* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Russia, larawan ng isang malakas at makapangyarihang bansa.
00:04.6
Pero sa loob nito, bakit kaya napakaraming abandonadong mga syudad at nayon?
00:09.9
Maraming mga bahay at building ang sira na at wala nang nakatira.
00:14.5
Ito ang Vorkuta City, dating isang masiglang syudad.
00:18.7
Dating tahanan ng nasa 250,000 katao, pero ngayon ay isa ng ghost town.
00:25.0
Ang mga bahay dito ay halos matabunan na ng mga yelo.
00:29.0
Ayon nga sa vlogger na si Eli from Russia, napakakreepy daw ng lugar dahil walang katao-tao.
00:35.9
Isa lamang ang Vorkuta sa 56,000 ghost towns sa Russia.
00:40.7
Ano kaya ang nangyari sa mga abandonadong lugar na ito?
00:43.9
Meron kayang misteryong nababalot dito?
00:51.2
Ayon sa pinakahuling census na isinikawan ng Russia noong 2010,
00:56.1
nasa 20,000 na komunidad sa Russia ang abandonado o wala nang nakatira.
01:01.5
Tinatayang halos 36,000 naman ang merong 10 tao ang nakatira o mas kaunti pa.
01:07.7
Ayon sa Al Jazeera, ang higit na apektado ay ang mga kanayunan,
01:11.9
kung saan wala pa sa 25% na mga Russians ang naninirahan.
01:16.5
Kung pagbabasehan ang census noong 1897,
01:20.0
tatlong beses na mas kaunti ang populasyon ng mga nayon noong 2017.
01:25.5
Ano nga ba ang nangyari at inabando na ang maraming mga lugar sa Russia?
01:30.3
Ang Russia kasi ay isa sa mga republikang bumuo sa Soviet Union
01:34.8
o Union of Soviet Socialist Republics.
01:37.8
Sa panahon ng Soviet Union ay sinusuportahan ng pamalaan ang mga mamamayan ng Russia.
01:43.5
May mga trabaho ang mga tao, particular na sa pagsasaka at pagmimina.
01:48.4
Pero nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991,
01:52.0
nawala ang suporta ng Estado sa mga rural-based industries.
01:56.4
Maraming nagsarang mga factories at minahan na naging sanhi ng kawalan ng trabaho.
02:02.0
Dahil dito, maraming mamamayan, lalo na ang mga kabataan,
02:05.8
ang piniling hanapin ang kapalaran sa mga mas progresibong syudad.
02:10.1
Naging disadvantage din ang kakulangan ng infrastruktura at mahinang kalidad ng edukasyon,
02:15.7
kaya nahirap ang makabangon ang mga napag-iwanang komunidad.
02:19.5
At ito nga ang naging dahilan ng pagdami ng mga abandonadong lugar sa Russia.
02:24.5
Mga nayong dating sentro ng industriya, pero ngayon ay mga mistulang ghost towns na.
02:34.8
Ang mga lugar na itatampok natin ngayon ay ilan lamang sa mga ghost towns ng Russia.
02:41.2
Ito ang nayon ng Yakshina, isa sa mga ghost towns sa Russia.
02:47.3
Tila ba nasa isang apocalyptic movie?
02:50.1
Nang mabuwag ang Soviet Union, isa ang Yakshina sa naapektuhan.
02:54.4
Maraming tao ang lumipat sa ibang lugar dahil sa wala na silang trabaho at makain.
02:59.8
Kung titingnan mo ang nayong ito, ay maaari kang makaramdam ng lungkot at pagkatakot.
03:05.6
Pero para sa ibang mga Russians, lalo na sa mga dating mamamayang nanirahan dito,
03:10.6
ang nakikita nila ay kagandahang binubuhay ng mga masasayang alaala.
03:15.8
Ang taong nakamaskara sa larawan ay ang artist na si Alisa Gorshinina,
03:20.7
dating nanirahan sa Yakshina.
03:22.9
Isa siya sa mga artist na binubuhay sa mga ghost towns sa pamamagitan ng kanilang mga artworks.
03:29.1
Kumukuha siya ng mga larawan sa iba't ibang lugar sa Yakshina
03:32.7
kung saan may suot siyang mga maskara o costume
03:35.5
na gawa sa tela ng mga lumang kurtina o sa pins sa kama.
03:39.6
Ayon sa nbcnews.com, mas kaunti pa sa 200 katao ang naninirahan sa Yakshina noong 2019.
03:48.2
Narin din ang bayan ng Kadikchan na dating pinaunlad ng coal mining.
03:52.8
Nang matuklasan ang deposito ng coal dito,
03:55.5
lumago ang bilang ng mga mamamayan ng mahigit 10,000 noong 1970s.
04:01.0
Pero nang mabuwag ang Soviet Union at bumaba na rin ang presyo ng coal noong 1990s,
04:06.4
tuluyan ang nagsara ang mga minahan.
04:08.8
At nang may sumabog na mina noong 1996 na pumatay sa limang tao,
04:13.7
lalo pang bumaba ang bilang ng populasyon sa 300.
04:17.6
Di nagtagal nang huminto na ang operasyon ng boiler room
04:21.5
na nagbibigay ng init sa napakalamig na klima ng Kadikchan,
04:25.4
tuluyang nag-alisan ang mga natitira pang mamamayan.
04:29.9
Ibinibida naman ang mga larawang kuha ng photographer na si Maria Passer
04:34.7
ang mga nagiyelong abandoned buildings at facilities sa isa pang coal mining community,
04:41.4
Ang syudad ng Vorkuta ay dating gulag labor camp noong 1930s hanggang 1960s,
04:47.5
kung saan ang mga bilanggo ay pursahang pinagtatrabaho sa mga minahan.
04:52.1
Ang Vorkuta ay itinuturing na pinakamalamig na syudad sa Europe,
04:56.4
kaya naman para makahikayat ng mga minero ay napakalaki ng sweldong inoofer dito noon.
05:02.0
Dahil dito lumobo ang populasyon ng 250,000 katao,
05:06.7
pero ngayon nasa 50,000 na lamang ito.
05:09.5
Tulad ng mga una nating nabanggit noong mabuwag ang Soviet Union,
05:13.5
ang mga minahan sa Vorkuta ay nagsara din,
05:16.3
kaya marami ang lumipat sa ibang lugar.
05:18.7
Itagdag mo pa dyan ang napakalamig na temperatura ng lugar na hindi nakayanan ng karamihan.
05:24.5
Although marami ang umalis sa mga ghost towns dahil sa hirap ng buhay,
05:28.7
meron pa din namang mga Russians na hindi umaalis sa lugar.
05:33.2
Karamihan sa kanila, gustuhin man nilang umalis,
05:36.0
ay wala silang perang panglipat sa ibang lugar,
05:38.9
dahil hindi naman mabibenta ang kanilang bahay.
05:41.6
Kaya nanatili na lamang sila at naghihintay nabigyan ng gobyerno ng subsidized housing.
05:47.6
At meron namang iba na ayaw talagang umalis
05:50.3
dahil ito lang ang lugar na itinuturing nilang tahanan.
05:53.7
Pagkabuwag ng Soviet Union,
05:55.7
pagbagsak ng dating maunlad na industriya,
05:58.4
kawala ng trabaho at oportunidad para umunlad.
06:01.8
Ito ang mga dahilan sa pagdami ng ghost towns sa Russia.
06:05.7
Pero bagamat abandonado na,
06:07.7
mananatiling buhay ang mga alaalang kinakapitan
06:11.4
ng mga mamamayang minsang nagbigay buhay at sigla sa mga ghost towns ng Russia.
06:17.3
Nagustuhan nyo po ba ang content natin ngayon?
06:19.8
Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes.
06:22.7
This is your Ate O from our Republic.
06:24.8
Hanggang sa muli and stay awesome!
06:28.4
Thank you for watching!