng apoy at nagemerge ito paakyat bilang isang bolang naglalagablab.
11:50.4
Naglaho din ito matapos dumutang sa ibabaw ng libro sa loob ng halos isang minuto.
11:55.4
Dahil doon ay agad kong sinarado ang libro at binalot ulit sa bubble wrap
12:00.4
at sinililid ko yun sa isang kahon.
12:03.4
Pagkatapos ay pinose ko doon sa dark web, kinahaponan ang Lee Dragon Rouge.
12:08.4
Nagpasyakong ibenta na ito dahil sa lahat ng mga koleksyon ko.
12:12.4
Yun lang ang nababalot ng sobrang kababalaghan
12:15.4
at hindi ko nagugustuhin pang lumala ang naranasan kong pagpaparamdam
12:19.4
mula sa mga nilalang na hindi ko mawari pero alam kong kampo ng kadiliman.
12:24.4
Samantala pagsapit ng hapon ay nagpasyakong maglagalag sa labas
12:29.4
dahil parang nasasakal na ako noon sa loob ng bahay.
12:32.4
Ewan ko pero feeling ko ay napakarami kaming nagsisiksikan sa loob
12:37.4
kahit na ako lang obviously ang naroon.
12:40.4
Namasyal ako sa mall tapos ay tinawagan ko ang mga friends ko na magnight out kami after.
12:47.4
Guti na lamang at bumayag silang lahat.
12:49.4
Sa isang bar sa Makati kami nagpalipas ng gabi.
12:53.4
Hindi ko na malayaan na nalasing ako ng sobra at hindi na ako makakauwing mag-isa sa aking bahay.
13:00.4
Guti na lamang at dalawa sa mga kaibigan kong nagmamagandang loob na ihatid ako sa aking bahay.
13:06.4
Paka doon na rin daw silang magpalipas ng gabi at pumayag naman ako sa gusto nila
13:10.4
at nakatulog ako pagkatapos noon.
13:13.4
Maguumaga na nang magising ako at agad akong bumangon sa sofa
13:17.4
kung saan ako nakatulog, ako lamang din ang mag-isa sa bahay.
13:21.4
Nauna na sigurong umalis yung dalawang kaibigan ko at mamayang kaunti biglang nag-ring ang phone ko.
13:27.4
Kumusta ka na Marco?
13:29.4
Tanong sa akin ni Joseph na isa sa mga naghatid sa akin sa bahay.
13:32.4
Eto kakagising ko lang eh, anong oras pala kayo umalis sa bahay?
13:36.4
Tanong ko naman sa kanya.
13:38.4
Alas tres ng madaling araw.
13:40.4
Pasensya ka na kung hindi ka namin nabantayan dyan.
13:45.4
Hindi namin kayang magtagal ni Roby dyan sa bahay mo.
13:49.4
Pagkatulog mo kasi nakaramdam kami ng kakaiba at nakakatakot dyan sa bahay mo.
13:53.4
Ang kwento niya sa akin.
13:55.4
Naintinig na naman ako sa kanyang sinabi pero hindi ako nakakibuka agad.
13:59.4
Haunted house ba yung tinitirahan mo pagpapatuloy pa ni Joseph?
14:04.4
Hindi, sagot ko naman.
14:07.4
Bakit, anumang nangyari sa inyo ni Roby dito sa bahay?
14:10.4
Nakaranig kami ng mga yabag dyan sa second floor.
14:13.4
Tapos nang kitingnan namin ni Roby, wala kaming nakitang iba.
14:18.4
Tapos habang pababa kami, may nakita kaming limang anino na dumaan papunta sa kusina.
14:24.4
Akala namin nung una, ikaw lang yun.
14:27.4
Pero biglang gumalaw naman ng kusa mga gamit mo sa kusina.
14:31.4
Tapos biglang namatay ang ilaw, syempre natakot kami ni Roby.
14:35.4
Pero Marco, habang patay ang ilaw, biglang may mga kumalmut sa amin,
14:38.4
kaya nagtatakbo na kami, papalabas ng bahay mo.
14:42.4
Nagstay kami sa labas ng halos isang oras,
14:45.4
bago ako nagpasyam bumalik dyan sa loob para ayusin ka at isarado ang pinto ng bahay.
14:49.4
Kwento ni Joseph sa akin.
14:52.4
Halos hindi naman ako makapagsanita sa mga narinig ko mula sa aking kaibigan.
14:57.4
Grabe Marco, hindi na kami pupunta dyan sa bahay mo, nakakatakot pala dyan,
15:02.4
dagdag pa ni Joseph sa akin.
15:05.4
Hindi haunted house ang bahay ko, depends ako naman sa mga kwento nila.
15:10.4
Pero meron kasi ako nabiling libro sa Darkweb at simula noon,
15:14.4
nung dalhin ko yun sa bahay, nagsimula na ako makaramdam ng mga nakakatakot,
15:19.4
pagpapatuloy ko.
15:21.4
Dispatchahin mo na yung librong nabili mo, bago pa may mangyaring masama sayo.
15:26.4
Ang wika ni Joseph, pero biglang naputo lang kanyang tawag.
15:30.4
At kasabay noon ay muli ako nakarinig ng mga yabag sa kwarto kung saan ay naroon ng Lee Dragon Rouge.
15:36.4
Agad ako napatakbo pakit sa kwarto at pagbukas ko ay agad kong kinuha ang libro.
15:41.4
Pagkatapos ay nilabas ko na yun,
15:43.4
tiyempo namang may paparating noon na truck ng basura kaya sinabay ko ng itapon ng Lee Dragon Rouge.
15:49.4
Papadudod akala ko ay matatapos na ang problema ko.
15:52.4
Pero nagkamali ako dahil noong gabi ding yun,
15:56.4
ay hindi ko akalain na magaganap ang isang eksenang akalain mo mangyayari lamang sa horror movies.
16:01.4
Nagsimula sa mga yabag mula sa itaas, dininig-dinig ko ang lakas ng mga yabag na pababa papunta sa akin.
16:09.4
Mamayang kaunti ay nagsimula ng magpataysindi ang mga ilaw na nakabukas.
16:13.4
Nagsimula na rin gumalaw ng kusay yung mga gamit ko sa bahay lalo na sa kusina.
16:19.4
Lumipad ang mga plato at baso, pati mga tinidor at kutsilyo ay parabang inihahagis na yun sa aking papadudod.
16:28.4
Sobra akong natakot at napasigaw sa aking mga nasaksihan.
16:32.4
Mamayang kaunti ay tuluyan ang namataya mga ilaw at tumahimig ang buong paligid.
16:37.4
Ang bilis ng timok ng puso ko noon.
16:41.4
Dahil kahit tumahimig na ang paligid ay nararamdaman kong hindi pa yung tapos.
16:47.4
Nararamdaman kong hindi lang ako ang nag-iisa sa loob ng bahay.
16:51.4
Mamayang kaunti ay biglang may humatak ng aking balikat.
16:55.4
Paglingon ko ay naaninag ko ang limang figura.
16:58.4
Bagamat madilim ay may mga nakita pa akong liwanag na nagmumula sa labas papasok sa loob ng aking bahay.
17:07.4
Papadudod limang itim na figura yun.
17:09.4
Lahat sila may tila mga matang kulay red at glowing in the dark.
17:14.4
Dahil doon ay nahihina ako sa sobrang takot.
17:17.4
Pero hindi pa nagtatapos doon ang lahat dahil bigla na lamang may tumulak sa akin na naging dahilan para mawalan ako ng balanse.
17:25.4
At nang nasa semento na ako ay biglang may humila sa aking mga paa papasok sa madilim na kusina.
17:31.4
Doon ay naghihintay sa akin ang anim pang figurang itim na may glowing red eyes.
17:36.4
Nagsisigaw ako noon papadudod sa abot ng makakaya ko hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
17:44.4
Nagkamalay na lamang ako kinabukasan at laking gulat ko noon.
17:48.4
Namapansing kong punong-puno ng mga kalmot ang buong katawang ko.
17:52.4
Sa sandaling yun ay napaiyak na ako at tinawag ko ng pangalan ng Diyos.
17:58.4
Nang araw din yun, papadudod ay pinabindisyonan ko ng bahay ko at itinapon ko na yung mga koleksyon kong may kaugnayan sa puwersa ng kadiliman.
18:06.4
At pinangako ko noon sa aking sarili na magtitinoon ako at patuloy ako sa pagbabalik ko ng loob sa Panginoon.
18:14.4
Sa ngayon, papadudod ay maayos na ang aking lagay. Masaya na sa buhay.
18:19.4
Dito pa rin po ako nakatira sa aking bahay pero bumalik na ang dating aliwalas nito.
18:24.4
Wala ng mga paramdaman at kabawalaghan. Siguro ay dahil nadispatsya ko na yung mga bagay na dapat ay itinidispatsya.
18:31.4
At malaki ang pasasalamat ko sa Diyos kasi alam kong hindi Niya ako pinabayaan lalo na sa mga masasamang elemento.
18:39.4
Papadudod, eto lamang ang maibabahagi ko sa inyo at sana'y nagustuhan mo ito at mapiling basahin sa inyong YouTube channel.
18:47.4
Nasa inyo na lamang din kung maniniwala kayo sa aking kwento o hindi.
18:51.4
Maraming salamat po sa inyong lahat.
18:54.4
Lobos na nagpapasalamat, Marco.
19:24.4
Ang problema ang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
19:36.4
Sa Papadudod Stories, kami ay iyong kasama.
19:48.4
Dito sa Papadudod Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
20:01.4
Dito sa Papadudod Stories, may nagmamahal sa'yo.
20:13.4
Papadudod Stories
20:19.4
Papadudod Stories
20:26.4
Papadudod Stories
20:43.4
Papadudod Stories
20:53.4
Papadudod Stories