Close
 


5 Proven Tips Kung Paano Baguhin Ang Sarili : WEALTHY MIND PINOY
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sabi ng American entrepreneur na si Jim Rohn, "For things to change, you've got to change." Kung hindi mo gusto ang iyong sitwasyon ngayon, meron kang kakayahan na baguhin ito. Kaya naman sa videong ito, ibabahagi ko sayo ang 5 bagay na makakatulong sayo para baguhin ang iyong sarili. Make sure na mapanuod mo ang buong video at malista ang mga mahahalagang aral. Recommended video; Paano Baguhin Ang Iyong Mindset: https://youtu.be/TML0tCf19E0?si=ULm0pnghZkGo0L4R CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #payamantips #successmindset #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 12:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
If there is a part of your life that you want to change, what is it?
00:15.6
Is it your finances, how you manage your money, your productivity, how you use your time, or is it your health?
00:26.0
Merong bahagi ng ating buhay na kontento na tayo at meron din bahagi ng ating buhay na alam natin na kailangan nating gawa ng improvement.
00:34.7
Alam natin na meron tayong potensyal at siguro ay yan ang dahilan kung bakit gusto nating mag-improve.
00:40.7
Kung sakaling hindi ka masaya sa iyong trabaho ngayon, baguhin mo ang iyong daily routine.
00:45.8
Sa halip na maglaro, gumala at gumawa ng mga unproductive na bagay pagkatapos ng trabaho,
00:51.5
gamitin mo ang iyong ekstrang oras para maghanap ng mapagkakitaan at mag-develop ng skills na connected sa iyong passion.
00:59.5
Kung hindi mo gustong palagi ka nalang kapo sa pera at umaasa nalang sa utang,
01:04.0
baguhin mo ang iyong spending habit, matuto kang mag-manage, mag-tipid, mag-budget, at trabahuin mo rin na mapalaki ang iyong income.
01:13.5
Kahit hindi overnight o instant na mangyayari ang pagbabago na gusto natin,
01:18.0
paniguradong mangyayari pa rin ng mga ito sa inaharap as long as willing tayo na magbago ngayon
01:24.0
at ipagpatuloy ang ating nasimulang pagbabago hanggang sa maabot natin ang ating desired outcome.
01:30.0
Kaya naman sa video natin ngayon, ibabahagi ko sayo ang 5 tips na makakatulong sayo na baguhin ang iyong sarili.
01:37.5
Naniniwala ako na matutulungan ka ng 5 tips na ito kaya siguraduhin mapanood mo hanggang dulo at ilista mga mahahalagang aral.
01:46.5
So hindi na natin patatagalin pa at simulan na natin talakayin ang unang tip.
01:52.5
Number 1. Baguhin mo ang iyong mindset.
01:55.5
Kahit klisey pakinggan ang ganitong statement at paulit-ulit nalang natin itong naririnig,
02:01.0
huwag sana natin itong baliwalain dahil nananatili pa rin itong totoo hanggang ngayon.
02:06.0
Lahat ng pagbabago na gusto nating mangyari sa ating buhay ay nagmumula sa ating utak.
02:11.5
Meron kasi tayong mga paniniwala na pumipigil sa atin para maabot ang uri ng buhay na gusto natin.
02:18.0
Halimbawa, gusto mong yumaman, magkanegosyo at kumita ng malaking halaga buwan-buwan.
02:23.5
Pero at the same time, naniniwala ka rin na mga mayayaman ay masamang tao, sakim at pera ang ugat ng kasamaan.
02:31.5
Sa tingin mo, saan kaya magre-reflect ang resulta na ayong makukuha?
02:36.0
Siyempre, sa kung ano ang nasa loob ng iyong utak.
02:39.0
Ang ating mindset kasi ay parang blueprint na ng ating buhay.
02:43.0
Kung may mindset ka nakatulad sa isang mahirap na tao, kahit anong opportunity pa ang darating sayo,
02:49.0
hindi ka pa rin yayaman dahil sa pangmahirap ka na mentality nakaprogram.
02:54.0
Kung may mindset ka naman nakatulad sa isang reklamador at ungrateful na tao,
02:58.5
hindi ka pa rin magiging masaya kahit anong biyaya pa ang darating sayo.
03:02.5
Magbabago lang ang quality ng iyong buhay kung babaguhin mo ang iyong mindset.
03:08.0
Kaya unang step na kailangan mong trabahuin ay ang iyong mental programming
03:12.5
dahil malaki ang chance na maaga kang nakondisyon sa mga paniniwala na hindi nakakatulong sayo ngayon.
03:19.0
Katulad ng hindi mo naman madadala sa langit ang pera.
03:22.0
You only live once kaya gastusin mo na lahat ng kinikita mo ngayon.
03:26.0
Kapag mayaman ka, mayabang ka.
03:28.5
At kapag nag-iipon ka, magkakaroon ka ng sakit.
03:32.0
Siguro ay merong sense o applicable pa mga paniniwalang ito dati pero iba na ang panahon natin ngayon.
03:38.5
Kailangan na nating maging wais at magpatutoon na halos lahat ng bagay na kailangan natin ay merong koneksyon sa pera.
03:46.0
Kaya kung ano man ang goal na gusto mong maabot ngayon,
03:48.5
mahalagang obserbahan mo ang iyong mga paniniwala o mga idea na madalas na tumatakbo sa iyong utak
03:55.0
dahil malaki ang chance na iyan ang dahilan kung bakit hindi ka committed sa iyong ginagawa at kulang ka palagi sa motivation.
04:02.0
Pwede mong ilista ang iyong mga paniniwalaan ngayon
04:05.5
tapos tanungin mo ang iyong sarili kung nakakatulong ba ito sa goal na gusto mong maabot.
04:11.0
Kung hindi, kailangan mo itong palitan ng paniniwala na mas applicable sa iyong sitwasyon ngayon.
04:17.0
Katulad na lang ng mga cellphone,
04:19.0
Para mag-function ito ng maayos, matanggal ang bugs at ma-unlock ang mga bagong features,
04:25.0
kailangan mong i-install ang bagong software.
04:28.0
At parang ganun lang din sa ating sarili,
04:30.5
kailangan natin gawa ng update ang ating mindset para mabago natin ang quality ng ating buhay.
04:37.0
Kung gusto mong malaman kung paano baguhin ang iyong mindset para magtagumpay,
04:41.0
panoorin mo ang nagawa na naming video tungkol sa topic na ito.
04:44.5
Ilalagay ko na lang ang link sa description at comments section ng video.
04:53.5
May mga taong magaling sa dalawa o tatlong bagay, pero walang taong na magaling sa lahat ng bagay.
04:58.5
Ika nga ng kasabihan, a jack of all trades is a master of none.
05:03.5
Ang mga taong hinahangaan mo ngayon, kaya sila naging successful sa napili nilang larangan,
05:08.5
yun ay dahil naglaan sila ng mahabang panahon para ma-master ang bagay na magaling sila ngayon.
05:14.0
Totoo na lahat ng bagay na gusto nating ma-master ay nangangailangan ng mahabang oras bago ito magproduce ng resulta.
05:21.5
So ibig sabihin, kailangan nating sanayan ng ating sarili na magfocus sa isang bagay hanggang sa magbunga ito ng maganda.
05:29.5
Pero kung nagsisimula ka pa lang at iniisip mo pa kung ano talaga ang iyong goal,
05:34.5
pwede ka pang sumubok ng maraming bagay at dadaan sa mga trial and error.
05:39.5
At once na-figure out mo na ang iyong purpose,
05:42.0
yung ramdam mo na ito ang gusto kong mangyari sa aking buhay at ito ang gusto kong gawin hanggang sa ako ay tumanda,
05:48.5
toon ka na magsimulang magfocus at idedicate ang iyong oras sa pagkuhan ng karunungan para ma-achieve mo ang iyong goal.
05:56.0
Mahalagang patunayan mo sa iyong sarili na meron kang commitment na magbago at maging master sa isang bagay.
06:03.0
Maraming magandang binipisyo ang naibibigay ng pagiging focus.
06:07.0
Una, hindi ka stress dahil hindi occupied ang iyong utak ng maraming impormasyon at ideya na walang kinalaman sa bagay na mahalaga sayo.
06:16.0
Sahilip na distracted ka sa iyong paligid,
06:19.0
nagiging intentional ka sa mga impormasyon na gusto mong ipasok sa iyong utak.
06:24.0
Pangalawa, quality work.
06:26.0
Dahil naglaan ka ng sapat na oras sa iyong kinagawa,
06:29.0
makikita mo rin ang mga bahagi na dapat gawa ng improvement.
06:33.0
At pangatlo, madali mo lang matatapos ang iyong trabaho.
06:36.5
Dahil wala kang ibang ginagawa at lahat ng iyong atensyon ay nakadirekta lang sa isang gawain.
06:42.5
So kung pakiramdam mo ngayon ay parang hindi ka productive
06:45.5
at parang nahihirapan kang magproduce ng resulta sa iyong ginagawa,
06:49.5
siguro ay kailangan mo nang ihinto ang iba mong mga gawain at magfocus ka muna sa isang bagay.
06:56.5
Number three, maging responsable ka sa iyong buhay at iwasan mo ang magreklamo.
07:02.5
Noong mga bata pa tayo, mahilig pa tayong umaasa sa iba,
07:05.5
especially sa ating mga magulang, dahil wala pa tayong alam, mahina,
07:10.5
at hindi pa natin kayang suportahan ang ating sarili.
07:13.5
Madalas ay ginagawa at binibigay ng ibang tao ang mga bagay na gusto natin,
07:18.5
pinapakain tayo, pinapaaral, at tinuturuan kung ano ang mga mali at tama.
07:23.5
Lahat tayo ay dadaan sa ganitong estado ng buhay.
07:26.5
Pero kung malaki na tayo, kailangan na nating maging less dependent.
07:31.5
Dapat iisipin na natin na kung ano ang gusto nating ma-achieve, tayo dapat ang kikilos.
07:36.5
Kung goal mong makaipo ng pera ngayong taon, ikaw ang responsable na emanage ang iyong income ng maayos.
07:43.5
Kung goal mong maging skillful sa isang bagay, ikaw ang responsable na maglaan ng oras para mag-aral o mag-insayo araw-araw.
07:51.5
May mga taong susuporta sa iyo kung gusto mong magsucceed sa buhay, maganda yun.
07:56.5
Pero sa huli, ang iyong success ay sa iyo pa rin nakadepende.
08:00.5
Dahil most of the time, ikaw ang gumagawa ng desisyon kung ano ang mga bagay ang dapat gawin para umasenso at mga bagay na dapat iwasan.
08:09.5
Alam ko na hindi madaling proseso na baguhin ang ating sarili.
08:13.5
Minsan ay natutokso tayong magreklamo na lang at manisi ng iba dahil gusto nating tumakas sa ating mga responsibilidad.
08:20.5
Pero kailangan din nating tandaan na ang buhay ay hindi madali.
08:23.5
Hindi ka matutulungan ng pagre-reklamo kung gusto mong umasenso.
08:27.5
Kailangan nating kumilos, gumawa ng effort, maging consistent, harapin ang hamon ng buhay at bayaran ang price na mga bagay na gusto nating makuha.
08:42.5
Isa sa malaking factor kung bakit hindi nagbabago ang buhay ng karamihan sa atin, yun ay dahil ayaw nilang umalis sa kanilang mga comfort zone.
08:50.5
Gusto nilang gawin lang palagi kung ano yung nakasanayan.
08:53.5
Masyadong risky sa kanila ang ideya ng pagbabago at ayaw nilang bigyan ng challenge ang kanilang sarili.
09:00.5
Minsan, masayang gawin kung ano yung mga nakasanayan.
09:03.5
Hindi ka natya-challenge at komportable ka lang.
09:06.5
Pero kung gusto mong mag-succeed sa buhay, mag-grow at maging skillful, hindi mo yun maa-achieve as long as nasa iyong comfort zone ka pa rin.
09:14.5
Kung paulit-ulit mong ginagawa ang isang bagay, parehong resulta lang din ang iyong makukuha.
09:19.5
At hindi yan magbabago dahil ganyan talaga ang sistema ng ating mundo.
09:24.5
Ika nga nang sinabi ng American entrepreneur na si Jim Rohn,
09:28.5
If you don't change what you're doing today, all of your tomorrows will look like yesterday.
09:34.5
Kung mananatili ka sa iyong comfort zone, maraming opportunity ang masasayang.
09:39.5
Opportunity na mag-grow, matuto sa maraming bagay, at opportunity na makamit ang iyong goal.
09:45.5
Kaya mabuting disisyon na dahan-dahan mong iwanan ang iyong comfort zone at simulang abutin ang iyong potensyal.
09:58.5
Pusibling ang goal mo ay magkaroon ng malaking income, makapag-ipon para sa iyong emergency fund at retirement o di kaya ay magpatayo ng iyong dream house.
10:06.5
Kahit ano pa yan, mahalaga na meron kang goal.
10:09.5
Dahil yan ang magbibigay sa'yo ng energy at inspirasyon para kumilos.
10:14.5
Ikaw, meron ka bang goal ngayon?
10:16.5
Kung may magtatanong sa'yo na para saan ka bumabangon, meron ka bang malinaw na sagot?
10:21.5
Pero kahit alam natin na lahat ng goal na gusto nating maabot ay merong price,
10:25.5
marami pa rin sa atin ay stuck, nahihirapang magsimula at biktima palagi ng procrastination.
10:32.5
Kung nahihirapan kang simula ng iyong goal ngayon,
10:35.5
kailangan mo lang intindihin na wala kang ibang choice kundi ang kumilos.
10:38.5
Kahit hindi ka feeling motivated as long as wala kang sakit, kailangan mong magsimula.
10:43.5
Dahil hindi naman darating sa'yo ang biyaya kung wala kang gagawin.
10:47.5
Hindi ka magkakaroon ng muscle kung hindi ka magbubuhat ng mga mabibigat na bagay.
10:52.5
Hindi ka makakapag-ipon at mabayaran ang iyong mga utang kung puro gastos lang ang ginagawa mo sa iyong pera.
10:59.5
At lalong hindi rin magbabago ang iyong buhay kung palagi mo lang iniisip ang iyong goal tapos wala kang aksyon.
11:06.5
Kaya kung gusto mong magbago ang iyong sarili simula ngayon, kailangan mong trabahoin ang iyong goal.
11:12.5
In conclusion, lahat tayo ay gustong magbago dahil alam natin na meron pang bahagi ng ating buhay na dapat gawa ng improvement.
11:20.5
At ang mga iilang paraan para mabago natin ang ating buhay ay number one, baguhin mo ang iyong mindset.
11:27.5
Number two, magfocus ka sa isang bagay.
11:30.5
Number three, maging responsable ka at iwasan mong magreklamo.
11:35.5
Number four, umalis ka sa iyong comfort zone.
11:38.5
At number five, simulan mo nang trabahoin ang iyong goal.
11:42.5
Sa limang bagay na tinalakay natin ngayon, alin sa mga ito ang marami kang natutunan?
11:47.5
Magbigay ka ng iyong comment sa iba ba.
11:49.5
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
11:52.5
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
11:58.5
Visitahin mo na rin ang iba pa naming social media account at mag-follow.
12:03.5
I-like kung nagustuhan mo ang video.
12:05.5
Mag-comment ng iyong mga natutunan.
12:07.5
At i-share mo na rin ang video ngito sa iyong mga kaibigan.
12:10.5
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!