Close
 


GERLAN | PAPA DUDUT STORIES DRAMA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 35:52
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang labis na pagkamuhi na nararamdaman ng isang tao ay pwedeng magdulot ng kapahamakan sa iba.
00:13.0
Hindi man ikaw ang mapahamak, pwedeng mga taong mahalaga sayo ang mapagbuntunan ng galit ng taong namumuhi sayo.
00:23.0
Dear Kaistoria,
00:25.0
Kapag nakadarama tayo ng matinding galit sa isang tao, pwede tayo makagawa ng bagay na hindi natin masyadong napag-iisipan.
00:33.0
At sa huli, magsisisi na lang tayo sa kung anumang kasalanan ang nagawa natin dahil sa matinding puot na ating nadarama.
00:43.0
Isang mapagpalang araw sa inyo at sa mga nakikinig ngayon.
00:48.0
Sana ay nasa mabuti kayong lagay at kalusugan sa oras na matanggap niyo itong sulat ko.
00:55.0
Itago niyo na lamang po ako sa pangalang Jerlan.
00:59.0
34 years old at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang construction site dito sa Kaluokan.
01:06.0
Meron po akong cleave and partner noon na Tina ang pangalan.
01:11.0
Sa dumagete pa ako nakatira nang makilala ko siya at maging girlfriend.
01:16.0
Pareho na kami nagsusulo sa buhay kaya nagdesisyon kami na magsama na rin sa iisang bahay.
01:22.0
Umi-extra-extra pa lang ako noon sa pagiging karpentero sa lugar namin at siya naman ay manicurista.
01:30.0
Mahigit isang taon na kami nagsasama noon nang yayain ako ng isang pinsan ko na magtrabaho sa Maynila.
01:39.0
Kailangan daw kasi ng mga worker sa isang construction site na magtatrabahuhan niya at isa ko sa mga naisip niyang irekomenda.
01:48.0
At dahil maliit lang ang kinikita ko sa pa-extra-extra ko na pagkakarpentero sa lugar namin,
01:55.0
nagdesisyon ako na tanggapin ang alok na trabaho ng pinsan ko.
02:02.0
Noong una, ayaw akong payaga ng partner kong si Tina dahil natatakot daw siya na baka magkaroon lang ako ng ibang babae doon.
02:10.0
Kaya naman niyaya ako na lang siya na sumama sa akin.
02:14.0
Ano namang gagawin ko doon, tanong ni Tina habang tinutulungan ako mag-impakin ang mga gamit ko.
02:21.0
Pwede ka rin naman magtrabaho doon bilang manicurista o kaya pwede ka rin makahanap ng iba pang trabaho doon na mas malaki ang kikitain.
02:31.0
Para magkasama na rin tayong dalawa diba? Sugestyon ko.
02:35.0
Ayaw ako turan niya.
02:38.0
O bakit ayaw mo? Akala ko ba gusto mo na magkasama tayong dalawa?
02:44.0
Pwede namang hindi ako sumama doon sa boarding house ng pinsan ko para tayong dalawa na lang ang mangungupahan sa Maynila.
02:52.0
Nagtatakang wika ko.
02:55.0
Pero mahal ang mga bahay na paupahan doon sa Maynila, Jerlan.
03:00.0
Ang alam ko, mahirap nang makakita ng paupahan doon na nasa 5,000 buwanang bayad.
03:09.0
Hindi kagaya dito sa tinitirhan natin ngayon, 2,500 lang monthly.
03:15.0
Pero maayos at medyo malaki na rin para sa ating dalawa.
03:19.0
Kaya kung sasama man ako sa Maynila, sigurado na magiging mas magastos lang tayo doon.
03:25.0
Kaya siguro mas okay talaga na dumito na lang ako.
03:28.0
Wika naman niya.
03:32.0
Ibig sabihin okay na sa'yo na magtrabaho ako sa Maynila?
03:35.0
Tanong ko.
03:37.0
Wala naman akong ibang choice kasi, diba tinanggap mo ng trabaho na yon?
03:42.0
Basta, huwag ka lang mambababae doon, ha?
03:47.0
Tsaka tuto pa rin mo yung sinabi mo sa akin na pakakasalan mo ko pagbalik mo.
03:52.0
Pagbalik mo dito sa Dumaguete, wika niya.
03:57.0
Syempre naman, Tina.
03:59.0
Ikaw lang ang mahal ko, kaya babalik talaga ako dito para pakasalan ka.
04:04.0
Hinding hindi ko sisirain yung tiwala na ipapabaon mo sa akin.
04:08.0
Pangako ko sa kanya.
04:11.0
Natuloy na nga ang pagsama ko sa pinsan ko na magtrabaho sa Maynila.
04:17.0
At dahil marami kaming nakatira sa isang boarding house noon,
04:20.0
malaki rin kahit paano ang natipid ko sa mga gastusin.
04:25.0
Yun nga lang, hindi talaga biro ang trabaho sa construction site.
04:29.0
Nag-all around kasi ako para hindi mabakante ang oras ko sa pagtatrabaho.
04:35.0
Kaya kain at tulog na lang talaga ang pinakaginagawa ko sa boarding house namin.
04:41.0
Hindi na rin ako masyadong nakakatawag noon kay Tina sa Dumaguete.
04:47.0
Pero bago naman ako matulog at pagkagising ko ay palagi ko siyang tinetext.
04:52.0
Para maramdaman niya ang presensya ko bilang partner niya kahit paano.
04:59.0
Hindi rin po pala biro ang LDR na sitwasyon sa isang relasyon.
05:03.0
Kasi marami ang pwedeng mangyari na hindi mo inaasahan.
05:07.0
Pagkatapos kasi ng project na trinabaho namin ang pinsan ko sa construction site,
05:13.0
ay nasundan ulit kaagad iyon ng isa pang project na hindi ko pinalampas pa.
05:19.0
Sayang naman kasi kung ilang buwan lang ang pagtatrabaho ko sa Maynila.
05:26.0
Tapos uuwi kaagad ako sa amin, dala ang konting naipon ko.
05:31.0
Kaya naman nagdire-direcho talaga ako ng trabaho doon.
05:36.0
Nakala ko naiintindihan ni Tina na para sa future namin ang ginagawa ko.
05:41.0
Pero hindi pala.
05:43.0
Kahit palagi akong pagod sa trabaho, palagi pa rin akong gumagawa ng paraan para magkausap kaming dalawa.
05:50.0
Kaya lang madalas ay hindi na niya nasasagot pa mga text o tawag ko.
05:55.0
Minsan ay tatawag lang siya para humingi ng pera na pambayad sa inuupahan naming bahay sa Dumaguete.
06:02.0
Pambayad na rin sa tubig, kuryente at iba pang gastusin.
06:07.0
Pero madalas talaga ay hindi ko na siya nakakausap pa kapag wala siyang hinihingi sa akin.
06:16.0
Hanggang sa may nakarating sa akin na balita na may sinasama raw na ibang lalaki si Tina sa bahay namin.
06:24.0
Noong una, syempre hindi ako naniwala dahil alam ko na hindi ako magagawang lokohin ang partner ko.
06:30.0
Hanggang sa magdesisyon ako na sorpresahin siya at bigla akong umuwi ng Dumaguete.
06:37.0
Pero bago pa ako makauwi sa bahay namin, nadaanan ko na si Tina sa may labas ng bahay ng isang kumpare ko nakasama ang ilang lalaki doon at nakikipag inuman siya ng alak.
06:49.0
Ang masama lang doon, nakikita ko si Tina na nakakandong sa mismong kumpare ko na si Francis.
06:59.0
Kaagad ko namang nasuntok si Francis noon kasunod ang paghila ko kay Tina pa uwi sa bahay namin.
07:06.0
At doon niya'y namin sa akin na totoo nga na may relasyon na sila ni Francis.
07:12.0
Bakit Tina? Ano bag nagawa ko para ipagpalit mo ko sa kanya?
07:17.0
Saan ako nagkulang sayo at sa relasyon nating dalawa?
07:22.0
Binigay ko naman ang lahat ng kailangan mo diba?
07:26.0
Bakit kailangan ipagpalit mo ko sa iba? Galit na tanong ko.
07:35.0
Dahil hindi na nga kita mahal,
07:37.0
ikaw kasi umalis-alis ka pa dito sa dumagete.
07:41.0
Sinabi ko naman sayo na ayokong naiiwan ako dito diba?
07:45.0
Kasi mabilis akong malungkot at sa mga oras na malungkot ako, si Francis ang palaging nandiyan para pasayahin ako.
07:53.0
Tugon niya.
07:55.0
Pasayahin o paligayahin sa kama?
07:58.0
May kirot sa dibdib ko na tanong ko.
08:00.0
Ganon na rin yon, Jerlan. Kung ano man ang tumatakbo dyan, ngayon sa isip mo, yun na yon.
08:08.0
Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung saan at tuwing kailan namin ginagawa mga bagay na yon na nakakapagpaligaya sa akin.
08:17.0
Basta ito lang ang masasabi ko.
08:20.0
Kay Francis ko lang naramdaman ng kaligayahan.
08:24.0
TINA, PLEASE! Huwag mo naman gawin sa akin ito.
08:28.0
Sobrang mahal kita.
08:31.0
At hindi ko kaya na mawala ka sa akin.
08:35.0
Hindi ko kakayanin na mahala ka sa akin.
08:39.0
At hindi ko kaya na mawala ka sa akin.
08:43.0
At hindi ko kaya na mawala ka sa akin.
08:47.0
At hindi ko kaya na mawala ka sa akin.
08:50.0
Hindi ko kakayanin na mabuhay nang wala ka.
08:54.0
Huwag mo kong iwanan.
08:57.0
Please, kaya kong kalimutan ang lahat ng ginawa mo.
09:01.0
Hindi na ako aalis dito sa Dumaguete.
09:04.0
Basta huwag ka lang makipaghiwalay sa akin.
09:07.0
Pagmamagkaawa ko sa kanya.
09:10.0
Pero ayoko na nga sa'yo, Jerlan. Mahirap bang tintin yun?
09:13.0
Ayoko na nga sa'yo, Jerlan. Mahirap bang tintin yun?
09:16.0
Hayaan mo na ako kay Francis.
09:18.0
Dahil, sa kanya na ako masaya.
09:21.0
Wika niya.
09:23.0
Pero paano naman ako?
09:26.0
Hindi ba magpapakasal pa tayo?
09:29.0
Kung gusto mo, pakakasala na kita bukas na bukas din.
09:32.0
Giit ko pa.
09:34.0
Ang kulit mo naman eh.
09:36.0
Wala nang dahilan para magpakasal pa tayo.
09:39.0
Dahil ayoko na nga sa'yo.
09:40.0
Mag-iimpake na ako. Taalis na ako sa bahay na to, Jerlan.
09:44.0
Magkanya-kanya na lang tayo para wala nang gulo pa.
09:48.0
I'm sorry.
09:50.0
Pero ayoko na talaga sa'yo.
09:53.0
Pagmamatigas niya.
09:56.0
Kahit alam kong mukha na akong kaawa-awa,
09:59.0
hindi ko agad tinigilan ang pagmamakaawa kay Tina.
10:02.0
Nahuwag ka kong hiwalayan.
10:04.0
Sobrang mahal ko talaga siya kaistorya.
10:06.0
At kakayanin kong lunukin ang pride ko bilang lalaki
10:10.0
at kalimutan ang lahat ng kasalanan niya.
10:13.0
Basta magkabalikan lamang kaming dalawa.
10:17.0
Inaloko pa ulit siya na magpakasal na kami kagaya ng orihinal na plano namin.
10:24.0
Sinabi ko sa kanya na may sapat na akong pera para sa pagpapakasal naming dalawa.
10:29.0
Nagagawin ko na ang lahat ng gusto niya
10:32.0
at hindi na ako aalis pa sa Dumaguete.
10:35.0
Basta huwag lamang siyang mawala sa akin.
10:39.0
Huwag lamang niya akong ipagpalit sa iba.
10:42.0
Si Tina na kasi ang pangarap kong makasama habang buhay.
10:46.0
At gusto ko nang maging ina nang magiging anak ko.
10:50.0
Pero hindi na iyon nangyari pa dahil kahit anong pakiusap ko,
10:55.0
nakipaghiwalay pa rin siya sa akin at iniwan pa rin ako.
11:00.0
Hindi ko na siya sinundan pa noon at naalaman ko na lang
11:04.0
mula sa ibang kapitbahay namin na sumama na pala siya kay Francis
11:08.0
pa uwi sa Pangasinan kung saan talaga ito nagkatira.
11:15.0
Sobrang sakit ng pangyayari na iyon para sa akin.
11:18.0
Dahil bukod sa paglayo ko para makapagtrabaho at makaipuan ang pampakasal namin,
11:25.0
wala na akong ibang naisip na dahilan para hindi ako piliin ni Tina.
11:31.0
Napakarami na kasi naming planong dalawa.
11:34.0
Yun pala hindi na ako kasama sa mga plana niya.
11:38.0
Pagkatapos ng ilang araw kong pagmumukmok sa bahay at walang tigil na pagte-text kay Tina
11:44.0
para balikan niya ako, nagdesisyon na akong itigil na ang kabaliwan ko sa kanya.
11:50.0
Kaya naman sinimulan ko na siyang kalimutan at hindi ko na rin hinabul pa
11:54.0
ang mga perang na ipadala ko sa kanya noon.
11:56.0
At bilang parte ng pagmumove on ko, umalis ako ng Dumaguete at bumalik ako ng Maynila
12:01.0
para doon ay muling magtrabaho at mamuhay.
12:06.0
Gusto kong lumayo sa mga tao at lugar na nakakapagpaalala sa akin
12:11.0
nang naging relasyon namin ni Tina.
12:14.0
At sa tingin ko naman ay nagawa ko iyon.
12:17.0
Lalo na nang simulan kong ituon ang oras ko sa trabaho.
12:21.0
Hanggang isang araw, may nakita kong isang babae na sinasakta ng kasama niyang lalaki
12:28.0
at hindi na ako nagdalawang isipan na tulungan ang babae na iyon.
12:34.0
Tama na, tigilan mo na ang asawa ko.
12:37.0
Pag awat sa akin ng babae, nang masuntok ko ang lalaking nananakit sa kanya.
12:43.0
Natumba naman kaagad ang lalaki.
12:45.0
Ano, lalaban ka pa?
12:47.0
Halika dito, hindi kita uurungan.
12:50.0
Pagahamon ko.
12:53.0
Tandaan mo tong tarantado ka.
12:55.0
May araw ka rin sa akin.
12:57.0
At ikaw Anne, hindi pa ako tapos sayo.
13:00.0
Malilintikan ka talaga sa akin kapag hindi ka pa umuwi sa bahay natin.
13:06.0
Sigaw ng lalaki bago umalis sa harapan natin.
13:09.0
O, oo.
13:11.0
Salamat sa iyo.
13:13.0
Tugo naman niya.
13:15.0
Alam mo, kahit asawa mo siya,
13:17.0
hindi mo dapat hinahayaan na saktan ganyan ang ganyan.
13:21.0
Tao ka, tapos babae ka pa.
13:24.0
Huwag mong hayaan na gawin niyang punchy sa mga lalaki.
13:28.0
At hindi ka pa umuwi sa bahay natin.
13:31.0
Sigaw ng lalaki bago umalis sa harapan natin.
13:35.0
Ayos ka lang, misis?
13:37.0
Baling ko sa babae.
13:39.0
Baling bag.
13:41.0
At basahan niyang katawan mo.
13:44.0
Hindi naman sa nakikialam ako sa buhay mo pero,
13:47.0
kung ako sayo,
13:48.0
hiwalayan mo na talaga yung gago na yun.
13:51.0
Payo ko sa kanya.
13:54.0
Mahal ko si Dante.
13:56.0
At hindi ko siya kayang iwanan nang basta ganun na lang.
13:59.0
Naiiyak namang wika niya.
14:02.0
Bago mo mahalin ang isang tao,
14:03.0
dapat matuto ka munang mahalin ang sarili mo.
14:06.0
Dahil hindi ka nila pahahalagahan ng tama at totoo
14:09.0
kung hinahayaan mo sila nasaktan ka ng paulit-ulit.
14:14.0
Ako nga pala sa Jerlan.
14:16.0
Anang pangalan mo, diba?
14:18.0
Yun kasi yung narinig ko na tinawag sa'yo ng asawa mo.
14:21.0
Tanong ko.
14:24.0
Oo, tama ka.
14:25.0
Tugon niya.
14:27.0
Mabuti na lang talaga
14:28.0
at dito ko naisipan na dumaan kasi kung hindi,
14:31.0
baka kung ano pang nagawa sa'yo ng lalaki na yun.
14:35.0
Saan ka pala pupunta?
14:37.0
Ihahatid na kita kahit hanggang sa may sakayan man lang
14:40.0
kasi baka balikan ka pa ng lalaki na yun.
14:45.0
Ako na magdadala nitong bag mo.
14:48.0
Wika ko.
14:51.0
Sa istorya, awang-awa talaga ako nun kay Anne
14:54.0
dahil ang dami niyang pasa sa braso
14:56.0
at meron din sa kanyang magkabilang pisngi.
15:00.0
Mabuti na lang talaga
15:02.0
at nakikita ko siya
15:05.0
dahil baka kung ano pang nagawa sa kanya ni Dante
15:08.0
kung hindi ka agad ako nakalapit sa kanila.
15:12.0
Ang nakakatuwa lang noon,
15:14.0
sa parehong jeep pala kami sasakay
15:16.0
kaya nagawa ko siyang ihatid hanggang sa bahay ng ate niya
15:19.0
na malapit lang din sa boarding house namin.
15:22.0
Hindi iyon ang naging huling pagkikita namin ni Anne
15:26.0
dahil naging bantay siya sa tindahan ng ate niya
15:29.0
kung saan siya
15:31.0
nakikitira at kung saan din ako madalas na bumibili ng sigarilyo.
15:36.0
Kaya naman napagkwentohan na rin kami noon
15:39.0
at nalaman ko na tuluyan na niyang nilayasan ang asawa niyang si Dante.
15:45.0
Wala naman daw silang anak
15:47.0
kaya wala raw dahilan para pagtiisan pa niya ito.
15:51.0
Napag-isipan niya raw na tama ang sinabi ko sa kanya
15:55.0
pati na rin ng ibang tao
15:57.0
na dapat ay hindi niya hinahayaan na saktan siya ng paulit-ulit ng asawa niya
16:02.0
kaya hindi na siya bumalik pa sa bahay nilang mag-asawa
16:06.0
pero hindi rin kaagad dumigil si Dante sa panggugulo sa kanya.
16:10.0
May ilang beses pa raw
16:12.0
na nanggulo ito sa bahay ng ate niya
16:15.0
pero naitaboy naman palayo ng mga kapitbahay nila.
16:19.0
Natigil ang dawang pagpunta ni Dante sa kanila
16:22.0
nang makulong ito dahil sa pagbibenta ng pinagbabawal na gamot.
16:30.0
At dahil hindi na muli pang nakapanggulo sa kanya noon si Dante
16:35.0
nagsimula nang maging tahimik ang buhay ni Anne.
16:39.0
Iyon naman ang naging daan para mas lalo kaming mapalapit sa isa't isa
16:43.0
hanggang sa mahulog na ang loob ko sa kanya.
16:47.0
Ilang buwan na kaming nakakapag-usap noon
16:51.0
nang sabihin ko sa kanya na gusto ko siyang ligawan.
16:55.0
Pinahintulutan naman niya ako
16:58.0
at hindi nagtagala ay nagkaroon kami ng relasyon ni Anne.
17:03.0
Mabait si Anne, malambing at sobrang mapagmahal.
17:08.0
Mas nakilala ko siya nang magsama kami sa iisang bahay
17:11.0
na nasa parehong barangay lang ng ate niya.
17:15.0
Pagkalipas ng isang taon na magkarelasyon
17:19.0
nabiayaan kami ng isang anak na babae
17:22.0
at masasabi ko noon na wala akong iba pang mahihiling sa buhay.
17:29.0
Eto talagang asawa ko, napaka-napakaalaga kahit kailan
17:34.0
nakangiting sabi ko nang
17:38.0
mapaghanda ako ni Anne ng merianda.
17:42.0
Hindi naman masyado, gusto ko lang talagang gampanan ang responsibilidad ko sayo
17:48.0
Wika ni Anne kasunod ng malalim na pagbuntong hininga.
17:53.0
Oh, bakit naman bigla ka nalang napabuntong hininga dyan?
17:57.0
Nagtatakang tanong ko.
17:59.0
Wala lang, tinawag mo kasi akong asawa kahit alam mo na kasal pa rin ako kay Dante.
18:06.0
Tugon ni Anne.
18:09.0
Ano ka ba? Kasal na lang naman kayo sa papel at ako na ang asawa mo ngayon.
18:14.0
Nakangiti ko namang wika sa kanya.
18:19.0
Gerlan?
18:21.0
Sorry ha.
18:23.0
Alam ko naman ha.
18:26.0
Narinig mo sa ibang tao na kabit lang kita kasi nga kasal pa rin ako kay Dante.
18:34.0
Pero gusto kong malaman mo na simula nang maging tayo
18:38.0
mas nagkaroon ang liwanag at direksyon ng buhay ko.
18:41.0
At pakiramdam ko, ikaw ay isipin ko.
18:45.0
At pakiramdam ko, ikaw talaga ang binigay ng Diyos sa akin para matutunan kong mahalin ang sarili ko.
18:53.0
Naluluhang sabi niya.
18:59.0
Alam ko yun kahit hindi mo yan sabihin Anne.
19:04.0
At hindi ako nagsisisi na ikaw ang pinili ko na mahalin at maging nanay ng anak ko.
19:11.0
Oo nga at nakatali ka pa rin sa kasal niyo ni Dante.
19:15.0
Pero dama ko naman na ako na ang nandiyan sa puso mo ngayon.
19:20.0
Wika ko.
19:22.0
Tama ka Gerlan.
19:24.0
Ikaw at ang anak natin ang pinakaimportante ang tao ngayon sa buhay ko.
19:29.0
Nagpapasalama talaga ko na nakilala kita.
19:33.0
Kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon patuloy pa rin ako nagpapakabaliw sa pagmamahal ko sa maling tao.
19:40.0
Sabi naman ni Anne.
19:41.0
Pareho lang naman tayo na minsang nagkamali ng minahal na tao.
19:45.0
Kaya nga siguro pinagtagpo tayo ng Diyos kasi alam niya na magiging masaya tayo sa piling ng isa't isa.
19:54.0
Basta ito ang tandaan mo Anne.
19:56.0
Hindi man tayo makasala sa simbahan, makamahalin naman kita ng panghapang buhay.
20:02.0
Tugon ko sa kanya.
20:03.0
Hindi naman siguro mawawala ang mga taong chismosa sa isang barangay kaistorya.
20:08.0
Kasi kahit sa lugar namin, pinagchitchismisan din kami ni Anne.
20:12.0
Nakesyo kasal pa rin daw si Anne sa ibang lalaki kaya kabit lang daw ako.
20:17.0
Ng babaeng mahal ko.
20:19.0
Wala naman akong pakailan pa sa sinasabi ng iba noon.
20:24.0
Ang mahalaga kasi sa akin ay yung pareho kaming masaya ni Anne.
20:28.0
Nang magkakilala kasi kami noon ay pareho rin mga wasak ang puso namin dahil sa maling tao.
20:35.0
Kaya naging sandala namin ang isa't isa.
20:38.0
Yun din ang naging daan para mabilis na mahulog ang loob namin sa bawat isa.
20:43.0
Ayos lang sa akin kahit habang buhay akong tawagin ng iba na kabit ni Anne.
20:51.0
Kaistorya dahil sa isang mga panghapang buhay,
20:54.0
dahil alam ko naman sa sarili ko na ako na talaga ang mahal ng partner ko,
20:59.0
sobrang saya ko talaga sa piling niya.
21:02.0
At palagi kong pinagpapasalamat sa Diyos na dumating sila ng anak ko sa buhay ko.
21:11.0
Kaya nangako ako noon,
21:13.0
nagagawin ko ang lahat para maging responsabling partner kay Anne at tatay sa anak namin.
21:18.0
Nagpatuloy lang ang maayos na pagsasama namin ang partner kong si Anne.
21:22.0
Maraming kaming magagandang plano noon para sa future namin,
21:27.0
kahit hindi kami gaanong nakakaluwag sa pera.
21:31.0
Pero hindi naman kalakihan ang sinusweldo ko.
21:35.0
At maliit lang din ang kinikitang tindahan na binuksan namin sa bahay.
21:41.0
Ayos lang kasi hindi naman ako nakalakihan.
21:44.0
Ayos lang kasi ang mahalaga hindi kami nagugutom lalo na ang anak namin.
21:48.0
Botong-boto na rin noon sa akin ang nanay at ate ni Anne.
21:52.0
Nang minsan ding nakapag-uusap kami,
21:55.0
ay nagpapasalamat pa sila sa akin dahil noon lang daw nila nakitang ganoon kasayas iyan.
22:01.0
Sobra raw silang namroblema talaga kay Anne dahil sa pagmamahal nito kay Dante.
22:05.0
Mabuti na lang daw talaga at tuluyan ang nagkahihwalay ang dalawa.
22:09.0
At dumating pa ako sa buhay ni Anne.
22:12.0
Ang sabi ko naman sa kanila,
22:15.0
maswerte rin talaga ako
22:18.0
na ang isang maalaga at mapagmahal na kagaya ni Anne
22:23.0
ang naging partner ko at naging nanay ng anak ko.
22:27.0
Dahil si Anne din ang dahilan kong bakit masyado.
22:30.0
Akala ko noon ay tapos ng pagsubok para sa aming relasyon
22:35.0
pero magsisimula pa lamang pala iyon.
22:39.0
Dahil naabutan ko na lang na nasa bahay namin si Dante
22:44.0
at pilit na kinakaladkad si Anne para sumama sa kanya.
22:49.0
Kaagad naman akong pumagitna
22:52.0
at pag-unaw na sa akin,
22:54.0
doon na sinabi ni Anne na may relasyon na kaming dalawa at may anak na rin kami.
22:59.0
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Dante pero
23:03.0
pilit pa rin yang inaagaw ang partner ko mula sa akin.
23:08.0
Hindi ka ba talaga nakakaintindi Dante?
23:11.0
Malino naman ang sinabi ni Anne
23:14.0
na kailangan ko ngayon sa aming partner ko.
23:17.0
At hindi ko naman nakakaintindi
23:19.0
Hindi ka ba talaga nakakaintindi Dante?
23:22.0
Malino naman ang sinabi ni Anne
23:26.0
na ako at ang anak namin ang pinipili niya.
23:30.0
Kaya umalis ka na dito sa tapat ng bahay namin sigaw ko.
23:35.0
Hindi ako alis dito.
23:38.0
Sumama ka na sa akin Anne.
23:40.0
Hadika na kasi at umuwi na tayo.
23:43.0
Uwi ka pa ni Dante.
23:45.0
Hindi ka talaga titigil ah.
23:47.0
Subukan mo pang lumapit kay Anne ipapapulis na talaga kita
23:51.0
para makulong ka ulit
23:53.0
at sisiguraduhin ko na mabubulo ka na talaga dun.
23:57.0
Sigaw ko pagkatapos ko siyang bigyan ng magkasunod na suntok
24:02.0
na kaagad ikinadugo ng kanyang ilong.
24:06.0
Hindi ko mapapalampas to.
24:09.0
Babawiin ko si Anne mula sayo.
24:11.0
Akin lang siya.
24:13.0
Akin lang ang asawa ko.
24:15.0
Tandaan mo yan.
24:17.0
Sigaw ni Dante bago umalis sa harapan ng bahay namin.
24:24.0
Nalaman ko mula sa ibang kapitbahay namin
24:27.0
na nakalaya na pala si Dante.
24:29.0
Bumalik daw ito sa dati nilang tinitirhan ni Anne
24:32.0
na dalawang barangay lang ang pagitan mula sa amin.
24:36.0
Palagi raw itong naglalasing doon at nangugulo
24:39.0
lalo na ng malaman na may bago nang kinakasama si Anne.
24:43.0
Muli namang naulit ang pangugulo niya sa bahay namin.
24:47.0
Pero nakuyog siya ng mga kapitbahay namin
24:51.0
at napagtulungan na bugbugin.
24:53.0
At bago pa makarating,
24:55.0
ang mga barangay tanod na rumuronda noon
24:58.0
ay nakatakbo na, palayo si Dante.
25:04.0
Pagkatapos ng pangyayaring yun,
25:07.0
ay ilang araw din natahimik ang bahay namin.
25:09.0
Akala ko ay tuluyan ang natanggap ni Dante
25:12.0
na hindi na sila magkakabalikan pa ni Anne.
25:15.0
Hanggang isang hapon
25:17.0
pauwi na ako sa bahay namin
25:19.0
bigla na lang akong sinugod ni Dante sa daan at binalak na tagain
25:23.0
hawak ang isang itak.
25:27.0
Hindi siya nagtagumpay na gawin iyon
25:30.0
pero nasugatan niya ako sa braso ko.
25:33.0
Mabilis ko naman siyang nasuntok
25:35.0
at nang matumba siya
25:37.0
ay muli kong sinundan ng isa pang suntok.
25:41.0
May lalapit pa sanang mga kapitbahay sa amin noon
25:44.0
pero nagawa na akong itulak ni Dante
25:47.0
at inabot niya ang nabitawang itak
25:50.0
bago siya kumaripas ng takbo.
25:53.0
Sinabi ng mga taong lumapit sa akin
25:56.0
na dumiretsyo na raw muna ako sa barangay
25:58.0
para tuluyan ng maipablotter si Dante sa lugar namin.
26:02.0
Kaya lang habang nasa barangay ako
26:05.0
tumawag naman sa akin noon si Anne
26:07.0
at sinabi niya
26:09.0
na nasa loob raw siya ng bahay namin
26:11.0
na kinandado
26:13.0
ni Dante.
26:18.0
Papunta dapat ako kinaate kanina
26:20.0
para kunin si baby kanina
26:22.0
pero bigla na lang ako nilapitan ni Dante
26:24.0
at sinikmuraan.
26:26.0
Nagising na lang ako na nandito ako sa kwarto natin
26:29.0
pero hindi ako makalabas
26:32.0
dahil nakakandado ang pintu ng kwarto.
26:35.0
Naiiyak na wika ni Anne sa cellphone.
26:38.0
A-ano?
26:40.0
Nasaan siya ngayon?
26:42.0
Magkasama pa rin ba kayo?
26:44.0
Tanong ko.
26:46.0
Nasa labas siya ng kwarto.
26:48.0
Sumisigaw siya doon
26:50.0
at nagwawala.
26:52.0
Nagbabasag siya ng mga gamit natin
26:55.0
kanina
26:57.0
pero parang
26:59.0
parang sinusunog niya ata ang buong bahay natin, Jorlan.
27:04.0
Sinusunog nga ni Dante ang bahay.
27:09.0
Pumapasok na ang usok dito sa kwarto.
27:12.0
Parang awa mo na, Jorlan.
27:15.0
Puntahan mo na ako ngayon.
27:17.0
Ngayon.
27:19.0
Tulungan mo ko.
27:20.0
Ayoko pang mamatay.
27:22.0
Ayoko pa, Jorlan.
27:24.0
Umiiyak na wika ni Anne.
27:27.0
Sandali lang, Anne.
27:29.0
Hintayin mo ko.
27:31.0
Pupunta na ako dyan, Anne.
27:33.0
Hintayin mo ko.
27:34.0
Ililigtas kita.
27:36.0
Hindi ka mamamatay.
27:38.0
Pangako ko yan sayo.
27:40.0
Umiiyak na rin wika ko.
27:42.0
Kaagad akong humingi ng tulong kina Kapitan
27:45.0
at nagmadali kaming umuwi ng bahay noon.
27:49.0
Kaya lang malaki na ang apoy sa loob ng bahay namin
27:52.0
nang makarating kami doon.
27:55.0
May mga tao na rin doon
27:57.0
na nagtulong-tulong na apulahin ang apoy
28:00.0
pero huli na ang lahat
28:02.0
dahil mabilis nang kumalat ang apoy sa loob ng bahay namin.
28:05.0
Sinubukan ko pang tawagan ang cellphone ni Anne
28:08.0
at nagawa niya pa iyong sagutin.
28:10.0
Aramdam ko na
28:12.0
hirap na hirap na siyang huminga
28:14.0
at magsalita.
28:16.0
Nagmamakaawa siya na tulungan ko
28:19.0
at iligtas mula sa nasusunog naming bahay
28:22.0
hanggang sa naputol na ang tawag na iyon
28:26.0
at hindi ko na siya nakontakt pa.
28:29.0
Sobrang laki na ng apoy
28:31.0
at gusto ko natatakot sa loob ng bahay namin.
28:33.0
Kahit puro apoy
28:35.0
at makakapal na usok na lang
28:37.0
ang nakikita ko.
28:40.0
Pero kaagad naman akong pinigilan
28:42.0
ng mga tao sa lugar namin
28:44.0
hanggang sa dumating ang bombero
28:47.0
at tumulong sa pag-apulah ng apoy.
28:50.0
Unti-unti na iyong naapulah
28:53.0
at tuluyan ang namatay
28:56.0
pero huli na ang lahat
28:58.0
dahil halos na nakikita ako
29:00.0
pero huli na ang lahat
29:02.0
dahil halos wala nang
29:04.0
natira sa bahay namin.
29:07.0
Nakita ang katawan ni Dante
29:09.0
sa may sala ng bahay
29:11.0
na halos sunog
29:13.0
at hindi na makilala
29:15.0
at nang makapasok ako
29:17.0
sa loob ng sunog naming kuwarto
29:20.0
ay halos madurog ang puso ko
29:23.0
nang makita ko doon si Anne
29:27.0
na wala na ring buhay.
29:30.0
Sunog
29:32.0
ang halos kalahati ng kanyang katawan.
29:37.0
Para bang naramdaman ko rin noon
29:40.0
ang paghihirap na naranasan niya
29:42.0
bago siya tuluyang bawian ang buhay.
29:47.0
Nang dumating ang mga pulis
29:49.0
at inimbitahan ako sa presinto
29:51.0
ay naiiyak kong sinabi sa kanila
29:53.0
ang lahat ng tungkol sa amin ni Anne
29:55.0
pati na ang panggugulo ni Dante.
29:58.0
Sinabi nila
30:00.0
at pagdating sa kanilang investigasyon
30:02.0
labis na galit at selos
30:04.0
ang nagtulak kay Dante
30:06.0
para gawin ang bagay na yon.
30:09.0
Ang abangan si Anne
30:11.0
sa masukal na daan
30:13.0
papunta sa bahay ng ate niya
30:15.0
at sikmuraan para madala
30:17.0
sa bahay namin
30:19.0
nang walang malay.
30:21.0
May parte kasi sa barangay namin
30:23.0
na walang masyadong bahay o mga tao
30:25.0
kaya nagawa yun ni Dante
30:27.0
nang walang ibang nakakakita sa kanya.
30:31.0
At doon nga ay kinulong niya
30:33.0
sa kwarto si Anne
30:35.0
bago sinunog ang bahay
30:37.0
kasama na ang kanyang sarili.
30:39.0
May kamag-anak naman si Dante
30:41.0
na kumuha ng kanyang katawan
30:43.0
para iuwi sa kanila at iburol.
30:48.0
Hindi talaga akong makapaniwala noon
30:50.0
kay istorya
30:52.0
na tuluyan ang nawala
30:54.0
sa akin
30:56.0
si Anne.
30:58.0
Siya
31:00.0
na naman ang naging buhay ko.
31:03.0
Sila ang naging liwanag
31:05.0
sa madilim na direksyon
31:07.0
ng buhay ko
31:09.0
at hindi ko alam
31:11.0
kung paano sisimula ng araw ko
31:13.0
nang hindi nakasama si Anne.
31:17.0
Pero sabi nga ng ate ni Anne
31:19.0
nandyan pa rin
31:21.0
ang anak namin
31:23.0
na hindi ko dapat pabayaan.
31:26.0
Ngayon kay istorya
31:28.0
ay maglilimang taon
31:29.0
sa namin ni Anne.
31:31.0
Minsan, nasa akin siya
31:33.0
pero kapag nasa trabaho ko
31:35.0
ang nanay at ate ni Anne
31:37.0
ang nag-aalaga sa anak ko.
31:40.0
At sa totoo lang din
31:42.0
habang ginagawa ko tong sulat na to
31:44.0
ay namimiss ko pa rin
31:46.0
ang partner ko.
31:48.0
Ang dami kasi naming naging pangarap
31:50.0
at mga plano
31:52.0
na dapat ay magkasama naming
31:54.0
tinutupad ngayon.
31:56.0
Pero kahit wala na siya sa tabi ko
31:58.0
pinipilit ko ang magpatatag
32:00.0
para sa iisa naming anak
32:02.0
dahil alam ko
32:04.0
na iyon ang gusto ni Anne.
32:06.0
Maraming salamat po kay istorya
32:08.0
sa pagbibigay daan
32:10.0
para maibahagi ko itong kwento namin ni Anne.
32:12.0
Nakakabawas din pala
32:14.0
ng bigat sa dibdib
32:16.0
ang pagsulat ng ganitong malungkot
32:18.0
na pangyayari sa buhay ng isang tao.
32:20.0
Sana patuloy kayong maging
32:22.0
inspirasyon at daan
32:24.0
para sa mga kagaya ko
32:25.0
na gustong makapagbahagi
32:27.0
ng aming kwento.
32:30.0
Lubos na gumaga lang
32:32.0
Jerlan
32:39.0
Maraming maraming salamat, Jerlan
32:41.0
sa pagsulat mo dito
32:43.0
sa aking YouTube channel.
32:45.0
Salamat kasi
32:47.0
kahit alam kong mahirap gawin
32:49.0
ang sulat na ito para sa'yo.
32:51.0
Ginawa mo pa rin para maibahagi
32:53.0
ang iyong kwento
32:55.0
at ang mga kaistorya.
32:57.0
Hindi talaga madali
32:59.0
ang mawala ng mahal sa buhay
33:01.0
lalo na kung ito ay
33:03.0
pinilit na kunin sa atin
33:05.0
sa mabigat na paraan.
33:07.0
Pero masaya ako
33:09.0
na kahit paano ay patuloy kang
33:11.0
nagpapatatag para sa inyo
33:13.0
ng nag-iisa mong anak
33:15.0
ng nag-iisa nyong anak ni Anne.
33:17.0
Gawin mo siyang lakas mo
33:19.0
at sana
33:21.0
panatilihin mong matatag
33:23.0
ang pananampalataya mo
33:25.0
dahil hindi tayo bibigyan
33:27.0
ng mabibigat na pagsubok ng Diyos
33:29.0
kung alam niyang hindi natin iyon
33:31.0
kaya.
33:33.0
Mga kaistorya
33:35.0
lahat ng sobra sa buhay
33:37.0
ng isang tao ay pwedeng
33:39.0
may maidulot
33:41.0
na hindi maganda sa iba.
33:43.0
Kagaya na lamang
33:45.0
nang nangyari sa ating
33:47.0
letter sender na si Juerlan
33:49.0
dahil sa labis na pagmamahal
33:51.0
ni Dante sa partner ni Juerlan
33:53.0
na si Anne
33:55.0
hindi natin
33:57.0
na palaging limitahan
33:59.0
ang pagmamahal para sa ibang tao
34:01.0
at huwag kalimutan
34:03.0
na pahalagahan
34:05.0
ang ating mga sarili.
34:07.0
Ang buhay ay
34:09.0
mahihwaga
34:13.0
Laging may lungkot
34:15.0
at saya
34:19.0
Sa papatudod stories
34:23.0
Laging may karamay
34:25.0
At
34:31.0
Mga problemang kaibigan
34:37.0
Dito ay pakikinggan ka
34:43.0
Sa papatudod stories
34:48.0
Kami ay iyong kasama
34:56.0
Dito sa papatudod stories
35:00.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
35:09.0
Dito sa papatudod stories
35:13.0
May nagmamahal
35:15.0
sa'yo
35:21.0
Papatudod stories
35:26.0
Papatudod stories
35:33.0
Papatudod stories